00:00Pinalalakas pa ng Department of Science and Technology ang paggamit ng agam at teknoloiya para tulungan ang mga magsasaka at maliliit na negosyo sa buong bansa.
00:11Iyan ang ulat ni Denise Osorio.
00:14Official ng binuksan ng 2025 Regional Science, Technology and Innovation Week o RSTW ng Department of Science and Technology sa Malolo Sports and Convention Center at Bulacan State University mula ngayong araw hanggang sa November 14.
00:30Tampok dito ang paggamit ng agam at teknoloiya para mapaunlad ang pamahalaan, industriya at mga komunidad sa gitnang Luzon.
00:37Binigyang din ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. ang kahalagahan ng agam at inobasyon sa pagpapatatag ng agrikultura at mga maliliit na negosyo sa gitnang Luzon.
00:49Isa sa mga pangunahing inisyatibo ng DOST ang SARAI o Smarter Approaches to Reinvigorate Agriculture as an Industry
00:56na layong tulungan ang mga magsasaka sa buong bansa na makamit ang mas mataas na ani at kita sa tulong ng smart agriculture systems.
01:04Ito ay ibig sabihin ay smart applications to reinvigorate agriculture as an industry na kung saan ginagamit natin ang remote sensing, weather information, pest identification at iba pang smart technology
01:22para ma-incrove yung productivity ng mga agriculture commodities.
01:26Dagdag ni Solidum, katuwang ng DOST ang UPLB, European Union at Philippine Space Agency sa paggamit ng satellite images at sensors
01:36para makapagbigay ng real-time data sa mga sakahan, pati na rin ng training para sa mga kooperatiba at magsasaka.
01:43Kabilang sa mga bagong teknolohiyang ipapatupad ang foliar fertilizer mula sa seaweeds, drone monitoring,
01:49at Copernicus Philippines project na magbibigay ng mas epektibong pest at weather forecasting at may layuning gawing mas mababa ang gastos at mas mataas ang kita sa pagsasaka.
02:00Bukod sa agrikultura, pinalalakas din ng DOST ang mga micro, small at medium enterprises o MSMEs
02:07sa tulong ng setup o small enterprise technology upgrading program.
02:11From sustainable agriculture to robotics, from MSME modernization to smart city development,
02:18Central Luzon exemplifies how embracing science, technology and innovation leads to transformation.
02:26Ipinaliwanag rin ng kalihim na dapat matapos ang nationwide rollout ng saray sa pagdating ng kalahati ng 2026
02:32bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas matalino, produktibo at ligtas ang sektor ng agrikultura.
02:41Samantala, isa sa mga tampok ng RSTW ngayong taon ang 4.95 million pesos na itinurn over sa lungsod ng San Fernando, Pampanga
02:49para sa pag-upgrade ng kanilang CCTV system gamit ang Artificial Intelligence o AI
02:55para sa mas mabilis na traffic monitoring at incident response.
02:58Pinagkaloob din sa mga lalawigan ng Zambales at Pampanga ang Mobile Command and Control Vehicle
03:04na tutulong sa komunikasyon at disaster response sa panahon ng kalamidad.
03:08Anim na bayan sa Bulacan naman ang nakatanggap ng Smart City Assessment Reports
03:12bilang gabay sa database planning para sa mas matalinong pamahalaan.
03:17Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.