• 16 minutes ago
Narito ang maiinit na balita ngayong November 26, 2026

-Pagnanakaw ng dalawang lalaki sa isang gadget shop, napurnada dahil sa tumunog na alarm; mga suspek, tinutugis

-PAGASA: Trough ng LPA, magpapaulan sa Palawan

-Ilang ilog at balon na pinagkukunan ng patubig sa sakahan, natutuyo na; 5 apektadong barangay, hiniling na i-divert ang agos ng ilog; 

Mga magsasaka, lugi na dahil sa pagkatuyot ng mga palayan kasunod ng kakulangan ng ulan at irigasyon;

National Irrigation Administration 6: Sibalom River Irrigation, nasa critical level; namahagi ng service water pumps sa mga magsasaka

-2, patay sa salpukan ng bus at van sa Brgy. Lanna

-Bus driver at konduktor, na-harass ng mga taga-TODA dahil sa isyu ng pagsasakay ng pasahero; 

-15-anyos na binatilyo, patay sa pananaksak; kaedad na ka-basketball, itinurong nanaksak;

-2 mag-aaral, sugatan matapos saksakin ng kaeskuwela sa loob ng paaralan; 11-anyos na nanaksak ng dalawang kaeskuwela, nasa kustodiya ng Caloocan CSWDO

-3-anyos na lalaki, patay matapos malunod sa dating palaisdaan sa Brgy. Banaoang

-Budget para sa ayuda, babawasan ng Senate Finance Committee at idadagdag sa pondo ng PhilHealth; Senate Finance Committee chair JV Ejercito: Kapag may red flag at double entry, tanggal agad; Senate Finance Committee chair JV Ejercito: Panukalang budget, target mapapirmahan kay PBBM sa Disyembre

-Binibining Pilipinas Int'l 2025 Katrina Anne Johnson, top 20 sa Miss International 2026;

Binibining Pilipinas Int'l 2025 Katrina Anne Johnson, grateful sa natanggap na love at support sa kanyang Miss Int'l 2026 journey

-Fire truck, hindi nakaresponde sa sunog sa Sta. Mesa matapos harangan ng nasaging AUV

-Lineman ng isang electric company, arestado matapos umanong magnakaw ng mga copper cable wire; Lineman na suspek sa pagnanakaw sa mga copper cable wire, tumangging magbigay ng pahayag

-QCPD: Paputok at hindi I.E.D ang ginamit ng 3 kabataang nagpasabog sa Brgy. Teachers' Village West

-House Deputy Speaker Garin sa 2027 budget: "No substandard, no ghost, and no overpriced projects"

-INTERVIEW: PEOPLE'S BUDGET COALITION CO-CONVENOR KENNETH ABANTE

-Winning lotto bettor, nakuha ang mahigit P12M jackpot prize matapos ang 12 taon na legal battle; Bahagi ng lotto ticket, nangitim matapos plantsahin kaya hindi ibinigay noon ang kanyang P12M premyo; P12M premyo at 6% annual legal interest, iniutos ng Korte Suprema sa PCSO na ibigay sa lotto winner

-Local products mula sa 300 small businesses, mabibili sa Noel Bazaar sa World Trade Center; Pre-loved items ng GMA personalities at celebrities, for sale sa Celebrity Ukay-Ukay sa Noel Bazaar sa World Trade Center

-31, patay sa sunog sa ibabaw ng isang tunnel

-FPRRD, inaasahang personal na dadalo sa unang araw ng paglilitis ng kanyang kaso sa ICC sa Nov. 30;

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pulikam, sa Navotas ang napurnadang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa isang gadget shop.
00:06Tumunog kasi ang alarm ng shop at naalerto ang mga may-ari ng tindahan.
00:10Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
00:14Maga alas jis ng gabi nitong Martes, namataan ang dalawang lalaking ito.
00:19Isang nakasando at isang nakaitim na t-shirt sa M. Naval Street sa barangay San Jose, Navotas.
00:25Tumawid ang isa habang tila nagmamasid naman ang isa.
00:28Sa kuha naman ng CCTV ng gadget shop na malapit kung saan namataan ang dalawa.
00:33Mula sa kisame, lumabas ang paa ng isa sa mga lalaki.
00:38Pagtapak niya sa istante, tumunog ang alarm ng shop.
00:44Ang sospek na nakaitim na t-shirt, nakita pa sa CCTV na nasa bubong ng shop.
00:50Naunang tumakas ang kasama niyang nooy wala ng suot na pangitaas.
00:54Dali-daling dumating ang mga may-ari ng shop matapos ma-monitor sa cellphone ang tangkang pagnanakaw.
01:02Matutulog na po sana kami noon.
01:04Nag-check po ako ng cellphone.
01:07Bigla po siyang tumunog.
01:09Nung pagkatunog po ng cellphone, nakita ko po sa CCTV namin na may tao na pong gumaglaw.
01:17Agad po kami tumawag sa barangay para ma-respond yan po agad.
01:22Dumating naman ang mga taga-barangay San Jose at Police matapos matanggap ang tawag ng isa sa mga may-ari
01:28ng shop.
01:28Nung una na monitor namin na pabalik-balik na mga tao, yung dalawang tao na yun doon sa store.
01:36Then pagkatapos nawala sila.
01:39Pagkatapos after nung nawala nila dahil hindi na sila nahagip ng kamera.
01:43Dumaan sila sa bubong eh. Binaklas nila yung bubong.
01:46Pagkatapos sinira nila yung kisam eh.
01:49Base sa kuha ng CCTV, nakilala ng barangay ang dalawang lalaki.
01:54Dati na raw nasangkot ang dalawa sa iba pang insidente ng pagnanakaw sa lugar.
01:59Hindi rin daw ito ang unang beses na pinuntirya ang nasabing gadget shop.
02:03Sa katotohanan niya ni last year, sila din yung nagtankang pumasok doon sa area.
02:10Base doon sa monitoring sa CCTV na nakitna kuha namin.
02:14Kasunod ng insidente, binawasan ng mga may-ari ng shop ang stocks sa shop.
02:19Pinaayos na rin ang sinirang kisame.
02:22Tinutugis na ng maotoridad ang mga lalaki.
02:25Desidido rin ang mga may-ari ng shop na ituloy ang reklamo laban sa kanila.
02:30Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:40May bagong low pressure area sa gilid ng Philippine Area of Responsibility.
02:44Namataan niya na pag-asa 455 kilometers south-southwest ng Kalayaan, Palawan.
02:50Mababa ang tsansa ng nasabing LPA na maging bagyo at posibleng hindi papasok sa PAR.
02:55Sa kabila niyan, magpapaulan ang trough ng LPA sa Palawan.
03:00Easter list naman ang magdadada ng ulan dito sa Metro Manila, Eastern Visayas at ilan pang bahagi ng bansa.
03:07Uulanin din ang kagayan dahil naman sa shear line.
03:10Samantalang hanging-amihan ang nakaapekto sa Batanes.
03:14Naging malamig pa rin ang umaga sa ilang lugar.
03:1713.1 degrees Celsius ang naitalang minimum temperature sa La Trinidad Benguet.
03:2217.2 degrees Celsius sa Baguio City, habang 23 degrees Celsius dito sa Quezon City.
03:28Pusibleng namang makaranas muli ng danger level na heat index ang Cuyo Palawan,
03:33Katarman Northern Samar at Borongan Eastern Samar.
03:37Dito sa Metro Manila, posibleng umabot sa extreme caution level ang alinsangan
03:41o abot sa 39 degrees Celsius particular sa Quezon City at Pasay.
03:52Ramdam na ang epekto ng El Niño sa limang barangay sa Sarat, Ilocos, Norte.
03:57Natutuyo na kasi roon ang ilang ilog at balon na pinagkukuna nila ng patubig sa kanilang mga sakahan.
04:04Dahil dito, humingi ng tulong ang mga residente sa munisipyo na i-divert ang agos ng ilog sa kanilang mga
04:10barangay.
04:10Nakatakdag isagawa ng Municipal Environment and Natural Resources ang pagsasayayos ngayong linggo.
04:16Nagkabitak-bitak naman ang ilang palayan sa Tigbawan, Iloilo.
04:21Kwento ng ilang magsasaka sa barangay na Pansur.
04:24Lugi na sila kaya pinabayaan na nila lamang nila muna ang mga palayan.
04:29Halos 30,000 piso na raw ang nagastos nila sa mahigit isang ektaryang palayan.
04:34Hindi kasi umaabot doon ang irigasyon at mahigit isang buwan ng hindi umuulan sa lugar.
04:40Ayon sa National Irrigation Administration 6, nasa critical level na ang Sibalom River Irrigation System
04:47kaya kulang ang supply ng tubig sa mga bayan ng Tigbawan, Leon at Oton.
04:53Bilang tugon sa problema na mahagi sila ng service water pumps
04:56at hinikayat ang mga magsasaka na humanap muna ng alternatibong supply ng tubig tulad ng sapa at ilong.
05:08Dalawang patay sa salpukan ng bus at van sa tumawin ni Isabela.
05:12Sa investigasyon ng pulisya, binabaybay ng bus na biyahang Pamaynila
05:16ang bahagi ng National Road sa barangay Lana nitong lunes.
05:19Nag-overtake ito sa isang sasakyan at hindi napansin ang kasalubong na van sa kabilang linya.
05:25Patay ang driver at sakay ng van.
05:28Ligtas naman ang mga sakay ng bus.
