00:00Today, this administration launches sa bagong Pilipinas, bawat bayan makikinabang.
00:06An initiative anchored on the principle that our local government must be empowered to respond to the needs of the
00:14people.
00:15Bilang local chief executive, kayo ang unang nakakaramdam ng problema at unang nakakarinig ng mga hinaing.
00:23Dahil kayo ang nakakaalam ng tunay na kalagayan sa inyong komunidad sa inyo nagsisimula.
00:30Ang pagbabago.
00:31For more than three decades, the Local Government Support Fund, or LGSF, aside from the National Tax Allocation, has served
00:40as the bridge between national and local government and local communities.
00:46Ang mga proyektong pinondohan ng LGSF ay agarang naghatid ng suporta at ginhawa sa ating mga kababayan.
00:55Ilan sa mga ito, ang pagsimento ng farm-to-market road, halimbawa sa Barangay Putlan sa Nueva Ecija, ang pagsasagawa
01:03ng school building sa Kamuning Elementary School sa Kamsur.
01:08Nakapaghatid din tayo ng kuryente gamit ang renewable energy sa Barangay Sayon at sa Agusan del Sur.
01:14At napaayos natin ang gigaguit waterways system sa Surigao del Norte.
01:21However, in the past, it worked mainly as, shall we say, a demand-driven system.
01:30Inilalabos lamang ang pondo kapag ang lokal na pamahalaan ay nakapagsubmit ng lahat ng requirement para sa panukalang proyekto.
01:41Hindi maikaila na minsan mahirap at mabagal ang proseso kung minsan pa nawawala yung request.
01:49Lalo na sa mga maliliit at malalayong mga LGU.
01:54Nakakagulat ano, nawawala yung request. Bakit kaya yun?
01:59Kaya, inutos ko at natutukan ang mga problema nito.
02:06Nagsagawa tayo ng malawakang konsultasyon kasama ang Union of LOCAM, ang ULAP,
02:12the League of Municipalities of the Philippines, League of Cities ng Pilipinas,
02:17upang tukuyin kung anong mga hakbang ang kailangan natin gawin.
02:22Una, tinaasan natin na mahigit 34 bilyong piso ang ating LGSF para sa 2026.
02:33Kaya sa kabuan nito, umabot na ang pondong yan sa halos 58 bilyong piso,
02:40pinakamataas sa buong kasaysayan ng LGSF.
02:46Bukod pa riyan, pinabilis at pinadiretsyo na natin ang pagdating ng LGFF sa bawat lokal na pamahalan.
02:58Ginawa namin ito dahil sa pagkilala na ang pangangailangan ng tao,
03:04gano'ng man kaliit o gano'ng kalaki, ay hindi pa nag-aantay pa.
03:09Upang matiyat na ang bawat sentimo ng pondo ay malinaw ang direksyon,
03:16nagtakda tayo ng mga prioridad na programa na magpapalakas ng ating mga sektor.
03:22Sa usaping pagkain, mula sa LGSF, mamamahagi tayo na 60 kilong bigas sa higit 5 milyong pamilyang Pilipino.
03:37Makakatanggap ang bawat pamilya ng 10 kilong bigas sa loob ng 6 buwan kada taon.
03:43Sa tulong na ito, may may ihahin na sa hapag ang bawat pamilyang Pilipino.
03:49Mas magiging maayos ang nutrisyon ng ating mga kabataan at kahit papano'y gagaan ang gastusin sa araw-araw.
03:58Popondohin din natin ang pagtatayo ng mga ospital at health station.
04:02Sisikapin na magdagdag ng mga medical equipment upang maging mas abot kamay ang servisyong medikal.
04:09Inaasahan natin mababawasan ang pag-aalala ng mga Pilipinong sa kanilang kalusugan.
04:16Kailangan na rin natin paigtingin ang ating paghahanda laban sa mga sakuna na pinalala ng climate change.
04:25Bibigyan natin ang suporta ang ating mga kababayan upang magkaroon ng multi-purpose hall, sports facilities,
04:31iba pang mga pasilidad na maaring magamit bilang evacuation center.
04:37At iba na ang disenyo nito upang kaya na kahit na gano'ng kalakas ang bagyo o lindol na dumating
04:45sa atin.
04:47Magsisilbi ito na lugar para sa pagkatuto, pagsasanay ng mga atleta,
04:53ligtas na ang mga masisilungan tuwing may sakuna.
04:59Susuportahin din natin ang pagsasagawa ng farm-to-market road at local road network
05:04upang mapabilis ang galaw ng mga produkto, ng servisyo at ng mga mamamayan.
05:12Makakatulong ito upang bumaba ang presyo ng mga bilihin at tumas naman ang kita ng mga nagsasaka.
05:19At patuloy din natin isinasayos ang mga water supply system at electrification project.
05:26Mababawasan ito ang pangamban ng ating mga kababayan kung saan kukuha ng malinis na tubig
05:32o kaya naman kung ligtas ba ang kanilang komunidad pagkagabi.
05:39Bahagi ng LGSF na mas malawak nating layunin na isulong ang bagong Pilipinas
05:45kung saan ang pagunlad ay nararamdaman sa bawat rehyon at bawat komunidad.
05:51Ngayon, 2026, nairelease na ang humigit kumulang 1.19 trillion pesos
05:59na national tax allotment para sa mga LGU.
06:04Mas batas ito ng higit 15% kumpara ng 2025.
06:16Ibig sabihin, mas kaya na ngayon ng ating mga LGU na pondohan ang mga programang kailangan ng kanilang nasasakupan.
06:26Mamayang hapon, sasaksahan din natin ang isa pang resulta ng pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan.
06:34Sa kasunduong ito, mas mapapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan ng ating mga komodidad.
06:42Nauna nang lumagda ang mga gobernador noong February 11.
06:47Ngayon naman, mga city mayor,
06:50maisa sa katuparan lamang ang ating mga hangarin
06:53kung patuloy ang ating pagkakaisa at ang ating koordinasyon.
06:58Patuloy din natin ipinakita ang tunay na diwa ng pagiging lingkod bayan.
07:04May kakayahan, may integridad at may malasakit sa kapwa.
07:09Ngunit ang diwa na ito ay hindi lamang para sa mga halal na opisyal.
07:14Ito ay dapat taglay sa bawat Pilipino.
07:17Kaya't umaasa ako na magiging bahagi ang lahat ng sama-samang pagsisikap
07:24para sa mas progresibo, mas maunlad at mas makatarungang lipunan.
07:30Hinihikayat ko ang lahat na makilahot upang ang mga proyekto sa inyong komunidad
07:36at maging katuwang ng pamahalaan sa pagtiyak na ang pondo ay napapakinabangan ng bawat mamamayan.
07:44Sama-sama natin itatag ang bagong Pilipinas na mas handa sa hamon,
07:49mas bukas sa oportunidad, mas maunlad para sa mga susunod na henerasyon.
07:56Maraming maraming salamat sa inyo at mabuhay kayong lahat.
08:14Maraming salamat sa inyo at mabuhay kayong lahat.
Comments