Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kaugnay sa pagkakabanggit ni Atty. Nicholas Kaufman sa pangalan ni Pangulong Bongbong Marcos
00:04sa confirmation of charges hearing sa ICC case laban kay dating Pangulong Duterte.
00:09Kausapin na natin si Palace Press Officer Yusek Claire Castro.
00:12Magandang umaga at welcome po ulit sa Balitang Hali.
00:15Yes, good afternoon. Good morning, Rafi.
00:18At good morning sa lahat na nakikinig sa atin sa inyong program at nanolood.
00:22Opo, ano bang reaksyon ng Pangulo sa sinabi ng Duterte Defense Team na
00:25hindi tinupad ni Pangulong Bongbong Marcos yung kanyang pangako na hindi makikipagtulungan ng pamahalaan sa ICC?
00:32Sa ngayon naman ay hindi naman pa nakikipag-ugnayan ang ating gobyerno sa ICC.
00:37Ang ipinatutupad natin mismo ay ang ating batas, yung RA-9851, Section 17,
00:43at ating pakikipag-cooperate, pakikipag-coordinate sa Interpol at ang ating...
00:50So wala lamang hindi tinutupad ang Pangulo.
00:53At isa pa sa mga ipinuntupon ni Atty. Kaufman ay ginawa raw ito ni Pangulong Marcos
00:57para in-neutralize ang dating Pangulo at pa kanyang legacy.
01:00Ano pong reaksyon dyan ng Pangulo?
01:02Ano bang ibig niya sabihin ng neutralize?
01:05Hindi ba ang kanyang kliyente ang eksperto sa pag-neutralize?
01:10Pag-neutralize sa media, pag-neutralize sa mga nasasangkot, sa mga illegal drugs.
01:18At nado, ang dating Pangulong Duterte, hindi sa bibig natin ang gagaling ito.
01:24Siya mismo ang nagsabi na siya ay nagpapapatay.
01:28At anong legacy ba ang sinasabi ni Atty. Kaufman?
01:33Ang legacy bang iniiwan ni dating Pangulong Duterte ay ang pagpapapatay na madugong extrajudicial killings?
01:42Yun ba ang dapat na in-neutralize ay sa tingin natin dapat talagang matigil ang patayang walang kabuluhan, walang basihan,
01:51at walang hustisya.
01:53So, sabi nga na natin, Rafi, mukhang itong si Atty. Kaufman eh nagpapahid lang.
02:00Dahil wala siyang makitang ebedensya at depensa para sa kanyang kliyente, lang sa ating Pangulo at sa admin para makaligtas.
02:12Pero ang usapan dito, yung kaso, ang mga krimen, di umano na ganap, ay 2011 hanggang 2019.
02:20At that time, hindi pa Pangulo, si Pangulong Margos Jr.
02:24At lahat niyang yan, nasaan ang depensa niya diyan.
02:27Ang ginagawa lamang niya ay paninira sa administrasyon para lumabas na kaawa-awa ang kanyang kliyente,
02:34para lumabas na maganda ang ginagawa ng vicepresidente.
02:39Lahat ng ito ay ang pamumulitika.
02:41Yun ang totoong pamumulitika.
02:43Yusek, nabanggit niyo yung pag-neutralize sa media.
02:45E isa sa mga binanggit ni Atty. Kaufman ay parang media yung nagsimula dito sa kumbaga grand scheme
02:51para sirahan ang dating Pangulo. Ano pong reaksyon niyo diyan?
02:55Ikaw, Rafi, taga-medya ka. Alam mo ang nangyari dito sa Pilipinas.
02:59At wala siyang, mukhang lumalabas na wala talagang depensa
03:05at hindi niya mapapasinungalingan ang mga akusasyon na naganap ng 2011 to 2019.
03:10Kaya kahit kanino na lang niya ipupukol ang kasalanan.
03:14Sa media, na nag-inflate daw ng mga kwento.
03:17photographer na kumuha daw ng mga grieving families na nakakapagbagabagdamdamin.
03:26At pati Pangulo, pati yung pagpapadala doon na hindi dapat natin sundin ang ating sariling batas
03:34para lamang sa kanyang kiyente.
03:37E may Pilipino.
03:39Rafi, mga Pilipino rin ang nagsampa ng kaso.
03:43Mga Pilipino rin ang nagsasabi na sila ay biktima ng madugo at karumaldumal extrajudicial killings.
03:53So dapat ito pantay-pantay ang tingin dito, hindi lang iisa ang tinitignan dito.
03:57Ngayon po at nabanggit ang pangalan ng Pangulo, may balak po ba ang palasyo na makipagungnain sa ICCO
04:03sumulat sa kanila para linawin yung mga sinabi ng Attorney Kaufman?
04:07Walang obligasyon. Ang Pangulo at ang administrasyon na ito na magpaliwanag.
04:13Hindi kasama ang Pangulo at ang administrasyon na ito sa kaso.
04:18Personal na kaso yan ni dati Pangulo Duterte at ang mga kapwa natin Pilipino ang nag-aakusa sa kanya.
04:25So hindi po, wala pong papel ang administrasyon dyan.
04:28Mapunta po tayo sa ICC mismo.
04:29Kung susuportan ba ang Pangulo sa isinusulong sa Kamara na muli pong sumali ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag
04:35sa ICC?
04:37Sa ngayon, actually, Rafi, hindi po na pag-uusapan ito.
04:40Pero kung magbibigay po sila ng suwestyon, cross-end cards and everything,
04:45maganda po na ibigay natin sa Pangulo ito para maaral po niya.
04:48Sa ngayon po talaga kasi ang tutok ng Pangulo, ekonomiya.
04:51Yung problema sa baha, pati employment rate, kailangan po maiangat ang buhay ng bawat Pilipino.
04:57Dyan po ang tutok ng Pangulo ngayon, servisyo muna po talaga bago pamumulitika.
05:01Pero bukas naman po siya kung sakali, mapag-aralan, ang pupwedeng pagsali ulit ng Pilipinas sa ICC?
05:08Sa lahat po ng issue na makakagat natin at sa kapwa natin, Pilipino, bukas po ang Pangulo dyan.
05:15At ano naman po masasabi niyo ngayong na-refer na sa House Justice Committee
05:18yung apat na impeachment complaints laban kay VP Sara Duterte?
05:23Para sa Pangulo, kung ano yung proseso, dapat lang po masunod.
05:28Kung ano yung mga ebidensya, yun lamang po siguran dapat tignan. Yun lang po.
05:33May reaction po ba ang palasyo doon sa timing ng pag-anunsyo ng pagtakbo ng Vice President?
05:40Ngayon at nasa committee na ng House yung kanyang mga impeachment complaints.
05:45Katulad na sinabi ng Pangulo, yung balak niyang tumakbo, good luck, it's your choice.
05:51Pero hindi po talaga ito binibigyan ng pansil ng Pangulo.
05:55Kung ano man ang anunsyo niyan, ang sabi ng Pangulo,
05:58nga sa Naga City siya, kasama si Mayor Lenny,
06:01servisyo muna bago politika, bago mamulitika. Servisyo muna.
06:06Opo, mapunta naman po tayo sa meeting ni VP Lenny at dating VP Lenny at ng Pangulo.
06:12Kumusta yung pakikita po nila?
06:13At doon sa Naga, at agad nasundan dyan po sa Malacanang.
06:18Hindi ba? Kumusta po yung meetup nila?
06:20Actually, yung pag-meeting na yun, matagal na po kasi nakischedule.
06:23Ititignan lang po kung anong date kasi may pinapagawa po talaga ang Pangulo doon
06:27patungkol po doon sa operasyon o plan kontrabaha.
06:31So, ang ismong si Mayor Lenny ang nagsabi na lunis pa lang po,
06:35nandun na po yung mga machinery, equipment.
06:38Tapos Tuesday, Chinese New Year po yan,
06:42nagtrabaho na po para maayos po yung estero sa kakanal.
06:45Wednesday naman po kasi nag-announce ang mga vice-presidente.
06:48So, in other words, yung pong pagdalawa po talaga ng Pangulo doon
06:51ay nakischedule po talaga.
06:53Anayos po kasi ng Pangulo ay mayroon ng resulta.
06:58Yung kanyang inutos para maayos po yung estero kanal at river dito sa Naga City
07:03at yun po yung pinunta.
07:05So, hindi po ito dahil may inanunsyo.
07:07Hindi nga po sa panunsyo ng vice-presidente,
07:12it doesn't matter, it's so irrelevant sa kanya po at sa administrasyon na ito
07:16dahil trabaho lang po talaga tayo.
07:18Trabaho lang po ang Pangulo.
07:19At itong meeting po sa Malacanang,
07:21sino po yung pumili ng mga LGU officials na iimbitahan
07:25para dito sa launching ng bagong Pilipinas, bawat bayan makikinabang program.
07:29Halos lahat po talaga ng officials po ng LGU ay imbitado.
07:35Sa ating pagkakaalam po ay OIS po malamang
07:39at ang PMS po ang sagawa ng mga invitation.
07:42Kasama po ba si Davao City Acting Mayor Baste Duterte sa mga inimbitahan?
07:46Hindi ko po napansin.
07:48Tatalungin ko po.
07:49Hindi po kasi ako parte ng gumagawa ng invitation.
07:52Okay, sige po.
07:53Maraming salamat po sa oras na ibinahagi niyo sa Balitang Hali.
07:57Maraming salamat, Rafi, at sa ating mga kababayan.
07:59Good afternoon.
08:00Yan po si Palas Press Officer Yusek Claire Castro.
08:03Susubukan po namin hinga ng pahayag si Atty. Nicholas Kaufman,
08:05kaugnay sa mga pahayag ni Yusek Castro.
Comments

Recommended