00:00Ilang bahagi ng Tomas Morato, Quezon City ang isinara para sa bigyan daan ng isang car-free Sunday activity na
00:06nakatuon sa kalusugan.
00:07Nagbabalik si Denise Osorio.
00:12Ang kalsadang nakasanayan nating dinadaanan ng kotse.
00:15Sa Tomas Morato sa Quezon City, tila isang Sunday playground na ngayon para sa healthy living.
00:21Sa programang pinasigla kalyesugan ng Department of Health, hindi lang car-free Sunday ang kalsada dahil kasabay rin ang isang
00:29healthy market at mga iba't-ibang health zones.
00:33Maliban pa sa walking, jogging, pagbabike, patok na patok ang Zumba sessions at mga libring pa-check-up.
00:40Ayon sa DOH, hindi lang pampapawis ang araw na ito dahil one stop na pati ang kanilang mga serbisyo.
00:47In-utos doon ng Pangulo at nandito tayo ngayon, nilalunch natin ito para gawin talaga sa lahat ng local government.
00:54We're promoting really healthy lifestyle.
00:57Ang advantage itong mga open spaces, walang kotse, that means wala kang carbon monoxide, makaka-inhale kayo ng fresh air.
01:05Tapos yung social networking, it's very good for mental health.
01:09Open spaces are always good for mental health.
01:11And dinagdagan namin ang services. May dental booth, may blood donation, may HIV testing, may TB testing, may health literacy,
01:19at marami pang iba, may doktor na pwede magkonsulta.
01:22At dahil mas efektibo ang paglalapit ng mga serbisyo sa tao, target ng DOH na mas madami pang lugar ang
01:29makaranas ng car-free open spaces at pop-up health services.
01:32Gusto natin, buong Pilipinas. Sana po, buong Pilipinas, lahat ng ating local chief executive, sana lahat ng mga mayor, maging
01:41model na ito.
01:42Alam nyo, ang healthy population, tama si mayor. Kadalasan ang health natin pag nagkasakit na eh. Huli na yun.
01:49Gusto natin, ang pinopromote ko yun, health wellness, health promotion. Keep yourself healthy, tamang pagkain, heresisyo, disiplina.
01:58Sa HIV testing area, may mga college students na naglakas loob pumila. Kahit na aminado silang minsan ay may hiya
02:06pa rin dahil sa mga maling paniniwala at stereotypes.
02:09Para kay Arla, na nahiyang humarap sa kamera, mas kailangang palakasin ang kaalaman at kailangang palitan ang paghusga ng suporta.
02:18Mag-spread ng awareness din po and ano, sa mga tao po ano, parang i-take po nila, unawain po
02:26nila, lalo po yung mga ano, mahirap din po kung mayroon ka pong infection na gano'n, tas parang i
02:31-discriminate ka.
02:32May sakit sa lungs si Arla at ito ang nagpaudyok sa kanyang magpa-HIV test para makasiguro na malusog pa
02:39rin siya.
02:39Pero dagdag ni Arla, hindi na dapat pang maghintay na magkaroon ng sakit para lang magpatingin, lalo na't may mga
02:47libreng pa-checkup at testing na ang pamahalaan.
02:50Ayon naman kay Alan Nara na isang HIV advocate, malaki talaga ang tulong kapag may testing na dinadala sa community.
02:58Anya, kahit libre ang HIV testing, hindi pa rin ito madaling mapuntahan ng lahat.
03:04In the modern world na, HIV is actually so rampant. So taking the initiative to get an HIV test is
03:13actually good kasi malalaman mo kung reactive or non-reactive ka ba talaga.
03:17So you can be safe to your next intercourse.
03:19Binigyang di-indin ni Alan na isang masusing paraan para sa prevention ay ang awareness at hindi ito ituring na
03:26biru-biru lamang.
03:28Kailangan natin maging aware more kung ano ba talaga ang gamit ng safe sex, ang contraceptives and all para magkaroon
03:37ng initiative ang lahat ng Pilipino na magpa-HIV test and promote safe sex po.
03:42At hindi lang HIV testing ang pinilahan. Sa free dental check-up, may mga nag-grab ng opportunity dahil tulad
03:49ni Joanna, madalas naiurong ang dental health dahil sa presyo.
03:54Sa amin po kasi, bihira lang pong may ganito, tapos mahal po yung presyo pong pag nagpa-cleaning na niyan.
04:00Yung ipon ko, hindi siya lang pabawasan kasi may mga libre po katulad nito. So ayun po, malaking health po
04:06siya. Siguro mga nasa half po na allowance po.
04:09Halos dalawang libong piso rin ang nasave ni Joanna dahil sa libreng dental check-up sa pinasigla kalyesugan at hihigit
04:17pa dahil iikutin niya ang buong karavan kung saan mayroong ding tuberculosis screening, cancer screening, dental check-up, blood pressure
04:26screening at marami pang iba.
04:28Target ng DOH na mas dumarami pa ang mga car-free open spaces sa buong bansa, hindi lang sa Quezon
04:35City para sa mas mabuting kalusugan ng bawat Pilipino.
04:39Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments