Skip to playerSkip to main content
Sinalubong ni Pangulong Bongbong Marcos ang ikaapat na batch ng mga Pilipinong ni-repatriate mula sa Gitnang Silangan.


Ang ilan, wala na raw balak bumalik doon kahit humupa ang giyera.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinalubong ni Pangulong Bongbong Marcos ang ika-apat na batch ng mga Pilipinong nirepatriate mula sa gitnang silangan.
00:07Ang ilan, wala na raw balak bumalik doon kahit humupa ang gera. Nakatutok si Bea Pinlak.
00:16Mga anak, sabi ko, andito na apo ako sa Manila, mga anak ko.
00:21Ito na raw ang pinakamagandang birthday gift na natanggap ng 60-anyos na OFW na si Merlin.
00:27Ang makauwi ng Pilipinas ng ligtas, sa gitna ng nagpapatuloy na gera sa Middle East.
00:34Patawid na raw sila ng Saudi Arabia nang salubungin niya ang kaarawan niya kahapon.
00:39Ako po ay napauwi po dahil sa kaguluhan sa Kuwait po. Natatakot po ako sa sabog.
00:46Kaya po sinabi ko sa amo ko, nauwi na lang ako.
00:49Si Alicia, isang buwan pa lang nagtatrabaho sa Qatar pero napauwi na agad.
00:54Umiiyak na lang po ako pag ako mag-isa doon sa kwarto po gano'n.
00:58Tapos nagdadasal lang po na makauwi. Parang wala na, gano'n.
01:02Magkikita ko pa ba sila? Makakauwi pa po ba ako?
01:05At sa pagbabalik, Pinas niya kanina, mahigpit na yakap mula sa anak na si Hero ang sumalubong sa kanya.
01:12Ilan lang sila sa 317 OFW at 26 na dependent o kaanak nila
01:20na nakauwi na ng Pilipinas matapos maipit sa gera.
01:23Pasado la 6 ng umaga, nakalapag mula Riyad, Saudi Arabia ang aeroplano nila sa Villamore Airbase sa Pasay.
01:30Ito na ang ika-apat na batch ng mga OFW na nagparepatriate sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.
01:37May mga DMW, Migrant Workers' Office, OWA, in partnership with the DFA,
01:42na mga land crossings na sinagawa kasi sarado ang airspace in Kuwait, in Bahrain,
01:48and limited or restricted ng airspace sa Qatar.
01:51It was a land crossing effort. It took about, on average, about 7 to 8 hours to get to Riyad,
01:56Saudi Arabia.
01:58Emosyonal at puno ng pasasalamat ang mga nirepatriate na OFW.
02:02Ang ilan, wala na raw balak bumalik para magtrabaho sa Middle East kahit humu pa pa ang gera roon.
02:09Sa naranasan po doon ay talaga pong hindi na po makakabalik.
02:13Si Pangulong Bongbong Marcos ang sumalubong at kumamusta sa mga bagong uwing OFW.
02:18Ayon sa DMW, may humigit san libo at dalawandaan pang mga OFW at mga dependent nila
02:24ang inaasahang may uuwi rito sa Pilipinas mula sa Middle East sa mga susunod na araw.
02:29Ang pangako ng gobyerno, lahat sila makatatanggap ng post-repatriation services
02:36gaya na lang ng financial assistance at employment facilitation.
02:40Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak nakatutok 24 oras.

Recommended