Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Kung kailan malapit na po ang Semana Santa at inaasahang maraming babiyahe,
00:05nagtaas po ng pamasahe ang ilang shipping company dahil sa patuloy na gulo sa Middle East.
00:10At may ilang biyahe rin ng barko na nagbawas muna ng mga biyahe para raw makatipid sa krudo.
00:16Nakatutok si Darlene Kai.
00:20Sa kapuloang gaya ng Pilipinas na marami ang umaasa sa mga barko,
00:24masakit para sa ilang pasahero ang pagtaas ang pamasahe ng ilang shipping company.
00:28Sa Cebu City, nag-anunsyo ng pansamantalang fare increase ang ilang shipping company.
00:34Merong efektibo ngayong araw, meron ding simula ngayong lunes.
00:38May mga anunsyo rin ng pansamantalang suspensyo ng ilang biyahe bilang pagtitipid sa krudo.
00:43Ayon sa Maritime Industry Authority o Marina,
00:45bagamat karapatan ang mga operator na ayusin ang kanilang mga passenger at cargo rate,
00:49alinsunod sa Republic Act 9295, may patakaran dapat para rito.
00:54Pwede ang hanggang 20% na taas pasahe pero sa gitna lamang ng krisis.
00:59At dapat maaga ang pag-abiso.
01:01Kailangan po nila na inform ang marina at ang publiko.
01:07Kailangan po ng publication.
01:09Pag ang trading route ng isang barko ay sa inter-region,
01:14dapat yung mga affected na mga regions,
01:17ay kailangan po nilang mag-pascale doon ng mga new rates po nila.
01:23Two weeks po ang requirement ng publication for upward rate adjustment.
01:30At bukod sa taas pasahe, ayon sa Marina,
01:32dapat mag-abiso rin agad ng bawas pasahe ang mga shipping firm,
01:36oras na magbawas presyo ang krudo.
01:38Kailangan din po nilang mag-posulit ng adjusted rates.
01:43Ito na po yung bumabang rates pero it will take effect immediately.
01:48Sa Batangas, may shipping company na magtataas ang pamasahe sa Roro sa lutang Batangas-Calapan,
01:53simula March 23.
01:55May taas pasahe rin sa iba pang ruta.
01:57Maaga man ang abiso, dismayado pa rin ang ilang pasahero sa Batangasport.
02:02Ang sya rin siyang mabigot sa bulsan.
02:04Eh no, wala namang choice.
02:06Ang jeepney driver namang si Jesus,
02:09nag-aalala sa pag-alagwa ng presyo ng petrolyo.
02:12Noong isang linggong araw,
02:14limandaang piso kada araw na agad ang natapya sa arawan niyang kita.
02:18Ano parawang matitira kapag may panibagong dagdag-singil?
02:21Tigil muna biyay pag hindi na kinaya.
02:25Dahil?
02:26Wala na, wala lang kikitain yun.
02:28Apply muna sa ibang trabaho kung anong pwede.
02:31Ang grupong Manibela ipoprotesa sa linggong ito ang patuloy na taas presyo ng langis.
02:36Kung ganito po, lagi ang pahayag ng ating gobyerno,
02:40nang wala pong solusyon na nakikita,
02:43kasi parang inaabangan na lang natin na tumaas at pasanin yung hirap nitong tulot ng gera sa Middle East.
02:53Sabi nila, panahon na raw para sa pisong provisional fare increase.
02:57Bakit pa naman kami bibiyahe, mamamasada,
03:00kung malulugi lang din naman po kami.
03:02Sana maunawaan ito ng ating mga kababayan.
03:05Okay lang kasi malulugi naman yung mga driver natin kung hindi sila magtataas ng pamasahe.
03:12Mabigat din po kasi wala naman kami magagawa.
03:14Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Energy sa mga oil company
03:19para sa pagpapatuloy ng fuel discount program sa mga motorista,
03:22lalong-lalo na sa mga PUV driver, TNVS driver at delivery riders.
03:28Para sa Gym Integrated News, Darlene Kai nakatutok 24 oras.
03:33Patuloy ang pag-uwi ng mga Pilipinong na ipit sa gitna ng krisis sa Middle East.
03:37Isang kababayan naman natin sa Qatar,
03:39ang sugatan ng tamaan ng shrapnel.
03:42Ang Department of Migrant Workers naglabas sa mababala sa mga tripulante
03:45para iwasang dumaan sa Persian Gulf at Strait of Hormuz.
