Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong July 13, 2026



-Rekomendasyon ng NBI na sampahan ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide si dating Ateneo Head Coach Tab Baldwin at iba pa, hawak na ng DOJ

-College student, patay matapos mahulog mula sa tricycle isang araw bago ang kanyang graduation

-Buhawi, namataan sa gitna ng masamang panahon; Ilang negosyo, binaha dahil sa malakas na ulan

-PAGASA: Tropical Depression, papasok sa PAR mamayang gabi o madaling-araw bukas; tatawaging Bagyong Josie

-Daloy ng trapiko sa Maharlika highway mula Sto. Tomas, Batangas hanggang San Pablo, Laguna, apektado ng napakaraming insekto

-PHIVOLCS: Bulkang Mayon, 2 beses nagbuga ng lava ngayong umaga

-PHIVOLCS: Magnitude 5.4 na lindol, yumanig sa Claveria, Masbate ngayong umaga

- 3 pang testigo ng prosekusyon para sa Article IV ng impeachment, inaasahang sasalang ngayong linggo

-Impeachment records, naka-upload na sa Senate website

-Marian Rivera, masaya sa muling paglalaro ng tennis; ipinasilip ang ilang moments niya sa court

-Ilang barangay sa Macabebe at Masantol, nalubog sa baha; Ilang parte ng Romblon at Occidental Mindoro, naperwisyo ng baha

-Naitalang 155.91 meters na water level ng Angat Reservoir kahapon, pinakamababa sa kasaysayan

-Grade 4 student, patay matapos painumin umano ng pampurga sa kanilang paaralan; isasailalim sa autopsy

-Rider, patay nang mabangga ng pampasaherong van

-American national, patay matapos barilin at pagnakawan ng riding-in-tandem sa Brgy. San Roque

-DND Sec. Teodoro, bumisita sa Pag-asa Island sa 10th anniversary ng 2016 Arbitral Tribunal ruling

-BSP: Ilegal ang pag-photocopy ng pera; puwedeng makulong nang 5-10 taon ang mga gumagawa nito

-Ph tennis star Alex Eala, nakauwi na sa Pilipinas

-27, patay nang magkasunog sa isang pub; 63 sugatan

-Lalaki, patay matapos hampasin ng bote at saksakin ng nakainumang kaibigan

-INTERVIEW: CHARMAGNE VARILLA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA

-Sean Lucas, mas comfortable nang ka-work ang co-host na si Heart Evangelista sa "The People Have Spoken"

- Isang sako ng bigas, tinangay ng isang lalaking dati na ring nagnakaw ng mantika sa tindahan

-PNP Gen. Hospital: Fit to travel na si Sen. Rodante Marcoleta pero kailangan munang tapusin ang gamutan para sa mild pneumonia

-Mga taga-Batanes, pinalagan ang pahayag ng ilang Chinese scholars na bahagi ng China ang Batanes

-PHIVOLCS: Muddy stream flow, na-monitor sa Moises Padilla; ilang lugar sa Canlaon City at San Carlos, naperwisyo ng ashfall

-Buhawi, nanalasa sa ilang bahay; Ipuipo, namataan sa dagat



For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Transcript
00:03Muzik
00:09Magandang tanghali po!
00:11Oras na para sa maiilit na balita
00:22Bustang ka sa balita?
00:26Dito sa!
00:27Balita nga!
00:30Thank you very much.
01:00Dito sa tanggapan ng DOJ, Department of Justice, ang ilang tauhan at opisyal ng NBI Homicide Division.
01:08Kahon-kahong dokumento ang dala ng NBI agent sa pangunguna ni NBI Homicide Division Chief Romeo Astrero Jr.
01:16Inirekomenda nilang kasuhan ng reckless imprudence resulting in two counts of homicide.
01:20Si dating Ateneo men's basketball coach Tab Baldwin, anim na assistant coach at isang physical therapist ng team.
01:27Nais din nilang pakasuhan ng simple negligence resulting in homicide ang athletic director ng Ateneo,
01:33pati na ang magkapatid na mayari at co-manager ng resort sa Dipakulaw, Aurora,
01:38kung saan nangyari ang team building activity ng Ateneo team nitong kunyo.
01:43Base rin sa inisyal impormasyong nakuha ng GMA News mula sa NBI,
01:46irerekomenda nilang sampahan ang kasong administratibo ang Dipakulaw LGU.
01:51Noong June 26, nauna nang inirekomenda ng PNPCIDG o Criminal Investigation and Detection Group sa DOJ
01:59ang pagsasampa ng reklamong paglabag sa Anti-Hazing Act laban kay Baldwin at ilan pang miyembro ng Ateneo men's basketball
02:06coaching team.
02:07May karagdagang referral ang CIDG noong July 1 para irekomenda sa DOJ ang paghain ng reklamong homicide
02:14at reckless imprudence resulting in homicide.
02:17May umiiral ding ILBO o Immigration Lookout Bulletin laban kina Baldwin,
02:22Christopher Quimpo, Renato Jacinto Jr., Dean Castaño at Sandro Soriano.
02:26I-evaluate o susuriin ng DOJ kung sapat ba ang mga ebidensyang nakalakip sa inihayang ng NBI ngayong araw.
02:32At Rafi kung sapat yan, uusad ang proseso at idadoket na ito para sa preliminary investigation.
02:38Rafi, sinusubukan pa ng GMA News na kunin ang panig ni na Baldwin at iba pa sa aksyong ginawa laban
02:45sa kanila ng NBI ngayong umaga.
02:47Yan ang latest mula rito sa Department of Justice sa Maynila. Balik sa'yo, Rafi.
02:51Maraming salamat, Darlene Kai.
02:55Patay ang isang babaeng gagraduate na sana sa kolehyo sa Balagtas Bulakan matapos mahulog sa tricycle at mabagok.
03:02Ang kaanak ng biktima, iba ang paniniwala sa kanyang pagkamatay.
03:06Balita ng atin ni Gabrielle Gonzalez.
03:12Sa kuha ng CCTV pasado alas 11 ng gabi nitong Merkules,
03:16kitang sumakay ng tricycle ang 23-anyos na babaeng ito sa Burol 2nd Balagtas Bulakan.
03:27Maya-maya, maririnig sa kuha ng isa pang CCTV ang tila malakas sa paglagapak bago sumigaw ang ilang residente.
03:35Sa isa pang anggulo, kitang huminto ang tricycle at bumaba ang driver para tingnan ang nangyari.
03:41Hindi na ako na ng CCTV, pero nahulog daw ang babaeng sakay ng tricycle.
03:46Sa halik po na hintuan siya ng driver ng tricycle and then yung kasama na passenger na isa pa, eh
03:55hindi nila hintuan yung biktima natin.
03:59Kinailangan paumanos silang habuli ng isa pang tricycle para mabalikan ang biktima.
04:04Dinalaan ng tricycle driver at kanyang kapatid sa klinik ang biktimang wala ng malay.
04:09Wala raw sapat na gamit ang klinik kaya inirefer sila sa ospital.
04:13Pero bago tumuloy sa ospital, pumunta raw ang tricycle driver at kanyang kapatid na pasahero rin sa tanod para humingi
04:21ng tulong.
04:22Tumagal sila ng mahigit walong minuto bago muling umalis.
04:26Ayon sa executive officer ng barangay na naroon sa lugar, inalam muna nila kung anong nangyari sa babae.
04:32Ang kwento daw ng tricycle driver sa kanila, tumalun-umanong mula sa tricycle ang biktima.
04:38Pagdating dun, nireport sa amin na tumalun.
04:42Sa tulog yung bata, tinatanong ko kung nakainom ba, kung paano ba.
04:47Inunat ko yung paanya, ginigising ko siya sa muka.
04:52Ate-ate, ganoon lang. Tapos talagang naghihilik lang siya.
04:56Sa halip na idiretso na sa ospital, dinala muna sa bahay ng kanyang kaanak ang biktima.
05:01Dito na sila nagpasyang isugod sa ospital ang biktima.
05:05Namatay kalauna ng babae dahil sa matinding pagkakabagok.
05:09Ang biktimang 23 anos, gagraduate na sana kinabukasan.
05:13Matagal na panahon nag-aral ang anak ko.
05:18Graduation day, hindi na kate ng anak ko. Saan nila nilagay sa kabaong na dapat ang anak ko masaya na
05:24umakyat.
05:25Dahil sa pagtsatsaga, pagsasakripisyo, paghirap, lahat, dinanas ng anak ko.
05:32Yung kapatid ko, sobrang bait niyan. Ngayon, yung kapatid ko, yung dapat gagraduate na ang takit sa stage.
05:44At kakain sana sila. Ititreat ko sila sana sa isang stakeouts.
05:50Tapos, biglang nawala yung kapatid ko.
05:53Nagharap ang magkabi ng panig sa presinto.
05:56Hindi daw kumbinsido ang pamilya sa sinabi ng tricycle driver at kanyang kapatid na nalaglag ang biktima.
06:03There's something na missing talaga po doon sa story. Sabi nila hindi ni malayan. Tinanong ko yung nasa loob, bakit
06:10mo hindi na malayan na nalaglag?
06:12Sabi po niya ay napuwing daw po siya at nagpupunas daw po siya ng mata niya, kaya daw po hindi
06:17niya na malayan na nalaglag.
06:18Kiniclaim nila na wala silang ginawang masama kay Paulen.
06:21Ayon naman sa pulisya, itinuturing ng sospec ang tricycle driver at kapatid niyang pasahero na nakasama ng biktima noong mangyari
06:29ang insidente.
06:29Ongoing pa rin po kasi ang aming investigation, sabalit identified na ba nun po natin itong mga sospec.
06:37Piniprepare na po natin yung kaupulang mga papeles, base na rin po doon sa ating parents, ng ating biktima, ay
06:48magtutuloy sila na reklamo laban doon sa ating mga sospec.
06:51Sa Facebook post naman ang isa sa mga sospec, sinabi niyang handa siyang makipagtulungan sa pamilya at iginiit na wala
06:59silang kasalanan.
07:00Ibinibenta na rin niya ang tricycle na gamit noong mangyari ang insidente.
07:05Sinusubukan pa namin kuhanan ng pahayag ang magkapatid na sospec.
07:09Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
07:16Dalawampu ang huling bilang ng nasawi sa pananalasan ng hanging habagat na pinalakas ng Bagyong Inday.
07:22Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, siyam ang sugatan habang labing-anim ang nawawala.
07:29Ilang lugar sa Bisayas at Mindanao ang nakaranas ng pagbaha at landslide.
07:34Balitang hatid di ba, Malegre?
07:40Namataan ng isang buhawi sa Nabas, Aklan, sa kasagsagan ng masamang panahon.
07:44Ayon sa video uploader, nakisilong sila sa waiting shed na makita ang buhawi.
07:49Walang naitalang nasaktan sa insidente.
07:51Sa Boracay, sa Malay, Aklan, binaha ang ilang negosyo dahil sa malakas na ulan.
07:56Sabi ni Hugh Scooper, the Boracay way.
07:58Problema sa lugar ang drainage system o daluyan ng tubig tuwing umuulan.
08:03Binahari ng ilang bahay at kalsada sa Bugasong Antique dahil sa malakas na ulan.
08:07Sa Leon, Iloilo, na perwis siya ang mga residente matapos masira ang Kamando Hanging Bridge dahil sa malakas na hangin
08:13at ulan.
08:16Sa bayan ng tubungan, isang lalaking senior ang nasawi matapos matabunan ng lupa ang kanyang bahay sa barangay Nagba.
08:22Ayon sa MDRMO, natutulog ang lalaki na mangyari ang pagguho.
08:27Nakaranas din ang masamang panahon sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.
08:31Ayon sa lokal na pamahalaan, tatlong nasawi dahil sa flash flood sa barangay Tanuman.
08:36Isa ang sugatan habang anim naman ang nawawala.
08:39Malalakas na mga alo naman sa dagat ang naranasan sa Payaw, Samuanga, Sibugay sa gitna ng masamang panahon.
08:45Nawasak ang ilang bahay sa barangay Lumantik.
08:47Walang namatay o nasaktan.
08:49Sa Lake Cebu, sa South Cotobato, nawasak ang bahagi ng kalsada sa barangay Ned kasunod ng mga pagulan.
08:55Pansamantala itong hindi madaanan ng mga motorista.
08:59Buwis-buhay naman ang pagtawid sa ilog ng ilang lalaki sa barangay Alegria sa Alabel, Sarangani.
09:05Ayon sa uploader, halos wala na mabiling produkto sa kanilang lugar.
09:08Kaya sinuong nila ang rumaragas ng ilog.
09:10May naitala rin pagguho ng lupa sa ilang barangay.
09:13Sa bayan ng malapatan, gumamit ng improvised cable crossing ang ilang tauhan ng Department of Social Welfare and Development para
09:20makapaghatid ng supply sa barangay Kihan.
09:23Baharin ang namerwisyo sa mga taga-barangay Kolobes sa palimbang Sultan Kudarat.
09:27Ayon sa pag-asa ang pagulang naranasan sa Visayas at Mindanao dahil sa hanging habagat na pinalakas ng bagyong Inday.
09:33Bama Lagra, nagbabalita para sa GMA News.
09:37Mga kapuso, may bagong bagyong binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility matapos ang bagyong Inday.
09:45Namataan niya ng pag-asa 1,275 kilometers silangan ng Visayas.
09:50Isa itong tropical depression na may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour.
09:56Mamay ang gabi o madaling araw bukas, posibleng pumasok na ito sa par, sabi ng pag-asa at tatawaging bagyong
10:02Josie.
10:04Base sa datos ng pag-asa, posibleng kumilos pahilaga sa Philippine Sea ang nasabing bagyo hanggang sa lumabas ito sa
10:10northern boundary ng PAR sa Miérkoles.
10:12Hindi ito inaasang mag-ahatak ng habagat.
10:15Sa ngayon, papahina na ang habagat pero magpapaulan pa rin ito sa Luzon kasama na po ang Metro Manila.
10:22Higit na makaaasa sa maayos na panahon ng Visayas at Mindanao pero pinaaalit ito pa rin ng mga residente mula
10:28sa mga posibleng local thunderstorm.
10:35Hindi mga sasakyan at pedestrian kundi mga insekto ang pumuno sa Marica Highway mula sa Santo Tomas, Batangas hanggang San
10:43Pablo, Laguna.
10:44Mabagal ang takbo ng mga dumara ang sasakyan dahil pahirapang makita ang kalsada.
10:49Batay sa paliwanag ng isang etymologist na nag-aaral tungkol sa eksekto,
10:53posibleng dahil ito sa pagkawala o pagkabawas ng kanilang natural habitat.
10:59Muling nagbuga ng lava ang bulkang Mayon.
11:02Ayon sa FIVOX, dalawang beses nagkaroon ng lava effusion ang bulkan bandang 631 at 646 ngayong umaga.
11:09Sinundan niya ng ilang beses na pagdausdos na uson o pyroclastic density currents.
11:13May naitala ring rock falls.
11:15Sa nakalipas na 24 oras, mahigit siyam na po ang naitalang volcanic earthquake at halos 300 rock falls ng Mayon.
11:23Nagbuga pa ito ng mahigit 5,000 toneladang asupre o sulfur dioxide.
11:27Nananatili sa alert level 3 ang bulkang Mayon.
11:30Bawal pumasok ang mga tao sa 6-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan.
11:38May anig ng magnitude 5.4 na lindol ang mas bate ngayong umaga.
11:42Ayon sa FIVOX, nangyari ang lindol bago mag-aras 9 ng umaga.
11:46Namata ng epicenter nito, 26 na kilometro ang layo mula sa timog kanlura ng Claveria, Masbate.
11:52Naramdaman ang intensity 3 na lindol sa Ligaspi Albay at sa Bulansor Odonsol, Huban at Sorsogon City sa Sorsogon.
12:00Wala namang inaasahang pinsala ng lindol.
12:02Pero ayon sa FIVOX, asahan ng mga aftershock.
12:12Tatlong testigo ng persecution ang inaasahang sa sala ngayong linggo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
12:18Tingin ni Impeachment Court Presiding Officer Chise Scudero, mas bibilis pa ang takbo ng paglilitis.
12:24Balitang atin ni Jonathan Andal.
12:29Sa unang tatlong araw ng impeachment trial, i-isang testigo pa lang ang sumalang, si NBI Senior Agent John Mark
12:36Kalilong.
12:36Ngayong linggo naman, inaasahang sa salang sina, NBI Regional Director Jeremy Lotok, Office of the Vice President, Chief of Staff,
12:44Attorney Zulayca Lopez,
12:45at Belinda Belio ng Legislative Security Bureau ng House of Representatives,
12:50ang suwestyo ni Sen. Ping Lakson, ipag-standby na sa Senado ang mga nakalinyang testigo kada linggo para maisalang na
12:57kung maagang matapos ang isa.
12:59Hindi pa madalin na para makukompromise na yung pagpapresenta ng ebidensya,
13:04pero madalin natin in such a way na huwag tayo mag-aksaya ng araw.
13:08Abutin tayo ng Pasko rito pag ganyan ang pace natin na isang witness sa isang linggo.
13:15Sabi ni Lakson, bukas naman sa mungkahing ito si Impeachment Court Presiding Officer Jesus Scudero.
13:20Sa kanyang podcast, si Escudero na mismo nagsabi na bibilis na ng bahagya ang impeachment trial.
13:26Inataya ko na sana matapos ito bago mag-Nobiembre o Disyembre.
13:31Pero hindi ko kaya magsalita ng patapos, depende yan sa ebidensya na isipresenta na magkabilang panig.
13:35Sa inaasahang pagharap ni Lopez sa Impeachment Court niyong linggo, pupunta rin kaya si Duterte?
13:40Wala kami sa totoo lang na idea kung pupunta siya.
13:44Ang balita lang namin ay nag-inquire sila kung pwede sila magdala ng catering, ref, coffee maker.
13:54Noong Webes, nagpunta sa Senado si Lopez para sa mga hiling nilang sariling catering, refrigerator at iba pa.
14:01Isa pang ipinatatawag ng korte si NBI Director Melvin Matibag.
14:04Wala pang petsa kung kailan siya sa salang.
14:06Ngayon man, hinihiling ngayon ni Matibag sa kanyang sulat sa prosekusyon na isalang na siya ng maaga bago o sa
14:12mismong July 20
14:13dahil may dadaluhan siyang regional summit sa Bangkok, Thailand sa July 21 to 22.
14:19Kinukunan pa namin ang reaksyon dito ang prosekusyon.
14:22Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA News.
14:27Naka-upload sa Senate website ang mga iprinisinta ng dokumento sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
14:33Nakalagay ito sa impeachment tab ng website.
14:36Nakahiwalay ang mga ebidensya ng prosekusyon mula sa mga galing sa depensa.
14:40May hiwalay rin na kategorya ang mga inisyo na dokumento ng impeachment court.
14:44Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, titiyakin nilang makikita ng publiko ang impeachment records.
14:51Inutos na raw niya sa Senate Secretariat na i-upload agad ang mga dokumento,
14:55basta't naipresenta na sa paglilitis.
15:03Monday Latest, despite her busy schedule, balik si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang tennis playing era.
15:13Sa kanyang Facebook, ibinahagi ni Marian ang kanyang tennis moments.
15:17Kabilang dyan ang kanyang training sa court.
15:19Chika ni Marian, masaya siya sa muling paglalaro at matuto ng tennis.
15:24Pinusuan naman niya ng kanyang fans.
15:26March 2025 nang magsimula si Marian sa paglalaro ng tennis.
15:34Tulad sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, kabi-kabilang pagbaharin ang naranasan sa ilang lugar sa Pampanga.
15:40Gaya sa bayan ng Macabebe kung saan labimpitong barangay ang binaha.
15:45Kabilang dyan ang barangay San Gabriel.
15:47Gumawa na roon ng improvised na tulay para may madaanan ang mga residente.
15:51Naperwisyo rin ng baha ang ilang negosyo.
15:55May ilan namang namingwit sa kalsada matapos umapaw ang ilang palaisdaan.
15:59Ayon sa MDRRMO, ang pagbaha ay dulot ng ulan, high tide at pagbaba ng tubig mula sa Pampanga River.
16:0726 na barangay naman ang binaha sa bayan ng Masantol.
16:11Naglagay ang LGU ng pansamantalang dike na nagawa sa kawayan at lupa at tarpaulin.
16:17Nasa 60% na ito tapos at lalagyan pa ng solar-powered water pumps.
16:22Sinimula nilang proyekto habang nakahinto ang ilang flood control projects ng national government.
16:30Bahari ng naranasan sa Alcantara Romblon.
16:33Isang alagang baboy ang inilikas sa barangay Giove.
16:36Ayon kay Yusco Parodel Falculan, binahari ng ilang bahagi ng kalintaan o kselang talmindoro,
16:42kasunod na pag-apaw ng ilog dahil sa pagulan doon.
16:46Ayon sa pag-asa, ang pagulang naranasan sa mga binanggit na lugar ay dulot ng hanging habagat.
16:54Sumadsad sa pinakabababang antas sa kasaysayan ang antas ng tubig sa Anggata Reservoir.
16:59Ayon sa pag-asa, naitala ng Anggata Reservoir ang 155.91 meters na water level kahapon.
17:05Yan na, ang historic law na nasabing daan mula noong dekada 80.
17:10Dahil sa napakababang water level, magpupulong ang technical working group sa reservoir at titignan kung kakailangan nang magbawas ng water
17:17allocation.
17:19Ang Anggat ang pangunahing source ng tubig ng Metro Manila at ilang karatig probinsya.
17:24Una nang itinigil ng nasabing dam ang pagbibigay ng tubig para sa power generation at irigasyon.
17:31Sa latest monitory na pag-asa, bahagyang tumaas ang tubig sa Anggat at pagtamangan reservoirs dahil sa pagulan sa nakalipas
17:38na 24 oras.
17:39Tumaas din ang water level sa Ipo, Lamesa, Ambuklaw, Binga, San Roque, Magat at Caliraya Reservoirs.
17:50Namatay ang isang grade 4 student sa 13 Martiras Cavite matapos umanong painumi ng pampapurga sa kanilang eskwelahan.
17:57Ayon sa pamunuhan ng paaralan, nakikipag-ugnay na sila sa mautoridad kaugnay sa insidente.
18:03Balitang hatid ni Von Aquino.
18:10Sa mga video at litrato na lang, maaalala ng mga magulang ang pagiging masigla, mabait, malambing at masunurin ng 8
18:19-year-old grade 4 pupil na si Rex.
18:23Pumanaw siya noong July 3.
18:26Kwento ng kanyang mga magulang, sumama ang pakiramdam ni Rex matapos uminom ng pampurga ang ibinigay ng kanyang guro.
18:33Noong 11.30, nagsabi na siya sa akin, mama, hapde ako. Bakit magka maghahapde?
18:40Sabi niya, susuka ako kasi uminom na siya ng pinainom siya ng pampapurga.
18:45Sabi ko kailan, sabi niya, pagkatapos na mama na reses.
18:49Dinala siya sa klinik kinabukasan, pero inilipat sa ospital matapos makita ng doktor ang kanyang kalagayan.
18:57Pagdating po doon, sunod-sunod na yung seizure niya, hindi na namin na ano, sunod-sunod na talaga hanggang sa
19:0250-50 na siya.
19:04Inindikan na siya sa ano yung pampa, ano na puso niya, nang hina na, wala na pag, pag sampo na
19:11doon sabi ng doktor, din daw pwede, ano hindi.
19:13Ayun, patay na po siya noong pagkagabi na.
19:17Tinigilan na po ng doktor yung ano, pag-revive niya. Nirevive po ako. Lumalaban siya, mom.
19:22Masagat talaga, wala ng anak. Marami.
19:26Base sa death certificate ni Rex, septic shock ang ikinamatay dahil sa central nervous system infection.
19:33Tingin ang kanyang mga magulang na overdose si Rex sa ipinainom na pampurga sa kanya.
19:38Masakit para sa akin, mom, kasi hindi ko naman talaga alam yan. Kapainom ang anak ko eh.
19:46Kasi kung alam ko lang po, hindi po yan makainom kasi sobrang lusog yan.
19:52Nitong Sabado sana ang libing ni Rex, pero hindi mo na ito itinuloy ng kanyang mga magulang para maisailalim ang
19:58kanyang labis sa autopsy.
20:00Plano nilang humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation para rito.
20:04Plano ng mga magulang ni Rex na ireklamo ang mga responsable sa pagkamatay niya,
20:09kahit pasinubukan pa raw ng kanilang mayor na mamagitan para magkaayos sila ng guro ni Rex.
20:15Sinubukan pa namin punin ang panig ng principal at guro.
20:18Sa pahayag ng Yugo Perez Elementary School Annex at DepEd Cavite Province na ipinost sa kanilang Facebook page,
20:26sinabi nilang ikinalulungkot nila pagkamatay ng kanilang estudyante kasunod ng deworming activity na isinagawa sa kanilang paaralan.
20:35Nakikipagugnayan o mano sila sa mga otoridad kaugnay ng insidente.
20:38O Nakina nagbabalita para sa GME News.
20:43Sa inilabas na pahayag ng Department of Education ngayong umaga,
20:46nakikiramay sila sa pamilya at mga mahal sa buhay ng nasawing estudyante.
20:51Magbibigay rao sila ng emotional, psychological at logistical support sa pamilya ng estudyante.
20:56Sa pakikipagugnayan nila sa 13 Martire City Health Office,
21:00may mga estudyante ring sumama ang pakiramdam matapos mabigyan ng pampapurga.
21:04Patuloy sila ang nakikipagtulungan sa mga otoridad para sa investigasyon tungkol dito.
21:08Nire-review din daw nila ang kanilang health and safety protocols.
21:19Huli kam sa Alicia Isabella ang pagbangga ng isang pampasaherong van sa isang motorsiklo.
21:24Sa tuha ng CCTV, kitang nagdirediretso ang motorsiklong palabas ng intersection
21:28at kinain ang linya ng paparating na van.
21:32Nabumanga rito.
21:33Nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang 60-anyos na rider na dinala sa ospital
21:38pero kalauna'y binawian ng buhay.
21:41Ligtas ang van driver at mga pasahero niya.
21:44Ayon sa pulisya, nangako ang driver ng van na tutulong sa naiwang kaanak ng nasawing rider.
21:49Sinusubukan ng GMA Regional TV na makuha ang pahayag ng kaanak ng nasawing rider.
21:56Patay ang isang Amerikano matapos barili ng riding in tandem sa Teresa Rizal.
22:01Sa kuha ng CCTV, makikitang naglalakad ang biktima sa Eskilita sa barangay San Roque.
22:07Sinalubong siya ng riding in tandem at tinangkang hablutan ng alahas.
22:12Nanlaban ang dayuhan at hinabol ang mga salarin.
22:15Maya-maya lang, bumalik ang mga nakamotorsiklo at binaril ang biktima.
22:20Doon na tinangay ng mga salarin ang mga gamit ng dayuhan at tumakas.
22:24Patuloy ang backtracking ng pulisya para mahanap ang mga salarin.
22:31Malinaw at wala na raw dapat debate sa mga Pilipino na Pilipinas
22:34ang may karapatan sa West Philippine Sea ayon kay Defense Secretary Guibot Chodoro.
22:38Sinabi yan ng kalihim ng bumisita sa pag-asa island sa West Philippine Sea
22:42bilang bahagi ng pagdiriwang ng ikasampung anibersaryo ng 2016 Arbitral Tribunal Award.
22:47Narito ang aking report.
22:54Espesyal ang pagbisitang ito ni Defense Secretary Guilberto Chodoro sa Isla ng Pag-asa
22:58sa Munisipalidad ng Kalayaan.
23:00Lalo na ang pag-awit ng lupang hinirang kasama ang mga sibilyang nakatira sa isla
23:04at mga tropa ng gobyerno na nagbabantay sa teritoryong ito ng bansa.
23:12Ayon sa kalihim, sampung taon matapos ilabas ng Arbitral Tribunal ang kanilang desisyon
23:17na nagpapawalang visa sa 9-line ng China.
23:20Marami na anyang nangyari pero marami pa ang kailangang gawin.
23:24Na-isolate ang China dito sa buong mundo.
23:27Secondly, nambulat ang ating mga kababayan sa importansya ng karagatan.
23:32And yung importansya ng karagatan, hindi lang sa ngayon, lalo-lalo na sa mga future generations of Filipinos.
23:41However, for the next 10 years, we have to move double time.
23:45Kasi mas mabilis yung gustong manira ng ating hold sa ating teritoryo at sa sovereign rights natin.
23:55Bukod sa simbolikong flag raising, namigay din ang kalihim ng food packs sa mga residente.
24:00Ipinag-utos na rin daw niya sa Western Command ng AFP na tumulong sa mobility ng mga tagapag-asa
24:05na isa sa pangunayang problema ay access sa isla, lalo na pag masama ang panahon.
24:11Bago nga muling makalipad ang eroplanong sinakyan ng kalihim, binayong ng matinding ulan at hangin ang isla.
24:19Ayon sa kalihim, dapat maging usaping political ang isyo ng West Philippine Sea
24:23sa gitna ng patuloy na pagbabaliwala ng China sa arbitral ruling.
24:27Lahat naman ang isyo na sa publiko ay political.
24:31Huwag lang gawing partisan political issue na nagsasalungatan ang view natin dito sa West Philippine Sea.
24:40Let there be no debate kung sino may ari nito.
24:43Sa gitna naman ang kagustuang gawin ng normal ang pamumuhay sa isla,
24:47hindi nakaligtas sa kalihim ang nabalita ang pag-usbong ng pag-iibigan
24:51sa pagitan ng isang Air Force personnel at isang guro na na-assign sa pag-asa.
24:55Biro ng kalihim, dapat sa isla na sila magsimula ng kanilang pamilya.
25:00Nagkakilala si na Airman 2nd Class Clyde Enriquez at teacher Lucky Bulante
25:04nang kapos sila ma-assign dito isang taon ng nakakaraan.
25:07Sa Desyembre, nakatakda na silang ikasal.
25:10Wala po talaga kung balak mag-boyfriend nito.
25:13Kaya lang?
25:14Opo, eh makulit.
25:15Pag-asa talaga eh, nagbibigay ng kalayan sa atin.
25:19Kalayan mo't mahal.
25:20Rafi Tima nagbabalita para sa GMA News.
25:25Babala mula sa Banko Sentral ng Pilipinas,
25:27bawal mag-photocopy ng perang papel at bariya.
25:31Ito'y matapos maging usap-usapan online
25:33kung pwede na bang tanggapin bilang original ang photocopies
25:36nang mabanggit ito sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
25:40Tinalakayan habang kinukwestyon ng defense team
25:42si NBI Senior Agent John Mark Kalilong
25:44na nag-authenticate ang video kung saan
25:46pinagbantan umano ng vice ang Pangulo,
25:49ang First Lady at ang dating House Speaker.
25:51Binanggit noon ni Atty.
25:52Amando Ligutan na prosecution team
25:55ang 2019 Revised Rules of Evidence ng Korte Suprema
25:58kung saan pwedeng tanggapin bilang original
26:00ang kopya na isang dokumento sa ilang sitwasyon.
26:04Pagkatapos niyan,
26:05sunod-sunod na ang posts sa social media
26:07kung saan ginawang biro ang pahayag ni Ligutan
26:10tungkol sa photocopies tulad na lang sa pera.
26:13Babala ng BSP,
26:15maaaring makulong ng lima hanggang sampung taon
26:18ang mga gumagawa ng kopya o reproduction
26:20ng mga perang papel o bariya.
26:29Balik Pilipinas na si Pinay tennis star Alex Ayala.
26:34Dumating si Alex pasado alas 11 ng umaga kahapon.
26:38Sinalubong siya sa NIA Terminal 3
26:40ng mga opisyal ng Philippine Sports Commission,
26:43Philippine Olympic Committee
26:44at Philippine Tennis Association.
26:47Naroon din ang ilang batang atleta
26:49at iba pa niyang fans.
26:51Nito mga nakaraang linggo gumawa
26:53ng kasaysayan si Alex
26:54sa pagsabak niya sa 2026 Wimbledon
26:57kung saan tinalo niya
26:59ang defending champion ng torneo
27:01at umabot pa sa round of 16.
27:11Nagbistulang buhubugan ng apoy
27:12ang pub o iluman na yan
27:14sa Bangkok, Thailand.
27:15Kasabay niya ng takbuhan
27:16palabas ng ilang nasa loob.
27:18Kalaunan, natigil ang malakas na apoy
27:20at napuno ng usok ang paligid.
27:23Nangyari yan maghahating gabi-kagabi.
27:26Ayon sa Department of Disaster Prevention
27:27and Mitigation ng Thailand,
27:2927 ang nasawi sa insidente.
27:3263 sugatan,
27:3422 sa kanila ang kritikal.
27:36Kwento na ilang nakaligtas
27:38nang magkausok ay nagtakbuhan
27:40ng mga nasa loob
27:40papunta sa likurang bahagi
27:42ng iluman
27:42pero walang fire exit doon.
27:46Inaalam pa ang sandki ng apoy.
27:48Kasama sa embesigasyon
27:49ang pagkuhan sa panig
27:50na may-ari ng pub.
27:54Balik po tayo sa mga balita sa bansa.
27:56Arestado ang isang lalaki sa Maynila
27:58matapos mapatay sa hampas
27:59ng bote at saksak
28:00ang nakainuman niyang kaibigan
28:03sa Quezon City.
28:04Balitang atin ni Gabriel Gonzalez.
28:10Kalunos-lunos ang sinapit
28:11ng 49 anyos
28:13na lalaking person
28:14with disability na yan
28:15matapos pagsasaksakin
28:17sa Barangay Holy Spirit,
28:18Quezon City.
28:19Ang sospek sa pagpatay
28:21sarili niyang kaibigan.
28:24Nangyari ang insidente
28:25malapit sa isang tindahan
28:27sa kanto ng AFP
28:28at Guerilla Road
28:29sa Barangay Holy Spirit,
28:30Quezon City.
28:31Itong Martes,
28:33ayon sa pulisya,
28:34nagkainitan ng dalawa
28:35matapos pag-inuman.
28:37Hinampas o mano
28:38ng sospek ng bote
28:40ang biktima
28:40bago inundayan
28:42ng 21 saksak
28:44sa dibdib,
28:45likod at braso
28:46na agad niyang ikinasawi.
28:47Hindi na po talaga
28:51siya ni-remind
28:52dahil
28:53hindi na po
28:54kinaya yung
28:5521 saksak
28:56parang ginama talaga
28:57siya.
28:58Hindi na makataw
28:59si Lord na lang
29:00pangbahala sa kanya.
29:02Hindi po siya
29:04ginawang tao.
29:06Kinabukasan
29:07sa Santa Cruz,
29:07Maynila,
29:08inaresto ang sospek
29:10matapos ituro
29:11ng mga kaanak.
29:12So through the help
29:13of witnesses
29:15and his relatives,
29:17natuntun natin
29:17kung isang pupunta
29:18yung sospek.
29:20So,
29:20nung sinabi nilang
29:21papunta ng Manila,
29:22we immediately
29:23coordinated
29:24to Manila Police District
29:25as well as
29:26sa LGU
29:27doon sa nakakasakop
29:28na barangay.
29:29Dati nang may kaso
29:30ang sospek.
29:32Alaman natin
29:33na meron na siyang
29:34dating previous case
29:35na robbery
29:36noong 2017.
29:38Nangulungan na rin siya
29:39at
29:39si third piece niya yun.
29:41Almost four years
29:41yata daw siya nakulong.
29:43Nasa kustodya na
29:44ng Criminal Investigation
29:45and Detection Unit
29:46sa Campo Karingal
29:47ang sospek
29:48na maaharap
29:49sa reklamong murder.
29:51Sinusubukan pa namin
29:52siyang hinga
29:52ng pahayag.
29:54Gabriel Gonzalez,
29:55nagbabalita
29:56para sa GMA News.
29:59Kaugnay ng bagong bagyo
30:01at sa magiging lagay
30:01ng ating panahon,
30:03makakausap natin live
30:04si Charmaine Barilla,
30:05weather specialist
30:06mula sa pag-asa.
30:07Magandang umaga
30:08at welcome po
30:09sa Balitang Halid.
30:10Yes, Sir Rafi,
30:12magandang umaga
30:12din po sa inyo.
30:13Maging salat po
30:13ng ating mga
30:14tiga-pakinig.
30:15Base po sa inyong forecast,
30:16ano po nakikita
30:17niyong senaryo
30:18sa bagong bagyo na ito?
30:20Yes po no,
30:21itong bagyo
30:22sa labas ng ating par
30:23na may international name
30:24na Hyshen.
30:25I-expect po natin
30:26na maaaring yung pumasok
30:27sa loob ng ating par
30:28mamayang gabi
30:29o bukas na madaling araw
30:30at papangalanan nga po
30:32natin yan
30:32na si Bagyong Josie.
30:34At sa nakikita po natin
30:35ay maaaring kumilos ito
30:37ng mas pahilaga
30:38sa mga susunod na araw
30:39at maaaring agad
30:41na makalabas
30:41ng ating par
30:42pagsapit ng Miraculess.
30:44At wala naman
30:45tayong nakikita
30:46magiging direkt
30:46ang efekto nito
30:47sa inyong bahagi
30:48ng ating bansa.
30:49So hindi rin po niya
30:50ma-intensify
30:51yung habagat po.
30:52Inahasan pa rin po
30:53bang magiging maulan
30:54ang linggong ito
30:54kasama ng
30:55darating na weekend?
30:57Yes.
30:57So nakikita po natin
31:00by today
31:01more on western section
31:03ng Central Luzon
31:04and Northern Luzon.
31:05By tomorrow
31:06dito na lang po yan
31:07sa may part
31:08ng Ilocos Region
31:10and then
31:10improving weather na po
31:11pero
31:12posibleng muling
31:14magkaroon ng impact
31:15yung ating habagat
31:16dito sa may western section
31:19ng Ilocos Region
31:20car, zambalas, and bataan
31:22pagsapit po
31:23ng Thursday and Friday.
31:25At kumusta naman po
31:26yung panahon
31:27sa mga lugar
31:27na may aktividad?
31:28Ang ilang vulkan
31:29gaya po ng Mayon
31:30at ng Kanlaon?
31:32So nakikita po natin
31:33magiging maganda po
31:34yung panahon doon.
31:35Meron lamang
31:35mga localized thunderstorm
31:36pero
31:37hindi naman po natin
31:38i-expect na
31:39yung mga pagulan
31:40ay magtatagal.
31:41Ano pong weather system
31:42yung nakaka-apekto
31:43ngayon sa bansa?
31:46Southwest Monson po
31:47dito sa may Luzon
31:48and localized
31:49for buong Visayas
31:50at Mindanao.
31:51Finally po
31:52ano pong advice nyo
31:53doon sa mga
31:53lugar na uulanin pa rin
31:55by weekend?
31:57Yes po
31:58dahil nga po
31:58may nakikita pa rin
31:59tayong mga pagulan
32:00sa western section
32:01ng Luzon
32:02patuloy pa rin po
32:03mag-ingat yung
32:03ating mga kababayan
32:04sa piliglong
32:05dala ng pagbahat
32:06paguhu ng lupa
32:07so far
32:07pabawas naman na po
32:08yung mga paulan natin
32:09pero
32:10ugaliin pa rin po
32:11magdala ng payo
32:12kapag tayo lalabas.
32:13Okay
32:13maraming salamat po
32:14sa oras na ibinahagi nyo
32:15sa Balitang Halik.
32:17Yes ma'am
32:17salamat.
32:18Yan po si Charmaine Varilla
32:19weather specialist
32:20ng pag-asa.
32:26Fresh from his vacation
32:28feeling recharged
32:29si sparkle star
32:30Sean Lucas
32:31na nagkwento
32:32sa kanyang working experience
32:34with Heart Evangelista.
32:36Chica ni Sean
32:37magaan kasama
32:38sa set
32:38ng The People Have Spoken
32:39ang co-host na si Heart.
32:41Sa umpisa
32:42aminado si Sean
32:43na kabado
32:44at naiilang siyang
32:45kasama ang co-host
32:46pero after several tapings
32:49mas komportable
32:50na raw siya.
32:53If you watch
32:54Heart to Heart's World
32:56or if you just follow her
32:57on social media
32:58the heart that she presents
33:01on there
33:01is the real her.
33:03That's what I learned
33:04about her.
33:04Her humor
33:05is also just like
33:05everyone else's.
33:10Naglalakad sa palengke
33:11sa Davao City
33:12ang lalaking niyan
33:13na nakaberding damit.
33:15Lumapit siya
33:16sa patong-patong
33:16ng mga sako
33:17ng bigas
33:17sa isang stall.
33:18Sa isang anggulo
33:19ng CCTV
33:20kitang hinila niya
33:21ang isang sako
33:22ng bigas
33:22pero natigilan
33:24ng lumingon
33:24ang isa sa mga customer.
33:26Ilang saglit lang
33:27natangay na ng lalaki
33:28ang sako
33:29habang abala
33:30ang tauhan
33:31ng tindahan.
33:32Ayon sa may-ari
33:33ng tindahan
33:33ang lalaki rin
33:34ang nagnakaw
33:35ng mantika
33:35sa kanila
33:36noong nakaraang taon.
33:38Ipinablatter na
33:39ang insidente
33:40sa pulisya.
33:43Fit to travel na raw
33:45sa Sen. Rodante Marcoleta
33:46ayon sa PNP General Hospital.
33:48May ulot on the spot
33:49si June Veneracion.
33:51June?
33:53Dati,
33:54sit to travel na nga
33:55o pwede na raw
33:56ibiyahe
33:57sa Sen. Rodante Marcoleta
33:58pero kailangan muna
33:59ang tapusin
34:00ang gamutan
34:01para sa
34:02mild pneumonia
34:02sabi ng PNP General Hospital.
34:05Okay naman daw
34:05ang efekto
34:06ng antibiotics
34:07sa'y binibigay
34:07kay Marcoleta.
34:09Sabi ni
34:09pulisya
34:10sa'y internal
34:10Dinali Bayani
34:11chief ng
34:12internal medicine
34:12department
34:13ng PNP General Hospital.
34:15Kailangan lang
34:16tapusin ang gamutan
34:17hanggang July 16
34:18at pagkatapos
34:20sa anumang oras
34:21sa'y nga raw
34:21i-transport
34:22si Marcoleta
34:22kapag sinabi
34:23ng sandigan bayan.
34:24Trin kayo stable
34:25at controlled na raw
34:26ang blood pressure
34:27ni Marcoleta
34:28nasa
34:29130
34:29over 90
34:30ang kanyang
34:31blood pressure.
34:32Hindi na rin
34:32daw ito
34:33itinuloy
34:34ang rehabilitation
34:35asperity
34:36para sa
34:36generative
34:37or degenerative
34:39cervical disease
34:40ng Senador.
34:41Binigyan na lang
34:42daw ito
34:43ng analgesic
34:44ng rehab
34:44medicine doctor.
34:46Isang linggo
34:47nang nasa
34:47PNP General Hospital
34:48si Marcoleta
34:49matapos ma-aresto
34:50sa tasong
34:51plunder.
34:52Tawag na yan
34:52sa hindi niya
34:54pag-deklava
34:54sa kanyang
34:55statement of access
34:56liability
34:57sa network
34:57sa PAL-N
34:59ng 75 million pesos
35:00na pinanggap niya
35:01mula sa
35:02atasyong
35:03pribadong
35:03individual
35:04ng Trans-25
35:05panahong
35:06congressman pa siya.
35:08Maraming salamat
35:09June venerasyon.
35:12Pinalaga ng mga
35:13taga-batanes
35:14ang pahayag ng ilang
35:15Chinese scholars
35:15na bahagi ng China
35:17ang lalawigan.
35:18Dahil din sa pahayag
35:19na yan,
35:19kinwestyo ng
35:20Philippine Coast Guard
35:21ang intensyon
35:22ng Chinese ambassador
35:23nang bisitahin niya
35:24ang batanes
35:24nitong Hunyo.
35:26Balita nga
35:27tin ni Bea Pinlak.
35:31Sa batas ng Pilipinas
35:33at sa mata ng daigdig,
35:35batanes ang pinakadulong
35:37probinsya sa hilaga
35:38ng Pilipinas
35:38at hangganan
35:39ng ating teritoryo
35:40sa norte.
35:41Malapit din ito
35:42sa Taiwan
35:43na may mga tribong
35:44nahahawig ang kultura
35:45sa ating mga katutubong
35:47Ivatan.
35:48Pero kamakailan,
35:49lumabas ang ulat
35:50na may mga Chinese scholar
35:52na nagsabing
35:53natural geographical
35:54extension
35:54o karugtong
35:56ng Taiwan
35:56ang batanes
35:57kaya naman.
35:58Kaya naman bahagi
35:58naman bahagi rin ito
35:58ng China.
35:59Hindi yan ipinagkibit-balikat
36:01ng mga taga-batanes.
36:02Nababahala din ako
36:04sa ganitong maling narrative.
36:06Baka naman
36:07yun ay magiging basihan
36:09ng China
36:10na siryusuhin
36:11na i-claim
36:12ang batanes
36:14na parte
36:15ng China
36:16through Taiwan.
36:17Hindi titigid
36:18ang mga Ivatan
36:20na
36:21or
36:22hindi i-accept
36:23yung mga ganitong
36:24pronouncement
36:24ng basta-basta.
36:26Kailangan labanan yung batanes.
36:27Nanindigan din
36:28si Batanes
36:29Governor June Aguto
36:30na hindi na dapat
36:31questionin
36:32na bahagi ng Pilipinas
36:34ang batanes.
36:35It's an absurd thing
36:36to
36:36even think about
36:38Chinese
36:38claiming
36:39batanes
36:40as part of Taiwan
36:41or even
36:42part of China.
36:43This is well
36:43established
36:44by our
36:45the Philippine
36:46archipelago
36:47and by history
36:48that batanes
36:50is always
36:51and will always
36:51be part of
36:52the Philippines.
36:53We want to make it clear
36:54and we want to
36:55tell these scholars
36:57that
36:58there's no way
36:59that
37:00we will be part of
37:01Taiwan
37:02or even China.
37:05I'd like
37:05to
37:06to post this
37:08to the
37:09Chinese government
37:09na
37:11it's not
37:12for them to
37:13make a clear statement
37:14because we know
37:15we know for a fact
37:16that the Chinese
37:17government
37:19knows that
37:20batanes
37:20is part of
37:21the Philippines.
37:22Pinuna rin
37:23ng maritime monitoring
37:24group na
37:25Sea Light
37:25ang pananahimik
37:26ng Chinese embassy
37:27sa issue.
37:28The silence
37:29coming from
37:30the Chinese embassy
37:31in Manila
37:32following this
37:34news
37:34has been
37:36remarkable.
37:38They are
37:38in a spot
37:40where
37:40if they
37:41affirm
37:42the finding
37:42obviously
37:43first of all
37:44that
37:44obviously
37:45this is
37:46extremely
37:46unpopular
37:47in the
37:48Philippines.
37:49This
37:49puts them
37:50in a difficult
37:50position.
37:51Sabi ng National
37:52Historical
37:53Commission
37:53of the
37:54Philippines
37:54patunay
37:55ang datos
37:56at kasaysayan
37:56na noon
37:57paman
37:57walang dudang
37:58ang batanes
37:59ay bahagi
38:00ng Pilipinas.
38:01Para naman
38:02kay Defense
38:03Secretary
38:03Gibo Tudoro
38:04hindi
38:05dapat
38:05baliwalain
38:06ang pahayag
38:06na ito
38:07ng mga
38:07Chinese
38:07scholar.
38:32Noong
38:33Hunyo
38:33bumisita
38:34sa Batanes
38:35ang
38:35ambasador
38:35ng
38:35China
38:36kabilang
38:37sa
38:37pinuntahan
38:38niya
38:38ang
38:38form
38:39na
38:39dinonate
38:39ng
38:39Chinese
38:40Embassy.
38:41Tanong
38:41tuloy
38:42ni
38:42Coast Guard
38:42Spokesperson
38:43for the
38:43West
38:43Philippines
38:44Sea
38:44Rear
38:44Admiral
38:45J.
38:45Tariela
38:46Mabuti
38:47nga
38:47ba
38:47ang
38:47pakay
38:47ng
38:47pagbisita
38:48sa
38:48probinsya
38:49ng
38:49ambasador
38:49o
38:50paraan
38:50ng
38:50pag-inspeksyon
38:51sa
38:52lugar
38:52na
38:52tingin
38:52niya
38:53ay
38:53balak
38:53ang
38:53kinin
38:54ng
38:54China.
39:34Wala
39:34pang
39:35pahayag
39:35and embahada ng China hingil sa issue.
39:38Bea Pinlac,
39:39Nagbabalita para sa GMA News.
39:48Umagos ang kulay putik na tubig
39:50sa Moises Padilla, Negros Occidental.
39:52Paliwanag ng FIVOX,
39:54sa kasagsagan ng masamang panahon,
39:56ay naghalo ang tubig at naipong abo
39:57mula sa Bulkan Kanlaon
39:59na tinatawag na Muddy Stream Flow.
40:01Ayon sa FIVOX,
40:02patuloy ang monitoring nila
40:03sa sitwasyon ng Bulkan Kanlaon.
40:06Sa Kanlaon City naman,
40:07na perwisyon ng ashfall
40:08ang ilang bahay at gamit.
40:10Nag-clearing operation naman
40:12ang sa mga kalsadang apektado ng ashfall
40:14sa bayan ng San Carlos.
40:16Sa ngayon,
40:17nananatili sa Alert Level 2
40:18ang Bulkan Kanlaon.
40:23Huli ka mang pananalasan
40:24ng buhawi sa kasagsagan ng masamang panahon.
40:31Nagliparan ng mga yero,
40:32dahon at sanga
40:33sa pananalasan ng buhawi
40:35sa Santa Cruz Occidental, Mindoro.
40:37Ang mga bintana sa loob
40:39ng isang bahay
40:39hinampas ng malakas na hangin.
40:42Nagulo rin ang ilang gamit
40:43sa loob ng bahay.
40:44May mga bumagsak ding mga puno.
40:47Ayon sa kumuha ng video,
40:48nasira rin ang mga bahay
40:49ng ilan nilang kapitbahay.
40:51Tumagal ng mahigit apat na minuto
40:53ang buhawi.
40:54Walang napaulat na nasugatan.
40:58Isang ipo-ipo naman
40:59ang namataan sa dagat
41:00na sakop ng Libertad Antique.
41:02Kasabay niya
41:03ng mga lalakas na alon
41:04mula sa dagat.
41:06Ayon sa isang residente,
41:07tumagal ng tatlong minuto
41:08ang ipo-ipo
41:09bago ito nalusaw.
41:10Walang napaulat
41:11na nasaktan.
41:15Mabibilis na balita po tayo.
41:18Sarado pa rin
41:19sa mga motorista
41:20ang Kulyat Bridge
41:21sa Quezon City
41:22matapos magkasulog doon
41:23nitong Sabado.
41:25Hinarangan ng mga steel fence,
41:27plastic barrier
41:27at traffic cone
41:28ang magkabi ng linyan
41:29habang nagsasagawa
41:31ng clearing operations
41:32at technical assessment
41:33ang lokal na pamahalaan
41:35at Department of Public Works
41:36and Highways.
41:37Ayon sa Quezon City Government,
41:39asahan ang pagbagal
41:40ng daloy ng trafico
41:41sa lugar.
41:42Naglagbas din sila
41:43ng mga alternatibong ruta.
41:48Patay ang tatlong magkakapatid
41:49matapos mga kuryente
41:50sa kanilang apartment
41:51sa barangay Pinyahan
41:52sa Quezon City.
41:53Base sa imbistigasyon
41:55ng pulis siya,
41:56nag-aayos ng sinampay
41:57ang isa sa mga biktima
41:58ng madikit sa bakal
41:59na posibleng grounded.
42:01Doon siya sinubukang
42:02tulungan ng dalawa
42:03pa niyang kapatid
42:04na nadamay din.
42:06Nasa trabaho
42:07ang kanilang tatay
42:08nang mangyari
42:08ang insidente.
42:10Sa inspeksyon ng Miralco,
42:11napagalamang grounded
42:12ang circuit breaker
42:13na konektado sa aircon
42:15sa apartment.
42:16Iimbestiga na
42:17ang may-ari nito
42:18kung may naging
42:18kapabayaan
42:19sa gusali.
42:21Nagsagawa na rin
42:21ang imbistigasyon
42:22ng lokal na pamahalaan
42:23ng Quezon City
42:24at nangakong
42:25magbibigay ng tulong
42:26sa pamilya
42:26ng mga biktima
42:27at may mananagot
42:29sa insidente.
42:33Huli kamang bangga
42:35ng kotse-tricycle
42:36sa Tulunan,
42:36Cotabato.
42:38Nangyari yan
42:39sa National Highway
42:40na sakop
42:40ng barangay
42:41New Esperanza.
42:43Patawid at patungo
42:44sa kabilang lane
42:45ng kalsada
42:45ang isang tricycle
42:46ng masalpok
42:47ng paparating na kotse.
42:48Sa lakas ng pagbangga,
42:50tumilapon
42:51ang ilang sakay
42:51ng tricycle.
42:53Agad naman silang
42:54sinaklulohan
42:54ng mga residente.
42:56Ligtas
42:56ang apat na sugatan
42:57sa insidente.
42:58Nangako ng tulong
43:00sa pagpapagamot
43:01ang driver ng kotse.
43:10Bagong testigo
43:11ang haharap ngayong araw
43:12sa impeachment trial
43:13ni Vice President
43:14Sara Duterte.
43:15May ulat on the spot
43:16si Sandra Aguinaldo.
43:18Sandra?
43:20Yes, Rafi.
43:21Sa day 4
43:21ng impeachment trial,
43:22ang inaansahan
43:23namang sa sala ngayon
43:24ay si Attorney
43:25Jeremy Lotok,
43:27isang opisyal
43:27ng National Bureau
43:28of Investigation.
43:30Kaugday pa rin po ito
43:31sa Article 4
43:32or Grave Threat
43:33assassination plot
43:34laban sa Pangulo.
43:35First Lady
43:36at dating speaker
43:36inaasahan
43:37na susuportahan
43:38ng testimonya
43:39ni Lotok.
43:39Yung naunang testimonya
43:41naman ni NBI agent
43:42John Mark Calilong
43:43na siyang nag-imbestiga
43:45sa online press conference
43:46ni VP Sara
43:47kung saan
43:48nasambit
43:49o ano niya
43:49ang sinasabing
43:50pagbabanta.
43:50Bukas naman
43:51inaasahan
43:52isas-salang
43:53ng prosecution
43:54si Attorney
43:54Zolaica Lopez
43:55ang Chief of Staff
43:56ni VP Sara Duterte.
43:58Dalawang araw
43:59siyang hiniling
44:00na ipatawag
44:01ng prosecution
44:01at sa miyerkules
44:03naman po
44:03ay si Captain
44:04Belinda Belio
44:05ang Legislative
44:06Security Bureau
44:07Executive Director
44:08ng House of Representatives.
44:10Sinugundahan po
44:11ni Attorney
44:11Renato Bantug
44:12Clerk of the
44:13Impeachment Court
44:14ang pahayag
44:15ni Presiding Officer
44:16Sen. Jesus Cudero
44:18na inaasahan daw
44:19na bibilis
44:20sa mga susunod na araw
44:21ang proceedings
44:22ng impeachment.
44:23Nitong weekend po
44:24ay sinabi naman
44:25ni Sen. President
44:26Sherwin Gachalia
44:27na sisiguruhin nila
44:28na lahat ng dokumento
44:30at ebidensya
44:31na natalakay
44:32sa impeachment
44:33ay makikita
44:34ng publiko
44:35sa Sen. website.
44:37Anibantug
44:37tingin niya
44:38ay sabi na na lamang
44:40ang hindi nila
44:40agad-agada
44:41na ipopost
44:42sa website
44:43ng Senado
44:44sa ngayon.
44:45Yan muna po
44:45ang pinakawaning ulat
44:46mula dito
44:47sa Senado, Rafi.
44:48Maraming salamat,
44:49Sandra Aguinaldo.
44:55May new characters
44:56na magdadagdag
44:58ng excitement
44:58at tensyon
44:59sa GMA Acknon Prime
45:01series na
45:02Born to Shine.
45:04Mapapanood kasi
45:05sa musical series
45:06si na The Clash
45:07Season 1 Grand Champion
45:08Golden Canedo
45:09at ex-PBB
45:10housemate
45:11AC Bonifacio.
45:12Sila ang newest
45:13addition
45:14sa grupo
45:14ng Nixie,
45:15ang rival
45:16pe-pop group
45:16ng Yumi
45:17ni na
45:17Zephanie
45:18at Olive May.
45:19Kwento ng Yumi
45:20sa akin,
45:21excited na silang
45:22mapanood
45:22ng mga kapuso
45:23sina Golden
45:24at AC.
45:25Sina AC
45:26at Golden
45:26naman
45:27thankful
45:27sa new
45:28opportunity.
45:32Binigyan po ako
45:33agad ng opportunity
45:34dito sa Born to Shine
45:35and of course po
45:37na may pakita ko rin
45:38yung talent ko
45:39kasi it's my first time
45:40po sa series,
45:41sa sayang.
45:42I'm just glad
45:42to be here.
45:43I always love
45:43to do shows
45:44that celebrate
45:45performing
45:45and dancing
45:46and singing
45:47and this is one
45:48of them
45:48so I'm just glad
45:49to be part of it.
45:52Yan ang may init
45:53na balita
45:53ngayong tanghali.
45:54Rafi Tima po.
45:55Kasama nyo rin po ako,
45:56Aubrey Caramper.
45:57Ito ang GMA News.
45:58Walang kinikilingan,
45:59walang pinoprotektahan.
46:00Noon at ngayon,
46:02serbisyong totoo.
46:02Oh.
Comments

Recommended