Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, February 17, 2025


-Katawan ng nawalang ginang, natagpuang nakabaon sa lupa sa compound ng kanilang bahay sa Brgy. Balibago

-PAGASA: Posibleng tumagal hanggang Marso ang Amihan Season; asahan ang panibagong "surge" ngayong Pebrero

-Lalaki, patay matapos masagasaan ng bus sa Brgy. Ibabang Dupay; driver, arestado

-3 suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang lalaking nagbibisikleta noong November 2025, arestado

-Drone show at fireworks display, ibinida sa pagsalubong sa Year of the Fire Horse

-PBBM at Vice President Sara Duterte, nakikiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year

-Tangkang pagnakaw ng kable sa isang parking area, nabulilyaso nang kumislap ang kable

-Lalaking nangholdap umano at nanaksak ng kanyang biktima, arestado; suspek, aminado sa pananaksak pero itinanggi ang pagnanakaw

-Cast ng "Born to Shine," nagpasaya ng fans sa kanilang mall show

-Precautionary Hold Departure Order, inilabas ng Manila RTC vs. Estrada, Bonoan, Bernardo, Opulencia at Alcantara

-Pamilya ni Mary Jane Veloso, nanawagan ng clemency kay PBBM; Malacañang, sinabing inaaral ng Office of the Executive Secretary ang mga probisyon sa kaso

-Lalaking nagnakaw ng motorsiklo, arestado; aminado sa ginawa dahil daw sa matinding gutom

-Lalaking 25-anyos, patay sa sunog sa Brgy. Balabago

-Mag-asawang senior citizen, patay matapos mabangga ng van; driver, arestado

-8 "co-perpetrators" umano ni FPRRD sa drug war, pinangalanan ng ICC

-INTERVIEW: SEN. RODANTE MARCOLETA

-Bata, sugatan matapos mabundol ng motorsiklo sa Brgy. Malabago; rider, sugatan din

-Post-Valentines Special ni "The Clash" Season 5 champion John Rex, sold out; ilang celebrities, spotted

-Street performers at mascots, nagpasaya sa pagdiriwang; mahigpit na seguridad, ipinatupad ng MPD

-Michelle Dee, nagreklamo ng cyberlibel laban kay Xian Gaza at 4 pang social media pages dahil sa pagpapakalat umano ng maling impormasyon sa kanya

-Ilang Kapuso stars, nag-celebrate ng Chinese New Year

CBB




For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

Category

🗞
News
Transcript
00:08Good morning, everyone!
00:10Time for the warm-up news.
00:23Good morning!
00:28Mga kapuso, matapos ang apat na araw, natagpuan na ang ginang na naiulat na nawala sa Angeles, Pampanga.
00:37Bankay na siya ng makita, nakabaon sa lupa sa compound mismo ng bahay nila.
00:42Balita natin ni James Agustin.
00:47Nakabaon sa lupa sa compound ng kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga, ng matagpuan ng mga otoridad.
00:52Alas 5 ng hapon kahapon ang bangkay ni Maria Teresa Tesmama, na apat na araw nang napaulat na nawawala.
00:58Siya ang byuda ng dating kapitan ng barangay Balibago.
01:02Kinilangang magukay ng soko na humigit kumulang limang talampakan bago tuluyang nakuha ang bangkay.
01:07Inabot sila na mahigit apat na oras.
01:10Ayon sa polisya, nadiskobre ang kahinahinalang hukay sa gilid ng mga kulungan ng baboy.
01:14Nung ating itong tinignan ay lumabas yung paanong biktima.
01:20So yun, patawag na tayo ng soko at ipinases na ito ng soko hanggang sa ito ay maukay at maihaw
01:29na doon sa libingan.
01:31At positibo ang kinilala ng ating taliyang mga kamag-anak at mga anak ng biktima.
01:37Sabi ng polisya sa lalim ng hukay, posibleng nakahandaan na raw ito bago pa isinagawa ng sospek ang krimi.
01:43Base sa aming investigasyon, ito ang pinaghandaan sapagkat hindi kayang gawin ito ng ganong kabilis lang.
01:51Kaninang madaling araw, isinailalim na sa otopsy ang bangkay ng biktima para matukoy ang sanhin ng kanyang pagkamatay.
01:58Ayon sa source ng Gemma Integrated News, nakitaan ng sugat sa ulo ang biktima na posibleng raw mula sa matigas
02:04na bagay.
02:05Hinihintay pa ang resulta ng otopsy.
02:08February 12 ng mapaulat na nawawala ang biktima.
02:11Sa kuon ng CCTV sa compound ng kanilang bahay, makikita ang isang lalaki na lumabas bandang alas 7.20 ng
02:17gabi.
02:18Tinukoy ng mga kaanak ang lalaki na driver nila ng mahigit 20 taon.
02:23Bumalik din siya sa loob maya-maya.
02:25Matapos ang ilang minuto, dumaan ang puting sasakyan ng biktima.
02:32Alas 7.30 maririnig sa CCTV.
02:34Ang sigaw ng isang babae sa loob ng bahay na pinaniniwala ang sa biktima.
02:39Pagsapit ng alas 8.30 ng gabi, makikita ang puting sasakyan na palabas ng compound.
02:45February 14 ang matagpong abandonado ang sasakyan at nakaparada sa Magalang Municipal Plaza.
02:51Isinailalim na ito sa forensic examination.
02:53Sa paunang imisigasyon ng polisya, may nakita silang bakas ng dugo sa pader, wheelbarrow, washing machine at gripo sa compound.
03:01Ang lalaking driver hindi na nakita at nakontak na mga kaanak ng biktima.
03:05Simula noong February 12, ayon sa polisya ay tinuturing na person of interest ang driver.
03:10Base sa mga istigo, siya yung huling nakitang kasama at siya yung huling nakitang nagmanayho nung sasakyan.
03:20Sa ngayon ay ini-establish pa natin kung ano yung posibleng motibo kung bakit nagawa ng ating suspect sa biktima.
03:29Nagkasan ang manhunt operasyon ng polisya para matuntun ang driver.
03:34Sa isang pahayag, maring kinundina ni Pampanga First District Representative Carmelo Lazatin Jr. ang pagpatay kay Mamak.
03:41Nagalok din siya ng 200,000 pisong pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon sa kung sino ang pumatay sa
03:47biktima.
03:48Kumuha na ng DNA sample ng polisya mula sa bangkay ng biktima para i-crossmatch sa mga bakas ng dugo
03:54na nakita sa ilang bahagi ng compound at maging sasasakyan ng biktima.
03:58Inalam pa ng polisya ang motibo sa krimen.
04:01James Agusti, nagbabalita para sa Gem Integrated News.
04:08Mga kapuso, posibleng hanggang Marso pa magtagal ang amihan season.
04:12Base sa datos ng pag-asa, may nasaan pa raw na surge o bugso ng amihan.
04:18Pagdating naman ang Marso, unti-unti na itong huhupa.
04:20Sa ngayon, sa extreme northern lison umiiral at nakaapekto ang amihan.
04:25Habang east release naman sa nalalabing bahagi ng bansa.
04:28Ngayong Martes, naitala sa Latrine de Benguet ang 14.3 degrees Celsius na minimum temperature.
04:3416.2 degrees Celsius sa Baguio City.
04:36Habang 23.5 degrees Celsius dito sa Quezon City.
04:41Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, malaking bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila
04:46ang magkakaroon ng maayos na panahon sa mga susunod na oras.
04:50Uunanin naman ang ilang bahagi ng northern at central zone, Quezon Province, Mindoro, Bicol Region, Visayas at Mindanao.
04:59Ito ang GMA Regional TV News!
05:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
05:09Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng bus sa Lucena, Quezon.
05:14Chris, ano ang latest sa investigation?
05:18Connie, ayon sa pulisya, biglaro tumawid sa kalsada sa barangay Ibabang Dupay ang biktima.
05:24Base sa investigasyon, hindi agad nakapreno ang bus driver kaya nasagasaan ng biktima na pumailim din sa sasakyan.
05:32Hindi sa pedestrian lane tumawid ng lalaki.
05:36Dead on the spot siya dahil sa mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.
05:40Inaresto ng pulisya ang bus driver na naharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
05:46Walang pahayag ang driver ng bus, gayon din ang pamilya ng biktima.
05:52Matapos naman ang magigit sa dalawang buwan, naaresto na ang tatlong sospek sa pamamaril sa isang nagbibisikletang dalaki sa Kabanatuan,
06:00Nueva Ecija.
06:01Unang naaresto ang mismong gunman sa krimen sa General Natividad, Nueva Ecija.
06:07Kasunod naman ang pag-aresto sa dalawa pang sospek sa tulong ng mga CCTV footage.
06:12Ang isa sa kanila, mismong bayaw ng biktimang nasawi.
06:16Paliwanang na isa sa mga sospek, pumunta sa kanyang bahay ang gunman para doon itago ang baril na ginamit sa
06:22krimen na nangyari noong Nobyembre.
06:25Sinusubukan pang kunan ang pahayag ang dalawang iba pang naaresto.
06:31Ang grande at makulay ang pagsalubong sa Year of the Fire Horse sa Maynila.
06:36Bukod po sa magarbong fireworks, nasaksihan din ng mga taga-binondo at ng mga turista ang drone and light show.
06:43Balitang hatin ni Bam Alegre.
06:50Sabay-sabay umangat ang mga drone bago ang hating gabi para sa pagsalubong sa Chinese New Year sa Maynila.
06:55Naging maningning ang drone and light show habang muubuo ng iba't-ibang hoogies.
07:00Gaya ng mala-billboard na logo ng lungsod ng Maynila at ang Year of the Horse ngayon 2026.
07:11Pag hudyat na alas 12 na ating gabi, nagliwanag ang paligid sa makulay at maingin ang community fireworks display.
07:18Tanaw na tanaw ang mga pailaw mula sa mga tulay ng ilog paasig sa Chinatown.
07:21Sobrang ganda po. Sobrang ano. Ganyan lang kasi ako lang kapunta dyan. Kaya sobrang ganda ng mga fireworks nila na
07:29paputok.
07:30Sobrang saya, sobrang saya.
07:32Inabangan po talaga namin. After work, dumiretsyo na po kami.
07:36Taon ng tradisyon ng mag-asawang sina Paulo at Aya Ong na salubungin ang Chinese New Year sa Binondo.
07:41Bumiyahe pa sila mula sa San Jose del Monte, Bulacan para sa perfect attendance.
07:45Yearly ginagawa namin ito kasi yung husband ko is Chinese po. May blood siya ng Chinese.
07:50And we drove here all the way from Bulacan. Just to witness the fireworks and yung ano nga po, drone.
07:59And then tomorrow na dito rin kami ulit eh. Ang dami talaga tao. Usually gano'n talaga, yearly gano'n
08:03talaga.
08:04Baaga pa lang, nagtipon na ang mga tao sa Jones Bridge at magingin sa Pasig River Esplanade para salubungin ang
08:09Chinese New Year.
08:10Para tiyaki ng kaligtasan sa lugar, nakabantay ang polis siya.
08:13Matapos ang fireworks display na natiling bukas ang mga ilaw ng Binondo sa Magdamag.
08:17May ilang 24 oras na yung nagtinda ng mga pampaswerte tulad ng mga Lucky Palay at Piña na ting 50
08:23pesos.
08:24Maliliit na pampaswerte yung panamuti na 3 for 100 pesos, malalaking pasabit na mulang 300 pesos at prosperity basket na
08:32700 pesos.
08:33Mabibili rin ang tikoy mula 75 hanggang 200 pesos, depende sa size.
08:38Sa matagumpay ng pagsalubong sa Chinese New Year kapayapaan, ang naging panawagan ni Manila City Mayor Isco Moreno.
08:44Happy New Year po sa inyong lahat.
08:47Ang wish ko, kanina nasabi ko na, I hope we'll find the peace.
08:54Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:00Nakikisa si na Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
09:06Ayon sa Pangulo, ang horse ay simbolo ng pag-usad at katapangan.
09:11Habang ang fire element naman ay sumisimbolo sa isang kislap o spark na ayaw manatili sa karaniwa nitong bilis.
09:18Ngayong Year of the Fire Horse, nanawagan ng Pangulo sa lahat ng Pilipino na umusad ng may direksyon.
09:23Anya, hindi lang basta nadadaan sa bilis ang mga resultang gusto nating makamit.
09:28Dapat din daw patuloy na isulong ang patas na oportunidad, maayos na serbisyo publiko at mas masisiglang komunidad kung saan
09:35hindi na pag-iiwanan ang mga nasa vulnerable sector.
09:40Hinihikahit naman ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na mas maging matapang sa pagharap sa bagong taon.
09:46Ito rin daw ang pagkakataon para muling pasiglahin ang bayanihan at maging bukas sa mga bagong posibilidad.
09:56Huli ka ang Santipolo Rizal.
09:58Ang pagputul sana ng lalaking yan sa kabli ng kuryente sa isang parking area sa Mambugan.
10:03Maya-maya, kumislap ito.
10:06Naabitawan ng lalaki ang kable at pliers at umalis.
10:09Ayon sa video uploader, cutter pliers ang gamit ng lalaki.
10:12Tila na kuryente raw ang lalaki ng kumislap ang kable at naabitiwan ng pliers.
10:17Hindi na raw bumalik ang lalaki sa lugar.
10:19Tumanggi magbigay ng panayam ang barangay kaugnay sa insidente.
10:23Naiulat na rin sa pulis siya ang nangyari.
10:28Sa bubong naman, nahuli ang isang lalaking ng hold-up umano at nanaksak ng kanyang biktima sa Antipolo Rizal.
10:35Aminado ang sospek na nagawang saksakin ang biktima dahil sa galit.
10:40Balitang hatid ni EJ Gomez.
10:44Ito yung sospek ng pang-hold-up at pananaksak.
10:47Sa bubong ng bahay, natagpuan at nahuli ng mga otoridad, ang lalaking itinuturong sospek sa pang-hold-up at pagnanakaw
10:56sa barangay San Isidro, Antipolo City.
10:58Pinagtulong ang ibaba ng mga tanod, ang nakaposas na 29-anyos na sospek.
11:07Ayon sa barangay, umaga nitong linggo nangyari ang pang-hold-up umano sa 34-anyos na lalaking biktima na nasaksak
11:14pa sa liig matapos siyang nakawan ng sospek.
11:18Naglalaad na po ang mga umaga po.
11:20Hindi ko alam po saan ang galit.
11:21Nagmumula yung galit niya.
11:22Kaya na po bigla niya lang po o sinaksak mga oras na yun.
11:25Nagpabantaan niya na lang po ako tapos gusto niya akong patayin.
11:27Tapos yung gamit ko po nalaglag.
11:28Kaya kinuha niya rin po.
11:30Cellphone po.
11:31Personal na kilala po ng wiktima yung sospek po.
11:35Tapos po, yun po.
11:36Nung siya po ay inabangan, tinutukan, actually nasaksak po sa liig, nai-report po niya agad dito sa, nakuha po
11:44yung cell phone, nai-report po agad dito sa barangay at agresivo po ang ating mga tanod.
11:48Talagang, hindi po talaga nila tinantanang at hindi po nila mahuli.
11:52Aminado ang sospek na si Alias Baloloy sa pananaksak sa biktimang madalas ali ang makituloy sa kanilang bahay.
11:59Nagawa raw niya yun dahil sa galit.
12:01Itinanggi naman niya ang paratang na pagnanakaw.
12:05Napuno na po kasi ako eh. Nag-away po kami nun.
12:09Tapos, ano, lagi kasi ako kinukuha na ng gamit sa bahay.
12:14Kaya ginanong ko.
12:15Sinaksa ko po sa liig.
12:17Tulad ng mga power bank, mga damit.
12:19Wala nga ako hilo, kukuha na pa ako.
12:20Tapos cellphone ko, kinuha rin.
12:22Sa records ng polisya, dati nang naaresto ang sospek dahil sa mga insidente ng akyat bahay,
12:29pagnanakaw at pang-hold up umano sa Antipolo City.
12:32Sa custodial facility ng Antipolo Component City Police Station na kaditey ng sospek na nahaharap sa reklamong robbery.
12:41EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:50Happy Tuesday, mga mari at pare.
12:52Shining performances ang ipinamalas ng cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Born to Shine
12:59sa kanilang mall show sa Malabon.
13:02Present si Stephanie, nakinanta ang theme song ng serye.
13:07May solo performances din mula sa iba pang cast tulad ni Migs Quaderno.
13:11At aabang ang girl group sa serye na binubuon ni na Olive May, Chloe Redondo, Angelica Santiago at Alia Degracia.
13:19Naroon din si Rosel Navan at thankful sa kanyang pagbabalik sa acting.
13:24Bukod sa performances, nag-enjoy rin ang audience sa games.
13:28Mapapanood ang Born to Shine soon sa GMA.
13:34Nagpasaya rin ng fans ang cast ng afternoon drama series na House of Lies sa isang mall sa Quezon City.
13:41Mainit na sinalubong dyan si na Cocoay De Santos, Martin Del Rosario, Gican Las, Chris Bernal at Beauty Gonzalez.
13:50Kwento ng cast, dapat pang abangan ang mga susunod pang salpukan at batuhan ng iconic lines sa serye.
13:59Mapapanood ang House of Lies on Monday to Friday, 3.20pm sa GMA Afternoon Prime.
14:11Bawal munang lumabas ng bansa si Sen. Diego Estrada at apat na dating opisyal ng DPWH na inareklamo ng plunder,
14:18kaugnay sa questionableing flood control projects.
14:21Ito'y matapos maglabas ng precautionary hold departure order ang Manila Regional Trial Court laban sa kanila.
14:27Balitang atin ni Joseph Moro.
14:31Sa utas ng Manila RTC Branch 52, naglabas ng precautionary hold departure order
14:36laban kina Sen. Gingoy Estrada at apat na dating opisyal ng DPWH.
14:41Sina dating Secretary Manuel Bonoan, dating Undersecretary Roberto Bernardo, dating DPWH NCR Regional Director Gerard Opulensia,
14:50at dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara.
14:54Para yan, sa reklamang plunder, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act,
14:59at direct bribery and receiving gifts by public officers na nasa preliminary investigation stage sa DOJ.
15:05Sa dokumento mula sa korte, may probable cause a nila para maniwalang posibleng umalis sa bansa
15:11ang mga respondent para hindi maaresto at hindi mausig.
15:15Note that this does not mean that the pending cases for plunder before the DOJ have already been resolved.
15:21Kaya po siya precautionary hold departure order.
15:24Ibig po sabihin yan na bago pa po ma-file formally yung kaso in court,
15:30nag-issue na yung judge or this branch 52 RTC Manila of the order
15:35anticipating that the respondents in these plunder cases pending before the DOJ may evade arrest.
15:42Sinisika pa namin makuha ang reaksyon ng mga nasa HDO.
15:46Tatlo sa kanila ang state witness nasa investigasyon sa flood control project,
15:50sina Bernardo Opulensia at Alcantara.
15:53Si Bonoan naman naghahing ng counter-affidavit para sa reklamang plunder
15:57bago lumabas ang precautionary HDO ng korte.
16:00Napaaga ang paghahain ni Bonoan kaya natanong siya ng media
16:04kung pupunta ba siyang Amerika kung saan nagpapagamot ang kanyang misis.
16:20Inaalam pa sa DOJ kung kumpirmado ang mga sinabi ni Bonoan.
16:25Kaugnay naman ang P96.5M Ghost Flood Control Project sa Davao Occidental
16:30gusto ng DPWH na isama na rin sa kasuhan at makulong ang kontrakto na si Curly Diskaya.
16:38Naghahing ang manifestasyon ng DPWH sa ombudsman para imbestigahan na rin si Curly
16:42na nakaditin na ngayon sa Senado dahil sa ipinataon ng kontemplaban sa kanya.
16:47Mayroon kami mga dinagdag na tao.
16:49Kinumpirma ito ng ombudsman na nagsabing nagsumite ang DPWH
16:52na mga sinumpaang salaysay o affidavit na magpapatunay na tulad ng asawa niyang si Sarah,
16:58beneficial owner o sa madaling sabi, may ari rin si Curly ng kumpanya.
17:03Nauna ng nakulong para sa kaparehong kaso, si Sarah Diskaya at siyam na iba pa.
17:08Buti na lang po, mayroong mga taong magsasabi na from inside the company
17:13na itong mga tao na ito ay talagang ang beneficial owner at yung nagpapatakbo ng mga kumpanya na ito.
17:23Dadaan sa preliminary investigation ng ombudsman kung dapat rin bang kasuhan
17:27ang asawa ni Sarah Diskaya na si Pasifiko.
17:30Hinihingi namin ang panig ng kampo ng mga Diskaya pero tumangiging magbigay ng pahayagang abugado nila.
17:35Joseph Moro nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:40Arestado sa Antipolo Rizal ang isang lalaking tumangay ng motorsiklo.
17:44Sabi po ng sospek na gawa niya ang krimen dahil sa matinding gutong.
17:49Balitang hatid ni EJ Gomez.
17:53Sa kuha ng CCTV sa barangay San Isidro, Antipolo City, alas 12 ng hating gabi nitong linggo,
18:00kita ang dalawang batang nakatambay sa gilid ng kalsada.
18:03Sa isa pang CCTV, kita ang isang motorsiklong dumaan na isa palang nakaw.
18:10Ayon sa may-ari ng motor na si Marlon,
18:13kinaumagahan nang malaman niyang ninakaw ang kanyang motor na ginagamit niyang panghanap buhay.
18:19Pag wala pong motor, wala po talaga akong kita.
18:21Installer po ng smart lock.
18:23Pagising ko po ng alas 8 ng umaga,
18:26nagulat na lang po ako na wala na yung motorsiklo ko.
18:28Then, nagtungo po agad ako sa barangay para mahakahingin ng aksyon.
18:33Nagkaroon ng follow-up operation ng ating mga tanod na nalaman po na may CCTV footage.
18:39So, doon po nakita na may witnesses, dalawang minor na edad po na nakatambay po sa area.
18:45Itinuro raw ng mga saksi ang lugar na pinagtatambayan ng sospek sa barangay Bagong Nayon.
18:50At doon na-aresto ang sospek.
18:53At nung pumunta rin ang ating barangay tanod kasamang ating polis,
18:57inamin ng sospek na yung motor ay inaalok na niya,
19:02actually iniikot na niya sa ibang barangay, particular sa barangay Kupang.
19:08Narecover ng mga otoridad ang ninakaw ng motorsiklo.
19:11Ayon sa sospek na si Alias J, nakatambay lang siya sa may labas ng bahay ng biktima.
19:16Nakita ko po sa lapag, sinestin ko po sa motor, gumana po, ginawa ko na din po,
19:26pinapabenta ko din po, 8K, pangkakain lang po, sabang gutom po.
19:34Ayon pa sa sospek, ikatlong beses na niya itong makulong.
19:38Dati na siyang nasangkot sa mga insidente ng akyat bahay at pagnanakaw sa kanilang barangay.
19:43Nakapii sa custodial facility ng antipolo polis ang sospek na naharap sa reklamong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of
19:522016.
19:53E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:58Ito ang GMA Regional TV News.
20:04May inintabalita sa Visayas at Pindanao hatid ng GMA Regional TV.
20:08Nasunog ang isang talyer sa barangay Balabago sa Ilo-Ilo City.
20:13Sara, may casual peace ba?
20:16Rafi, isa ang patay sa sunog na nagsimula bandang alas dos imedia madaling araw kahapon.
20:23Kwento ng tatay ng 25 anyos na nasa wing lalaki.
20:27Natutulog noon ang anak sa kanyang silid.
20:30Sinubukan daw niyang iligtas ang anak pero bumigay ang bubong ng kwarto kung nasaan ang anak.
20:34Ayon sa Bureau of Fire Protection, posibleng nagising na ang lalaki nang mangyari ang sunog dahil natagpuan ang kanyang katawan
20:42malayo sa kanyang higaan.
20:44Nadamay rin sa sunog ang apat ng motorsiklo at isang sasakyan.
20:48Inaalam pa ang sanhinang apoy.
20:50Mahigit sandaang bahay naman ang nasunog sa Baragay Diki sa Isabela, Basilan.
20:55Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light material sa mga bahay roon.
20:59Naapola ito matapos ang mahigit isang oras.
21:02Tinatay ang mahigit kalahating milyong piso ang pinsala ng sunog.
21:06Nananatili sa evacuation centers ang mga nasunugan.
21:10Base sa inisyal na investigasyon, may nagsusunog umuno ng basura sa lugar bago ang paglaki ng apoy.
21:17Viniverify pa ito ng Bureau of Fire Protection.
21:20Wala namang naitalang sugatan sa sunog.
21:24Patay ang mag-asawang senior citizen sa Cebu City matapos mabangga ng van.
21:29Namapasal nitong Sabado ang mag-asawa para ipagdiwang ang araw ng mga puso ng maaksidente.
21:36Ayon sa Cebu City Traffic Enforcement Unit, nasa Center Island doon ang dalawa at pupunta sana sa kainan sa kabilang
21:43kalsada.
21:44Kwento ng van driver sa mga otoridad.
21:46Tumatawid ang mag-asawa pero biglang bumalik nang makita ang kanyang sasakyan.
21:51Na-abutan at nasalpok ng delivery van ang dalawa.
21:55Hindi sa pedestrian lane nangyari ang insidente.
21:59Arestado ang van driver na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in double homicide.
22:05Tumagi siyang magbigay ng payag sa media.
22:08The International Criminal Court is now in session.
22:12Rodrigo Roan Lutero.
22:22Sa International Criminal Police Organization o Interpol at hindi sa International Criminal Court daw makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas.
22:31Ayon sa Malacanang, kasunod daw ng paglabas ng ICC ng co-perpetrators o mano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa
22:38kanyang drug war.
22:39Nanindigan din ang palasyon na ang pagtupad sa obligasyon ng bansa sa Interpol ay hindi pagsuko ng ating soberanya.
22:47Balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
22:52Walong kasabwat umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tinukoy ng International Criminal Court o ICC kaugnay ng kanyang gyera
23:00kontra droga.
23:01Kabilang sa aligasyon ay ang pagpapatupad umano ng tinatawag na common plan o plano para in-neutralize ang hinihinalang kriminal
23:09sa pamamagitan ng karasan tulad ng murder mula 2011 hanggang 2019.
23:15Sa kaso ni Go, nagsimula raw ito ng personal aid at special assistant pa siya ni nooy Mayor Rodrigo Duterte
23:22hanggang itinalaga siyang special assistant to the president.
23:26Walaan niyang kaugnayan ang mga bintang sa kanyang mga naging papel at responsibilidad bilang special assistant to the president at
23:34executive assistant ng alkalde noon ng Davao City.
23:38Dagdag pa ni Go, walang iligal na inuutos sa kanya si dating Pangulong Duterte at hindi rin naman anya siya
23:44susunod sa anamang iligal na utos mula kaninuman.
23:47I-giniit din sa press release ni Go na ang kanya mga responsibilidad noon ay administrative at clerical lang at
23:55hindi konektado sa police o operational matters.
23:58Sa sesyon ng Senado nitong Merkules, nakita pang dumalo si Go.
24:02Pero si Senador De La Rosa, mula Nobyembre pa hindi pumapasok sa Senado simula ng umugong na may arrest warrant
24:09na ang ICC laban sa kanya.
24:11Sa dokumento ng ICC, isinangkot siya ng mga prosecutor sa kaso mula rin noong alkalde pa, si Duterte.
24:18Siya naman ang nakaupong hepe ng Davao City Police noon at kalaunay naging PNP chief.
24:24Wala pantugon si De La Rosa sa pagpapangalan sa kanya ng ICC pero nabanggit niya noong handa siyang humarap sa
24:31anamang kaso pero sa isang korte lang sa Pilipinas.
24:34Sa isang Facebook post, sinabi ng asawa ng namayapan ng dating PNP chief na si Camilo Cascolan na sana'y
24:42nabubuhay pa ang kanyang asawa para ipaliwanag ang oplantokhang at double barrel.
24:48Sinusubukan pa naming makuna ng pahayag ang iba pang pinangalan ng co-perpetrator pero kahit ipinalabas ng ICC ang pangalan
24:56ng mga co-perpetrators,
24:58hindi raw ito nangangahulugang may lalabas ng warrant of arrest laban sa kanila.
25:02Ang ICC sa ngayon ay hindi naman sinisilip o hindi nila kakasuhan yung lahat ng involved.
25:11Meron silang prosecutorial strategy kung saan yung pinaka-responsable ang kanilang kakasuhan.
25:19Sakaling maglabas ng warrant of arrest ayon kay Conti, mainam na sundin daw ng Pilipinas ang prosesong nakasaad sa Article
25:2659 ng Rome Statute.
25:28Nakasaad dito na sa oras na matanggap ang warrant of arrest, nararapat itong ipatupad agad ng isang bansa,
25:35tsaka iharap ang arestado sa Competent Judicial Authority sa naturang bansa para alamin kung tama ang proseso ng pag-aresto
25:44dito at kung nirespeto ang karapatan dito.
25:47Pero hindi nakasama ang Pilipinas sa Rome Statute matapos mag-withdraw noong 2019 sa ilalim ng Duterte Administration.
25:56Nang ma-aresto noong nakaraan taon si dating Pangulong Duterte,
26:00iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos na sa Interpol nakipagtulungan ang gobyerno at hindi sa ICC.
26:06Ito rin ang sinabi ngayon ng Malacanang.
26:09Makikipagtulungan tayo sa Interpol but not with the ICC in the same way that we cooperated with the Interpol during
26:16the arrest of the former president.
26:18Ganun po ang mangyayari.
26:19Yun po ang nangyayari before at yan din po ang mangyayari ngayon.
26:23Nanindigan din ang palasyo na hindi pagsuko sa soberan niya ang pagtupad sa obligasyon ng bansa sa Interpol.
26:30Pero sa ngayon, wala pa namang warrant na inilalabas ang ICC sa mga pinangalanang kasabwat o manon sa drug war.
26:37Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
26:43Samantala kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea at ipo pang isyo, makakakapanayam natin si Sen. Rodante Marcoleta.
26:50Maganda-umaga po.
26:52Gandang tanghali sa'yo, Rapi.
26:54Apo. Sabi po sa amin kahapon, former SC Associates Justice Antonio Carpio ay payag siyang makipag-debate sa inyo tungkol
27:01sa West Philippine Sea.
27:02At handa rin po itong i-host ng Philippine Bar Association itong debate.
27:05Kung papayag din kayo, payag ho ba kayo sa debate?
27:09Payag naman ako kahit kailan, Rapi, nasabi ko na ito.
27:13Ngunit yung limitasyon na kanyang binabanggit, hindi yata nasabi kung tatanggalin yung mga limitations na kanyang nilagay.
27:21Bakit po gusto nyo walang limitation?
27:24Para naman magwagi ang buong mamamayang Pilipino.
27:27Kasi paano mo naman ililimit yung napakalawak na subject matter ng West Philippine Sea?
27:33Hindi lamang sa malawak ito, ito ay complex at far-reaching ang kanyang consequences.
27:39So, hindi dapat bibigyan ng limitation, lalong-lalo na yung limitation ay sa akin pa di umano nang galing yung
27:48mga pananalita na hindi ko naman talaga sinabi yung gano'n.
27:52So, paano ka makikipag-debate sa isang parang nangyari, Rapi, gumawa sila yung tinatawag na yung Stroman Fallacy o Stroman
28:02Argument na kung saan yung posisyong ko, pinalitan nila, sinabstitute nila, minanipula nila, iniba nila.
28:10At pagkatapos, yun ang kanilang bibirahin para sa gano'n, lilito na parang nanalo sila kaagad.
28:17Sinabi rin po ni dating senior sosie Justice Carpio kahapon na hindi pwedeng magkaso ng treason kapag peacetime. Ito po
28:24yung threat nyo sa kanya.
28:25Kung gusto rin po ninyo, kailangan nyo i-amend o baguhin muna yung Article 114 ng Revised Penal Code. Ano
28:30pong tugon nyo rito?
28:31Ang sinasabi ko naman malawak ang kanyang pangunawa, Rapi. Ang sinasabi ko lamang dyan, I'm not referring to the book
28:37definition of treason.
28:38I am referring to the generic sense of the word treason kasi ang sinasabi ko riyan, napakalawak na bahagi ng
28:47ating teritoryo ang kanyang ipinamigay sa pumagitan ng kanyang maling pagdidesisyon.
28:52Kung isipin mo, Rapi, mahigit 242,000 square miles ang nawala sa ating teritoryo at halos, kung square kilometers na,
29:04naabot sa mahigit na 626, mahigit ha, square kilometers.
29:10Kung ang ating land area, Rapi, land area natin is 300,000 square kilometers.
29:16Ay, mas malaki itong pinamigay niya kasi ang territorial, Rapi, is part of our territory.
29:22At it is defined by our constitution.
29:24Tatlong constitution na nag-define ang ating national territory.
29:28Kung maalala mo, yung Article 1, nakalagay niya ang national territory.
29:321935 constitution, 1973 constitution, at saka yung 1978, itong umiiral na constitution.
29:40Opo.
29:40Nakalagay niya ang ating national territory.
29:44Walang kahit sinong Pilipino ang pwedeng magbago niyan.
29:48Pero, Senador, ang sabi po niya, hindi lang naman daw po siya yung nag-desisyon dito.
29:52Buong kongreso po, yung nag-desisyon daw dito, unanimous yung kanilang desisyon sa Supreme Court.
29:56Dapat daw, lahat sila ay kasuhan ng treason.
29:59Yan ang ayaw ko sa pangangatwiran niya, Rapi.
30:02Alam mo, lahat ng ginawang batas ng legislature is subject to constitutional question.
30:08Di ba, kung minsan, kahit na nagawa na namin yung batas, pupunta sa Korte Suprema?
30:13Dahil it's a question of constitutionality.
30:16Ngayon, kaya nga, pumunta sa Korte Suprema, kung sakasakali yung constitutionality ng batas,
30:21ituwid nila.
30:22Ngayon ko nakita na pinagtiwalaan natin,
30:26na ang bungakala natin, kaya niyang desisyonan,
30:29upholding the constitution, particularly yung national territory.
30:33Aba, e tingnan mo, makikita mo yung mismong graph na kung saan ay sinama niya sa kanyang ponensya.
30:41Dating 240,000, mahigit, 247,000 square miles ang ating territory.
30:49Naging 32 na lang.
30:51Ang sasaka sa iyo, ang nawala, halos 242,000 square miles.
30:56Paano mo magagawin yun?
30:57Paano niya sasagotin yun?
30:59Kung sasabihin niya, eh, collective yan.
31:01So, ang sinasabi po ninyo, siya lang ang target nyo dahil siya ang ponente o nagsulat nung desisyon?
31:07Hindi siya ang target ko, siya ang dinadaman niya yung mga kasama niya.
31:11Siguro napagkamalan ng mga kasama niya, na expert siya sa international law.
31:16Itatanong ko lang sa kanya, eh,
31:17hindi ka ba naniniwala na inalisan mo ng mahigit 242,000 sa ponensya mo ang ating territory?
31:24Kasi ang territorial sea kasama sa territory natin.
31:27Alam mo, ang kaya nagkakamalisa, ang bunga kala niya kasi, okay naman yan.
31:34Sabi niya, kahit nawala yung ating territorial sea,
31:37nag-gain naman tayo ng napakaraming exclusive economic zone.
31:41Napakkamali niya, Raffi, yung exclusive economic zone, hindi para din ang territory natin yun.
31:46Ang huwag na huwag mong isusurrender, yung territorial sea.
31:49Sabi niya, ay sakop ng ating national territory na binabantayan at dinefine mismo ng saligang batas.
31:56Wala kang karapatang baguhin yun.
31:58Kanina, nabanggit niyo po na may mga statement kayo na tila binabago.
32:02Linawin lang po natin, para po sa inyo, ano ba yung Kalayan Island Group?
32:06Bahagi po ba ng Pilipinas o hindi?
32:10Bahagi.
32:10Ang sinasabi nila, sinabi ko raw yung KIG, hindi bahagi ng ating teritoryo.
32:15Kailan ko sinabi yun.
32:16Sila ang naglalagay ng mga salita sa aking bibig.
32:20Para yun, yun nga yung Stroman Fallacy.
32:22Gagawa sila ng statement at isasabihin nila na yun ay nagmula sa akin.
32:27Ang pinag-uusapan lang naman doon, Raffi, kaya nabanggit yung KIG,
32:31ay yung territorial waters, yung maritime waters, entitlement ng KIG, hindi yung kalupaan.
32:37O, eh nung sinabi kong i-give up mo yung KIG,
32:40kasi nga nakikita nila yung kahirapan, yung paghihirap at impossibility na ma-enclose mo yun
32:47at isasama mo doon sa kalaksan ng ating tinatawag na West Philippine Sea
32:53dahil ang dami mong lalabagin ng mga artikulo ng unclose.
32:58At pagkatapos, ma-appropriate mo pa yung high CIS.
33:01I-minomustra ko doon sa kapitan na nakaharap sa amin doon sa CA
33:06para makita niya kung gaano ang paghihirap, kung paano gagawin,
33:11nai-encircle yung maritime entitlement ng napakaraming feature sa KIG,
33:17ganun sila ay separated by the high CIS.
33:20I wanted to strengthen that argument para ipaalam lang sa kanya,
33:24imposible yan, maaaring makompleto mo lang ang gawain mo
33:27kung i-give up mo yung KIG.
33:30I did not advocate that.
33:33I'm only trying to strengthen the argument
33:35na napakahirap kung hindi man imposible
33:38na i-enclose mo siya, isasama mo siya sa West Philippine Sea.
33:41Ito yung ayaw nilang kuntahan.
33:43Ito yung ipilit nilang iligaw ang ating mga kababayan
33:48para masinabi ko na hindi teritoryo ang KIG.
33:52Wala akong sinabing ganun, Raffi.
33:53Pagating po sa West Philippine Sea, sino po ang may karapatan dito?
33:56Pilipinas ho ba?
33:58Hindi yun ang issue, Raffi.
33:59Sabi ko, i-drawing muna natin.
34:01Kahit nasabihin mong atin ito, dito sila gumagawa ng stroman fallacy.
34:06Sinasabi ko lang, i-drawing natin ang hangganan ng West Philippine Sea.
34:10Sapagkat 14 years ago, minanduhan na, inorderan na sa magitan ng administrative order,
34:16presidential directive ito, Raffi.
34:18Sinabi na sa Annan Maria, kasama yung GFA, i-drawing nyo yung mapa ng Pilipinas reflecting the West Philippine Sea.
34:26At i-deposit ninyo kanya sa UN Secretary General at notify all international organizations.
34:32After 14 years, Raffi.
34:34Nasaan?
34:35Sabi-sabi na, harap-harapan.
34:36Aminin ba nila?
34:37Nakapag-deposit sila.
34:39Alam mo yung ginawa nilang mapa na sinabbit nila sa Tribunal Rapid.
34:42Sana may pagkakataong ipakita sa'yo.
34:44Silang nag-drawing ng West Philippine Sea.
34:46Silang hindi nagsama sa KIG.
34:49Meron akong mga mapa na sinabbit nila.
34:51Napakarami nito.
34:52Senador, as with all this debate, sa palagay nyo ba, hindi ito magpapahina sa opposition ng Pilipinas tungkol sa South
34:59Chinese at West Philippine Sea?
35:00Nagde-debate yung mga matataas na opisyal ng bansa.
35:05At magpapalakas ito?
35:06Raffi, yun ang sinasabi nila.
35:08Yung parte ng Stroman Fallacy, magpapahina.
35:11Paano magpapahina?
35:13Pinalalakas ko nga eh.
35:14Paano mo sasabihin atin ito?
35:16Wala ka naman titulo.
35:17Halimbawa, yun na lamang titulo ng bahay mo.
35:19Aangkinin mo ba titulo ng lupa na kinatatayuan ng pasilidad mo, opisina, bahay?
35:25Sasabihin mo, akin ito, wala kang titulo.
35:28Mapapalakas mo ba yun?
35:29Kahit na magsisigaw ka, magdamag.
35:32Halimbawa, sabihin niya,
35:33I appropriate the moon and the stars.
35:37Puro salita lang ba yun?
35:38Hindi mo gagawin yun eh.
35:39Sasabihin niya, pinahihina.
35:41Sila kasi, binamali nila yung aking pagnanasa na ayusin natin,
35:46maglagay tayo ng coordination.
35:47Sundin ninyo yung sinabi ng Presidente noong 2012,
35:50panahong Pangulong Pinoy,
35:53gumawa kayo ng mapa,
35:54reflecting the West Philippine Sea,
35:56pati yung mapa,
35:57i-submit nyo,
35:58i-deposit nyo sa UN General Assembly.
36:00After 14 years,
36:01ang tanong ko,
36:02bakit hindi sila gumagawa ng lahat ng bagay na ito?
36:05Paano mo pati ba ito kung hindi mo gagawin yun?
36:08Abangan po natin sana kung maging parte ito ng debate.
36:11Maiba naman po tayo.
36:12Apo, meron pa po ba kayo doon sa Senate Blue Ribbon Committee Report
36:14tungkol sa investigation sa flood control projects?
36:17Eh, nire-review pa namin yun.
36:18Hindi naman basta-basta na makakapirma ka roon.
36:21Unang-una,
36:22kinakailangan makita mo lahat yung
36:25ano ba yung tinuntun doon?
36:26Ano ba yung direksyon?
36:27Sino ba yung mga
36:28sino ba yung mga pinag
36:31inimbita namin?
36:32Kailangan makita namin
36:33at sino ba yung hindi naimbita?
36:35At bakit hindi?
36:36Eh, kasi maraming binanggit na pangalan.
36:38Halimbawa, sinabi ni Senador Lacson.
36:40Sabi niya, 67 contractors na congressmen.
36:43Ni isa, wala akong nakikita roon eh.
36:45Sinabi nito sa Cabral Files,
36:47at least five cabinet secretaries
36:50at mga USEC
36:51ay beneficiaries
36:52ng allocables sa Cabral Files.
36:55Wala siyang binanggit.
36:57Tapos yung expose niya
36:58na 8 billion to 9 billion
37:01ay idineposit ni Bernardo,
37:05ibinigay ni USEC Bernardo
37:06kay Tri-Give,
37:07USEC ng Depedian,
37:09at si Tri-Give binigay
37:11kay Adrian Versamine.
37:12Wala naman siya tinawag
37:13kung tungkol dito
37:14at hindi naman nakita.
37:15Gusto kong posisiin.
37:17Bakit pinagbabanggit mo ito
37:19at pagkatapos eh,
37:20wala ka namang tinawag
37:21at niwala kang pinagtatanong.
37:23Pati yung mga 11 na
37:24contractors na bahagi
37:26ng kanyang mga privileged speeds.
37:28Di isa pa na siyang
37:29wala siyang tinawag.
37:30At gusto kong makita
37:31sa committee report
37:33na kanyang idinrap
37:34kung naandito lahat ito.
37:36Bakit si Speaker Martin
37:39eh, ganun lamang
37:40ang kanyang resolution
37:41sapagkat lahat naman
37:43ng mga nagtuturo sa kanya
37:44papunta sa pangalan niya.
37:46Senador,
37:47opo.
37:48Senador, ang recommendation
37:49ng Blue Ribbon Committee
37:50kina Senador Jingo Estrada,
37:51Chise Escudero,
37:52at Joel Villanueva
37:53ay isa ilalim
37:54sa preliminary investigation.
37:55Ano pong may papayan niyo
37:56sa kanila bilang abogado
37:57at kasama niyo
37:58sa Senate Minority?
37:59In difference to the lawyers
38:01of my colleagues,
38:02ayaw ko namang
38:03akong imanguna sa kanila.
38:05Siguro kung
38:06isang araw
38:07itatawagin nila ako
38:08para magbigay
38:09ng konting legal advice,
38:11dun ko na lang
38:11sasabihin sa kanila.
38:12Kasi may sarili silang
38:14mga abogado rapi.
38:15Nahihiya naman ako
38:16na pangunahan ko sila.
38:18Very quickly po,
38:19panghuli na lamang,
38:20kailan niyo po
38:20gustong gawin yung debate?
38:22Eh kung maalis na yung
38:24mga limitasyon sana
38:25at ayusin nila,
38:27gawin nila in terms
38:28of proposition.
38:29Alimbawa,
38:29resolve that
38:31blah, blah, blah
38:31is blah, blah, blah.
38:32Affirmative ako
38:33alimbawa,
38:33negative siya.
38:34O kaya resolve
38:36na blah, blah, blah,
38:37negative ako,
38:38siya naman ang affirmative.
38:39Magagano'n ba?
38:40Hindi yung...
38:42Ito lang ang dalawang itong
38:43pag-uusapan namin
38:44na sinabi ko rin ganito.
38:45Hindi ko naman sinabi yung ganun.
38:46Anong pagtatalunan namin doon?
38:48So talagang may formal na
38:49debate structure kumbaga.
38:51Aabangan po natin.
38:52Maraming salamat po
38:53sa oras na binahagi nyo
38:54sa Balitang Halik.
38:54Maraming salamat din sa iyo, Rapi.
38:56Yan po si Senador Dante,
38:57Marco Leta.
38:59Susubukan po namin
38:59hinga ng reaksyon
39:00si Justice Carpio
39:01kaugnay sa mga pahayag
39:02ni Senador Marco Leta.
39:07Huli ka,
39:08magpagtawid ng isang babae
39:09kasama ang dalawang bata
39:10sa isang kalsada
39:11sa barangay Malabago
39:12sa Mangaldan, Pangasinan.
39:13Wala sila sa pedestrian lane.
39:15Ilang sandali lang.
39:16Biglang dumating
39:17ang isang motorsiklo
39:18at bumangga
39:19sa isa sa mga bata.
39:20Tumilapo naman ang rider.
39:22Promisponde sa insidente
39:23ang opisyal ang barangay
39:24at dinala sa paggamutan
39:25ang bata at rider.
39:27Hindi na rin na-report
39:28sa pulisya ang insidente.
39:30Inaalam pa ang kalagayan
39:31ng mga biktima.
39:37Dream come true
39:38para kay The Clash
39:39season 5 champion
39:41at sparkle artist
39:42John Rex
39:42ang kanyang successful
39:44first valentine show.
39:47Ramdamang support
39:48at love
39:49kay John Rex
39:50ng kanyang fans
39:50dahil sold out
39:52ang show
39:52na personal ko rin
39:54na witness.
39:55Ipinamalas ni John Rex
39:56ang kanyang husay
39:57sa pagkanta
39:58ng iba-ibang love songs
39:59at namigay pa
40:00ng flowers
40:01sa audience.
40:02Love is in the air
40:03talaga ang vibes.
40:04Lalo't spotted din
40:05sa audience
40:06si na-sparkle couple
40:07Raver Cruz
40:08at Julian San Jose
40:10na nagsilbing The Clash Masters
40:11noong season
40:12ni John Rex.
40:13All out din ang support
40:14ni The Clash
40:15judge
40:15ay ay de las alas
40:16na naging emosyonal
40:18sa isang kanta.
40:21Well, talagang masaya lang ako
40:23kasi nabigyan ako
40:24ng chance
40:25to really
40:27pakita yung
40:28kaya kong gawin
40:29and
40:30yun nga
40:30first ever
40:31na valentine show ko
40:32and then
40:32nakapag
40:33sold out din
40:34ng show
40:36so
40:36sobrang nakakataba
40:37ng puso
40:38kasi yung support
40:38na binigay sa akin.
40:41Patuloy po
40:41ang pagdagsa
40:42ng mga tao
40:43sa Binondo,
40:44Maynila
40:44ngayon nga pong
40:45Chinese New Year
40:46at may ulat
40:47on the spot
40:48si Marise Umali.
40:49Mayim,
40:50Yunghi,
40:51Watsay.
40:54Gongsi,
40:55Patsay,
40:56Connie,
40:57at kahit nga
40:58medyo
40:58umaambun pa
40:59rito sa Binondo
41:00ay hindi pa rin
41:01napigilan
41:02ang mga tao
41:03na magsaya
41:04at makipiesta
41:04dito sa
41:05oldest Chinatown
41:06in the world
41:06ang Binondo.
41:08Dumadagundo nga
41:09ang buong
41:09Ongpin Street
41:11sa mga
41:11nagpa-fire dance.
41:13Buhay na buhay rin
41:14ang kalsada
41:14sa iba't-ibang
41:15mga
41:15performers
41:16at mga
41:17mascot.
41:18Piesta,
41:19hindi lang sa paningin
41:20kundi pati na rin
41:20sa pandinig
41:21ang mayatmayang
41:23mga pagtatanghal
41:24ng mga
41:24lion dance.
41:26Sari-saring
41:26attraction din
41:27ang bubusog
41:28sa paningin.
41:29May mga
41:29nag-alay din
41:30ng insenso
41:30at namilipan
41:31ng mga charms
41:32at pampaswerte.
41:33Food crawl
41:34naman
41:34ang trip
41:35ng marami.
41:36At Connie,
41:37mahigpit din
41:37ang siguridad
41:38na pinatutupa
41:38dito
41:39ng Manila Police
41:40District
41:40para masiguro
41:41ang kaayusan
41:41at kapayapaan
41:42sa lugar
41:42especially
41:43sa lahat
41:44ng mga
41:45dito sa Binondo.
41:46Connie?
41:47Mag-aabang kami
41:48ng tikoy.
41:49Maraming salamat,
41:50Maris Umali.
41:56Kongsi Fatsai,
41:57nakicelebrate
41:58ng Chinese New Year
41:59ang ilang kapuso stars.
42:01Si Tim Yap
42:02itinlex
42:03ang celebration
42:04kasama
42:04ang ilang kaibigan.
42:06Hindi rin
42:06pinalagpas ni Tim
42:07ang makapagbedyo
42:08with a golden horse
42:09bilang pa-welcome
42:10sa Year of the Fire Horse.
42:12Si Janina Chan
42:13umawra,
42:14suot ang kanyang
42:16black outfit
42:16bilang salubong
42:17sa Chinese New Year.
42:19Dumalo naman
42:20sa Chinese New Year
42:21celebration sa Manila
42:22si Mr. Chinatown
42:24Philippines
42:242025
42:25tayo noon tan.
42:26Nag-celebrate din
42:27ang Chinese New Year
42:29si Sky Chua.
42:31Si Kapuso
42:31global fashion icon
42:33Heart Evangelista
42:34na recently
42:34nag-celebrate
42:35ng birthday,
42:36bumati rin
42:37ang Happy Chinese New Year.
42:39Si House of Life star
42:40Chris Bernal
42:41nag-workout
42:42muna
42:42bago ang salubong
42:44dahil
42:44papapakain daw siya.
42:48Ito ang balitan hal
42:49ibahagi po kami
42:50ng mas malaking
42:51misyon.
42:52Ako po si Kwanisison.
42:53Rafi Tima po.
42:53Kasama nyo rin po ako
42:54Aubrey Caramper
42:55para sa mas malawak
42:56na paglilingkod sa bayan.
42:57Mula sa GMA Integrated News
42:59ang News Authority
43:00ng Filipino.
43:11Kwanisison.
Comments

Recommended