Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Arrestado isang grupo sa Las Piñas na naaktuhang nagnakaw ng mga internet cable para umano sa taglay nitong tanso.
00:07Nakatutok si Jamie Santos, exclusive.
00:12Hinuli ng polisya sa Alabang Zapote Road Las Piñas ang grupo ng labing pito na aktuhan umano silang nagdanakaw ng underground copper cable ng isang internet provider.
00:23Batay sa investigasyon ng Las Piñas Police mula umano sa Maynila ang mga suspect.
00:27Sinabi raw ng mga suspect na may nag-recruit daw sa kanila at nangakong babayaran sila ng ting 1,200 pesos kapalit ng pagbubuhat ng kargamento.
00:38Isinakay umano sila sa isang closed van at dinalas sa Las Piñas.
00:42Doon nila nalaman na ang ikinarga ay internet cable.
00:45Namataan ng roving guards ng internet provider ang pagkakarga ng mga kawad sa van.
00:51Doon na hinabol ang sasakyan.
00:52Nagkaroon sila ng habulan. Ipaakyat po ng skyway yung van hanggang sa tumigid sa may tollgate.
01:02At kasi binanga yung barriers ng tollgate.
01:06Kaya hinold sila ng tollgate guards.
01:09Opo, tapos tumawag ang tollgate security personnel sa HPG, Bikutan.
01:15Nakuha sa mga suspect ang nasa 150 meters na kawad na mahigit kalahating milyong piso ang halaga at bolt cutter.
01:24Tinatayang 1,400 subscribers ang naapektuhan at pansamantalang nawala ng internet service dahil sa insidente.
01:31Underground copper cable, more or less 150 meters.
01:37Mahal po ito pag-ebinenta nila.
01:38Possible po na hindi nila alam kung anong bubuhatin.
01:41Meron lang isang tao na sabi nag-recruit sa kanila na mayroon silang bubuhatin dito sa amin.
01:47Hindi po nila nire-reveal yung pangalan.
01:48Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang mga suspect na hawak na ng Las Piñas Police at sasampahan ng reklamong TEF at paglabag sa Republic Act 10.515 o Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013.
02:03Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended