00:00Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho sa pagpasok ng Vermont season.
00:04Paliwanag ng Philippine Statistics Authority, ito ay dulot ng hiring sa wholesale at retail trade maging sa sektor ng agrikultura.
00:12Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:16Mas positibo ang datos ng Philippine Statistics Authority para sa Labor Force Survey ngayong October 2025.
00:23Bumaba ang unemployment rate sa 5% o katumbas ng 2.54 million na walang trabaho.
00:30Mas mababa kumpara sa Hulyo 2025 na nasa 5.3% o 2.59 million.
00:36Tumaas din ang employment rate sa 95% nitong Oktubre mula 94.7% noong Hulyo.
00:43Ayon sa PSA, natural ang pagdami ng trabaho pagpasok ng Vermonts dahil sa hiring sa wholesale at retail trade pati sa agriculture sector para sa nalalapit na harvest season.
00:54Nagkaroon tayo ng increase sa agricultural and forestry ng mga 1.87 million quarter on quarter.
01:05At ang pinakamalaki dito na nag-contribute ay yung growing of paddy rice kasi yung ating peak season sa rice farming ay fourth quarter.
01:17Paliwanag din mapa, dahil sa mga nagdaang mga bagyo noong nakaraang second quarter, kapansin-pansin ang pagbaba ng employment rate noong July 2025 kung kaya't mataas ito ngayong third quarter.
01:29Kasabay nito, bumaba ang bilang ng out-of-school youth mula 3.20 million noong July at nasa 2.62 million na ngayong October.
01:38Ayon sa PSA, posibleng may correlation ito sa pag-angat ng youth employment na umabot sa 5.44 million ngayong Oktubre mula 4.87 million noong Hulyo.
01:49Inimayin natin kung saan ang mga sektor na nagkaroon ng pagtaas, quarter on quarter for example, ang malaki ay nasa wholesale and retail trade.
01:59Mga nagdagdag siya ng 254,000 no.
02:05Pangalawa, yung agriculture and forestry.
02:07So ito rin yung malaki yung increase, quarter on quarter, dagdagdag ng 289,000.
02:14Dagdag pa ni Mapa, mayroon rin pagtaas sa accommodation and food services na 30,000 mga kabataan na kasalukuyang nagtatrabaho.
02:23Isa sa mga napabilang dito si Shane Kagitla, 23 years old at nag-apply ng trabaho noong Bermonts rin ng 2024.
02:30Dahil sa mass hiring, nakapagtrabaho siya sa isang coffee shop para matustusan ang sarili niyang pangangailangan.
02:36Kwento ni Shane, naging malaking tulong din para sa kanya ang pagiging flexible ng may-ari ng coffee shop na ina-adjust ang kanyang work schedule para hindi makasagabal sa pasok niya sa school.
02:47Nag-enjoy po ako sa ginagawa ko and maraming din po ako natutunan.
02:53And ayun po, mas sababalance ko pa rin po yung school ko until now and sa work po.
02:59Then hindi naman po siya naging mabigat para sa akin.
03:02Dahil dito, pinagpatuli niya ang trabaho habang papalapit ang kanyang college graduation para matuloy ang pagsusustento sa sarili.
03:10Isa rin si Angelo Sevillano, 19 years old at graduating senior high school student.
03:15Nagsimula siyang magtrabaho noong 16 pa lamang siya dahil ayaw niyang sayangin ang oras sa bahay.
03:20Part-timer siyang nag-i-install ng solar panels at napansin niya na mas malaki ang demand para sa ganitong informal jobs tuwing holiday season.
03:28Pag-tostos rin po, kasi minsan pagpapasok walang baon eh.
03:32Pag sumasawod naman po ako, hati-hati po, bibigay po ako sa pamilya ko.
03:36Tapos yung sa akin po, bibili ko ng mga gamit, mga baon.
03:39Paya ng ating mga working students, kahit na nakakatulong sa araw-araw na pangangailangan ng pagkakaroon ng trabaho,
03:45dapat balansihin ng mabuti at pagtuunan pa rin ng buong pansin ang pag-aaral.
03:50Dagdag pa nila, importante rin ang pag-ipon ng pera, lalo ng maraming mapapasukang part-time na trabaho ngayong Vermont.
03:57Denise Osorio, Paras Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment