Skip to playerSkip to main content
Umabot na sa mga airport ng Pilipinas ang epekto sa pagkaantala ng mga flight papunta at pabalik ng Middle East.


Dahil pa rin ‘yan sa tensyong dulot ng pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran, at ganti ng huli sa iba’t ibang bansa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umabot na sa mga airport ng Pilipinas ang efekto sa pagkaantala ng mga flight papunta at pabalik ng Middle East.
00:07Dahil pa rin yan sa tensyong dulot ng pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran.
00:11At ganti ng huli sa iba't ibang bansa.
00:14Mula po sa Naira, nakatutok live si Oscar Oida.
00:18Oscar!
00:22Yes, Emil, wala pa rin kasiguraduhan kung kailan matutuloy ang mga napurnadang biyahe ngayong araw.
00:28Monsod ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
00:36Excited ng lumipad pakatar ang 26 anyos na tubong Davao del Norte na si Monica Salamangka para sa first time
00:43niyang trabaho roon bilang domestic helper.
00:46Laking pangihinayan niya nang malaman dito sa naiya na kanselado ang kanyang biyahe dahil sa nagaganap na sigalot sa Middle
00:53East.
00:54Para sa family, para ma-fride yung financial dito sa Pilipinas sa family ko.
01:01Para po makaginhawa, then makapagawa ng bahay.
01:07Pakatar din sana ang 34 anyos na si Jen Laurente Escalania na mula naman ng bakulod.
01:13Mas okay na yung nangyari na hindi pa ako nakapunta doon.
01:17Kanselado rin ang flight ng 50 anyos na si June Cordero pero nag-aalala siya sa mga kaibigang kapwa OFW
01:25sa Middle East.
01:27Nagtotroma sila, lalo na yung may ano rin ako sa Bahrain, saka sa UAE.
01:33Minsan natamaan ka yung may mga area doon na may natamaan.
01:37Kaya trauma sila, oo.
01:40Ia-avail niya ang pamasahing tulong ng OWA para makabalik ng Cebu.
01:45May mga flight din papuntang Dubai at Qatar mula Clark Airport sa Pampanga.
01:50Sabi ng Civil Aviation Authority o CAAP, simula pa nitong Sabado,
01:55aabot na sa 45 flights ang apektado ng nangyayaring gulo sa Middle East.
01:59Pinaka-apektado umano ang mga biyaheng papunta at galing sa Dubai, Abu Dhabi, Riyadh, Bahrain at Doha.
02:08Bukod sa delikadong pagdaan sa airspace ng mga bansa sa Middle East,
02:12apektado ang mismong airport sa Dubai na napuno ng usok matapos umanong tamaan ng misayl.
02:18Isang concourse nito ang nagtamo ng minor damage.
02:21Isa pa naman yan sa may pinakamaraming biyahero sa buong mundo.
02:26Madalas din sa mga airport sa Middle East ang stopover ng maraming connecting flights,
02:30halimbawa mula sa Asia pa mundang Europa.
02:33Kaya ang backlog ng mga flight doon makakaapekto sa maraming bansa.
02:38Tuloy ang koordinasyon ng CAAP sa mga airline, airport at international aviation partners.
02:43As we all know may mga bansang nagsara pansamantala ng kanilang mga airspace
02:48kaya hindi po makalipad siya yung mga flights natin.
02:51So we are monitoring kung ano yung magiging next move nila
02:54para ma-align po natin yung magiging action po natin.
02:57Payo ng CAAP sa mga pasero,
02:59tutukan ang anunsyo o makipag-ugnayan sa kanika nilang mga airlines.
03:03Kasi po sila po talaga yung nakakaalam kung ano po yung magiging movement nila.
03:08I-check nyo po lagi yung announcement nila sa Facebook, sa websites nila.
03:11Ilang airline na ang nag-alock ng libreng re-booking o conversion sa travel fund.
03:20Emil, binibigyan din ang paalala ng kinaukulan.
03:25Yung mga apektadong pasero, ugaliin i-check ang kanila mga email.
03:29Maging yung mga website ng mga airlines para sa mga karagdagang anunsyo.
03:33Emil?
03:34Maraming salamat, Oscar Oida.
03:38Maraming salamat, Oscar Oida.
Comments

Recommended