00:00Pulikam, sa Navotas ang napurnadang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa isang gadget shop.
00:06Tumunog kasi ang alarm ng shop at naalerto ang mga may-ari ng tindahan.
00:10Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
00:14Maga alas jis ng gabi nitong Martes, namataan ang dalawang lalaking ito.
00:19Isang nakasando at isang nakaitim na t-shirt sa M. Naval Street sa barangay San Jose, Navotas.
00:25Tumawid ang isa habang tila nagmamasid naman ang isa.
00:28Sa kuha naman ng CCTV ng gadget shop na malapit kung saan namataan ang dalawa.
00:33Mula sa kisame, lumabas ang paa ng isa sa mga lalaki.
00:38Pagtapak niya sa istante, tumunog ang alarm ng shop.
00:44Ang sospek na nakaitim na t-shirt, nakita pa sa CCTV na nasa bubong ng shop.
00:50Naunang tumakas ang kasama niyang nooy wala ng suot na pangitaas.
00:54Dali-daling dumating ang mga may-ari ng shop matapos ma-monitor sa cellphone ang tangkang pagnanakaw.
01:02Matutulog na po sana kami noon.
01:04Nag-check po ako ng cellphone.
01:07Bigla po siyang tumunog.
01:09Nung pagkatunog po ng cellphone, nakita ko po sa CCTV namin na may tao na pong gumaglaw.
01:17Agad po kami tumawag sa barangay para ma-respond yan po agad.
01:22Dumating naman ang mga taga-barangay San Jose at Police matapos matanggap ang tawag ng isa sa mga may-ari
01:28ng shop.
01:28Nung una na monitor namin na pabalik-balik na mga tao, yung dalawang tao na yun doon sa store.
01:36Then pagkatapos nawala sila.
01:39Pagkatapos after nung nawala nila dahil hindi na sila nahagip ng kamera.
01:43Dumaan sila sa bubong eh. Binaklas nila yung bubong.
01:46Pagkatapos sinira nila yung kisam eh.
01:49Base sa kuha ng CCTV, nakilala ng barangay ang dalawang lalaki.
01:54Dati na raw nasangkot ang dalawa sa iba pang insidente ng pagnanakaw sa lugar.
01:59Hindi rin daw ito ang unang beses na pinuntirya ang nasabing gadget shop.
02:03Sa katotohanan niya ni last year, sila din yung nagtankang pumasok doon sa area.
02:10Base doon sa monitoring sa CCTV na nakitna kuha namin.
02:14Kasunod ng insidente, binawasan ang mga may-ari ng shop ang stocks sa shop.
02:19Pinaayos na rin ang sinirang kisame.
02:22Tinutugis na ng maotoridad ang mga lalaki.
02:25Desidido rin ang mga may-ari ng shop na ituloy ang reklamo laban sa kanila.
02:30Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:36Pinaayos na rin ang mga may-ari ng shop.