00:00Tiniyap naman ang Department of Social Welfare and Development na magpapatuloy ang pagpapatupad ng walang gutom program.
00:08Ito ay sa kabila ng hamong dulot ng kaguluhan sa Middle East.
00:13Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, batid ng kagawaran ang sitwasyon ngayon ng bawat pamilyang Pilipino.
00:21Kaya naman kanilang sinisiguro na sa pamamagitan ng walang gutom program, may sapat na pagkain ang mga nangangailangang pamilya.
00:31Para maibsan ang pag-aalala ng mga benepisyaryo, hindi lang anya food credits ang handog ng programa,
00:37kundi maging ang pagbibigay ng praktikal at alternatibong paraan para makapaghain ng sapat at masustansyang pagkain.
00:46Ito ay sa pamamagitan ng kalusugan, kakayahan at kabuhayan o 3K sessions na kabilang sa component ng walang gutom program.
00:56Pagtitiyak pa ng DSWD, mananatiling kaagapay ng mga Pilipino ang DSWD sa pagharap sa anumang hamon.
Comments