00:00Bagay sa basurahan. Ito ang pahayag ng liderato ng Senado sa inilabas ng Minority Report
00:05ni ng Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Amy Marcos,
00:09singgil sa investigasyon ng Blue Ribbon Committee sa Flood Control Scandal.
00:13Samantala, kinuha ng state witness sa Flood Control Scandal,
00:16si dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara, si Luisa Erispe sa detalye.
00:24Sa basurahan ang bagsak. Ito ang buwelta ni Senate President Pro Tempore
00:29at Blue Ribbon Chairman Panfilo Lacson hinggil sa Minority Report
00:33na inilabas nila Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Amy Marcos
00:37kaugnay ng investigasyon ng Blue Ribbon Committee sa Flood Control Scandal.
00:42Ayon kay Sen. Lacson, pambabastos ang dokumento hindi lang sa Komite kundi sa buong Senado.
00:49Dapat balikan nila ang rules ng Senado dahil bilang mga batikan ng mambabatas,
00:54dapat alam nilang may tamang proseso sa pag-adapt ng Komite Report sa Plenario.
00:59Hindi naman din sila pinagbabawalan na maglabas ng komento.
01:03Pero sadyang may tamang panahon lang para magsumiti nito
01:06at hindi dapat nakikipag-unahan sa Blue Ribbon Committee.
01:10Ganito rin ang sentimiento ni Sen. President Vicente Soto III.
01:14Piraso lang ng papel at pang-medya lang ang umano'y Minority Report.
01:19Bukod sa hindi dumaan sa tamang proseso, hindi rin tama na isinumiti ito sa kanyang opisina.
01:25Even a majority report, kahit anong Blue Ribbon Committee report saan,
01:30unless tinikap sa plenary, ay wala yan.
01:32Peace of faith, may ngomite report na matay sa komite.
01:36Ito may office, then official.
01:38Kasi dapat magsasubmit ang minority report sa pagkatapos ng komite report,
01:43isasubmit yun doon sa bills and index, hindi sa akin.
01:46Ang laman naman ng report, tinutumbok si Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez
01:52na isa sa dapat makasuhan hinggil sa flood control skandal.
01:55Dahil kabilang siya sa liderato ng Kamara, hindi siya dapat abswelto sa pananagutan sa mga anomalya.
02:03Kasama din ang labing pito pang kongresista na binanggit na mga diskaya na dapat imbestigahan.
02:09Damay din si nadating Sen. Bong Revilla, Sen. Joel Villanueva at dating Sen. Nancy Binay.
02:15Pero si Sen. Risa Hontiveros, sang-ayo naman sa opinyo ng minorya.
02:20Leadership has greater responsibility and kaya rin sinimulan at ipinagpapatuloy ng Blue Ribbon ang investigasyong ito.
02:29So that principle is shared among all the members and of course the leadership of the committee.
02:36Hinamo naman niya ang dating speaker na dumalo sa pagdinig para naman maipahayag ang kanyang panig.
02:41Samantala, sa ngayon, si Curly Diskaya na lang ang nakakulong sa Senado.
02:46Dahil kinuha na ngayong araw ng Department of Justice si Henry Alcantara na nakalusot bilang state witness sa flood control skandal.
02:54Nakasuot ng hard hat at bulletproof vest.
02:57Pasado alas 12 ng tanghali kanina, nakalabas ng Senado si Alcantara.
03:01Hindi pa ay dinitalyes saan siya dadalin pero ayon sa Department of Justice sa Witness Protection Program na o WPP ang masusunod sa kanyang kustudiya.
Comments