Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Pinangambahang maapektuhan ang mga perang padala ng mga OFW sa Amerika sa kanilang mga pamilya rito sa Pilipinas.
00:07Isinusulong kasi sa U.S. Congress ang one big beautiful bill na planong taasan ang tax sa remittances ng mga hindi U.S. citizen.
00:16May unang balita si Mav Gonzalez.
00:20Hanggang tatlot kalahating porsyento ang posibleng mabawa sa padalang pera ng mga Pilipino at iba pang non-U.S. citizens palabas ng Amerika.
00:28Plano kasi ang buwisan simula January 1, 2026 sa ilalim ng panukalang one big beautiful bill na isinusulong sa U.S. Congress ni U.S. President Donald Trump.
00:39Mabigat yan para kay Sandy Agustin, isang healthcare worker.
00:43Ang bayad niya kada transaksyon sa 10 dolyar o mahigit 500 piso magiging $40 na katumbas ng mahigit 2,000 piso.
00:51Dahil lingguhang magpadala, halos 8,000 piso yan kada buwan.
00:55Alam naman po natin na hindi po pinupulot ang pera dito at pinagtatrabuhuan po talaga namin yun.
01:01At yung taas, imbis na ibibigay namin sa pamilya namin, ibabayad pa namin sa tax.
01:07Ang remittance tax naman na binabayaran ng dialysis technician na si Arturo Reyes mula $7 o halos 400 pesos, aakyat sa katumbas ng halos 2,000 pesos.
01:17Malaki na yan. So nananawagan ako sa ating mahal na pangulo dito sa Amerika, President Trump, saan nababaan niyo po?
01:25Become lowest na 3.5. Babaan niyo pa po.
01:30Bukod sa magmamahalang gastos, posibleng ma-expose ang immigration status ng isang sender dahil sa bagong verification na ipatutupad sa mga remittance center.
01:39Sabi pa naman ng Banko Sentral ng Pilipinas, sa Amerika galing ang pinakamalaking bahagi ng remittances na pumapasok sa Pilipinas.
01:47$14 billion yan o halos 800 billion pesos noong nakaraang taon.
01:52Pero sabi ng Palacio, ayon sa Department of Finance, 20% lang ng nasa 4.4 million Filipino sa US ang maaapektuhan ng panukala kung maisa batas.
02:03The tax will affect non-US citizens including green card holders and those with working visas.
02:08H1 visa holders.
02:10Although 41% of the remittances are routed to the US, not all of these are from Filipinos in the US.
02:19Because remittances are routed to the US via correspondent banks.
02:24Dagdag ng DOF, sa inaasahang $36.5 billion na remittances sa 2026, nasa $100 million lang ang mawawala dahil dito.
02:34May get billion pesos din yan. Pero sabi ng DOF, nasa 0.003% lang ito ng gross domestic product ng bansa.
02:42Gayunman, kung mismong mga pamilya umaasa sa padala, aminado ang palasyo na may epekto yan.
02:48While we see the estimated effect is minimal in the economy, it may be substantial for many families who solely rely on the remittances from a family member in the US.
03:00Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
03:07Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:09Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.