00:00Nalubog ang mga kabahayan sa ilang bayan sa probinsya ng Katanduanes kahapon bunsod
00:04ng malakas na ulan dala ng shear line.
00:08Kasunod na pagtaas ng tubig sa ilog, ilang kabahayan na sa barangay
00:12Hinipaan Bagamanok-Katanduanes ang pinasok ng tubig baha.
00:18Agad naman nagsagawa ng mga otoridad ng forced evacuation sa mga residente.
00:23Stranded naman ang maraming sasakyan na ito sa may boundary ng barangay Ginubatan at Sipi
00:28sa Bato-Katanduanes dahil sa taas ng bahang naranasan sa lugar mula sa umapaw na Bato River.
00:35Hindi naman madaanan ang mga kalsadang ito sa bahagi ng Katanduanes Circumferential Road.
00:40Naitala sa lugar ang mga pagguho ng lupa na may kasamang nabual na mga puno dahil sa masamang lagay ng panahon.
00:47Ayon sa DPWH, pansamantala nilang itinigil ang clearing operations bunsod na hindi na ligtas na kondisyon ng mga kalsada.
00:56Sa kuhang ito naman ang Bato Municipal Police Station, kita sa mga larawan na malawakang pagbaha sa barangay Sipi, Bato-Katanduanes.
01:06Maraming kabahayan at pananim sa lugar ang nalubog sa bahakahapon, kaya walang anumang sasakyan ang hindi makadaan sa lugar.
01:15Samantala, nasawi ang 32 anyos na lalaki sa Bira-Katanduanes matapos itong tangayin na malakas na agos ng bahakahapon,
01:23habang sinusubukan niyang tawirin ang bahagi ng kalsada na lubog sa baha.
01:29Ayon sa mga lokal na pamahalaan sa Katanduanes, patuloy ang kanilang monitoring at koordinasyon sa iba't ibang ahensya
01:36para matiyak ang kaligtasan, pagkain at iba pang pangangailangan ng libu-libong inilikas na residente sa probinsya.
01:44Altyazı M.Katanduanes
Comments