Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Arrestado ang isang lalaki matapos magnakaw sa bahay ng kanyang bayaw sa Antipolo City.
00:06Aminado ang suspect sa panluloob pero itinanggi na may nakuha siyang 10,000 pisong cash.
00:11Laging una ka sa balita ni EJ Gomez Exclusive.
00:19Kuha sa CCTV ang pagpasok ng isang lalaki sa isang bahay sa barangay San Isidro, Antipolo City,
00:25alas tres ng madaling araw kahapon.
00:27Ilang segundo siyang tumayo sa sala, nagmasid-masid at may sinisilip.
00:32Maya-maya, kinuha niya ang isang bag at saka naglakad palabas.
00:37Ayon sa barangay, kinaumagahan na ng malaman ng may-ari ng bahay na nawawala ang kanyang bag.
00:43Agad daw nilang chinek ang CCTV sa bahay at saka nalaman na ang nagnakaw kanyang bayaw.
00:49Ang natangay niya ay isang bag na may labang mga IDs, lisensya, ORCR, saka halagang 10,000 ayon doon sa complainant.
00:57Tumangging humarap sa camera ang biktima na agad naman daw nagsumbong sa mga otoridad.
01:02Pinuntahan ng mga barangay tanod ang bahay ng sospek na si alias Jimboy.
01:06Pero hindi sa nakita roon.
01:08Bumalik yung complainant, maalas 8 ng gabi sa barangay.
01:13At ang sabi, yung sospek daw po ay nagiinom.
01:17Kaya po kami ay agad na gumawa ng plano.
01:20Kinornir namin yung tao, nagtatlong grupo kami para mahuli.
01:24Nagkaroon po ng abulan pero hindi niya inaasahan na mayroong kami mga tanod na nakaabang sa baba.
01:29Ito yung pinasok na isang bahay at ninakawan sa sarili niyang bayaw, ang kanyang ninakawan, ito at nahuli na namin.
01:37Narecover sa sospek ang ninakaw na bag at mga laman nito, maliban sa tinangay umano na 10,000 cash.
01:43Nang harapin siya ng bayaw niyang biktima, ang sospek, umiiyak na humingi ng tawad sa kanyang nagawa.
01:50Aminado ang 33-anyos na sospek sa pagnanakaw.
01:53Lasing daw siya noon at nangailangan lang ng perang pambili ng alak.
01:58Hindi rin daw niya napansin na bahay ng kanyang bayaw ang kanyang pinasok.
02:03Lasing lang po ako noon sa alak.
02:06Gagamitin yung pera.
02:08Sabi pa niya, wala siyang nakuhang pera.
02:10Hindi po totoo yun. Pinatalo niya kamo sa bilyard.
02:14Yung pera niyang sampulibang binibintang niya sa akin.
02:17Wala po talaga naman yung pitakan niya.
02:19Gusto ko pong umiisa ng tawad.
02:21Nangyayari po, sinorpresa po nila ako eh.
02:24Isisiyahan ko po yung nagawa ko sa kanya.
02:26Sa custodial facility ng Antipola City Police na kaditay ng sospek na naharap sa reklamong theft.
02:33Ito ang unang balita.
02:35EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
02:39Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:41Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended