00:00Alos 300 Pinoy ang nakabalik na ng bansa mula Dubai kabilang ang mga ilang araw ng strande doon.
00:06Dahil sa gulo sa Middle East, pero may 2,000 Pilipino pa mula sa region ang gusto na rin umuwi.
00:13Nakatutok si JP Soriano.
00:18Tuloy ang ganti ng Iran sa Israel at pagdamay pa sa ibang bansang kaalyado ng Amerika sa Middle East.
00:29Kaya sa mga pag-atake ng Israel sa Iran.
00:35Damay rin ang mga grupong kakampi ng huli gaya ng Hezbollah na nakabasis sa Lebanon.
00:42Kabado ang maraming Pilipino roon tulad ng domestic helper na si Glenda na nakasaksi sa malalakas na pagsabok at usok
00:49mula sa balkonahin ng kanilang gusali.
00:55Ang narinig po pong pinakamalakas kahapon, yung pong every minute po, siyempre mapapahiyaw po kayo.
01:04Kasi sa lakas po ng impact, yumayanig dito, mga dalawang beses po, minuto lang po ang pagitan.
01:12Malayo man anya ang tinatarget na pasabugan, ramdam at amoy nila ang nakakasulasok na usok.
01:19Sa isang punto ng pagbibidyo dinig ni Glenda ang pagputok ng mga tila-baril.
01:26Yung mga kapatid ko, pinapauwi na ako, hindi rin kami makakaano dito dahil ganyan nga ang sitwasyon.
01:32Sabi ko po, dito sa place ko, okay naman, malayo naman. Alam nyo naman po, mahirap din po ang buhay
01:39sa atin.
01:41Pero 26 na sa mahigit 14,000 Pilipinong nagtatrabaho sa Lebanon ang nag-abisong gusto ng magpa-repatriate o umuwi
01:50ng Pilipinas.
01:51Crisis Alert Level 3 ang pinaiiral ng ating Foreign Affairs Department doon, kaya voluntary pa ang repatriation.
01:59Halos 2,000 naman ang humiling na na mapauwi na mula sa Middle East baga man pahirapan pa rin ang
02:04repatriation dahil sa saradong mga airspace sa mga bansa roon.
02:09Katunayan sarado pa ang Ben Gurion Airport sa Tel Aviv, Israel.
02:12Kaya hindi pa rin maibabalik sa Pilipinas ang labi ng Pilipinong caregiver sa Israel na si Mary Ann Velasquez de
02:19Vera.
02:20Ang lugar kung saan siya pumanaw ay may mga harang na nang balikan ng kanyang kaibigan.
02:26Bumalik din doon ang Mr. de Vera para hanapin ang mga gamit ng may bahay.
02:30Rest assured, the effort continues to look out for those who remain.
02:36We are finding ways. Yung airspace still rather limited when it comes to Dubai.
02:43Sa Dubai nang galing ang halos 300 Pilipinong nakalipad pabalik sa Pilipinas matapos magbukas ang airspace doon.
02:51Karamihan ay mga turistang na-strande doon habang 23 ay mga OFW o mga anak nila.
02:58Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano. Nakatutok 24 oras.
Comments