Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Pansamantalang ipatutupad ang 4-day workweek sa ilang opisina ng gobyerno simula sa lunes,
00:06alinsunod sa utos ni Pangulong Bombong Marcos.
00:09Punsud pa rin yan ang efekto ng gulo sa Middle East.
00:12At bukod sa nakaambang malakihan taas presyo sa gasolina at diesel sa susunod na linggo,
00:17posible rin daw tumaas ang singil sa kuryente ayon sa Energy Regulatory Commission.
00:22Yan ang aking sinaksihan.
00:26Sa susunod na linggo, inaasahan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
00:32Tinatayang tataas ang presyo ng gasolina ng 748 pesos kada litro,
00:38diesel ng 1728 pesos at kerosene ng 3235 na piso.
00:45Ngayong nakaambang na kanululang taas presyo ng petrolyo sa susunod na linggo,
00:50pila-pila na ang mga nagpapakarga sa ilang gasolinahan.
00:53Parang wala na akong magagawa dyan eh, pero mabigat, mabigat masyado.
00:58Magtataas pa.
01:01Baka titigil na ako sa pagdadrive.
01:04Hibis na yung kikitahin mo, idatagdag mo pa doon sa pandis.
01:08Ayon sa Department of Energy Oil Industry Management Bureau,
01:11kung iisang bagsak ipatutupad ang taas presyo,
01:14posibleng pumalo sa 80 piso kada litro ng diesel.
01:18At kung tumindi pa ang gulo sa Middle East,
01:21pwedeng umabot yan ng 70 piso kada litro ngayong buwan.
01:24Yung Ukraine-Russia, Mr. Chair, umaboto tayo ng mga 90 kasi.
01:29So ayaw kong mag-project, pero ito'y mas masama pa doon eh.
01:35Pakikiusapan daw ng DOE ang oil companies na unti-untiin ang dagdag singil.
01:40Ang ilang motorista nag-iipun na ng drum-drum na produktong petrolyo,
01:44tulad ng ilang nakuhana ng GMA News.
01:46Pero may babalaka ugnay dyan ang Bureau of Fire Protection.
01:49Ma'am, mahigpit po na ipinagbabawa ng Bureau of Fire Protection
01:52na mag-imbact o mag-store ng mga gasolina
01:56or highly flammable na chemicals, ma'am, sa kanilang-kanilang bahay.
01:59Kasi po, since highly flammable po ito,
02:02may pagkakataon po na pag nagkaroon ng leak ang inyong storage
02:05na pinaglalagyan po ng ating mga gasolina,
02:07at ito po ay nagkaroon ng spark
02:10o nagkaroon ng konting spark na makakapagdulot para mag-apoy siya,
02:16na mabilis po itong kakalat sa ating kabahayan
02:18at mabilis pong masusunog ang ating bahay.
02:20Huwag natin i-sacrifice yung safety natin, ma'am,
02:23para lang makatipid.
02:25Nagbabala rin ang DOE laban sa mga posibleng magsamantala.
02:29Biniyandiin ang DOE na sa ilalim ng Republic Act No. 7581
02:33o ang Price Act,
02:35iligal ang hoarding at profiteering ng mga produkto
02:37tulad ng kerosene at liquefied petroleum gas o LPG.
02:41Ang mga lalabag maaaring mapatawa ng multa at pagkakakulong.
02:44Nakikipag-ugnayan na raw ang DOE sa DILG at TNT
02:48para masiguro ang agarang aksyon laban sa mga posibleng masasangkot dito.
02:52Kung tumagal at lumala ang gulo sa Middle East ayon sa DOE,
02:55posibleng irasyon o lagyan ng limitasyon
02:58ang ibebentang langis sa kad na mamimili.
03:00Ngayon pa lang,
03:01nagpapatupad na ng limit na 300 liters per customer
03:04ang isang kilalang gasolinahan sa Kabanatuan City.
03:07Ito ay para maiwasan ang umunoy pananamantala
03:09at para mabigyan din ang iba pang mga motorista.
03:12Sa kasiguran Aurora, nauna nang nagtaas presyo
03:15ang ilang gasolinahan,
03:179 pesos hanggang 37 pesos ang itinaas
03:19sa kada litro simula kahapon.
03:21Paliwanag ng ilang may-ari,
03:23mataas ang deliver ng kanilang supplier
03:25kaya kailangan nilang magtaas presyo.
03:29Dahil sa nakaambang big-time oil price hike,
03:32nagprotesta ang grupong bagong alyansang makabayan
03:34sa harap ng isang gasolinahan sa Kaizong City ngayong hapon.
03:37Muling panawagan nila,
03:38ibasura na ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998
03:42na anilay nagpapahintulot sa mga kumpanya ng langis
03:45na ipasa agad sa mga consumer
03:47ang pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado.
03:52May mga panukala sa Kongreso
03:54na suspindihin muna ang kinokolekt ng excise tax
03:56o buwis sa inaangkat na fuel.
03:58Pabor dito sa Sen. Windet Shalian.
04:00Pero paalala niya,
04:01160 billion pesos na nakokolekt ng oil excise tax
04:05ang mawawala sa kaban ng bayan
04:07na hindi na sapat sa lumanaking gastusin ng gobyerno
04:10gaya ng mga servisyo.
04:11Yung mga collection agencies natin
04:14like the ER at the OC,
04:15hindi nila na-hit yung target nila.
04:17So kung ang excise tax ay tatanggalin,
04:20160 billion yan,
04:21malaki rin ang mawawala sa kaban ng bayan.
04:24Oo, mababawasan ang pondo ng gobyerno,
04:26sabi ng ekonomistang si Emmanuel Leco.
04:28Pero gobyerno dapat ang magtipid sa gastos
04:31at tiyaking walang nakukurakot sa kaban ng bayan.
04:33Kung ang mga kinokolektan ng pamahalaan
04:36ay napupunta lang sa mga kurakot
04:38at napupunta lang doon sa mga gastusin
04:41na hindi naman esensyal
04:42at mangungutang pa naman,
04:45siguro ang mas mabuting pigilan ng pamahalaan
04:48ay yung paggastos mismo ng pamahalaan
04:51at bawas-bawasan na rin yung pangungutang.
04:54Ang mahalaga ngayon, ayon kay Leco,
04:56maprotektahan ang purchasing power
04:58o kakayahan ng mga mamamayan na gumastos.
05:01Pagka tumaas ang presyo ng mga bilihin,
05:04tumaas ang presyo ng petrolyo,
05:06mababawasan ang kanilang mabibili.
05:09Remember, ang ating ekonomiya
05:11is consumption-driven.
05:12So, kung ang purchasing power ng mga mamamayan
05:16ay mababawasan,
05:18yan ang makakapagpabagal ng ating ekonomiya.
05:21Pati singil sa kuryente,
05:23nanganganib tumaas kapag tumindi ang gulo sa Middle East
05:25ayon sa Energy Regulatory Commission.
05:28Pusible rin daw kasing tumaas ang bentahan sa world market
05:31at dahil apektado rin ito ng taas presyo sa petrolyo.
05:34Pero sabi rin ang ERC,
05:35may mga umiiral na proteksyon
05:37gaya ng secondary price cap
05:39kapag sumobra ang taas presyo.
05:41Ayon kay Pangulong Bombong Marcos,
05:43ginagawa na ng paraan ng problema sa produktong petrolyo
05:46kabilang ang paghingi sa Kongreso
05:48ng pansamantalang kapangyarihan
05:49upang bawasan ng excise tax,
05:51pati pag-amienda sa Biofuels Act of 2006
05:54upang magamit ang mas murang bioethanol.
05:57Ilalabas natin sa lalong madaling panahon
05:59ang fuel subsidy at cash transfer
06:02para sa mga apektadong sektor.
06:05Simula naman sa lunes,
06:06pansamantalang ipatutupad ang 4-day work week
06:09sa ilang tanggapan ng ehekotibo
06:10bilang bahagi ng pagtitipid
06:12sa konsumo ng kuryente at petrolyo.
06:14Hindi kabilang dito,
06:16ang mga nagbibigay ng emergency
06:18o pangunahing servisyo
06:19gaya ng mga pulis,
06:21bumbero,
06:22at mga tanggapan na nagbibigay
06:24ng frontline services sa publiko.
06:26Pansamantala rin,
06:28ipinagbabawal
06:29ang mga biyahe
06:30at aktibidad ng pamahalaan
06:32na hindi naman kinakailangan
06:34gaya ng mga study tour,
06:36team building activities,
06:37o mga meeting
06:38na maaari namang gawing online.
06:46para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended