00:00Isa pang bago sa saksi, na walang daw ng freno kaya nagdire-diretsyo at sinalpok ng dump truck
00:06ang isang motorsiklo at tatlo pang sasakyan sa Marilake Highway sa Tanay Rizal.
00:11Patay ang rider at angkas nito. Saksi si Jamie Santos.
00:19Nakahandusay sa gitna ng kalsada ang isang lalaki at isang babae na magkaangkas sa motorsiklo.
00:25Duguan at wala na silang malay matapos tumbukin ng isang dump truck na may kargang buhangin.
00:31Ayon sa paunang imbistigasyon ng pulisya, nangyari ang aksidente bandang alas 2.30 ng hapon
00:37sa JP Rizal Avenue, canto ng Marilake Highway sa barangay Sampalok, Tanay Rizal.
00:42Lumalabas sa imbistigasyon na bumabiyahe ang dump truck papunta sa direksyon ng Sampalok proper
00:48nang biglang pumalya ang freno nito.
00:50Tinangkapa umano ng driver na umiwas sa sakyang nakahinto sa intersection
00:55dahil sa pulang traffic light, ngunit hindi na raw kumagat ang freno.
00:59Dahil dito, sumalpok ang truck sa likurang bahagi ng motorsiklo
01:03bago pa nadamay ang tatlo pang sasakyan.
01:06Sa lakas ng impact, malubhang nasugatan ang rider ng motorsiklo at ang kanyang angkas.
01:12Naisugod pa sila sa ospital, ngunit idineklarang death on arrival.
01:15Sugata naman ang tatlong iba pa, kabilang tatlong driver ng iba pang sasakyang nadamay.
01:21Sinubukan naming punan ang pahayag ang driver ng dump truck
01:24na nasa kustodian ng Tanay Municipal Police Station,
01:27ngunit humingi siya ng pasensya at sinabing hindi muna magkokomento.
01:31Kaninang mga 2.30, may incidente ito sa Sampaloc Road,
01:36involved ang isang dump truck, dalawang motorsiklo at dalawang tricycle.
01:46Ayon sa ating investigasyon, naka-stop itong motorsiklo kasi dun sa stoplight, naka-red siya.
01:55Ayon sa polisya, nawala ng kontrol ang dump truck bago tumama sa iba pang sasakyan.
02:00Dahilan, para lumala ang pinsala sa mga biktima.
02:04May paparating din na dump truck, kaso lang nung pitikin niya yung pre,
02:08yun na ang hindi niya na control kasi parang na-loss brake na.
02:15Patuloy ang investigasyon habang hinihintay ang magiging desisyon ng mga biktima
02:19kung magsasampa ng kaso laban sa driver ng truck.
02:22Nasa gasaan yung isang motor, tapos nagpa-left turn siya,
02:30kaso lang may mga naka-stop pa rin na mga dalawang tricycle at isang motor.
02:39Doon na dali din yung dalawang tricycle at isang motor.
02:44Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Comments