00:00Una po sa ating mga balita, umabot na sa Visayas ang hakbang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na aagapay
00:07sa mga pamilyang naninirahan sa lansangan.
00:10Sa katunayan, operational na ang isang pag-abot processing center sa Liloan, Cebu na may handog sa iba't ibang serbisyo.
00:19Ang pagbisitang niya ng Pangulo sa mga beneficaryo, silipin sa sentro ng balita ni Kenneth Pasyente.
00:28Bilang bahagi ng target ng pamahalaan at iyaking walang Pilipino ang may iwan,
00:33muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang matatag na pangako ng administrasyon sa inklusibong social protection
00:40sa kanyang pagbisita sa pag-abot processing center sa barangay Tayud, Liloan, Cebu.
00:46Personal na inalam ng Pangulo ang proseso sa naturang pasilidad mula profiling hanggang sa formal na panunuluyan ng isang beneficaryo
00:53sa temporary shelter.
00:54Binisita rin niya ang iba't ibang key features ng processing center kabilang ang klinik,
00:59mga silid para sa mga beneficaryo, activity area at iba pa.
01:03Nakihalubilo rin ang Pangulo sa mga beneficaryo at personal na inalam ang kanilang kwento.
01:08Masaya rin siyang nakihalubilo sa mga bata sa center.
01:11Layunin ang processing center na makapagbigay ng komprehensibong serbisyong panlipunan
01:16at holistic intervention para sa mga bata, individual at pamilyang namamalagi sa lansangan
01:22habang hinihintay ang kanilang reintegrasyon sa kanikanilang komunidad.
01:26Katunayan, habang ang isang individual o pamilya ay nanunuluyan dito sa loob ng 30 araw,
01:31mabibigyan sila ng case management at assessment ng mga social worker.
01:35Mabibigyan din sila ng livelihood at financial assistance bago ang kanilang pagbabalik sa kanilang mga komunidad.
01:41May kakayahan ng pag-about processing center na tumanggap ng mahigit 120 individual
01:47at sa ngayon ay nasa labing siyam na individual ang nanunuluyan dito.
01:51Bahagi ang programa ng isang structured process ng reintegration
01:55na naglalayong maibalik ang katatagan sa buhay ng mga beneficaryo
01:59at makalikha ng mas maraming oportunidad para sa kanila.
02:03Kenneth, Pasyente. Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments