Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, Feb. 22, 2026:


- Lalaki, patay nang mabaril sa away na nag-ugat daw sa mabahong palikuran


- Pag-embalsamo sa dalaga, ginawang content ng embalsamador


- Magtiyuhing suspek sa pamamaril sa security guard, arestado


- OCD: 8 patay sa landslide sa Davao Region


- PNP nakaalerto sa mga posibleng protesta sa FPRRD confirmation of charges hearing


- 3 sugatan sa pagsemplang ng motorsiklo at salpukan ng pedicab at motorsiklo


- Sen. Lacson: Dapat munang dumaan sa local courts bago ipatupad ang arrest warrant mula ICC


- Pabalik-balik at matagal na respiratory illness, 'di dapat balewalain ayon sa mga doktor


- LPA binabantayan, 3 weather system nagpapaulan sa bansa


- Mga global tariff ni Trump ibinasura ng U.S. Supreme Court; Trump gumanti ng bagong taripa


- Bulto-bultong kamatis, itinapon sa gilid ng kalsada sa Nueva Vizcaya


- 4-day confirmation of charges hearing sa mga kaso ni FPRRD, magsisimula na bukas, Feb. 23


- Bundok ng basura sa landfill sa Rizal, gumuho; 3 nawawala ayon sa pulisya at MDRRMO


- Glaiza de Castro at Kelvin Miranda, may acting awards mula sa isang streaming platform


- EDSA 40—Demokrasya at transparency, mensahe ng ilang personalidad sa EDSA Shrine prayer rally


- Ex-Kapuso PBB Celebrity Collab 2.0 housemates, excited nang mag-reunion kasama ang ibang housemates







24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:30Sama sila iihig dito kay mga lalaki na ito.
00:33Dinig sa cellphone video ang alitan sa isang solar farm sa General Tino, Nueva Ecija nitong alas 11 ng gabi
00:40ng February 15.
00:43Tumindi ang tensyon ng makipagtalo ang isa pang lalaki sa lupuhan ng video.
00:54Hanggang na-uwi ito sa pamamarina.
01:00Napatakbo ang nagbibidyo na si John Michael Magtuto at kanyang mga kasamahan.
01:06Pero si Magtuto tinamaan sa John at Hita.
01:13Isinugod ang biktima sa ospital sa General Tino, pero nang ilipat sa ospital sa kabanatuan, di na siya umabot ng
01:20buhay.
01:22Inuwi sa Quezon City ang kanyang labi at ngayong araw inilibing.
01:27Batay sa investigasyon, parehong dayo sa lugar ang grupo ng suspect na subcontractor sa pag-install ng solar panel at
01:34ang grupo ng biktima na taga-install ng solar panel.
01:37Habang nakikipag-inuman ng suspect, una-umanong nagkasagutan ng kanyang kinakasama at ang grupo ng biktima.
01:43Ang ugat ng gulo, mapahong palikuran.
01:47Ang sumugod po dito, eh yung grupo po ng biktima.
01:50Sila po yung nanita at accordingly sa mga witness, eh medyo nakaramdam din ng konting takot o kabay sa side
01:58ng suspect.
01:59Kaya siguro po, eh bumunot na siya ng baril.
02:02Ang namaril na kinilalang si Flores Pula, tumakas sa kainang pick-up ng kanyang kinakasama.
02:08Tinutugis pa ang suspect.
02:10Noong February 16, natagpo ang abandonado ang pick-up sa bahay ng Santa Rosa.
02:15Nakuha naman ng mga otoridad ang mga basyo ng bala.
02:18Bineberry ka pa kung may lisensya ang baril na ginamit.
02:21Pumabigat po yung itinasan natin sa kasong murder.
02:23Kung maipapaliwanag niya po yung side niya, baka sakaling bumaba po ito hanggang sa homicide.
02:29Depende po yun sa pagsusurinig ng ating korte.
02:32Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos, nakatutok 24 oras.
02:38Doble as sakit para sa pamilya ng isang nasawing dalaga sa Quezon.
02:43Ang pag-embalsa mo sa kanyang labi, ginawang content.
02:47Nakatutok si Mav Gonzalez.
02:55Mabait, malambing at masiyahin.
02:57Ganyan ilarawan ng kanyang pamilya ang 21 anyos na si Rose.
03:04Kaya labis ang pigati nila nang pumanaw ang college sophomore noong February 8
03:09dahil sa komplikasyon ng stage 5 chronic kidney disease.
03:14Pero ang pagluluksa, nahaluan ng galit nang madiskubre nilang ginawang content sa social media ang pag-embalsa mo kay Rose.
03:22Ang hirap pa rin tanggapin na wala na nga yung anak ko.
03:25Tapos nung pakalibing, napanood nung amay niya, in-reels pala.
03:30Bukod sa walang pahintulot ang content, nakita ang buong katawan at muka ng dalaga,
03:35pakiramdam nila'y napastos at pinagtawanan paan niya ang labi ng kanyang anak.
03:40Ikinontent yung pagbabalsa mo sa kanya.
03:43Simula, nililiguan siya, hugot-hubad, grab yung mga ano sa kanila, comment ang babastos.
03:49Screenshot lang ng naturang video ang naitago ng ilan niyang kaibigan para magsilbing ebidensya.
03:55Ayon pa sa ina ng biktima, napag-alaman nilang hindi o manulisensyado ang naturang embalsamador.
04:02Hindi ko rin akalain na magiging gano'n ang trato sa kanya.
04:06Pinagkatiwala ko kasi ng ayos sa porinari niya.
04:10Eh, hindi ko alam ba't nagkaganon.
04:14Kinumpronta ng pamilya ang embalsamador na umamin sa kanyang ginawa.
04:17Nag-deactivate siya ng social media account, pero hindi napigilan ang pagkalat ng video.
04:23Galit na galit pa rin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makamove on.
04:28Tapos sabay pa yung problema na yun.
04:30Sana kayo mabiga ng katarungan yung anak ko na yun.
04:34Nag-iimbestiga na ang polisya matapos magsumbung ang ina.
04:37Hinahanap ngayon ang embalsamador.
04:39Sinusubukan pa naming makuha ang pahayag ng pamunuan ng punerarya.
04:43Ayon sa nanay ni Rose, bukas nakatakda silang magharap ng may-aring ng punerarya.
04:48Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok 24 oras.
04:55Arestado magtsuhing riding in tandem na namaril ang isang security guard sa Quezon City.
05:00Ang mga suspect nakipaghabulan pa sa polis.
05:03Ang nahulikam na insidente sa pagtutok ni EJ Gomez.
05:10Sa kuha ng CCTV sa barangay West Camias, Quezon City, madaling araw noong Webes,
05:16isang lalaking nakasuot ng hoodie at may hawak na bag ang tumatakbo.
05:20Kasunod niya ang isa pang lalaki na naka-helmet at nagtutulak ng motorsiklo.
05:24Sa isa pang CCTV, iniwan ang unang lalaki ang kanyang bag sa gilid ng isang nakaparadang sasakyan.
05:31Ipinark naman ng pangalawang lalaki ang motorsiklo sa gilid ng sasakyan.
05:35Hinubad ang helmet at saka tumakbo.
05:38Kasunod nito ang pagdaan ng isang polis mobil.
05:41Ilang sandali pa, tumakbo pabalik ang unang lalaki pero hindi na siya nakahudi.
05:48Bumalik din ang pangalawang lalaki at muling nagsuot ng helmet.
05:52Hinabol sila ng isang polis.
05:54Sumunod ang polis mobil.
05:55Ayon sa polis siya, sospek ang dalawang lalaki sa pamamaril sa isang security guard.
06:01Bigla na lang po na merong pong huminto na motor sa harapan ng gate ng pinagtatrabahoan niya.
06:09And then biglang tinutok ang baril at pinaputukan po siya.
06:13Ang driver ng motorsiklo ang gunman.
06:15Base sa pahayag ng biktima.
06:17Nakita raw niya ang mga sospek na lumiko sa sumunod na kanto.
06:20Sakto naman na dumaan ang polis mobil.
06:23Yun yun yun yung dalawang tumatakas sila yung bumaril sa akin.
06:26So yung ating dalawang polis isinakay agad siya.
06:31Alika, ituro mo.
06:32Pagkasunod nila, sakto naman nung paglikon nila doon,
06:35may nakita sila na nagtutulak ng motorsiklo.
06:38Nung lapitan nila, iniwan yung motor, nagtakbuhan.
06:41So yun naman na yun nakuha natin sa CCTV na nagkakahabulan.
06:46Naaresto kalauna ng mga sospek.
06:48Na-recover sa kanila ang isang loaded na .45 caliber na baril at mga bala.
06:53Na-kumpis ka rin ang isang cellphone at 30,000 pesos cash.
06:58Bumiyahin mula late ang mga sospek na magtiyuhin pala isang araw bago ang pamamaril.
07:04Hindi rin kanila ang baril at motor.
07:06Kaya ka na-paprasen.
07:07No problem.
07:08Nakaditay na mga sospek sa custodial facility ng Anonas Police Station.
07:13At nahaharap sa mga reklamang persuaded murder,
07:16illegal possession of firearms and ammunition,
07:19at use of motorcycle in the commission of crime.
07:21Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
07:29Walo ang bagong bilang na nasawi sa landslide
07:31sa ilang lugar sa Davao Region na inulan dahil sa Shear Line.
07:35Sa panayam ng Superadyo DZBB sa Office of the Civil Defense,
07:38apat sa mga nasawi ay naitala sa Davao Oriental.
07:41Habang ang iba ay mula naman sa Davao de Oro,
07:44kabilang ang tatlong mag-aama na natabunan ng gumuhong lupa.
07:47Sa tala na OCD, halos 20,000 pamilyang apektado na masamang panahon.
07:53May mga nasira ding tulay at kalsada sa Davao Region.
07:57Habang tinatayang nasa P376 million pesos
08:00ang halaga ng pinsala sa agrikultura.
08:03Sa Tagum City, Davao del Norte,
08:05inanod at bumara sa tulay ang mga puno ng saging.
08:08At hindi pa rin humuhu pa ang baha sa highway.
08:24Nakaalerto ang Philippine National Police sa posibleng mga protesta
08:27kaunay sa Confirmation of Charges Hearing
08:29di dating paulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.
08:33Ay kay PNP Chief Jose Melencio Nartates Jr.,
08:37minomonitor nilang mga posibleng mass gathering
08:40para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
08:43Iinatasan din ang mga regional unit
08:45na ihanda ang civil disturbance management teams
08:47at ang mga medical emergency responder.
08:51Tiniyak ni Nartates na ipatutupad ang maximum tolerance
08:54at mananatiling professional ang mga polis.
08:57Panawagan din ang PNP Chief sa mga magsasagawa ng protesta,
09:01huwag magpadala sa emosyon
09:03na maaaring magandahilan ng sakitan at paglabag sa batas.
09:11At bumangga pa siya sa posa ng kuryente.
09:14Ang tricycle sa unahan nito hindi na mataan
09:16pero nang kumabig pakaliwa patungo sa kabilang lane
09:19sa kahit o nasal po ng paparating na motorsiklo.
09:23Tumila po na ang dalawang rider
09:24at nagtamu na mga sugat ang tatong rider
09:26na nasa ligtas ng kalagayan.
09:28Name si Han ang disgrasya.
09:32Kaunay sa mga pinangalan ng co-perpetrator umano
09:36ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
09:37na sina Senador Bongo at Ronald Bato de la Rosa
09:40naniniwala si Senate President Pro Tempore Ping Lakson
09:43na sakaling may aresuara at nasa kalila
09:45ang International Criminal Court
09:47dapat munang dumaan ang mga ito sa local court
09:49bago ipatupad.
09:51Nakatutok si Mav Gonzalez.
09:55Pipirma rao si Senate President Pro Tempore Ping Lakson
09:58sa resolusyon ng Minority Block na nagsasabing
10:01kapag may inilabas na warrant of arrest
10:03ang International Criminal Court o ICC
10:06dapat dumaan muna ito sa local court.
10:08I promised Sen. Bongo
10:11kung nung pinarecent sa akin yung draft resolution
10:13sabi ko pipirma ko kasi yan din ang aking posisyon.
10:16Kasi nga at the proper time
10:17kapag may cause of action
10:20ang Korte Suprema lamang
10:22ang pwede mag-decide.
10:23Dagdag ni Lakson,
10:25ayon sa Article 3, Section 2 ng Konstitusyon
10:27dapat dumaan sa local judge
10:29ang isang search warrant o warrant of arrest
10:31bago maipatupad.
10:33Out of respect sa ating local courts
10:35eh dapat man lang maglabas ng corresponding order
10:39para implement,
10:40hindi mag-issue ng warrant of arrest
10:42para mag-implement yung ating
10:44local law enforcement agencies.
10:47Bukas magkakaroon din ang kokos lahat ng sendor
10:50para pag-usapan ng ilang issue
10:52kabilang ang matagal ng pagiging absent
10:54ni Sen. Bato de la Rosa.
10:56Sa ngayon daw kasi,
10:57walang nakalagay sa Senate rules
10:59kung paano ito tutugunan.
11:00Ang meron lang kami,
11:02pagka I think 30 absences
11:04sa committee hearings,
11:07nawawala yung membership.
11:08Pero wala kami doon sa pinaryo
11:10kung ano mangyayari
11:11kung sakaling tuloy-tuloy
11:13yung pag-absent
11:14ng isang miyembro,
11:15ng isang senador.
11:16Sakaling ma-amiendahan
11:17ng Senate rules,
11:19hindi naman daw ito
11:19kailangang mag-apply
11:20kay de la Rosa,
11:22maliba na lang
11:22kung gawin nila itong retroactive.
11:24Sa ngayon,
11:25wala rin ethics complaint
11:26laban kay de la Rosa.
11:28Wala naman dahilan
11:29pa rin di sumueldo
11:30kasi hindi naman siya
11:31na-di-dismiss.
11:32Pwede naman matanggal lang
11:33yung isang senador
11:34sa pamamungitan ng
11:35ethics committee
11:36kung grave yung offense
11:38o kaya meron siyang
11:40final conviction
11:41sa court
11:42o kaya merong
11:43perpetual disqualification.
11:45Pag-uusapan din sa COCOS
11:47ang pulong ni Committee
11:48on Foreign Relations
11:49Chairman Sen. Erwin Tulfo
11:50sa Chinese Embassy.
11:52Para nag-open
11:53ng avenue
11:55yung ambasador,
11:56nagsalita siya nun
11:57na let's talk.
11:58So hindi sarado
11:59yung kanilang
12:00pag-iisip tungkol dito.
12:01Maybe
12:02we should
12:03take that opportunity,
12:06grab the opportunity
12:07na
12:07mag-initiate na rin
12:09tayo ng dialogue.
12:10Pagkatapos yung DFA,
12:12nagsabi na rin sila
12:13na they can facilitate.
12:14Mas maganda na yung
12:15magkaharapan
12:16sa isang dialogue.
12:17Not necessarily
12:17pag-debatihan
12:19kung ano ba yung
12:21issue,
12:21legal issues
12:22tungkol sa
12:22West Philippine Sea.
12:24Giit ni Lakson,
12:25hindi porket
12:26makikipag-usap tayo
12:27ay isinusuko na natin
12:29ang West Philippine Sea.
12:30Wala tayong sinusuko
12:31at hindi tayo
12:32muryuko.
12:33Gusto lang natin
12:34maiwasan na yung
12:36maanghang na
12:37napalitan ng
12:38salita
12:39through social media.
12:41Para sa GMA Integrated News,
12:43Mav Gonzalez
12:44nakatutok
12:4524 oras.
12:47Mga kapuso,
12:48doble ingat po
12:49dahil flu season
12:50pa rin ngayon
12:50ayon sa Health Department.
12:52At sa gitna po niya
12:53ang may paalala
12:53ang mga doktor
12:54lalo na
12:55kumahigit isang linggo na
12:56ang inyong ubo
12:57at sipon.
12:58Nakatutok
12:59si Buon Aquino.
13:03Peak o kasagsagan talaga
13:04ng flu season
13:05ngayong Pebrero
13:06ayon sa Department of Health.
13:08Heto nga si Joshua.
13:09Tatlong araw
13:10nang may ubot sipon.
13:12Sobrang hirap.
13:14Lalo na at ano,
13:15mayatmayang
13:16nagkakaano yung
13:17ano ko,
13:17yung ilong ko.
13:19Water therapy lang po.
13:20Oo, may okay naman po.
13:21Pero si Valentino,
13:23dalawang ligo na raw
13:24may ubot sipon
13:25at hindi pa raw
13:25nagpapadoktor.
13:27Nag-home remedy
13:28lang muna siya.
13:29Nag-ano ko ng
13:30warm water
13:31sa umaga.
13:32Tapos iniinit ko
13:33na muna yung kalamansi.
13:35Pinipiga
13:35sa kutsara.
13:38Tapos
13:38laligang ko kunting asin.
13:40Iinuming ko na yun.
13:40Ayon sa mga eksperto,
13:42ang mga nararanasan
13:43ngayong ubo,
13:44sipon,
13:45pananakit ng lalamunan
13:46at katawan,
13:47lagnat at baradong ilong,
13:48maaaring dulot
13:49ng viral
13:50o bacterial infection.
13:52Pero ibang usapan
13:53na kung hindi pa yan
13:54gumagaling
13:55matapos ang
13:55pitong araw.
13:57Kung viral infection lang,
13:59kayang-kaya na ho nila
14:00sa sarili nila
14:02at pwede ho siguro
14:03mga pitong araw.
14:05Pero pag umabot na rin
14:06ho ng pitong araw
14:07tapos talagang
14:08medyo
14:10malakas pa yung ubo
14:11at saka yung sipon,
14:13then magpatingin na rin
14:15ho kayo
14:15kasi talagang
14:16hindi ho
14:17dapat nagtatagal
14:19ang mga
14:20mga ubo-ubuhu na yan.
14:22Ang mga
14:23may comorbidities
14:24anya tulad ng
14:24hika,
14:25sakit sa puso
14:26at COPD
14:27o chronic obstructive
14:28pulmonary disease
14:29dapat magpakonsulta
14:31agad
14:31kung limang araw
14:32nang may respiratory
14:33illness.
14:34Kung umuubo na
14:36ng dalawang linggo
14:36o higit pa,
14:38mag-ingat din
14:38sa posibilidad
14:39ng tuberculosis.
14:40Ang bansa natin
14:42ay endemic
14:43for tuberculosis
14:44kailangan
14:45iisipin namin
14:46ang TB
14:46para ma-diagnose
14:47natin kaagad
14:48para mas
14:50ma-treat natin
14:51at ma-control
14:52natin
14:52ang tuberculosis.
14:54Dahil flu season
14:55ngayon
14:55ayon sa DOH
14:56dapat mag-ingat
14:58lalo na sa
14:58pabago-bagong panahon.
15:00Pag nag-iba kasi
15:01yung humidity
15:02ng hangin
15:02nakakairita rin yan
15:03dun sa ating
15:04lalamunan
15:05sa ating ilong
15:06kaya minsan
15:07iisipin natin
15:08ala ano ba to
15:08virus ba to
15:09pero actually
15:09baka yung marami
15:10sa atin
15:11ay naiirita lang
15:12yung mga
15:13respiratory lining
15:14sa sinasabi.
15:15Payo ng DOH
15:16uminom ng sapat
15:17na tubig
15:18maliban kung
15:18nagdadialisis
15:19magkaroon ng
15:21healthy lifestyle
15:21at magpabakuna
15:23laban sa flu
15:24at pneumonia.
15:25Prutas at gulay
15:25mas marami
15:26andun po yung
15:27mga vitamins
15:27and minerals
15:28na siyang
15:29pagpapalakas
15:30sa ating immune system
15:31ehersisyo
15:32ganun rin po
15:33para hindi tayo
15:33madaling mapagod
15:34at yung disiplina
15:36huwag na humag-vape
15:37huwag na humag-sigarilyo
15:38para sa GMA
15:40Integrated News
15:41Von Aquino
15:42Nakatutok
15:4224 oras
15:43Mga kapuso
15:44walang binabantay
15:45ang low pressure area
15:46ang pag-asa
15:46pero may tatlong
15:48weather system
15:48sa nagpapaulan
15:49sa bansa
15:50ay sa pag-asa
15:51nagdadala ng
15:51maulap na panahon
15:52na may kalat-kalat
15:53na pagulan
15:54at isolated thunderstorms
15:56ang shearline
15:56sa Visaya,
15:57Sorsogon,
15:58Masbate at Romblon
16:00Easterlies naman
16:01ang umiirang
16:02sa Mindanao at Palawan
16:03habang
16:03Northeast Monsoon
16:04o Omihan
16:05ang nagpapaulan
16:06sa Quezon
16:07natitirang bahagi
16:08ng Bicol Region
16:09sa Metro Manila
16:09at natitirang bahagi
16:11ng Luzon
16:11Base sa rainfall forecast
16:14ng Metro Weather
16:14posibleng light
16:15to moderate rains
16:16bukas
16:16sa ilang bahagi
16:17ng Aurora
16:18Camarines Norte
16:19Oriental Mindoro
16:20at Palawan
16:21Light to intense rains
16:23naman ang posibleng
16:23maranasan
16:24sa malaking bahagi
16:25ng Visayas
16:25at Mindanao
16:26pagdating ng hapon
16:28Mababa naman
16:29ang chance
16:29ng pagulan
16:30sa Metro Manila
16:30bukas
16:33Idineklara
16:33ng US Supreme Court
16:35na labag sa batas
16:35ang malalaking taripa
16:37sa iba't ibang bansa
16:38na ipinataw
16:39ni President Donald Trump
16:40Sabotong 6-3
16:41pinagtibay ng mga
16:43Mahistrado sa Amerika
16:44na walang kapanyarihan
16:45si Trump
16:45na magpataw ng mga taripa
16:47gamit ang batas
16:48na dapat ay para
16:49sa mga national emergency
16:52Hindi ikinatawa ni Trump
16:53ang pasya ng hukuman
16:54at bilang ganti
16:56agad siyang nag-anunsyo
16:57ng bagong global tariff
16:59mula sa 10%
17:00na unang inanunsyo
17:01itinas niya ito
17:03sa 15%
17:05Tagdag po yan
17:06sa umiiral ng taripa
17:07sa mga produktong
17:08inaangkar na Amerika
17:09bukod sa mga
17:09critical mineral
17:10metals
17:11at energy products
17:1219% ang tariff
17:14na unang ipinataw ni Trump
17:15sa mga produktong
17:16ineexport
17:17o iniluluwas
17:18ng Pilipinas
17:19maliban
17:19sa mga produktong
17:21agrikultural
17:21electronics
17:23at semiconductors
17:24sa isang pahayak
17:25sinabi ng ating
17:26Department of Finance
17:27at Department of Trade
17:28and Industry
17:28na patuloy silang
17:30makikipag-ugnayan sa Amerika
17:31para sa isang arrangement
17:33o kasunduan
17:34na makatutulong
17:35sa mga stakeholder
17:38Dahil hindi maibenta
17:39itinapo ng ilang magsasaka
17:41sa Bayombong Nueva Vizcaya
17:42ang mga inaning kamatis
17:44Pinulot ng ilang residente
17:46ang mga kamatis
17:47para hindi tuluyang masaya
17:48Ayon sa pamanoan
17:49ng Nueva Vizcaya
17:50Agricultural Terminal
17:52nagsabay-sabay ang anihan
17:53ng kamatis
17:54sa Northern
17:54at Central Luzon
17:56Bukod dito
17:57prioridad daw
17:58ng mga trader
17:58ang mga malalaking
18:00variety
18:00ng kamatis
18:01Ipinagbigay alam na rao
18:03nila ang nangyari
18:04sa Regional Office
18:05ng Agriculture Department
18:06para sa kaukulang aksyon
18:07Sinusubukan pa namin
18:09makuhang reaksyon
18:10ng DA
18:21Bukas na po magsisimula
18:23ang apat na araw
18:23na confirmation of charges
18:25ng International Criminal Court
18:26laban kay dating Pangulong
18:28Rodrigo Duterte
18:29Nilinap po ng ICC
18:30na mga pagdinig
18:31at hindi paglilitis
18:32ang magaganap
18:33ngayong linggo
18:34At mula sa The Hague
18:36sa Netherlands
18:36nakatutukla
18:37si Marise Uman
18:40Marise
18:42Pia, good and Morgan
18:43Magandang umaga
18:44mula rito sa The Hague
18:46Netherlands
18:46at narito nga tayo ngayon
18:47para sa confirmation
18:49of charges hearing
18:50para kay dating Pangulong
18:51Rodrigo Duterte
18:52na magsisimula na nga bukas
18:54Pero bago nito
18:55ay magkakasama muna
18:56nagsagawa
18:57o nagsasagawa
18:58ng press conference
18:59ang Duterte Panagutin
19:00Europe Network
19:01kasama na rin po
19:02ang mga kinatawan
19:04ng mga pamilya
19:06ng biktima
19:07pati na rin
19:07yung kanilang legal team
19:08at layunin itong
19:10aktividad na ito
19:11na manawagan
19:12para sa pananagutan
19:13at justisya
19:14para sa mga biktima
19:15Narito po
19:16ang aking report
19:20Mag-iisang taon
19:21matapos dakpin
19:22sa Pilipinas
19:23at dalhin
19:24sa The Netherlands
19:24at humarap
19:26sa unang pagkakataon
19:27sa mga hukom
19:28ng pre-trial chamber
19:29ng International
19:30Criminal Court
19:31Ang Rodrigo
19:34Roa
19:35Duterte
19:38Bukas
19:39magsisimula
19:40ang hearing
19:40ng confirmation
19:41of charges
19:42laban kay dating
19:43Pangulong
19:43Rodrigo Duterte
19:44Naharap siya
19:45sa tatlong counts
19:46ng crimes against humanity
19:48for murder
19:49at attempted murder
19:50konsod ng madubong
19:51kampanya kontra droga
19:52mula noong mayor
19:53pa siya ng Davao City
19:55hanggang naging
19:55Pangulo ng Pilipinas
19:57Sa February 23,
19:5924,
19:5926 at 27
20:01itinakda
20:02ang confirmation
20:02of charges hearing
20:03Ayon sa ICC
20:05hindi ito paglilitis
20:07Magde-desisyon
20:08ng pre-trial judges
20:09kung may sapat bang
20:10ebedensya
20:11para isakdal
20:12ang dating Pangulo
20:13Naunang pinagbigyan
20:14ng ICC
20:15pre-trial chamber 1
20:16ang petisyon
20:17ni Duterte
20:17na siya'y lumiban
20:19o hindi humarap
20:19sa pagdinig
20:20Pinahintulutan naman
20:22ang chamber
20:22ang paglahok
20:23sa pagdinig
20:24ng mahigit
20:24limanda ang biktima
20:26Dadalo rin
20:26sa pagdinig
20:27ang prosecutor
20:28defense team
20:29ng dating Pangulo
20:30at legal representatives
20:31na sina
20:31attorney Joel Butuyan
20:33at attorney Gilbert Andres
20:34na ibinigay ng ICC
20:36para sa mga biktima
20:37Habang tatay
20:38yung case manager
20:39ng mga biktima
20:39si Nicolene Arcana
20:41Pero umapila
20:42sa desisyon
20:43ng ICC
20:44and Defense Council
20:45ng dating Pangulo
20:46na si Nicholas Kaufman
20:47Hiniling niya
20:48ang pagdisqualify
20:49sa mga abugado
20:50at case manager
20:50ng mga biktima
20:51dahil umano
20:52sa conflict of interest
20:53na posibleng
20:54na makaapekto
20:55sa pagsasakdal
20:57Pagkatapos
20:57ng pagdinig
20:58ngayong linggo
20:59may 60 araw
21:00ang pre-trial judges
21:01para pag-aralan
21:02ang mga ebidensya
21:03at magbigay
21:04ng desisyon
21:04Kung mapapatunayang
21:06matimbang
21:06ang mga ebidensya
21:07iaakyat
21:08ang kaso
21:09sa trial chamber
21:10na siyang mamamahala
21:11sa mga susunod
21:12na hakbang
21:12sa paglilitis
21:13Pero kung magpas siya
21:15pre-trial chamber
21:16na hindi sapat
21:17ang mahahawak
21:18na ebidensya
21:18hindi pa malinaw
21:20kung agad palalayain
21:21ang dating Pangulo
21:22Ang malinaw
21:23ititigil muna
21:24ang ICC proceedings
21:25at maglalabas
21:27ng mga susunod
21:27na hakbang
21:28ang chamber
21:28Posible silang
21:30humiling ng iba
21:30pang ebidensya
21:31magsagawa ng
21:32karagdagang
21:33investigasyon
21:34o baguhin
21:34ng sakdal
21:35kung lumabas
21:36na sa ibang krimen
21:37mas akma
21:38ang mga ebidensya
21:42Pia,
21:43hindi
21:43binanggit naman
21:45o inanunsyo
21:45ng Pamilia Duterte
21:46na hindi
21:47pinahintulutan
21:48ng ICC
21:49na makadalaw
21:51ang kahit sino man
21:52sa mga miyembro
21:53ng pamilya
21:54habang isinasagawa
21:55o idinaraos
21:56yung mga proceedings
21:57ang mga abogado
21:59naman
21:59ni Duterte
22:00ang dadalo
22:00para sa kanya
22:01sa confirmation of charges
22:02si Salvador
22:03o si dating
22:04Executive Secretary
22:05Salvador Medialdea
22:06Martin Delgra III
22:08Silvestre Bellio III
22:09Alfredo Lim Jr.
22:11Cesar Dulay
22:11at Atty.
22:13Salvador Panelo
22:14Samantala Pia
22:15hanggang sa mga sandaling ito
22:16ay patuloy pa rin
22:17yung isinasagawang
22:18press conference
22:19at maya-maya naman
22:21bago mag-alas dos
22:23ay pupunta rin po
22:24yung mga grupong ito
22:25dun sa mismong harapan
22:27ng International Criminal Court
22:29para doon
22:29i-ally yung kanilang
22:31mga gamit
22:32na mga biktima
22:34at kumbaga
22:35pag-alaala rin
22:37dun sa mga nangyari
22:38dun sa mga biktima
22:39nito
22:40kasunod nga
22:41ng press conference na ito
22:44at bilang simbolo rin
22:45ng kanilang patuloy
22:47na panawagan
22:48sa hostisya
22:49para sa
22:50gaganapin
22:51o sisimulang
22:52confirmation of charges
22:53hearing
22:54bukas
22:55Pia?
22:56Mula sa The Hague,
22:57Netherlands
22:58maraming salamat
22:59Marie Zomali
23:00Panibagong insidente
23:01ng pagguho
23:02ng mga basura
23:03Nangyari po ito
23:05sa isang landfill
23:05sa Rodriguez Rizal
23:07may tatlong napaulat
23:08na nawawala
23:09impormasyong
23:10bineberipika
23:11ng mga otoridad
23:12At mula sa Rodriguez Rizal
23:14nakatutok live
23:15sa Atina
23:18Atina
23:18Ivan Patuloy
23:20ang search and
23:20retrieval operation
23:21ng pamunuan
23:22ng Rizal Provincial
23:23Sanitary Landfill
23:24dito sa Rodriguez Rizal
23:26matapos ang nangyaring
23:27pagguho
23:28ng bahagi
23:29ng landfill
23:29noong biyernes
23:40Kaguho lang
23:41ng bahagi
23:42ng Rizal Provincial
23:43Sanitary Landfill
23:44nang kunan
23:44ang video na ito
23:52Sabi ng kumukuha
23:53ng video
23:54nakikita nila
23:55mula sa kanilang
23:56pwesto
23:56na nag-ahakyatan
23:57ang mga tao
23:58ayon sa tagapagsalita
24:00at legal representative
24:01ng International
24:02Solid Waste
24:03Integrated Management
24:04Specialist
24:05Incorporated
24:06na may-ari
24:07at operator
24:08ng Provincial Landfill
24:09nangyari
24:10ang pagguho
24:11alas 3
24:11ng hapon
24:12noong biyernes
24:13sa Phase 5
24:14ng landfill
24:14Sabi ng pamunuan
24:16tatlong bulldozers
24:17ng landfill
24:18ang kumpirmadong
24:19bumagsak
24:19sabay ng pagguho
24:20ng mga basura
24:21nakuha na raw
24:22ang mga ito
24:23at ngayon
24:23kinukumpuni
24:24nagtamo
24:25ng minor injuries
24:26ang mga operator nito
24:27wala pa rin silang
24:29impormasyon
24:29kung may mga nawawala
24:31Sabi ng polis siya
24:32Hindi pa po natin
24:33mag-confirm
24:34dahil wala pa po tayong
24:35pangalan
24:35at at the same time
24:36wala pa po tayong
24:37official report
24:37na ibibigay
24:39considering na
24:39wala pa rin po
24:40magigay na
24:41report
24:42ang ating
24:45management po
24:45sila po mag-confirm
24:47kung talaga
24:47may nangyari
24:48kung may mga
24:49biktima ko talagang
24:50na sumama ron
24:52na papunan
24:53ng basura
25:12kasalukuyang
25:13nagsasagawa
25:13ang kumpanya
25:14ng search
25:15and retrieval
25:16operations
25:16ang Rizal
25:17PDRRMO
25:18hinihintay muna
25:20ang opisyal
25:20na report
25:20mula sa
25:21LGU
25:21kaugnay ng insidente
25:23bago magbigay
25:24ng anumang pahayag
25:28Ivan, update
25:30mula sa MDRRMC
25:31mga mga ngalakal
25:33yung mga sinasabing
25:34nawawala
25:34dito sa landfill
25:36patuloy naman
25:36ang pagpasok
25:37at paglabas
25:37ng mga truck
25:38ng basura
25:39so patuloy
25:39ang operasyon
25:40nitong provincial
25:41landfill
25:42sa kabila ng pagguho
25:43noong biyernes
25:44Ivan?
25:45Maraming salamat
25:46Athena Imperial
25:51Excited na sila
25:52Glyza de Castro
25:53at Kelvin Miranda
25:54sa isang malaking
25:55pagsasama-sama
25:56soon
25:56sa Encantadia
25:57Chronicle Sangre
25:58Narito ang aking chika
26:03Dalawang kapuso
26:04ang kinilala
26:05sa acting awards
26:06ng isang streaming platform
26:07Winner ng Best Actress
26:09si Glyza de Castro
26:10para sa 2025
26:11musical drama film
26:13na Sinang Tala
26:14Malapit daw sa puso
26:15ni Glyza ang pinikula
26:16lalo't may koneksyon
26:18nito sa kanyang
26:18namayapang ama
26:19Napakamang kahulugan
26:21itong role na ito sa akin
26:22kasi ito yung huling
26:23pelikula na
26:24napanood ng tatay ko
26:26tapos
26:27siya yung mismong
26:28nagturo sa akin
26:29ng mga kanta
26:30nagpaturo ako sa tatay ko
26:32ng mga chords
26:34ganyan kung paano
26:35kung paano
26:37tugtugin yung mga
26:38songs namin
26:39sa pelikula
26:40Best Supporting Actor
26:41naman si Kelvin Miranda
26:43para sa pelikulang
26:44Everyone Knows Every One
26:45Masaya ako kasi
26:47na-appreciate nila yung
26:48ganitong klaseng tema
26:49at
26:51parang ganito lang
26:53yung kapitbahay nyo
26:54kasi
26:55parang nanonood ka lang
26:56sa kapitbahay nyo
26:57habang pinapanood
26:58yung pelikula namin
26:59so
26:59very
27:01relatable
27:01Getting ready na rin siya
27:03para sa kanyang
27:04reunion project
27:05with Rian Ramos
27:06Kung nagustuhan nyo daw
27:08ang tema
27:08at kanilang team up
27:09sa The Richman's Daughter
27:10siguradong magugustuhan nyo
27:12ang kanilang upcoming film
27:14And speaking of reunion
27:16isang inaabangang pagsasama-sama
27:18ang naganap sa Encantadia
27:20Chronicle Sangre
27:21Excited na si Glyza
27:23na gumaganap bilang
27:24Perena
27:24at si Kelvin
27:25who plays Adamus
27:26na mapano dito
27:27ng mga kapuso
27:29Nakita natin
27:30ang muling pagkabuhay
27:31ni Perena
27:31at kung paano niya
27:32muling ipagtatanggol
27:34ang Encantadia
27:35at ang kanyang mga
27:37Hadiya
27:38at mga anak
27:38Excited ako
27:39sa magiging plot talaga
27:41kumbaga
27:42dinadala na kami dun
27:43habang
27:44paunti-unting
27:45dinadala sa amin
27:46yung script
27:47and habang
27:47nasushoot naman yung iba
27:48nare-reveal sa amin
27:50na talagang
27:51mas pinagahandaan
27:52yung story
27:53ng Sangre ngayon
27:56Pagpapahalaga sa demokrasya
27:57at pagpapanagot
27:58sa mga tiwali
27:59John Sobentro
28:00mensahe ng mga grupong dubalo
28:02sa iba't ibang aktividad
28:03ngayong araw
28:04para sa pagunitan
28:04ng kaapat na pong
28:05anibersaryo
28:06ng People Power Revolution
28:07Bula sa Edson Shrine
28:09nakatutok live
28:10si Jamie Sani
28:14February 22, 1986
28:16inanunsyo ni Nukoy
28:18Defense Minister Juan Ponce Enrile
28:20at dating AFP
28:21Vice Chief of Staff
28:22Fidel Ramos
28:23ang kanilang pagkalas
28:25ng suporta
28:26sa rehymen
28:26ni Pangulong
28:27Ferdinand Marcos Sr.
28:41Kasama ang tatlong daang
28:42mga taga-suporta
28:43nagbarikada sila
28:45sa loob ng Camp Aguinaldo
28:46Nagsimulang magmarcha
28:48ang taong bayan
28:48sa EDSA
28:49alinsunod
28:50sa mga panawagan
28:51ng kapatid ni Yumaong
28:53Senador Ninoy Aquino
28:54na si Agapito Butts Aquino
28:56at Ninooy Manila
28:57Archbishop Jaime Cardinal Sina
28:59na protektahan
29:01ang paksyo
29:01ng militar
29:02na kumalas sa rehymen
29:03Ito ang nagsimula
29:05ng ilang araw
29:05na protesta
29:06na bumuwag
29:07sa diktaturang Marcos
29:08ang pagsisimula
29:09ng EDSA
29:10People Power Revolution
29:13Ginunita ng iba't ibang grupong
29:14nagtipon ngayon
29:15sa EDSA Shrine
29:16Nagnisa si Kaloocan
29:18Bishop Pablo Virgilio Cardinal David
29:20Sa homily
29:21binigyang diin ni David
29:22na ang demokrasya
29:23ay para sa bawat mamamayan
29:25at ang tunin na pundasyon
29:27ng transparency
29:28at accountability
29:29ay pananampalataya
29:31Pwede mong lukohin
29:33o pagtaguan
29:34Pwede mong dayain
29:36ang bayan
29:37Pero pwede mo bang lukohin
29:40pagtaguan
29:41o dayain
29:43ang Panginoong Diyos
29:45For thine
29:46is the kingdom
29:48and the power
29:51and the glory
29:54Pinigalas mapalitan
29:55ng thine
29:56ng mind
29:57Kapag sinabi ninyang tao
30:00For mine
30:01is the kingdom
30:03and the power
30:05and the glory
30:06Ibang business na yun
30:09Ang tawag doon
30:11my name
30:12Yan ang nakahumanin sa tao
30:15Kasunod ng Misa
30:17ang programang dinaluhan
30:18ng ilang personalidad
30:19Kailangan po nating tumindik
30:21Tayo ang people power
30:22Tayo ang may kapangyarihan
30:23Pero nasa atin din ang tungkulin
30:25na ayusin ang bayan na ito
30:27Panuhon na
30:28ng pagbabago
30:29Panahon na po
30:30ng makabuluhang pagkikilos
30:33at panahon na po
30:34na magsama-sama
30:36at magkaisa tayo muli
30:37Binigyang diin naman
30:38ni Father Jerome Ceciliano
30:40ang papel ng simbahan
30:41sa lipunan
30:42ang gumagabay
30:43sa konsensya
30:44ng mamamayan
30:45Please do not believe
30:46that when the church speaks
30:48it is a violation
30:50of the separation
30:51of church and state
30:52there is no violation
30:54to speak of
30:55in the first place
30:56Ang nilalayo ng konstitusyon
30:58dapat yung simbahan
31:00ay maprotektahan
31:03sa pangihimasok
31:04ng estado
31:05at ang susunod pa
31:07na ibig sabihin ito
31:09yung pong mga pondo
31:11ng estado
31:12o gobyerno
31:13ay hindi mo dapat
31:15ginagamit
31:15para suportahan
31:17ang isang
31:18reliyon
31:19Mayroon ding
31:20motorcade
31:21sa UP Diliman
31:22at anti-corruption walk
31:24sa Maynila
31:25na nilahukan
31:26ng senior citizens
31:37Ivan, tapos na
31:39ang isinagawang programa
31:40ngayong araw rito
31:41sa EDSA Shrine
31:42at paalala ng mga otoridad
31:44ipatutupad nila
31:45ang no permit
31:46no rally policy
31:47para matiyak
31:48na maayos
31:48ang magiging malakihang
31:49pagtitipon
31:50sa Merkoles
31:51at yan ang latest
31:52mula rito sa EDSA Shrine
31:53balik sa iyo Ivan
31:54Maraming salamat
31:56Jamie Santos
32:00Looking forward
32:01sa kalingang reunion
32:02ang mga ex-kapuso
32:04housemates
32:04sa nalalapit na
32:05big night
32:06ng Pinoy Big Brother
32:07Celebrity Collab Edition 2.0
32:09at may mensahe rin sila
32:11sa Ultimate Aid
32:12Makitsika tayo
32:13kay Athena Imperial
32:17Nakisaya sa kanilang fans
32:19sa isang amusement park
32:20kahapon
32:20ng mga dating
32:21kapuso housemate
32:22sa PBB Celebrity
32:24Collab Edition 2.0
32:25na sina
32:26Sofia Pablo
32:27John Clifford
32:28Wynonna Collings
32:29Lee Victor
32:30at Anton Vincent
32:33Habon nandun ako
32:34nanginginig yung legs ko
32:35Matakotin talaga ako sa rides
32:37pero
32:37kahit sa gitna lang ako
32:38natakot na ako nun
32:39Nagperform din
32:41ang Sparkle Stars
32:42para sa kanilang supporters
32:44Nagbigay din sila
32:46ng mensahe
32:46kina Marco Masa
32:47at Carmel Collado
32:48ang pinakahuling lumabas
32:50sa bahay ni Kuya
32:50kasunod
32:51ng anunsyo
32:52kagabi
32:53ng Ultimate Aid
33:02At the end of the day
33:24Sana after the big night
33:26kompleto na kami
33:26mga pag-movie night kami
33:27Si Sofia
33:28inaya na raw
33:29ang batchmates
33:30na manood
33:31ng horror film
33:32na huwag kang titingin
33:33Sabi ko sa kanila
33:34pag hindi kayo kompleto
33:35cancel ang premiere night
33:36Charak
33:37At dahil maraming foodie
33:39at mahilig magluto
33:40sa kanilang batch
33:40sigurado na raw
33:42ang salu-salo
33:42sa kaniganilang specialties
33:44na wala ng limit
33:45sa ingredients
33:46I know right
33:47Maraming bawang
33:49Wala palang umaako
33:50kung kaninong bakit
33:51Parang mostly
33:53labas muna kami
33:54And sa restaurants
33:56si Caprice
33:57nag-promise na siya
33:58Yung restaurant
33:59ng uncle ko po
34:00tinasabi ko sa kanila
34:01na once
34:01nasa labas
34:02sa lahat ng housemates
34:03ayun
34:03i-invite ko sila lahat dun
34:11And that's my chica
34:12this weekend
34:13Ako po si Nelson Canlas
34:14Pia, Ivan
34:17Thank you Nelson
34:18At yan po ang mga balita
34:20ngayong weekend
34:20para sa mas malaki mission
34:22at mas malawak
34:23ng paglilingkod
34:24sa bayan
34:24Ako po si Pia Arcangel
34:26Ako po si Ivan Mayrina
34:27mula sa GMA Integrated News
34:29ang News Authority
34:30ng Pilipino
34:31Nakatutok kami
34:3224 Horas
34:35Thank you
Comments

Recommended