03:49Nakatutok si Jamie Santos.
03:59Gumuhit ang mga misail ng Iran sa ere ng West Bank at Jerusalem
04:03sa ikalawang linggong ng pakikipagpalitan nila ng atake sa Israel at Amerika.
04:07Ang mga pag-atake, pilit na sinasalag ng pwersa ng Israel.
04:17Dumadagundong din ang mga pagsabog sa Lebanon.
04:20Bago yan, tinarget ng Israel ang ilang bahagi ng Central Beirut
04:24kung saan isang apartment ang tinamaan.
04:27Mahigit dalawang daan na ang nasawi sa Lebanon
04:29simula ng mag-air strike ang Israel sa mga lugar na kontrolado ng grupong Hezbollah.
04:34Kasunod yan ang pag-atake ng grupo sa Israel
04:37bilang ganti sa pagkamatay ng Supreme Leader ng Iran.
04:41Babala ng Israel sa gobyerno ng Lebanon,
04:44patuloy na madadamay ang buong bansa
04:46kung hindi nila makokontrol ang Hezbollah.
04:51Ramdam din ang tensyon sa iba't ibang bansa sa Middle East,
04:54tulad sa Kuwait, kung saan nasunog ang gusali ng social security
04:58dahil sa drone attack ng Iran.
05:00May mga napinsala rin imprastruktura sa Dubai.
05:03Ngayong araw, balikbansa ang 61 OFWs mula Dubai, UAE
05:08dahil sa nagpapatuloy na gera sa Middle East.
05:11Sa Doha, Qatar, isang Pilipino naman ang nasugatan ng tamaan ng shrapnel
05:15mula sa na-intercept na misail.
05:17Ligtas na ito at nagpapagaling.
05:20Dalawang putsyam na Pilipino ang pansamantalang pinatuloy
05:23sa mga temporary accommodation
05:24matapos lumikas mula sa kanilang tirahan
05:27dahil malapit ito sa mga danger zone.
05:29Sa Tel Aviv, 35 Pilipinong pilgrims at turista
05:34ang tinulungan ng embahada para makatawid ng border patungong Egypt at Jordan.
05:39Patuloy ang repatriation efforts ng gobyerno
05:41sa mga Pilipinong turista na stranded sa iba't ibang lugar sa Middle East.
05:45Sa ngayon, 82 sa mahigit isang daang stranded na mga Pinoy sa Jordan
05:50ang pauwinan ng Pilipinas.
05:5231 Pilipino tourist ang nasa Amnam pa.
05:56Samantala, pinirmahan ni Secretary Hans Kakdak
05:59ang Advisory No. 11 Series of 2026
06:02na nagtatakda sa Persian Gulf at Strait of Hormuz
06:05bilang war risk operation area o war risk zone.
06:08Ang mga tripulanting Pilipino po,
06:12particular sa mga ship owners na nagdadala ng tripulanting Pilipino,
06:16ay hindi po inaasahan na nando doon sa area na yun
06:21or else bigyan ng RICO Refuse Sailing
06:24ang ating mga tripulanting Pilipino
06:27at hanggang maaari iwasan itong bahagi ng mundo na ito
06:30gawang napakatilikado po sa ngayon.
06:33Para sa GMA Integrated News,
06:35Jamie Santos, nakatutok 24 oras.
06:39Nagkatencion sa kilos protesta
06:41ng mga militanteng grupo ngayong International Women's Day.
06:48Sinubo ka makalapit ng mga ralista sa U.S. Embassy.
06:52Hinarampo sila ng mga polis at panawagan ng mga ralista
06:54ang pagwawakas ng gera sa Middle East
06:57at pagsugpo sa pambabastos sa kababaihan.
07:01Sa isang pahayag,
07:02nagpaabot ng pagbati at papuri
07:04si Pangulong Bangbo Marcos para sa kababaihan.
07:07Tiniyak niya ang anyay commitment ng administrasyon
07:11na napakikinggan, iginagalang at nabibigyan
07:14ng kapanyarihan ang kababaihan.
07:16Nanawagan naman si Vice President Sara Duterte
07:18na magkaisang itaguyon
07:20ang isang kinabukasan
07:21kung saan ang bawat Pilipina
07:23ay may dangal na mamuno
07:25at ang mga babae
07:27ay may oportunidad
07:28at hindi lamang mga tungkulin.
07:31MIRASI
07:33ANIMPUS
07:33A
07:33ANIMPUS
07:35ANIMPUS
Comments

Recommended