May palitan umano ng text message sina Pangulong Bongbong Marcos at dating Usec. Adrian Bersamin kaugnay sa kickback sa flood control.


Ayon sa nagsiwalat nitong si Rep. Antonio Tinio na isa nag-endorso ng impeachment complaint laban kay Marcos, lumalabas na bagman ng pangulo si Bersamin.


Depensa naman ng Palasyo, wala itong katotohanan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May paalitan umano ng text message si Pangulong Bongbong Marcos at dating Undersecretary Adrian Bersamin kaugnay sa kickback sa flood
00:09control.
00:10Ayon sa nagsiwalap nitong si Rep. Antonio Tinio na isa sa nag-endorso ng impeachment complaint laban kay Marcos, lumalabas
00:19na bagman ng Pangulo si Bersamin.
00:22Depensa naman ng palasyo, wala itong katotohanan. At nakatutok si Tina Panginiban Perez.
00:31Pinatay at inilibing na ng Kamara kahapon ang impeachment complaints laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:37Pero hindi pa sumusuko ang makabayan block na nag-endorso sa pangalawang reklamo laban sa Pangulo.
00:44Pinag-aaralan daw ng grupo kung paano pa magagamit bilang ebidensya laban sa Pangulo ang umano'y palitan nito ng
00:52text messages kay dating PLLO Undersecretary Adrian Bersamin noong nakaraang taon.
00:58Mga komunikasyon sa pagitan mismo ng Pangulo at saka ni Undersecretary Adrian Bersamin.
01:07Ang lumalabas talaga ay siya yung personal runner, ibig sabihin utusan, bagman Bersamin.
01:19Complete na po ang 7.122 delivery sa akin.
01:24Tapusin ko po computation today.
01:27That was March 24, from July 10, 2025.
01:31Ito nga yung nagpapaabot si Bersamin na meron pong cash delivery.
01:39Dadali natin sa 2 billion, dadali sa NARA Residence.
01:46Okay?
01:47At ang sabi naman ng Pangulo, quote, sasabihan ko si June Baris.
01:56Sabi ni Tinio, pwedeng ibangga ang umano'y text messages na ito sa pahayag noon ni dating DPWH Undersecretary Roberto
02:05Bernardo.
02:05I-correlate natin ito dun sa salaysay naman ni Bernardo na in March, meron siyang kinomplete na mga deliveries,
02:18including one delivery of, is it around 2 billion, ganon, in an armored van, di ba?
02:26Nang tanungin kung sino ang nagpakita sa kanya ng messages, sabi ni Tinio.
02:32Isa nga po si Congressman Leviste sa sources.
02:34Yes.
02:36Ipapakita rin niyo po ba sa amin yung pong text messages?
02:41Ako?
02:42Ako.
02:42Well, you know, it's better that, for example, Congressman Leviste Biduan.
02:49Bakit?
02:49Because he can explain the provenance of these records.
02:55Siya ang mas makakapagpaliwanag kung paano napasakamay sa kanya, niya, ang mga records na ito.
03:07Ayon pa kay Tinio, alam rin daw ito ni Representative Egay Erice at iba pang kongresista.
03:13Sinisikap namin kung pirmahin ito kay Leviste.
03:16Pero ipinadala lang niya ang kanyang social media post na nagsasabing sa mga nagtatanong kung totoo bang may hawak siyang
03:23ebidensya, panoorin na lang daw ang mga pahayag ni na Representative Antonio Tinio at Egay Erice.
03:30Sa isa namang text message, kinumpirma ni Erice na ipinakita nga ni Leviste ang sinasabing text messages ng Pangulo at
03:39ni Bersamin.
03:40Sabi ni Erice, natakot daw si Bersamin na maging fall guy kaya gumawa raw ito ng affidavit sa bahay ni
03:47Leviste sa Taal, Batangas.
03:50Ipinakita pa raw sa kanila ni Leviste ang CCTV footage ng pagdating ni Bersamin kasama ang ilang umanoy mga abogado.
03:58Nais ngayon ang makabayan block sa Kamara na maggamit ang mga ito sa mga investigasyon.
04:03Hinahamon natin ang Office of the Ombudsman, gayon din ang kapulungan na ito.
04:08Itong bagong developments na ito, seryoso at hindi dapat ipagsawalang bahala.
04:13Ina-explore po ng makabayan, nag-aaralan yung pag-file ng kaso laban sa mga opisyalis na sangkot.
04:21Pero sabi ni Palace Press Officer Claire Castro, wala raw katotohanan ang mga ibinabato ngayon sa Pangulo.
04:28Hindi na raw bago ang mga intriga mula sa mga taong na isyampadalsikin sa pwesto.
04:34Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended