00:00Viral ang video ng isang lalaki na humabol at nagtangkang magbukas ng pinto ng isang sasakyan sa Bacoor, Cavite.
00:13Natakot ang babaeng sakay ng kotse, napasigaw at umarangkada na lang siya.
00:18Sabi ni Bacoor City Mayor Strike Rebilla, may mental health problem ang lalaki sa video.
00:24Nagkita na raw ang lalaki at kanyang pamilya ayon sa Bacoor City Police.
00:27Bago nagviral ang video, limang araw daw na wala ang lalaki.
00:31Hiling ng pamilya, kaunting pangunawa para sa kanilang kaanak.
Comments