Skip to playerSkip to main content
May nadiskubre sa Palawan na bagong mapagkukunan ng natural gas. Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, kaya nitong mag-supply ng kuryente sa mahigit limang milyong bahay sa loob ng isang taon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Good news naman tayo, may nadeskubri sa Palawan na bagong mapagkukunan ng natural gas.
00:07Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, kaya nitong mag-supply ng kuryente sa maigit 5 milyong bahay sa loob ng isang taon na.
00:16Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:21Halos 3 taon na mula ng palawigin ng service contract para sa produksyon at paghanap ng bagong mapagkukunan ng gas reserves
00:27mula sa Malampaya, na sa puntong yun ay papaubos na.
00:32Sa pagtaya ng Department of Energy noon, hanggang 2027 na lang tatagal ang supply ng natural gas sa Malampaya.
00:38Pero ngayong araw, masayang inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na may natuklas ang bagong mapagkukunan ng gas
00:43may limang kilometro mula sa kasalukuyang lokasyon ng Malampaya gas field.
00:47The MAE-1 is estimated to contain around 98 billion cubic feet of gas in place.
00:53Katumbas nito ang halos 14 billion kilowatt hour ng kuryente sa isang taon.
00:59Ibig sabihin, makakapagsupply ito ng kuryente sa maigit 5.7 milyon na milyong kabahayan,
01:06siyam na libut limang daan na gusali o halos dalawang daan libong paaralanan sa loob ng isang taon.
01:13This helps Malampaya's contribution and strengthens our domestic gas supply for many years to come.
01:18Mahalaga yan, lalo't simula noong 2001, tinatayang hanggang 40% ng enerhiya ng buong Luzon ay sinusupply ng Malampaya.
01:27Sa panibagong tuklas sa gas reserves, mapapalawig ang supply ng hanggang 2030 o mas matagal pa.
01:34May indikasyon kasing mas marami pa ang nilalamang gas ito at mayahalin tulad sa orihinal na Malampaya gas field.
01:40At syempre ang pinakamahalaga, hindi kailangan madagdagan ng pagdepende ng bansa sa mga inaangkat na energy sources tulad ng krudo o coal na dahilan sa mataas sa presyo ng kuryente sa bansa.
01:52Patuloy rin ang paghahanap ng mga mapagkukunan ng natural gas sa ilalim ng umiira na service contract.
01:57The next steps are the completion and testing of the Camago 3, followed by the drilling of the Pag-asa Exploration Well to pursue more potential gas resources.
02:07Pinatatakbo ng pribadong sektor simula noong 2001 ang service contract 38 na sa ngayon ay hawak ng Prime Infrastructure Capital, Udena Corporation at Philippine National Oil Company o PNOC.
02:20Hanggang itong 2023, umabot na rin sa P370 billion pesos ang nakolektang royalties ng gobyerno mula sa operasyon ng Malampaya gas field.
02:30Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina na Katutok, 24 Horas.
02:37Pag-asa
02:37Pag-asa
02:38Pag-asa
02:38Pag-asa
Comments

Recommended