Skip to playerSkip to main content
  • 8 minutes ago
Panayam kay DOST Balik Scientist Dr. Albert Causo ukol sa robotics potential ng bansa

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00On Robotics Potential ng Bansa, ating tatalakayin kasama si Department of Science and Technology, Balik Scientist, Dr. Albert Causo.
00:08Dr. Causo, magandang tangali po. Welcome sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:11Magandang tangali din, Josh.
00:13Dr. Causo, maaari niyo po may bahagi sa amin yung inyong papel at pakikipag-ugnayan sa Department of Science and Technology pagdating sa Robotics and Automation.
00:21At ano rin po yung layunin itong programang ito?
00:23Itong programang Connected and Unified Autonomous Technologies with Automation and Robotics, o Quatro Program.
00:29At paano po ito makakatulong sa bansa?
00:31Ah, okay. So, una po ako po isang balik scientist. So, naka-base po talaga ako sa ibang bansa, sa Singapore.
00:40At bumalik ako para, pabalik-balik actually, para makatulong dito sa paglulunsad pa at paghingganyo ng mga kumpanya sa atin, mga businesses sa Pilipinas na mag-adapt ng Robotics and Automation.
00:54So, ang specialization ko talaga ay Robotics and Automation.
00:58Ngayon, isa sa mga programa na nasimulan ito lang nagdaang taon ay ang Quatro Program.
01:05Ito po isang programa na pinupondohan ng DOST para isulong pa ang pagdadagdag ng mga paggamit ng Robotics, AI, mga industry 4.0 technologies para mas ma-improve yung productivity ng ating mga businesses.
01:23So, yun po yung buong punto nun. Ang idea natin, yung mga makabagong teknolohiya na ito, kapag ito ay in-adapt ng ating mga businesses,
01:32nakakatulong ito para mas mapalagong nilang negosyo nila, mas mag-improve yung capacity nila, mas marami silang ma-produce kahit the same amount of input lang.
01:43Na hopefully, mag-improve yung economic activity. At mula doon, mas aangat yung kabuhayan ng mga tao sa atin.
01:50Pero linawi lang po natin, Doctor. Paano po natin, perhaps, matutugunan yung agam-agam ng tao?
01:55Pagka pinasong natin itong Robotics Automation, eh, mga wala ng trabaho, yung manual labor.
02:00Joshua, you hit the thing on the head, no? Kasi, totoo yan. At hindi yan po yan unique sa Pilipinas, no?
02:08At nakita rin naman yan. So, ganito po, gusto ko linawin, no? Sana huwag tayong kabahan tungkol sa robots at AI, no?
02:17Nauna, yung mga teknolohiya na yan ay ginawa para suportahan talaga yung pangangailangan ng tao.
02:22So, inimbento talaga yan for that purpose.
02:23Secondly, we have, kailangan natin tanggapin yung katotohanan na ito, may mga mawawalang trabaho.
02:30Pero hindi mawawala yung tao.
02:33Okay.
02:34So, anong kadalasan nangyayari? Ito rin ka, yung sa karanasan namin, no?
02:37Hindi lang sa Pilipinas, hindi sa ibang bansa.
02:40Pag may nagkaroon na ng automation ng robot, may mawawalang trabaho kasi may gagawin, yung yung gagawin ng robot.
02:46Pero nililipat ng mga kumpanya yung tao sa ibang trabaho.
02:49Okay.
02:49Dito papasok ngayon, halimbawa, yung pag-re-retrain or re-skilling na tinatawang, up-skilling, ganyan, future-proofing ng job.
02:56Okay.
02:57So, it can happen.
02:58At nangyayari yung nawalang trabaho, hindi mawawala yung tao, magbabago lang.
03:01Okay.
03:02Saan kayo po ba, sa kasalukuyan, ano-ano po yung industriya na dito sa ating bansa,
03:06naunguna o aktibong gumagamit ng robotics at automation?
03:10Mayroon po ba kayong mga kongreto?
03:11Marami, marami.
03:11Actually, lalo sa mga advanced manufacturing, katulad ng Semicon, car, yung mga car components na yan, no?
03:19Okay.
03:19May mga robot na dyan na ginagamit para mabuo yan.
03:23So, mga ganong high-value products, ginagamit kadalasan yung robotics.
03:28Pero ang sinusulong actually ngayon ng programa na 4, is kahit hindi ganon ka-high-tech na industriya,
03:34gumamit na ng mga makabagong teknolyo, katulad ng robots.
03:37At kasi nga, kung kayang magkaroon ng benepisyon ng ganon kalalaking kumpanya,
03:42bakit hindi yung mga medium-sized, small-sized enterprises natin?
