00:00Iginiit ng abogado ni Ann Curtis Smith na walang kahit sinong babae, public figure man o pribadong mamamayan
00:07ang dapat pagsalitaan sa paraang nagpapababa sa kanya at maging paksa ng sekswal na komentaryo.
00:14Ilang grupo ang nagsampa ng reklamo laban kay Congressman Bong Suntay sa Office of the Ombudsman.
00:20Saksi si Salima Refran.
00:22Panagutin! Bong Suntay! Panagutin! Panagutin!
00:26Sumugod sa Office of the Ombudsman ang iba't ibang grupo ng mga kababaihan para ireklamo si Quezon City 4th District
00:33Representative Bong Suntay
00:35kaugnay ng mga pahayag niya sa aktres na si Ann Curtis.
00:39Naghain sila ng reklamong paglabag sa RA 11313 o Safe Spaces Act o mas kilala bilang Bawal Bastos Law, Magda
00:47Carta of Women at Code of Conduct of Public Officials.
00:51Sa ilalim ng Republic Act 11313, malinaw din po na hindi mahalaga ang intensyon.
00:59Kahit sinasabi niyang walang mali siya kuno ang kanyang sinabi, ito po ay malung prohibitum.
01:06In and of itself, ito ay isang krimen.
01:10Ang estado, ang mga kabilang sa estado na mga opisyal ay mas mataas ang pananagutan dahil sila ang pangunahin dapat
01:20na nagdedepensa at nagtataguyod ng karapatan ng kababaihan.
01:26Dadaan sa evaluation process ang Office of the Ombudsman ang reklamo ng grupo.
01:30Patuloy na kinukuha ng GMA Integrated News ang panig ni Suntay.
01:34Pero maging ang misis ni Suntay na si Sheila, pati ang kanilang mga anak,
01:39hini raw siyang ayon at hindi raw kinukonsinti ang mga winika ng mambabatas.
01:45Humingi rin siya ng tawad sa aktres na si Ann Curtis at sa pamilya nito.
01:49Sabi naman ang counsel ni Ann Curtis, malinaw na inappropriate at hindi katanggap-tanggap ang mga naging pahayag sa committee
01:56hearing patungkos sa aktres.
01:58Sana raw, magsilbing paalala ito na nararapat irespeto ang lahat ng kababaihan saan mandako.
02:05At wala raw puwang sa pampublikong diskurso ang mga wigang humahamak sa kababaihan.
02:11Ipinagtanggol naman ang abogadong si Atty. Ferdinand Tupaso si Suntay.
02:15Git niya, wala raw kasalanan si Suntay. Pero sa gitna ng kanyang pagtatanggol kay Suntay,
02:22pinuntirian naman niya ang kapatid naman ni Ann na si Jasmine Curtis-Smith na kabilang sa mga hayagang bumatikos kay
02:28Suntay.
02:29Tanong nito Pasyo kay Jasmine, hiniro ba ito nagpupo sa mga bikini picture sa social media
02:35o sa mga pahayagan para siya ay pagnasaan o di kaya ay para sumikat?
02:41Sabi pa ni Tupaso, natural lang daw ang pagnanasa sa mga lalaki.
02:45Sabay-sabing minsan na rin daw niyang pinagnasahan si Gabriela Representative Sara Elago
02:51nang minsan maamoy ito sa isang pagdinig sa Department of Justice.
02:56Ang Gabriela, kinundi na ang mga pahayag ni Tupaso.
03:00Tinawag siyang manyak at ginamit raw ang pagkakataon para magpakalat ng kabastusan
03:06at direktang pag-atake kay Elago.
03:09Ang mga katulad raw ni Tupaso ay hindi raw dapat hinahayaang maging abogado
03:13at ginagamit ang profesyol para mga alipusta.
03:17Pinagaaralan na raw nila ang kanilang mga legal na hakba.
03:20Si Jasmine naman dinaan sa social media ang pahayag ng disgusto sa mga sinabi ni Tupaso.
03:27Nagkaroon din ang pagkakataon ng GMA Integrated News na makausap si Jasmine.
03:31Bagamat hindi na siya nagbigay ng karagdagang tugon kay Tupaso at maging kay Suntay,
03:37nagpasalamat naman siya sa mga sumusuporta sa kanila at sa lahat ng kababaihan.
03:42Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng pagtuturo ng respeto sa murang edad pa lamang.
03:50Sana po turuan natin na ang mga batang lalaki,
03:54mula bata pa lang, turuan natin sila kung ano ang importansya sa pagre-respeto,
04:00sa pagbibigay-pugay, sa pag-appreciate,
04:03at hindi lang yun, pagsusuporta sa mga kababaihan.
04:06Para sa GMA Integrated News, Sanima Refra, ng inyong saksi.
04:11Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:14Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
04:18Mga kapuso, maging una sa saksi.
Comments