00:00Sugatan ang tatlo kabilang ang isang bombero sa sunog na suniklab sa Paco, Maynila.
00:05Nadamay pa ang ilang kalapit na establishmento sa lugar.
00:09Balitang hatid ni Bea Pinlak.
00:17Sumisigaw at umiiyak na sa takot ang ilang residente ng barangay 664A
00:22sa gitna ng sunog na lumamon sa tinitira nilang two-story building sa Paco, Maynila
00:28kaninang madaling araw.
00:30Maririnig pa ang ilang pagputok mula sa sunog.
00:38Nabalot ng makapal na usok ang lugar.
00:41Nasa sampung pamilyang na wala ng tirahan ayon sa Bureau of Fire Protection.
00:46Tinaas po namin kaagad sa first alarm kasi may mga light materials po doon
00:51and then may mga katami po tayong mga commercials.
00:53Sikit na mula sa Visayas, 6 na buwan pa lang nangungupahan doon.
00:58Halos wala siyang naisalbang gamit.
01:00Wala akong dalang gamit.
01:01Wala talaga, walang pera, wala cellphone lang.
01:04Wala, iyak na lang yung mga gamit.
01:09Wala, wala talaga. Gusto ko na umuwi.
01:11Nakakatakot. Nakakadismaya. Hindi ko alam nung gagawin mo.
01:18Mahigpit naman ang kapit ni Darlene sa 6 na buwang gulang niyang bunsong anak.
01:22Tulog na raw siya at ang apat niyang anak nang marinig nilang may sunog sa kalapit na building.
01:27Kaya kahit hindi pa inaabot ang bahay nila, lumikas na agad silang mag-iina.
01:32Ninenerbius, natatakot na.
01:34Yung importante po, naligtas lang yung mga anak ko tapos nakalabas kami.
01:39Gumapang ang naglalagablab na apoy sa ilang kalapit na istablisimiento.
01:43Ang isa rito, may nakaimbaktang mga kemikal na ginagamit sa mga swimming pool at spa.
01:48Nadamay lang po itong mga commercial na sa harapan natin dahil po doon sa ceiling po.
01:53Yung ceiling po kasi light materials po.
01:55Napilitan po kami, wasakin po ang mga pintuan po nila at saka yung mga glass po nung opisina nila.
02:03Tatlong naitalang sugatan sa sunog kabilang ang isang bumbero.
02:07Naapulang sunog pasado las dos e media kaninang madaling araw.
02:10Iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhinang sunog pero ayon sa ilang residente.
02:14May narinig po akong parang bumbilya na parang sumabog, na parang bote, na malakas.
02:21Tapos yun na po, nagsimula yung sunog.
02:24Hindi bababa sa 300,000 pesos ang tinatayang halaga ng pinsala.
02:30Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.