03:46Speaking of MSMEs, kung pag-uusapan po natin ito, itong maliit at katamtama mga negosyo na bumubuo ng malaking bahagi sa ating ekonomiya,
03:53akma po ba yung automation robotics na, I mean, will this really help and how this will help them?
04:01So, kung akma, ang sagot ay oo. Pero kailangan pa rin natin pilihin kung anong part ng business yung lalagyan ng automation.
04:10Hindi naman yan lahat pwedeng gawin at kaya gawin ng robot at nararapat gawin.
04:15May mga trabahong, may tinatawag tayo na 4D sa robotics.
04:19Dull, dirty, dangerous, and dear. Meaning, trabaho na boring, hindi pong ganyan ka lang ng ganyan,
04:25lagyan ng items sa box. As in, mababato ka ng makakatulog ka ng makakamali ka.
04:29Or dangerous, halimbawa, baka sumabo, ganyan. Or dirty, madumi.
04:36Or minsan, dear, mahal. Baka pag nagkamali ka kasi, isang daang libo pa rin.
04:40Maselan.
04:40O maselan, ganyan. So, yung mga yan, dyan na kadalasang inilalagay yung robots.
04:45At sa mga maliliit na mga kumpanya, siguro importante makita, matulungan natin sila,
04:52ma-identify, saan ba pwedeng ilagay yung robot.
04:54Isa po yan sa mga ginagawa ng 4 program, na pagka sinabi ng isang malita kumpanya,
05:00ay, kailangan namin ng tulong, gusto namin ng robot.
05:03Hindi naman basta-basta, sige, bumili ka.
05:05Sasabihin namin, bisitahin muna namin kayo.
05:08Tundingan namin kung saan tayo talaga makakatulong.
05:11Kasi alam nyo, minsan, hindi nga robot yung kailangan.
05:13Minsan, magkaroon mo lang ng internet.
05:15Sapat na para mag-improve.
05:17Magkaroon mo lang ng Facebook page.
05:19Pero, pagkatapos nun, ano na yung susunod?
05:21Dito na talaga papasok yung mga makina na katulad ng robot, katulad ng ER.
05:26Maliban dun sa mga pagbisita nyo, Dr. Kuhu.
05:28Bali, kasi meron mga negosyo pa rin na tradisyonal.
05:32Ayaw nila mag-shift sa automatic.
05:34Gusto nila yung manual pa rin kasi dito kami nakakasiguro.
05:37Paano po yung ginagawa ninyong intervention doon para mapalagay yung loob nila na gumamit na ng automation?
05:41Ah, nako, magandang tanong yan.
05:43So, hindi ang beses namin na-encounter, hindi palagay yung loob nila sa paggamit ng robots.
05:49Kasi nga parang nawawala yung tao doon sa sistema.
05:53Pakiramdam na doon lang gagaling sa tao yung guarantee.
05:56So, sabi namin na may mga bagay kasi na kaya naman na talagang gawin ng robot.
06:00Halimbawa, maghanap ng depekto sa produkto.
06:03May lalabas na product. May butas-butas ba dyan?
06:06Or baka, alam mo yun, di baas mo ganyan?
06:08Kaya nang gawin ng robot yun, gagamit ang camera.
06:10Pero kung halimbawa, it's more of aesthetics and creativity.
06:14Yung tipong, pagkita ba yung color combination ng product natin?
06:17Labas na robot dyan. Walang magagawa robot dyan.
06:19So, kaya talagang kapag ganun, para masigurado, kakusapin talaga na, we really take the time.
06:25Dito sa 4 program, binibisita namin yung mga kumpanya.
06:28Minsan, isang buong araw, kinakausap namin.
06:31Hindi lang isang staff, kundi as many people as possible.
06:34So, para kung sabi, mula sa operator, hanggang middle manager, supervisor, minsan hanggang sa CEO at may ari ng kumpanya.
06:40Ano ba talagang gusto nyo gawin?
06:41Para ma-identify natin, tama bang maglagay ng mga ganitong teknology.
06:45Kadalasan naman ang sagot, oo.
06:47Pero yung ano, dun papasok at saka paano.
06:50Okay. So, kasama din po ba dito sa 4 program yung, kasi isang factor yung tinitignan nila dito, baka mahal.
06:57Bakamahal ang robotics.
06:58So, kasama din po ba din natin dito yung forecast na ibigay natin sa kanila na,
07:02pag inadapt nyo ito, in a matter of this time frame, yung mababawi nyo naman yung ginastos nyo.