05:31Nagkaayos na ang dalawang panig.
05:32Nangako ang kumpanya ng bus na sasagutin ang lahat ng gastos at danyo sa mga biktima.
05:38Tumanggi na silang magbigay ng pahiyag pati na ang kaanak na mga nasawing sakay ng van.
05:54Nakikipagtalo ang mga lalaking yan sa konduktor at bus driver sa tapat ng terminal ng tricycle sa barangay Santa Ana,
06:00Taytay Rizal nitong November 18, ang ugat ng tensyon, bawal daw kasing magsakay ang bus doon.
06:07Maya-maya, pinalo ng isa sa mga taga-toda ang konduktor ng bus na sinubukan pa nilang hatakin.
06:13Kalaunay umalis ang bus.
06:15Ayon sa konduktor, sinugod sila ng mga taga-toda noong magbaba sila ng pasahero sa lugar
06:19at may humabol na dalawang pasahero para sumakay.
06:23Hindi na nakuna ng video pero una raw tinamaan ng pamalo ang isang pasaherong senior citizen na nagkasugat sa kamay.
06:30Disedido raw magsampan ang reklamo ang konduktor ng bus.
06:34Itinanggi naman ang nahulikam na lalaki na intensyon niya ang manakit.
06:38Gusto lang daw nilang makipag-usap.
06:41Nanawagan din siya sa operator ng bus na makipag-usap sa kanila sa munisipyo para ma-resolba ang isyo sa
06:46ruta.
06:47Bilang parusa naman, isang linggong pinagbawalang bumiyahe ng Taytay Municipal Tricycle Franchising
06:52and Regulatory Office ang sangkot na toda.
06:55Posible rin daw silang tanggalan ng prangkisa kung mauulit ang harassment.
07:01Dahil umano sa pikunan, nasa Wisa pananaksak ang isang menor de edad sa Kalambalaguna.
07:07Ang itinuturong may gawa niyan, ang kabasketball niya na napikun daw sa pangangansyao ng biktima.
07:13Balitang hatid ni Bam Alegre.
07:20Pinaglalamayan ng 15 anyos na binatilyo na sinaksak ng nakalaro umano niya sa basketball
07:23sa Barangay Dos, Kalambalaguna nitong nakarang linggo.
07:27Ang itinuturong sumaksak, binatilyo rin kaedad niya.
07:30Nagsimula raw ang alitan sa kanchawan ayon sa investigasyon ng mga polis.
07:34Umuwi raw ang binatilyo na naksak at kumuha ng ice pick na ginamit umano niya sa krimen.
07:38Nagsimula siya para after nilang maglaro ng basketball, nagkaroon ng kulitan.
07:47And after that, nagkapikunan sila sir.
07:51And itong si ICL is binubuli nitong victim natin.
07:59Binubuli siya kasi may one time na sumimba si ICL sa Manila.
08:07And ang sabi ni victim, hindi na daw siya probinsyano, Manila boy na siya.
08:13So yun, doon nagkapikunan, nagkaroon ng heated argument.
08:17Tinitignan din ang polis siya ang pagkakasangkot umano ng ama ng minor de edad na nanaksak.
08:21Nung nangyari sir yung incident, dumating yung tatay.
08:25And doon nga sir sa heated argument, sinabi nung tatay pagkadating, ano to, pinagtutulungan niyo yung anak ko.
08:35That time sir, nagkaroon na ng lakas ng loob yung tinga si ICL na gawin niya yung incident na nangyari.
08:45Sa belinas nakatakdang ilibing ang biktima, desidido ang kanyang pamilya na magsampan ang reklamo.
08:50Hindi po makapaniwala eh sa nangyari po eh. Kasi sa mura nilang edad, umabot sila sa ganun eh.
08:57Doon po sa bata, naway pagsisiyan niya po. At doon naman po sa ama, naway sumuko na po siya.
09:09Kasi wala naman pong nakakata sa batas eh. Kailangan po talaga sumuko na siya.
09:16Kung may natitira siyang konsensya sa sarili niya.
09:22Pinagahanap pa ang ama ng Child in Conflict with the Law.
09:25Isinuko naman ng ina ang kanyang anak na itinuturong na naksak.
09:29Nasa pangangalaga siya ng bahay kalinga.
09:31Sinisiga pa namin kunan ng pahayag ang magulang ng biktima at ng CICL.
09:35Actually nga sir, na-inquest po siya.
09:39Nung time na isinorender po siya sa atin, na-inquest po.
09:42And ang mangyayari po dyan, kapag naalaman na itong CICL natin acted with discernment,
09:54yung kaso niya is mag-prosper.
09:58And habang nasa bahay kanlungan siya, doon niya isaserve yung sentence niya.
10:04Bama Lagra, nagbabalita para sa GMA News.
10:07Dalawang mag-aaralang na ospital matapos saksakin ang kanilang ka-eskwela
10:11sa loob ng Kalayaan Elementary School sa Kaloocan.
10:14Ayon sa isa sa mga doktor na sumuri,
10:17sa batok sinaksak ang baang biktimang lalaking siyam na taong gulang,
10:20habang sa likod at leeg naman sinaksak ang biktimang babaeng labing isang taong gulang.
10:26Sabi pa ng mga doktor, posibleng kitchen knife ang ginamit sa pananaksak.
10:30Stable na ang kondisyon ng dalawang biktima matapos operahan.
10:34Nagabot ng medical at psychosocial support
10:36ang Department of Social Welfare and Development sa dalawang biktima.
10:39Ayon din sa DSWD,
10:41nasa kustudiya ng Kaloocan City Social Welfare and Development Office
10:45ang labing isang taong gulang na istudyanting na naksak.
10:49Nakipagpulong ang polisya at si DILG Secretary John Vic Rimulla
10:52kay Kaloocan Mayor Along Malapitan kasunod ng insidente.
10:56Sabi ni Rimulla, posibleng naimpluensyahan online ang istudyanting na naksak.
11:01Ayon naman sa Kaloocan City Schools Division Office,
11:05nakipagugnayan na ang pamunuan ng eskwalahan sa mga magulang, paranggay, pulisya at DSWD.
11:11May mahakbang na rin daw para sa dagdag siguridad sa paaralan.
11:15Nagbigay na rin sila ng suporta at psychosocial first aid sa mga apektadong mag-aaral.
11:20Sinisika pa ng GMA News na punan ng pahayag ang prinsipal ng paaralan
11:24at ang magulang ng istudyanting na naksak.
11:32Nasawi ang isang batang tatlong taong gulang matapos siyang malunod sa Kalasyao, Pangasinan.
11:37Ayon sa punong barangay ng banawang na iwang mag-isa sa bahay
11:42ang natutulog na bata nang magpacheck up ang buntis na ina at habang nasa trabaho ang ama.
11:48Nangalakal naman ang kyuhin na pinagbantay sana sa bata.
11:52Nang mauwi o pauwi na ang ina, nakita po niya na lamang na nakalutang anak sa tubig na dating palaisdaan.
11:59Tumawag sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga residente
12:04at dinala sa ospital ang bikima pero idinikla ng dead-on arrival.
12:10Sa pagtalakay sa panukalang 2027 budget, plano ng Senado na bawasan ng halos 20 billion pesos.
12:17Ang pondoan ng ilang ayuda itidagdagyan sa pondo ng PhilHealth.
12:21Ayon kay Senate Finance Committee Chairman J.D. Ejercito,
12:24dadagdagan din ang pondo para sa zero balance billing
12:27at pasilidad ng mga pampublikong ospital.
12:30Balitang hati ni Sandra Aguinaldo.
12:35Sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng Senado sa 2027 national budget,
12:41asahan na ang ilang pagbabago sa budget na ipinasahan ng House of Representatives.
12:46Ayon na rin mismo kay Senate Finance Committee Chairman J.D. Ejercito,
12:51babawa sila sa budget ng ilang items at idaragdag naman ito sa ibang items.
12:57Isa sa mga babawasan ang ilang uri ng ayuda,
13:01ang AICS o ang Assistance to Individuals in Crisis Situations at Medical Assistance Program.
13:08Madaragdaga naman ang budget ng PhilHealth.
13:10Ang ayuda, partly we will slash and nilagay namin marami sa PhilHealth.
13:17Kaya PhilHealth's subsidy will increase by almost 20 billion.
13:23So 74 billion, 73, magiging 94.
13:26Target nga natin gawing 100B, pero masigap ang fiscal space.
13:30Ayon kay Ejercito, nasa 52 billion pesos ang kabuwang increase sa budget ng health sector.
13:37Madaragdagan din ang Department of Health Office of the Secretary na makatatanggap ng dagdag na 9.6 billion pesos.
13:45Tiniyak naman ni Ejercito na mananatili ang iba pang ayuda ng gobyerno.
13:50Matatanda ang isa sa pinuna ni Sen. Panfilo Lacson sa budget ay ang mga multipurpose building at flood control projects
13:59na paulit-ulit umanong napoponduhan sa magkakaibang taon.
14:03Ayon kay Ejercito, pag-aaralan niya ang mga impormasyong inilabas ni Lacson.
14:08Pag may red flag, pag may mga double entry, tanggal ka agad yun.
14:11Kung meron man, we're seeking all the help from the watchdogs, from everybody.
14:16Kung may nakita kayo, pag na red flag, pag talagang we found it na may talagang basihan, tanggal ka agad
14:24yun. Definitely.
14:25Sinabi naman ni Ejercito na target nilang matapos ang plenary deliberations sa Biernes, November 27.
14:32Inaasahang sa December 1, Martes, muling magsisimula ang impeachment trial.
14:37Sisikapin daw nilang mapipirmahan ng Pangulo ang national budget ngayong Disyembre.
14:43Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA News.
14:51Thursday latest, strong and graceful finish ang ipinamalas ni Pilipining Pilipinas International 2025,
14:58Katrina Ann Johnson sa Miss International 2026 sa Tokyo, Japan.
15:05Katrina Ann Castaneda Johnson, Clinical Pharmacist and Community Advocate, Philippines!
15:14Out of 73 candidates, isa ang ating pambato sa top 20 ng 64th edition ng competition.
15:22Nakatanggap ng special awards si Katrina na Miss Visit Japan.
15:26Chika ni Katrina, special para sa kanya ang recognition.
15:30Grateful din siya sa opportunity na i-represent ang Pilipinas sa international stage.
15:35Sa huli, ang kandidata mula Moldova ang kinuronahang Miss International 2026.
15:44This has been a long journey, I know. Thank you guys so much for being so patient.
15:51The amount of love and support, I will forever be grateful.
15:56I hope you guys, I made you guys as proud as I am to be a Filipina.
16:03Hindi umubra ang wang-wang ng firetruck na yan sa Maynila.
16:07Re-respondi sana ito sa isang sunog sa Santa Mesa nitong Martes pero nakaharang ang isang AUV sa daraanan.
16:13Base sa investigasyon ng Bureau of Fire Protection, bago yan ay nasagi ng truck ng bumbero ang pribado ang sasakyan.
16:20Nakiusap daw ang fire volunteer sa driver ng AUV na tsaka na magreklamo dahil may active fire emergency silang pupuntahan.
16:27May lumapit na rin traffic enforcer.
16:30Hindi nagpatinag ang driver ng AUV.
16:33Fire out na nang makarating sa lugar ang truck ng bumbero.
16:36Sa Fire Code of the Philippines, hanggang 50,000 pesos ang multa sa anumang obstruction o sagabal sa firefighting operation.
16:44Bukod pa yan sa multa sa ilalim ng ordinansa ng Maynila na nagbibigay ng right of way at prioridad sa
16:50mga emergency vehicle na re-respondi sa anumang klase ng emergency sa lungsod.
16:55Kinumpirma naman ng BFP na isang volunteer firetruck ang nasa video.
17:00Aalamin nila kung di-hiti mo ang pag-respondi ng truck sa sunog.
17:03Sa kanilang record, may sunog sa Maynila nitong Martes.
17:08Sa kulungan ang bagsak na isang lalaking nagnakaw umano ng mga copper cable wire.
17:13Pinag-nakawan ng suspect ang mismong electric company kung saan siya nagtatrabaho bilang lineman.
17:20Balitang hatid ni James Agustin.
17:25Inaresto ang 30-anyo sa lalaking matapos sumanong magnakaw ng copper cable wire sa pinapasukan niyang electric company sa barangay
17:32Apoloneo, Samson, Quezon City.
17:33Ayon sa pulisya, pauwi na ang suspect.
17:36Nang mapansin ang gwardiya, daradala niyang ecobat.
17:38Nung sinitan ng mga gwardiya, kasi nakaumbok yung parang may nakaumbok na bagay dun sa stepboard ng kanyang motorsiklo.
17:51So nung sinik, mga wire to.
17:54So tinanong yung empleyado, yung lineman, kung meron siyang pahintulot para ilabas yung mga ganong klaseng wire.
18:01Ang sinagot niya ay wala.
18:03Nakakuha mula sa sospek ang nasa walong metro ng copper cable wires na nagkakahalaga ng mahigit 7,000 piso.
18:10Sa imbisikasyon, dalawang taon ang lineman ng kumpanya ang sospek.
18:13Based dun sa verification natin, wala naman siyang previous criminal record.
18:18Nakakulong ang sospek sa Talipa, Papolist Station.
18:21Nantanoyin ka huwag na isa kanyang pagkakaaresto.
18:24Iyantayin ko na lang po yung hearing ko kasi para makapagsalita po ako dun.
18:27Sinampahan na ang sospek ng reklamong qualified theft.
18:30Sinusubukan pangkuna ng pahayag ang kumpanyang kanyang pinapasukan.
18:34James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
18:38Hindi improvised explosive device, kundi pyrotechnic device o paputok.
18:42Yan ang ginamit ng tatlong kabataang nagpasabog sa barangay Teachers Village West sa Quezon City nitong Martes na ibinilita namin
18:49kahapon.
18:51Base sa assessment ng Quezon City Police District sa pinangyarihan ng pagsabog, walang nakitang bakas ng IED.
18:57Patuloy pang inaalam kung sino-sino ang tatlong sangkot.
19:01Sabi ng mga residente roon, hindi ito ang unang beses na nabulabog sila ng ganitong pagsabog.
19:09Tiniyak ng liderato ng Kamara na walang overpriced at substandard na proyekto sa pagbabalik ng alokasyon para sa flood control
19:16projects sa 2027 national budget.
19:20Ayon kay House Deputy Speaker Janet Garin, hinigpitan na ang pagbabalik ng pondo para hindi na maulit ang flood control
19:27scandal.
19:27Kasama niya sa safeguards ang paglalagay ng minimum standards at price limit para walang substandard, walang ghost at walang overpriced
19:35projects.
19:36Git ni Garin, hindi po pwedeng tuluyang itigil ang flood control projects dahil marami pa rin niya ang nagdurusa tuwing
19:42bumabaha.
19:43Ilubusisi pa sa Senado ang panukalang 2027 national budget.
19:50Taugnay pa rin po sa paghimay sa 2027 national budget.
19:54Makaka pa rin po natin si Kenneth Abante, co-convener ng People's Budget Coalition.
19:58Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
20:01Magandang umaga po, Mang Connie.
20:04Sabi po ni Senate Finance Committee Chairman J.V. Ejercisto,
20:07babawasan nila ng halos 20 billion pesos yung budget para po sa ayuda at idadagdag nga po ito sa budget
20:14ng PhilHealth.
20:14Ano po ang reaksyon niya dyan?
20:17Maganda po yung ginawa ni Sen. J.V. dahil yung ma-i-fip po ay parang nagmamakaawa tayo sa mga
20:22politiko na makuha yung health services na deserve naman po natin by right.
20:26At maganda po yung ginawa niya na ibinuhos niya yung pondo sa PhilHealth at sa Zero Balance Billing Program ng
20:34Department of Health para otomatiko po natin makuha yung health services natin.
20:38So on the right track po si Sen. J.V. Very open siya sa civil society participation.
20:44Kaya maganda po at may mga continuous improvements pa po kami yung nirequest including po yung pagkakat ng aiks, tupad
20:52at tulong doon ng programs,
20:54iba pang mga ayuda programs na patuloy po tayong ginagawang dependent sa mga politiko.
21:01At sana po ito ay malagay sa mga programang institutionalized o gustong sabihin na by right o sa karapatan po
21:09natin yun makuha.
21:11So for example, pwede po po natin mapondohan yung ibang mga programang edukasyon, kalusugan at iba pang mahalagang economic services
21:19at El Niño Preparedness.
21:21Meron pa ba kayong nakikitang loophole sa sistema po ng PhilHealth dahil noon nagkaroon din ho ng kontrobersya dito po
21:28sa PhilHealth?
21:29So baka meron kayong nakikitang dapat pang idagdag para sa safeguards dito?
21:35Opo, mahalaga po yan. Yung pinaka nakikita po naming vulnerability dyan ay yung posibleng pagdoble ng claims ng nasa MAIFIP
21:43na nasa Department of Health at yung mga claims na nasa PhilHealth.
21:46Ang pag-intindi po natin dito ayon kay PhilHealth President Beverly Ho at kay DOH Secretary Edwin Mercado ay ginagawa
21:55na po nila ito ng paraan at magkakaroon po ng rules-based MAIFIP at magkakaroon ng portal na kung saan
