Skip to playerSkip to main content
  • 22 minutes ago
Malakanyang, tiwalang walang magiging epekto ang ICC proceedings sa foreign relations ng Pilipinas; alegasyon ng defense counsel ni dating Pres. Duterte, sinagot ng Palasyo | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hinamon ng Malacanang ang defense team ni dating Pangulong Duterte
00:04na lapagan ng mga ebidensya ang kanilang aligasyon
00:07na nagpapatuloy pa rin umano ang drug-related killings sa bansa
00:11sa panahon ng administrasyon ni Presidente Marcos Jr.
00:16Si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balita.
00:22Angelique, binigyang diin ng Malacanang na walang epekto sa foreign relations ng bansa
00:26ang mga isinasagawang proceeding sa ICC patungkol sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:35Kumpiyansa ang Malacanang na mas nakikita ng ibang bansa
00:38ang hindi pagkikibit-balikat ng kasalukuyang administrasyon sa mga mapang-abuso.
00:45Kung ang isang tao ay mag-iisip kung ano ba ang ginagawa ng Pangulo at ng administrasyon na ito,
00:53mas gugustuin po nila ang nangyayari ngayon.
00:57Dahil ang Pangulo umaayaw sa abuso.
01:02Umaayaw sa mga feeling above the law.
01:08So, dun lamang po siguro hindi po magkakaroon na anumang issue ito sa ating administrasyon
01:14dahil tumutupad lamang po ang Pangulo sa batas.
01:21Patungkol naman sa sinabi ng defense team ni dating Pangulong Duterte
01:24na patuloy umano ang drug-related killings sa unang dalawang taon ni Pangulong Marcos Jr.,
01:30hamon ng Malacanang, mas mabuting suportahan ang paratang na ito
01:34ng mga lehitimong ebidensya.
01:37Kung sino po ang nagsasabi nito, kung sino po ang nagbibigay ng ganitong klaseng informasyon,
01:44dapat kompletohin nila, hindi numero lamang.
01:48Kung saan nangyayari, sinong involved, hindi po na naisin ang Pangulo na may lumusot na mga abusado.
01:58Kauganyan, Angelique, muling ipinunto ng palasyo na malinaw ang direktiba
02:02ng Pangulong Marcos Jr. patungkol sa pagtugon sa iligal na droga
02:06at yan ay walang dadanak na dugo.
02:10Hindi po niya ginugusto ang extrajudicial killings.
02:15Ang pagsugpo sa iligal na droga ay may tamang pamamaraan.
02:19Lagi pong pinapanatili ng Pangulo ang tinatawag nating due process.
02:25Kailangan madinig din po ang mga taong inaakusahan.
02:29Hindi po kinakailangang ipapatay agad nang hindi sila nadidinig.
02:35Hindi po yan. At wala po sa konstitusyon natin ang sanitang death penalty.
02:40Hindi po ito pinapatupad sa bansa natin.
02:44May tugon din ang palasyo sa hirit ng legal counsel ni dating Pangulong Duterte na si Nicola Skoffman
02:49na kung iimbitahan siya ni Castro sa bansa,
02:52ay bukas siyang magtungo rito para pag-usapan ang interim release ng dating Pangulo.
02:57Ani Castro, lahat naman ay welcome na magtungo sa bansa pero hindi niya iniimbitah si Kofman.
03:03Hindi na rin anya dapat pag-usapan pa ang hirit ng kampo ng dating Pangulo na interim release.
03:10If he will be coming to the Philippines, I am more than happy to treat him.
03:15Buy him balut, bagoong, kwek-kwek, IUD, Adidas.
03:22But I will not discuss about the interim release because it has already been dissolved by the ICC.
03:29So pag-usapan lang namin ang ganda ng Palawan, El Nido, Manila Zoo, lahat po yan.
03:38At yan muna ang huling balita mula rito sa Palasyo ng Malacanang.
03:41Balik sa iyo, Angelique.
03:43Alright, maraming salamat, Kenneth Paciente.
Comments

Recommended