07:07Ah, yes. Nakakatawa, no? Kasi hindi yung unique yung problema na sa mga Pilipino.
07:12Kahit sa ka magpunta, at the end of the day, business is business.
07:15Yes. In short, profit margin is important. Therefore, this money is important.
07:21So, tinutulungan din namin sila dyan, ano, na halimbawa, sa may, sa 4 kasi,
07:27itutulungan namin sila mag-compute ng return on investment.
07:30Oh, okay.
07:30Mababawi ba? At the same time, kung masagot na oo, mababawi, pero mahalaki yung capital na kailangan,
07:37si DOST may programa po yan, katulad ng setup program.
07:41Ah, isa po itong upgrading program na inooffer ng DOST,
07:44ah, in the form of an assistance, a loan na, ah, zero interest,
07:50pwedeng ibalikin na several years of payment para matulungan yung cash flow ng isang kumpanya.
07:55So, mag-apply lang sila doon. Kung mainteresado, mag-apply lang doon, ano.
07:58Ah, after ma-assist namin sa 4, ah, usually, mag-step in na yung mga operations,
08:05regional and provincial operations ng DOST,
08:08para sabihin, oh, ito yung kailangan nyo na amount, ito yung may offer,
08:11ito yung payment terms, ganyan, para siguradong ma-adapt.
08:14Tapos, susubaybayan namin yun, para siguradong yung hindi masasayang yung pera ng bayan.
08:18Okay. Doctor, ah, balikang ko lang po ng konti yung mga pinuntahan nyo ng industriya,
08:21o yung mga negosyo. Can you give us, ah, can you share with us a few examples po,
08:25ng mga malalaki negosyo na somehow, ah, successful sa robotics,
08:30and even the small businesses? Ah, okay. Sa malalaki kasing kumpanya,
08:34kadalasa mga MNC, ah, mga brand yan, nakatulad ng, you know,
08:38Nestle, okay, okay, okay. Ah, pero, other than them, no,
08:43may mga na-encounter kasi kami, siguro masusurpresa kayo,
08:46minsan yung nakain yung mga oraro, yung mga, mga, mga biscuit,
08:50okay, galing ng marinduke, may automation sa loob ng factory, no, no,
08:54tinulungan ng DOST para ma-adapt. So, yung mga locally made products?
08:58Okay. Meron po may mga produkto na nabibili, nabibili na sa mga supermarket.
09:03Okay. Pag nakita nyo sa likuran with assistance from DOST or other agencies like DPI,
09:09minsan either na-packaging yun or nasa process, which usually means,
09:13no, lalo kapag process yan, may automation yun.
09:16Okay. Gumamit ng makinara yan, ng some software,
09:19para matulungan sa pag-i-improve ng quality.
09:21Kasi ang mindset ng karamihan sa mga kababayan natin,
09:25pag sinabing locally made, handmade lang yan.
09:27Yan po, totoo.
09:28Kasi, isipin nyo, katulad nito, may binisita kami isang factory sana,
09:33butas gumagawa ng crinkles.
09:34Okay.
09:35Diba? Eh, ano lang yun, chichara lang yun eh.
09:37Snaps.
09:37Maganda ipangregalo pag Pasko, diba?
09:40Pero imagine nyo yung volume nila, million.
09:42Yung kailangan nila iproduce ng crinkle.
09:44Na hindi kaya.
09:44Na hindi kaya ng tao.
09:46As in, pag nakita nyo kung paano ginagawa, maaawa ka dun sa mga panadero.
09:52Kailangan na talagang i-automate.
09:54So, tinutulungan namin sila dyan.
09:55Ang nakakatawa po dyan, yung takot na baka mawala ng trabaho,
09:59yung nakwento ko tungkol dun sa mga biscuit na gaya, no.
10:02Noong nag-adapt ng automation, dumoobli pa yung number of employees.
10:05Dahil?
10:06Kasi dahil nag-improve yung quality, bumaba yung cost ng produkto,
10:11lumaki ngayon yung demand.
10:12So, imbis na magbawas ng tao, nagdagdag pa nga ng tao para masambot yung demand na pumasok.
10:18Para makompensate yung ano.
10:20So, as in, nakakatawa.
10:21The story really tells you na with the help of right technology,
10:26we can really deliver a difference to the company's economic activity.
10:30At least nababasag natin yung stereotype pagdating sa robotics and automation
10:34na hindi ibig sabihin, pag pinasok nyo ito, yung mga wala kayo na manual labor.
10:38Hindi, hindi po talaga yung totoo.
10:40Lumilipat lang yung trabaho ng tao.
10:42Pero para po sa kaalaman ng ating mga pabayan,
10:45balikan ko po ito.
10:45Ano po ba itong Balik Scientist Program ng DOST?
10:48So, katulad po nabanggit ko na ako po isang Balik Scientist.
10:51Galing po ako sa Singapore.
10:52Nakabase po talaga sa Singapore.
10:54Programa po ito ng DOST na yung mga Filipino experts,
10:59mga scientists, engineers, di kailangan naman na scientist-scientist talaga.
11:03Pero yung mga eksperto na nasa ibang bansa na ninirahan,
11:07either long-term o hindi, katulad ko,
11:10na bumalik sa Pilipinas at magbahagi ng kalaman or network
11:17o kung anumang best practices na na-pick up na,
11:20habang nagpa-practice nung field na yun sa ibang bansa.
11:23So, katulad ko, nasa robotics.
11:26At pasalamat ako sa Singapore ay aktibong-aktibo ang advanced manufacturing.
11:29Talagang todo buho sila sa paggamit ng mga robots and automation.
11:36Na-apply ngayon dito sa Pilipinas.
11:37Pagdating ito, nakita ko,
11:39itong siguro mga business to, pwede na yan.
11:40Kaya na.
11:41Kasi ginawa na yan sa ibang bansa.
11:42Ganon din po sa ibang mga field,
11:45like chemistry man yan,
11:46ibang type ng engineering o biology.
11:49Ang idea is,
11:51imbitahan itong mga scientist na ito,
11:53bibigyan na,
11:55meron na po kami natatanggap kahit pa ano,
11:58para masambot yung gasos habang na sa Pilipinas.
12:01At the same time,
12:02parang sa amin, legacy na rin yan eh.
12:04Yun.
12:04Di ba?
12:05Na ipasa sa Pilipino.
12:07Can you expand more on that dun sa legacy?
12:09Kasi nabanggit mo nga na advanced na sa Singapore.
12:11And despite na being advanced na yung technology sa ibang bansa,
12:14bakit yun po na-considera,
12:16na sumali sa programang ito ng DOST?
12:18Nabanggit ko rin yan, no?
12:19Kasi kadalasan siguro inisip ng mga Pilipino,
12:22ah, babalik yung mga yan kasi expert,
12:24kasi baka kailangan natin ng tulong,
12:27or minsan merong,
12:28ay, kawawa siguro tayo, kaya babalik.
12:30Pero sa totoo lang, no?
12:31Sinabi ko po ito out loud na,
12:33hindi ako bumalik dahil feeling ko may problema sa Pilipinas.
12:37Bumalik ko kasi meron akong nakikitang opportunity and potential.
12:42And dun ko gustong i-focus yung attention ko,
12:45at yung kakayanan ko at yung network ko,
12:49yung skillset ko,
12:50huwag mag-focus dun sa bad side.
12:52Lagi naman nandyan yan eh.
12:53Mag-focus dun sa potential na kailangan nating linangin pa
12:57para umangat at dumami.
12:59At sa ayot sa gusto natin talagang dadating at dadating tayo dyan.
13:01So, yun yun eh.
13:02So, either titignan mo na lang yan,
13:04sabi mo, ay, sayang, sana ganito yung Pilipinas.
13:06As opposed to, ay, I'm part of the change.
13:09Yun.
13:09Minsahin nyo na lang po, Dr. Causo,
13:11sa ating mga kumbaya,
13:12particularly sa mga maliliit na negosyo,
13:14na nag-alilangan pa rin pumasok sa robotics and automation.
13:18Para po sa lahat, no,
13:20ng mga nagbabalak na maglagay ng robotics and automation,
13:24huwag po kayong matakot.
13:25Ang unang-una po dyan kasi ay takot natin sa sarili at pagdududa.
13:29Ah, tama naman po, walang masama doon,
13:32pero lumapit po kayo sa amin,
13:33lumapit kayo sa DOST.
13:35Meron nakahanda po ang DOST
13:37through the Quattro program
13:38and its current regional and provincial operations
13:41para tulungan kayo gabayan,
13:44suportahan in as many ways as possible
13:47para matupad po, no, yung pangarap nyo
13:49na magdagdag pa ng mga mag-adapt
13:53ng mga makabagong teknolohiya
13:54para mag-improve ang inyong mga businesses.
13:57Ah, sabi nga, the more economic activity there is,
14:00the better for everybody.
14:02Alright, maraming maraming salamat po
14:03sa inyong oras at impormasyon
14:05DOST Balik Scientist,
14:07Dr. Albert Tauso.
14:09Thank you very much.
Comments

Recommended