22:04may iwasan yung mga ganitong klaseng pagdoble-doble.
22:06Okay, doon naman po sa napuna ni Senator Ping Lakson na multi-purpose building projects na ilan taon ang pinupondohan
22:12po pero hindi pa rin tapos. In fact, lupa pa lamang din po. Ano? Napansin niyo rin ho ba ito
22:17sa budget noong mga nagdaang taon?
22:20Yes po. And in fact, pina-flag na po namin yan. Nakakalungkot po na sa house version ng budget, lampas
22:2780 billion pesos po ang multi-purpose buildings.
22:30At in fact, we're working with Senator Ping Lakson. May mga nakita pa kami, ang nasabi niyang mga sites ay
22:36four or five times na napondohan.
22:38May mga nakita pa po kami na walong beses napondohan over the past 10 years.
22:43So, medyo nakakabahala po yung ganyang klaseng sistema. At sinasabi nga po nila, parang prequel to the flood control scandal
22:52itong multi-purpose buildings.
22:54At napakahalaga pong malaman natin kung ano-ano yan. Kapag pumunta po kayo sa budget.bettergov.ph, may kita niyo
23:01po yung lahat ng mga multi-purpose buildings na pareho yung titolo at napondohan multiple times over the past few
23:09years.
23:09So, ibinibigay po namin yung datos na iyon sa mga senador, sa mga accountability institutions at sa media at civil
23:16society para lahat po tayo makapag-check ng ganyan at hindi na maulit yung flood control scandal.
23:22Opo, sa kabila po nga nang pag-divulge dito sa flood control scandals ng mga proyekto, parang tuloy pa rin
23:29po ang obserbasyon.
23:31Tuloy pa rin, parang hindi ho tinablan yata yung ilan na magpasok pa rin po ng pondo sa mga tiwali
23:38na mga proyekto.
23:40Paano po kayo makikipagtulungan?
23:41And again, ano with mga senators po natin at iba pong mga nagsasabi na titiyakin na walang mapupunta sa tiwali
23:49na budget po natin this time around?
23:52Opo, yung ginagawa po natin, nagkakaroon po tayo ng public verification system with the Senate.
23:57In fact, nirelease po ng DPWH, ng Senate, at ngayon po ilalabas din yung Department of Agriculture, Farm to Market
24:06Roads, MIA, at Department of Health, yung kanilang mga supporting documents
24:11para po every citizen, every media institution can really check these supporting documents.
24:16Ito po yung status niya ngayon, Ms. Connie.
24:18Sige po.
24:18Sa House Bill, nearly P190 billion worth of projects ang walang supporting documents na publicly available.
24:26Ngayon, ang kagandahan po sa ginawa ni Sen. JV ay kinak niya halos P100 billion pesos nun.
24:33Na hindi niya nakitaan ng supporting documents.
24:37I think nagkaroon lang ng open submission by November 3, nagbigay siya ng deadline.
24:42At yun po yung nakita ng team nila.
24:44Ngayon po ay dinadouble check namin yung listahan na yun, although we've been working with his team very closely.
24:50Ngayon naman po, titignan na rin natin yung ibang mga iba pang infrastructure projects.
24:56Tulad ng farm-to-market roads at irrigation projects.
24:59Kahapon po, nasa Senate plenary debates po ako.
25:03At nagmo-monitor ng agency budgets.
25:07At yung nakita po natin sa ginawa ni Sen. Kiko Pangilinan at ni Sekretary Kiko Chulaurel
25:12at ni Administrator Gillian ng NIA, ay bukas po yung kanilang pagkipagtulungan.
25:18So kung naalala nyo po, sinabi namin na may mga farm-to-market roads na nasa dagat.
25:23We're happy to report na wala na po yan ngayon sa Senate Committee Report version.
25:27And we will continue to cross-check and review the pricing and the master plan alignment of these projects
25:35hanggang mapasa po yung budget sa Senado.
25:38Okay. Kasi tiniyak din ho ni House Deputy Speaker Janet Garin nga na no substandard,
25:42no GOES, and no overpriced flood control projects sa taong 2027.
25:46Pero sa tingin nyo, yung mga safeguards na nakalatag po ngayon sa Kamara,
25:50sapat na ho ba yan para talaga mabigay po yung tiwala muli ng publiko?
25:56Sa Kamara po talaga, talagang binasag po nila yung tiwala ng taong bayan
26:02by excluding civil society from their process.
26:05If they had just shown the same openness, kung bukas lang po sila,
26:10tulad ng kung paano kabukas yung Senado ngayon,
26:13edi sana hindi po pinagdududahan yung mga kung anong pinaglalagay-lagay
26:17ng mga House of Representatives dyan po sa budget nila.
26:20Nagkaroon naman po kaming pagpupulong kay Speaker Bojidi
26:24at Deputy Speaker Ronnie Puno at iba pang mga miyembro ng Kamara.
26:28Pero naglatag po kami ng walang rekomendasyon.
26:31Unfortunately po, wala pa po doon sa walang rekomendasyon
26:34ang kanilang inaksyonan.
26:37So until they are able to show their sincerity
26:41by actually acting on these recommendations from the House of Representatives,
26:45we'll continue to doubt the House of Representatives.
26:48Okay, pero hanggang Bicameral Conference Committee ho ba,
26:50ikasama rin kayo sa pagbusisi dito sa 2027 national budget?
26:54Kailangan po yata mag-agree ng both Houses of Congress
26:57na physically present yung civil society groups.
27:01Yung Senado po ay very supportive dito.
27:03Si Sen. Ping Lakson, in fact,
27:05nilabitan niyo po ako after nung kanyang interpellation
27:10sa mga ahensya.
27:12At sinabi niyang,
27:12uy, kayo, dapat nandun kayo physically sa Bicam.
27:15So nararamdaman po namin na welcome kami sa Senado.
27:18House of Representatives po,
27:20hindi pa nila ginagalaw yung baso.
27:21At hindi po natin alam kung ano po yung attitude nila
27:24towards having us physically present in the Bicam.
27:27Pero dapat po nandiyan tayo.
27:29Kung wala po, ay magpoprotesta po kami
27:31na papasukin kami sa loob.
27:33Okay, marami pong salamat sa inyong oras
27:35na ibinahagi sa amin sa Balitang Hali.
27:37Maraming salamat po, Ma'am Connie.
27:39Matapos ang labing dalawang taon,
27:41pumaldo na ang isang winning loto bettor
27:42nang makuha niya ang napanalunang
27:44mahigit 12 milyon pesos jackpot price.
27:47Bakit nga ba natagalan bago niya nakuhang premyo?
27:50Alamin sa Balitang Hatid ni Von Aquino.
27:57Matapos ang labing dalawang taong legal battle
28:00para makuha ang napanalunan niyang
28:0112.39 milyon peso jackpot price sa Lotto 642,
28:06nakuha na sa wakas
28:08ng isang winning bettor ang isang cheque
28:10mula sa Philippine Charities Sweepstakes Office o PCSO.
28:14Mahigit 14 milyon pesos pa nga
28:16dahil iniutos din ng korte
28:17na bayaran siya ng 6% annual legal interest.
28:49It's a feeling of relief, syempre.
28:51Dahil may nakapending na ganito, gusto na rin namin makapag-move on tungkol dito.
28:57So, masaya rin kami.
28:58October 2, 2014 pa na jackpata ng isang dating OFW ang 642 Lotto draw sa pamamagitan ng lucky pick.
29:07Pero ang tiket, plinansya ng kanyang anak matapos lukutin ang kanyang apo.
29:12Nangitim ang bahagi ng tiket na dapat umano ay readable ng machine,
29:17kaya hindi binigay sa kanya ang premyo noon.
29:19Malaking tulong pa naman sana noon ang pera sa lolo.
29:22Ito napakahalaga dahil ako'y talagang baon na baon na sa kahirapan.
29:28Utang, nagtatago na sa mga maniningil, banko.
29:33Pero noong March 13, 2023,
29:36ipinagutos ng Korte Suprema sa PCSO na bayaran ang jackpot winner kasama na ang legal interest.
29:42Gayunman, hindi rin agad na igawad ang jackpot prize.
29:46Hindi kasi automatic yun eh.
29:48You'll have to apply sa COA.
29:51Pigyan kami ng clearance to release the funds.
29:54Ngayon, hindi lang basta makababayad sa kanyang mga utang ang winning lolo.
29:59Sobra-sobra pa na magagamit niya sa bagong simula ng kanyang pamilya.
30:04Saan niya po gagamitin yung premyo?
30:06Siyempre, magninegosyo.
30:08Sabi nga saan, huwag kang magpapalipin sa dalawa.
30:11Kailang isa lamang ang iyong sasambahin.
30:15Huwag pera. Kailangan ni Diyos.
30:17For Nakina, nagbabalita para sa GMA News.
30:22Para sa mga naghahanap ng panregalo sa Pasko, pwede na kayong mamili sa Noel Bazar sa World Trade Center.
30:29Kabilang sa mga mabibili riyan ay pre-loved items, wala sa GMA personalities at stars.
30:37Makakatulong din kayo sa mga beneficiary ng GMA Kapuso Foundation.
30:41Balit ang hatid ni Bea Pinla.
30:47Damang-dama na ang Christmas spirit sa taonang Noel Bazar na formal ng binuksan sa World Trade Center sa Pasay
30:54City.
30:55Bida sa bazar ang mga produkto ng mahigit tatlong daang businesses.
30:59Mula damit, sapatos, pagkain, accessories, laruan at maraming iba pa.
31:06Siyempre, we always champion the Filipino entrepreneurs and yung mga small businesses.
31:13This is really the spirit and the heart of the event.
31:16Kasi hindi lang natin napapasaya.
31:18Siyempre ang mga namimili dito, marami din tayo natutulungan tuwing Pasko.
31:27Present sa Ribbon Cutting si na GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez,
31:32GMA Kapuso Foundation Special Advisor at 24 Horas Anchor Mel Tiyanko,
31:37at Mayos Gozon Bautista, Cut Unlimited Incorporated President and CEO at Noel Bazar Founder.
31:44Dahil it's the season of giving, hindi lang pang Christmas shopping ang Noel Bazar.
31:48Bahagi ng kita ng bazar ay mapupunta sa mga beneficiary nito, kabilang na ang mga natutulungan ng GMA Kapuso Foundation.
31:56For every purchase, it carries a deep meaning. A portion of that, makakatulong kayo sa ating less fortunate brothers and
32:04sisters.
32:05Para kina Noel Bazar Ambassadors at Sparkle Stars Rian Ramos at Anton Vinson, ito raw ang tunay na diwa ng
32:12Paskong Pinoy.
32:13For every purchase, also donate something to your community and I think the country needs that right now.
32:21Para sa akin, nakakataba ng puso and overwhelmed dahil hindi ka lang magsashopping, kundi makakatulong ka rin.
32:28Nakisaya rin ang iba pang Kapuso Stars, kabilang na si Ronnie Liang.
32:32But this way, lalong mararamdaman ang spirit of Christmas.
32:36Isa sa mga booth na talagang dinagsas sa unang araw ng bazar, ang celebrity ukay-ukay ng GMA Kapuso Foundation.
32:44Punong-puno ng pagmamahal. Nagbigay lahat dyan.
32:48Para sa ganun, ito ay magawang pera na pangpagawa ng eskwelahan, nagtulay at makatulong sa kapwa.
32:58Kaya napakaraming pagmamahal ang daladala nitong maliit na booth na ito.
33:03Isa sa mga natutulungan nito ang apat na taong gulang na si Yuna na may leukemia.
33:09Laking tulong po talaga na pa may gamot po yung GMA Kapuso Foundation na araw-araw po nilang iniinom.
33:16Wala naman pong ginaka, hindi kinakaya ang nanay.
33:19Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
33:30Naglalagablab ang apoy sa ibabaw ng isang tunnel sa Giza, Egypt.
33:34Bago ang sunog na disgrasya sa lugar ang isang sasakyang may dalang produktong petrolyo.
33:39Ayon sa kanilang health ministry, tatlongput isa ang nasawi sa insidente habang dalawamput isa ang sugatan.
33:46Nasa dalawamput itong sasakya naman ang nadamay.
33:49Sa ulat ng local media, under control na ang sunog.
34:00Inasa ang personal na dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa simulan ng paglilitis sa kanyang kasong Crimes Against Humanity
34:06sa International Criminal Court sa Lunes, November 30.
34:09At isa sa mga sinasabing biktima ng drug war ang magiging observer sa paglilitis.
34:16May ulat on the spot si Oscar Oida.
34:22Yes, Rafi, ngayong araw nga lilipad patungong dahig ang isa sa mga ina ng mga sinasabing naging biktima ng war
34:31on drugs ng nakaraang administrasyon
34:33paupang mag-observe sa pagsisimulan ng paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa November 30.
34:40Hindi tete-testigo kundi mag-observe lamang si Nanay Liorre.
34:46Ganun pa man, para sa kanya, napakahalaga daw nito dahil kakatawanin niya ang iba pang mga magulang na mga biktima
34:52na di makakadalo sa pagdinig.
34:54Sasagutin ang grupong Rise Up ang lahat ng mga gasusin ni Nanay Liorre sa pagbiyahe sa dahig.
35:00Pinaghati-hatian daw ito ng kanilang grupo.
35:03Para sa kanila, pagpapakita daw ito na seryoso sila sa pagkamit ng ustisya at kailanman hindi panghihinaan ang loob.
35:10Bago ang kanyang flight mamayang hapon,
35:12nag-alay ng panalangin ang Rise Up para sa ligtas sa biyahe ni Nanay Liorre.
35:17Rafi?
35:18Maraming salamat, Oscar Oida.
35:22Ladies and gentlemen,
35:24The CMMA Hall of Fame Award is presented to Saksi by GMA7.
35:32Dahil sa limang beses nang itinanghal na best news program sa television category,
35:38elevated na sa Hall of Fame ang Saksi para sa naturang kategorya sa Catholic Mass Media Awards o CMMA.
35:44Tinanggap ang parangal ni na Saksi anchor Pia Arcangel at GMA News Cluster head Kate de la Cruz Robledo.
35:52Lubos po kami nagpapasalamat sa CMMA, sa parangal po na ito.
35:57Kakaiba yung hamon rin ng kaakibat nitong parangal na ito.
36:01Sabi nga ni Cardinal Advincula, di ba, responsible communication comes with respecting the facts.
36:06So mananatili tayong tapat sa ganung klaseng prinsipyo.
36:10One North Central Luzon by GMA Regional TV, Taguma.
36:15Best news program ang One North Central Luzon ng GMA Regional TV.
36:19Best public service program ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
36:23Best entertainment program naman ang Family Feud Philippines.
36:28Best TV special ang Broken Roads, Broken Promises.
36:31Best adult educational cultural program, CNCCAT, Pinoy Popular Science para sa lahat ng DOS TV at Double B sa GTV.
36:41Tumanggap ng special citation ng Bubble Gang para sa Best Comedy program.
36:45Gayun din ang I Listen with Cara David sa Best Talk Show at Expert Talk ng DOS TV at Double
36:51B sa GTV.
36:52Sa kategoryang Best Children and Youth Program.
36:56Special citation din sa Best TV special, Ang Ganito Tayo, Kapuso at Yakap Pagninilay sa Mga Turo ng Simbahan,
37:04isang produksyon ng Jesuit Communications Foundation Incorporated at GMA.
37:08Sa kanyang mensahe, binigyang di ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula
37:13ang malaking responsibilidad ng mga nasa media,
37:17lalo na sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence.
37:20The challenge is not merely technological, but anthropological.
37:29It concerns what it means to be human.
37:35Technology may reproduce a face or imitate a voice,
37:43but it cannot replace the person behind them.
37:49Jamie Santos, nagbabalita para sa GMA News.
37:57Para sa mga coffee is life dyan, naku, e minungkahil po e.
38:01Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means na dapat patawa ng dagdag-tax,
38:05ang kape, ibis na alak.
38:08Sabi po ng tagapagsalita ng Distilled Spirits Association of the Philippines,
38:12nagbago na ang consumer behavior.
38:14Mas gusto na raw kasi na mga Gen Z ang kape kaysa alak.
38:18Sa datos kasi ng Bureau of Internal Revenue,
38:20bumaba ang excise tax collection sa alcohol products sa unang siyam na buwan ng 2026,
38:26kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.
38:29Kaya kung dadagdagan pa raw ang buwis,
38:32baka lalong bumaba ang benta ng alkohol sa bansa.
38:34Mga kapuso, may vat naman po sa kape.
38:38Pero hindi itong sakop ng excise tax sa ilalim ng train law.
39:04Be, nasa diba sa last presentation namin?
39:08Buwan muna tayo.
39:09Sa alak muna tayo.
39:10Baka dumami ang talking eh.

Recommended