Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga tahapon po, kahit may isyong legal pa sa pondo ng PhilHealth na ibanalik sa National Treasury,
00:07inanunsyo ni Pangulong Marcos na ibabalik sa ahensya ang 60 billion pesos na pondo.
00:13Gagamitin daw ang pondo sa pagpapalawak ng servisyo ng PhilHealth.
00:17Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:21Sa pagbisita kanina ni Pangulong Bombo Marcos sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila,
00:27kaugnay sa Zero Balance Billing Program, isang magandang balita ang inanunsyo niya.
00:32Lahat yung mga savings natin na bago na galing sa iba't ibang departamento but mainly from Department of Public Works and Highways,
00:43yung 60 billion na yan, ibabalik na natin sa PhilHealth, gagamitin na natin yan para palawakin pa ang servisyo ng PhilHealth.
00:532024, inutos ng Department of Finance na ilipat sa National Treasury ang sobrang pondo ng PhilHealth na aabot sa 89.9 billion pesos,
01:03alingsunod sa probisyon ng 2024 General Appropriations Act.
01:08Mula May 2024 hanggang bago mag-issue ng Temporary Restraining Order o TRO ang Korte Suprema noong November 2024,
01:16nasa 60 billion pesos na ang natransfer ng PhilHealth sa National Treasury.
01:20Ngayong may babalik na ang 60 billion pesos sa PhilHealth ayon sa kagawaran,
01:26makatutulong raw ito para mapalawin nila ang ilang programa at servisyo,
01:30kabilang na ang libreng gamot para sa mahigit 50 medisina at libreng screening para sa ilang uri ng cancer.
01:37We are very much appreciative of this new development.
01:43It will actually help us more in sustaining our benefit expansion and the optimization of our services.
01:54This is also a reflection na kahit paano tayo ay napapagkatiwalaan ng ating gobyerno.
02:01Nakakatulong din kasi siyempre pag may ganyan ka, maganda din yung palalawakin pa.
02:08Maganda yun na gagawin nila is mababalik nila sa PhilHealth yung pera para may tulong sa mga mamayang Pilipino.
02:16Nakabingbin pa sa Korte Suprema ang petisyon laban sa paglilipat ng pondo.
02:20Nitong Abril nang tapusin ng SC ang oral argument sukol dito.
02:23Suportado ng Department of Finance ang desisyon ng Pangulo na dagdagan ang pondo ng PhilHealth para sa pagpapalawig ng benepisyo at servisyo nito.
02:32Ang DOF daw ang nagrekomendang ibalik ang 60 billion pesos.
02:37Naging factor umano ang pagkakaroon ng fiscal space dahil sa pagpapahinto sa mga flood control project.
02:43Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.
02:47Naka-alerto sa Bayong Nando ang mga probinsya sa Norte at may mga maagang nag-ani ng pananim.
02:55Meron din mga mangingis lang ng huli na bago pa sumungit ang lagay ng panahon.
03:01Mula sa lawag, Ilocos Norte, Nakatutok si Sandy Salvaso ng GMA Regional News.
03:06Sandy?
03:10Piyahada na rin makipag-tulungan sa disaster preparedness and response ang DPWH.
03:14Katunayan niyan, may ilang mga heavy equipment nang nakadeploy sa ilang mga lugar sa probinsya ng Ilocos Norte.
03:26Habang hindi paramdam ang bagyong Nando sa Lawag City, sinasamantala ng mga mangingisda na pumalaot para may mahuli.
03:32Habang magandang panahon, kung garatin na yung bagyo, wala na.
03:37Inaayos na rin nila ang mga bangka para hindi tangayin.
03:40Naka-alerto na ang Ilocos Norte DRMO.
03:43Deployed na sa iba't ibang bayan ang ilan sa mga search, rescue, and retrieval equipment ng probinsya.
03:59Mahigpit ding minomonitor ang pag-apaw ng mga creek at ilog sa mga barangay katuwang ang Philippine Coast Guard na nagbabantay naman sa coastal area sa region.
04:08Nagsagawa na rin ang Oplan Waragawag, ang mga otoridad upang abisuhan ang mga may alagang hayop na isecure na ang mga ito bago pa manalasa ang bagyo.
04:19Sa ngayon, bawal ng mangisda at maligo sa dagat sa lawag.
04:22Ang ilang magsasaka, nag-ani na rin ang kanilang palay.
04:26Gayon din ang mga magsasaka sa kasiguran aurora.
04:29Sa Sabtang Batanes, tinalian na ng mga residente ang mga bubong ng kanika nilang bahay.
04:34Nakahanda na rin ang relief goods sa mga evacuation center.
04:37Naka-alerto rin ang otoridad sa Batanes.
04:47Pia, naglabas na rin ang abiso ang otoridad patungkol sa storm surge sa probinsya ng Cagayana at Ilocos Norte
04:54na kung saan inaasahan ang pagtaas ng alon mula dalawa hanggang tatlong metro.
05:00Bunsod ito ng bagyong nando.
05:01Pia, pinapayuhan ang mga residente sa tabing dagat na maghanda na para sa posibleng paglikas.
05:07Pia.
05:09Maraming salamat, Sandy Salvaso, ng GMA Regional TV.
05:14Bago pa man ang inaasahan hagupit ng bagyong nando,
05:17lumikas na mga residente sa isang barangay sa Apari, Cagayan.
05:21Pero pahirapan pa rin ang pagpapalikas sa ibang residente.
05:24Kumusayin natin ang sitwasyon doon sa Pagtutok Live ni Nico Wahe.
05:29Nico.
05:31Ivan, nagikot na ang MDRRMO ng Apari para abisuhan at palalahanan na kanilang mga residente
05:39sa posibleng maging epekto ng panalasa ng bagyong nando.
05:46Isang Apari, Cagayan, sa mga posibleng tamaan ng bagyong nando.
05:50Kanina kasamang MDRRMO, tinungo namin ang Sityo Zimay sa Barangay Padaya,
05:55isa sa mga lugar na una raw nilang inililikas kapag may parating na malakas na bagyo.
05:59Pag naba kasi sir, ay hindi siya napapasok ng mga malit na sasakyan.
06:04Ito po, mayroon tayong paparating na bagyo.
06:06Lahat po ay magingat, maghanda.
06:09Si Donna na nakatira sa gilid ng ilog, isa raw sa mga residenteng agad lumilikas bago pa dumating ang bagyo.
06:14Lumalaki po yung tubig.
06:16Tapos?
06:17At yung mga bahay po, nasisira yung...
06:20Pero may ibang hindi maiwan ang bahay.
06:22Hindi po, doon lang po kami sa bahay. Medyo mataas naman po doon.
06:26Sana'y nasa buha, sir.
06:27Prioridad din sa pre-emptive evacuation ng mga nasa coastal area.
06:31Wala pa man ang bagyong nando pero malalakas lang alon sa bahaging ito ng Apari, Cagayan.
06:36Dati-dati, kapag malakas ang bagyo at mataas ang alon, lumilipat daw yan dito sa mga sakahan.
06:41Kaya naman, ginawa ito nga mas mahaba at mas mataas na sea wall para kapag dumating ang malalakas na bagyo at umalon muli ng malalaki, ay hindi na masisira ang mga pananim.
06:54Handa na raw ang evacuation centers ng Apari para maging pansamantalang tutuluyan ng mga residente.
06:59Nakapreposition na rin ang mga relief goods na kanilang ipapamahagi.
07:02Ivan, sa ngayon ay medyo malakas at mataas na ang alon dito.
07:11Sabay bayin na ito ng Apari, Cagayan.
07:14Kaya yung mga manging isda ay iniangat na dito sa mas mataas na bahagi yung kanilang mga bangka.
07:21Pero inaasahan nila na kapag lumakas yung bagyo at mas mataas pa yung alon, ay baka ilagay pa nila sa mas mataas pang area itong kanilang mga bangka.
07:30Yan muna ang latest mula rito sa Apari, Cagayan. Balik sa iyo, Ivan.
07:34Ingat! Maraming salamat, Niko Wahe.
07:38At dahil sa Bagyong Nando, suspendido ang face-to-face classes sa Tugigaraw City sa Cagayan sa Lunes.
07:44Ay sa LGU, sakop niyan ang lahat ng antas mula po elementarya hanggang kolehyo sa mga public at private schools.
07:51Manatili po nakatutok sa 24 oras para sa iba pang anunsyo.
07:56Samatala, arestadong isa sa dalawang na huli cam na nanalisik sa isang nakaparadang pickup sa Quezon City.
08:04Ang mga sospek binasig ang bintana ng sasakyan para makapagnakaw.
08:09Nakatutok si Marisol Abduramaan.
08:11Biglang tumigil ang magkaangkas na rider na ito nang makita ang isang nakaparadang pickup truck.
08:20Bumaba ang angkas at tila may sinipat sa sasakyan.
08:23Maya-maya pa, may mga bit-bit na itong bag.
08:26Binasag na pala nilang bintana ng pickup at tinangay ang mga gamit sa loob ng sasakyan ng biktima na isang negosyante.
08:33Pumarada lang daw noon dahil na ng halian.
08:35Pag balik nila, nakabukas na yung window. Basag na po.
08:38Kuya, mga yan by chance talaga eh.
08:41At makikita mo sa profile nila, mga hindi tiga dito sa Quezon City.
08:46Sa loob lang ng ilang segundo, nakuha ng suspects ang dalawang mamahaling laptop, baril at mga bala at iba pang personal na gamit.
08:54Mayroon din din yan ginagamit na device para mabilis din nilang pag makikita nyo po sa video na ilang seconds lang nilang ginob.
09:04Agad nag-follow up ang QCPD matapos ma-report sa kanila ang insidente.
09:09Kaya makalipas lamang ang isang araw.
09:12Huli ang isa sa mga suspects.
09:15Nabawi sa kanya ang mga ninakaw na gamit.
09:17Na-recover din ang motrosiklo na ginamit sa krimen kung saan nakita ang mga suot nilang damit ng araw na nagnakaw sila.
09:23Hindi na itinagin ang narasang suspects ang krimen.
09:26Takagipitan lang po.
09:28Ano ang usapan nyo?
09:30Magkakatiinan lang daw po kami sa pera.
09:32Pag nabenta daw po yung gamit.
09:35Kilala na rao ng QCPD ang isa pang suspects na hanggang ngayon ay at-large pa rin.
09:40Dati na rin daw itong nasangkot sa iba't ibang krimen.
09:43Para sa GMA Integrated News,
09:46Marisol Abduraman,
09:48Nakatuto, 24 Horas.
09:50Sa gitna ng paghahanda sa malakas sa bagyo, pinaghahandaan din.
10:02Ang inaasahan mga kilos protesta kontra katewulian bukas.
10:06Ngayong bisperas ang protesta sa mga kinurakot umanong proyekto kontra baha.
10:10May demonstrasyon na sa Hagonoy, Bulacan habang nakalublub sa baha.
10:14At mga ralayista.
10:15Mula sa Quezon City, Nakatutok Live, si Bon Aquino.
10:18Bon!
10:23Ivan, dito sa Metro Manila, puspusa na ang paghahanda para sa rally kontra korupsyon bukas.
10:28Pero sa Hagonoy, Bulacan, may patikim na ng protesta sa gitna ng baha.
10:32Sama-samang lumusong sa baha, mga tagahagonoy Bulacan na nagprotesta laban sa mga kinurakot umanong flood control project.
10:48Sigaw nila, pagtindik sa laban, sa korupsyon at pagresolba sa paulit-ulit na problema ng baha sa kanilang bayan,
10:55lalo na kung high tide at may sama ng panahon.
10:57Bago ang marcha, nagdaos ng misa sa dambanan ng Santa Ana.
11:02Ipinanawagan din nila na mapanagot ang mga nagnanakaw sa kaban ng bayan.
11:07Kasama ng mga residente ang iba't ibang sektor tulad ng simbahan, kabataan, mga PWD, Toda, Guro at Mangingisda.
11:14Suportado rin ng lokal na pamalaan, pulisya at mga bombero ang tilos protesta.
11:19Agang sakayin po, ang ating mga paa ay nakababad po sa tulibaha.
11:27Ang bayan po namin, ang sinamantalan ng ilimpak-ilimpak na hangaring sakim na napunta po sa bulsa ng ikilay.
11:35Sawang-sawa na po kami, napakahira po.
11:37Kung sana-sana po, maranasan nila yung mga naranasan kami para alam po nila yung kalbari yung binibigay sa amin ng bahag.
11:44Sa People Power Monument sa Quezon City na isa sa pagdarausan ng anti-graft protests bukas,
11:54may mga nakasabit na tarpulin at may nagwawagayway ng watawat habang may mga pulis na nakabantay.
12:00Tiniyak ng grupong simbahan at komunidad laban sa katiwalian o siklab na hindi magiging marahas ang kilos protesta
12:07sa People Power Monument bukas September 21.
12:10Pag kondina sa korupsyon, ang ipaglalaban nila at hindi pagpapalit ng liderato.
12:15Pero nais nilang himukin ang Pangulo na baguhin ang legacy ng kanyang ama at talikuran ng korupsyon.
12:20Ang mga biktima ng bagyo at baha dahil sa korupsyon ang pagsasalitain nila.
12:25Iba't ibang grupo din ang magmamarcha patungo sa Rizal Park sa Maynila.
12:29Ayon sa taong bayan, ayos sa magnanakaw at abusado Network Alliance o Tama na,
12:33maaga pa lang ay magsisimula na magtipon ang mga lalahok sa rally para magmarcha patungo sa Rizal Park.
12:40Kaya ano man ang kulay, pwedeng-pwedeng pumunta.
12:45Basta ang pakisuyo lang ho natin, walang magbibit-bit ng placard o streamer
12:50na ang panawagan ay pabor sa isang politiko.
12:54Ito kami calling the Marcos administration and all past administrations to account.
12:59So, in terms of yung pag-resign o wala kaming ganung panawagan.
13:04Sa Maynila, nag-inspeksyon sa Menjolat sa LRT Tuligarda Station si PNP Chief Lieutenant General Melencio Nartates Jr.
13:17Maximum tolerance daw ang ipatutupad ng PNP.
13:21Wala raw silang namomonitor na destabilization plot.
13:25Nakikita raw nilang maayos at mahinahon ang magiging aktividad,
13:29pero nakaanda raw sila sa anumang pwedeng mangyari.
13:31Ivan, sabi ng Civil Service Commission ay hindi naman daw nila pagbabawalan yung mga empleyado ng gobyerno
13:38na lumahok sa kilos protesta.
13:40Dito naman sa People Power Monument ay nag-setup na ng mga tent yung mga polis
13:45maging yung ilang mga lalahok sa kilos protesta bukas.
13:48Ivan?
13:49Maraming salamat, Bon Aquino.

Recommended