00:00Nagpatawag ng Special Cabinet Meeting si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pag-usapan ang epekto ng tensyon sa gitnang
00:06silangan.
00:07Kabilang sa mga tinutukan ang pagtitipid sa enerhya dahil sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis at posibleng repatriation ng
00:14mga apektadong Pilipino.
00:15May report si Kenneth Pasyente.
00:21Sa harap ng umiilit na tensyon sa gitnang silangan, nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sana'y magkaroon
00:28na ng ceasefire o tigilputukan,
00:31hiniling ng presidente sa lahat ng bansang kasama sa gera na maging mahinahon.
00:35Let's hope that there is a ceasefire and we, the Philippines, ask all parties to show restraint and to bring
00:42this to a close as quickly as possible.
00:44Sinabi yan ng Pangulo kahit hindi direktang apektado ang Pilipinas sa kaguluhan sa gitnang silangan.
00:50Pero malinawa niya ang pagbibigay ng suporta ng Pilipinas sa mga inataking bansa.
00:55We have expressed support for the countries that have come under attack and we have made our feelings known that
01:04we hope that this crisis ends as quickly as possible
01:07and we are asking of course for the continued assistance for the safety of our people.
01:18At dahil inaasahan ang pagsipa ng presyo ng langis-bunsod ng tensyon sa Middle East,
01:23nanawagan ang presidente sa mga ahensya ng pamahalaan at sa publiko na magtipid sa paggamit ng enerhiya.
01:28Inatasan naan niya ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na maghanap ng mga paraan upang mabawasan ang konsumo ng kuryente
01:35at iba pang energy sources.
01:37Bagamat sapat pa ang supply ng enerhiya sa ngayon, sinabi ng presidente na mas mabuting magtipid.
01:42Yung mga unnecessary travel, mga carpooling, yung mga bagay-bagay na ganyan.
01:49And these are things that the general public can do.
01:55We encourage the use of public transport, you know, private vehicles.
01:59Punuin naman ninyo yung sasakyan ninyo, huwag yung isang tao lang ang kumagamit.
02:04Pinangunahan din ng Pangulo ang isang special cabinet meeting sa Malacanang,
02:08kaugnay ng lumalalang sigalot sa gitnang silangan.
02:10Tinutukan sa pulong ang kalagayan ng mga Pilipino sa nasabing rehyon,
02:14kapilang ang mga hakbang para sa kanilang posibleng repatriation.
02:17Tinalakay din ng gabinete ang posibleng epekto ng krisis sa supply at presyo ng langis,
02:22gain din sa inflation at sa pangkalahatang katatagan ng ekonomiya ng bansa.
02:26Samantala, pinawi naman ang Department of National Defense ang agam-agam ng publiko
02:30na baka madamay ang Pilipinas sa gyera sa Middle East dahil kaalyado nito ang Estados Unidos.
02:36Giit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., walang direktang banta sa siguridad ng bansa ang gyera
02:42at ipinunto na ang bilateral at multilateral na mga alyansa ng bansa sa US
02:46ay para lamang sa defensive at deterrent purposes.
02:49Itong mga agam-agam na ito, uulitin ko, walang basihan.
02:54Sa ngayon, uulitin ko ang sinabi ng armed forces, walang direct threat sa siguridad na Republika ng Pilipinas
03:03in a military sense itong nangyayari sa Middle East sa ngayon.
03:08Kenneth, pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments