00:00Nakakuha na ng suporta ang Anti-Political Dynasty Bill sa Bacolod City.
00:04Kaugnay niyan, target naman ng Senado na bago matapos ang Marso ay mapasa na ang panukalang batas.
00:11Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:15Isa na ang Anti-Political Dynasty sa LEDAC Priority Bills ng Administrasyon ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr.
00:22Kaya naman ang Senado tuloy-tuloy ang public consultation para marinig ang panig ng publiko sa panukala.
00:29Sa pagbisita ng Committee on Electoral Reforms and People's Participation sa Bacolod City,
00:34sinabi ni Chairperson Sen. Visa Hontiveros, kumpiyansa siya na maipapasa ang panukalang batas.
00:41Katunayan, bago matapos ang Marso ay target na itong makalusot sa Senado.
00:47It will be passed po. Intensyon namin maipasa ito this session. So, bago matapos ang buwan ng Marso.
00:54Sang-ayo naman dito ang mga taga-Bacolod City.
00:57Even the son of the President, si Sandro Marcos, kag-sang-aton nga Speaker of the House,
01:04nanggadusugid si Ne. In short, short of saying that the message of Malacanang is clear,
01:11that this bill must be passed within the year.
01:15I-minumungkahi naman ni Sen. Visa Hontiveros na paabutin hanggang 4th degree consanguinity o kahit pinsang buo,
01:23lolo, lola, tito, tita at apo sa tuhod ay saklaw ng batas.
01:28Pero handa naman siyang magkompromiso para maipasa ito.
01:32Ang sa akin lang, whatever will be our final form, yung tingin kong dapat or ideal na 4th degree
01:39or maaring sa mas marami sa colleagues ko, mas practical or mas reasonable at this point in time,
01:493rd degree or 2nd degree.
01:50Basta ang importante sa akin, magkaroon kami ng batas na impactful, may kwenta.
01:59Hindi isang lei na walang kwenta.
02:02Pabor din naman ang mga taga-bakolod sa sugestyon ng Senadora.
02:06Kinikilala din namin yung nature ng pamilyang Pilipino na talagang malakas yung hatak ng unity, yung loyalty.
02:14Kahit siguro apo sa tuhod, ay minsan kung buhay pa yung lolo, nai-influensyahan pa rin ng lolo.
02:23Samantala, nagtanong naman ang ilang estudyante si Senador,
02:26paano lulusot ang batas kung nismong sa Senado, may mga magkakapatid pang nasa pwesto.
02:32Pero sabi ni Sen. Visa Hontiveros, may nakukuha namang suporta mula sa mga kapwa mambabatas.
02:38I can't say yet na optimistic ako, but definitely I'm not pessimistic sa chances ng isang anti-political dynasty bill
02:48in this 20th Congress.
02:50Sa walo na dynasts sa Senate, dalawa ay authors ng anti-political dynasty bills, Senators J.V. and Irwin.
03:01And sila yung kinento ko sa inyo kanina na nung committee hearing, sabi nila,
03:06kahit member ako sa dynasty, gusto kong buksan ang political space sa lahat ng mamamayan.
03:14Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments