Skip to playerSkip to main content
Dalawang beses nag-landfall bago humina at naging tropical depression ang "Bagyong Basyang" na nagpabaha sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.


Nagdulot pa 'yan ng landslide sa Cagayan de Oro City kung saan 4 ang nasawi kabilang ang 11-buwang gulang na sanggol.


Nagpabaha naman ang mga umapaw na ilog sa Iligan City at may nasirang tulay.


Libu-libo rin ang stranded sa 83 pantalan sa bansa.


Ayon sa PAGASA, posibleng humina at tuluyang maging Low Pressure Area (LPA) na lang ang Bagyong Basyang sa loob ng 12 oras.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Trahedya agad ang idinulot ng bagyong basyang na dalawang beses naglandfall bago humina at naging tropical depression.
00:08Bukod kasi sa kabi-kabilang pagbaka sa Visayas at Mendanao, nagdulot ang bagyo ng landslide na ikinasawi ng apat sa Cagia de Oro City.
00:17Isa sa mga nasawi, sanggol na labing isang buwang gulang lang.
00:21Sa burol at libing na niya maisusuot ang gown na gagamitin sana niya sa kanyang unang kaarawan.
00:27Nakatutok si James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
00:34Sa kasagsagan ng pananalasan ng bagyong basyang kagabi,
00:39abala ang mga rescuer na ito sa pagkuha sa labi ng mag-anak na natabunan ang lupa sa Zone 1, Sambulawan, Barangay Agusan, Cagia de Oro City.
00:48Nalagigipuha na sila, nalagalot mo.
00:52Balot ng foil, isa-isang binuhat ang apat na bangkay.
00:57Mag-asawang edad apat naputpito at tatlumput lima.
01:01At kanilang mga pamangkin, isang sanggol na labing isang buwang gulang at batang edad labing dalawa.
01:08May dalawa pang naitalang nasugatan.
01:11Pagpotok ng liwanag,
01:12Ang balay na ng sniders ko ah.
01:15At yagi kapat katao.
01:17Kita ang pinsalang iniwan ng pagbuho.
01:21Sa kwartong ito, kung saan natabunan ang mga nasawi habang nagpapahinga sa kasagsagan ng bagyo,
01:28tumambad ang makapal na putik.
01:30Sira-sira ang mga gamit ng mga biktima.
01:34Pati mga damit na pilit isinalba ng kanilang mga naiwan.
01:38Kabilang na riyan ang isang pink na gown na isusuot sana ng pinakabatang biktima para sa kanyang unang kaarawan.
01:46Pero dahil sa trahedya, sa burol at libing na lang niya ito, maisusuot.
01:53At ang ipa-imbisigan sa barangay, kagagabi eh, medyo naranpaman.
01:57And then, kaysa pipilatatuing nila bay, wala pong ganyan ng insiden.
02:02So, butong at ang ipa sa barangay, pumunta pa ilang deeper na insidigay ko.
02:06Sa ibang barangay sa lungsod, baha naman ang namirwisyo sa kasagsagan ng bagyo.
02:12May mga nerescue sa hanggang bewang na baha sa barangay Cougman.
02:17Nagmistulang ilog naman ang mga kalsada sa barangay Bugo.
02:21Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, James Paulo Yap, nakatutok 24 oras.
02:30Sa ibang bahagi ng northern Mindanao naman, winasak ng ragasan ng ilog ang isang bakal na tulay
02:36habang gumuho ang ilang struktura sa tabing ilog.
02:40Ang kamagin airport naman, binaha kaya pansamantalang isinara.
02:46Nakatutok si Salimare Front.
02:47Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong basyang kagabi sa Pugaan, Iligan City,
02:56tinignan ang kumukuha ng video ang level ng tubig sa ilog para sa kanilang siguridad.
03:00Medyo delikado.
03:04Iwinasiwas ng malakas ragasan ng tubig ang steel bridge hanggang sa tuloy ang gumuho.
03:09Halak ka, ginoko.
03:12Mahigit isang taon pa lang mula ng matapos ang naturang tulay.
03:15Ayon sa may-ari ng video, tumaas pa ang tubig matapos ang ilang minuto,
03:19kaya lumipat na sila sa mas mataas sa lugar.
03:22Matinding pagbahari ng iniwan ang malakas sa pagulang naranasan sa barangay Mahayahay.
03:27Sa lakas ng ragasan ng tubig, inanod na ang mga sasakyan sa kalsada.
03:32May isang tuloy ang tinangay ng tubig.
03:34Maya-maya pa, inanod na rin ang dalawa pang sasakyan hanggang sa tumama ito sa barikada.
03:40Nakunan din sa parehong barangay ang pagtangay ng baha sa isang pulang pick-up.
03:49Umabot hanggang bewang ang baha sa kalsada,
03:51kaya nagmistulang ilog kasunod ng walang pumpay na pagulan.
03:56Na-alarm rin ang mga residente sa First Riverside, Palau,
04:00dahil sa nagngangalit na tubig sa ilog.
04:02Ang strukturang yan, mapapansin unti-unti nang nasisira dahil sa lakas ng tubig.
04:09Hanggang tuloy ang itong bumagsat.
04:17Isa-isa rin natumba at inanod ng baha ang iba pang strukturang malapit sa ilog.
04:23Agad naman itong nerespondehan ng mga otoridad.
04:25Dahil sa pagbaha, sa tulay namang ito sa Iligan City pa rin.
04:33Naglutanga ng samotsaring basura.
04:36Ang Tubod Bridge, hindi na nadaanan kanina madaling araw dahil sa taas ng tubig.
04:43Sa barangay Tipano'y ikinasah ang rescue operations para sa mga residenteng binaha.
04:49Nag-deploy rin ang rescue teams ang lokal na pamahalaan sa iba pang mga barangay sa Iligan City na nalubog sa tubig.
04:58Tumulong din ang Philippine Coast Guard Lagindingan District na nag-deploy naman ng mga rubber boat,
05:03lalo't mahirap na maabot ang ibang lugar kung saan matas na ang baha.
05:08Mahigit sanlibong pamilya na ang nag-evacuate pasado alas 8 ng umaga kanina.
05:12Gahapon pa yun.
05:14Anang gabi eh?
05:15Oo, gahapon pa yun.
05:16O niya, naroon.
05:18Buntag na lang, wala may katulong ba.
05:20Pumabot naman sa 21 maapektadong barangay.
05:24Pinapayuhan ang mga residenteng nakatira sa mabababang lugar na Lumikas.
05:30Sa tandag City Surigao del Sur, tila waterfall ang bumuhos na baha sa mababang bahagi ng barangay San Antonio.
05:37Ang mga bahay pinasok na ng tubig.
05:40Hala, grabe!
05:40Ayon kay U-Scooper Jeline Estrada, lumikas sa mga residente sa Barangay Health Station at Covered Court.
05:48Inanunsyo naman ang Civil Aviation Authority of the Philippines ang pansamantalang pagsasara ng runway 0725 ng Kamigin Airport.
05:57Dahil daw yan sa pagbahang dulot ng umapaw na sapa.
06:01Dalawang flight ng Cebu Pacific ang kinansila dahil diyan.
06:04Kala una'y humupa rin ang baha.
06:06Para sa GMA Integrated News, Sanima na Fran, nakatutok 24 oras.
06:11Puspusan po ang paghahandaan ng GMA Kapuso Foundation na yun para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Basyang sa Iligan.
06:23Mahigit 7,000 ang stranded sa 83 pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Basyang ayon sa Philippine Coast Guard.
06:32Sa isang punta na nga sa Cebu, ibahaba na ang pila ng mga sasakyang naghihintay sumampas sa Roro.
06:40Mula roon na katutok live, si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
06:44Nico?
06:48Mel, kahit na downgrade na nga ang Tropical Cyclone Wind Signal dito sa lalawigan ng Cebu,
06:54naranasan pa rin ngayong hapon ang pabugso-bugso hanggang sa malalakas na pagulan dulot ng Bagyong Basyang.
07:02Umabot na sa mahigit isang kilometro ang pila ng mga truck sa bahagi ng National Highway sa Sambuan, Cebu.
07:10Hindi pa sila makasampa sa mga Roro sa Bato Port dahil miyerkoles na gabi pa pinagbawal ng Philippine Coast Guard ang paglalayag
07:18dahil sa nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal.
07:22Papunta sana ang mga truck sa Negros Oriental.
07:25Maging sa mainit port sa Oslob, Cebu, nakaantabay ang mga driver at pahinante na muling payagan ang paglalayag papuntang Dipolog City at Dapitan City.
07:35Pati mga kalakal na maaaring masira stranded tulad ng kargang karne ng manok ng isang truck kaya panay ang paandar nito ng freezer.
07:57Sa liloan port ng Santander, Cebu, pansamantalang pinatuloy sa isang elementary school,
08:24ang mga stranded na pasahero papuntasan ng Negros Oriental.
08:28Binigyan sila ng barangay ng pagkain.
08:31Namundi yung uban nga, dito pa sila or mangita sa kachikinan lang.
08:36Kaya nang kamang resort rin sa Amuan nga pwede rin ang kachikinan.
08:39Mostly, mga dinay ba sa Waibehe, ang maunag din rin ang mga stranded o nga,
08:44ang mga lokal sa pamansulagad kay maglanta pamansulag sa sitwasyon sa Kwan, kining Bagyo.
08:52Kagabi pa pabugso-bugso ang ulan, kaya binaha ang ilang kalsada sa barangay Sangat sa San Fernando, Cebu.
09:01Habang sa bayan ng Bulhoon, minomonitor ang Lusapon River na tumaas ang level dahil sa malakas na pagulan.
09:07Mel, sa mga oras na ito ay nagpapatuloy ang pagulan sa malaking bahagi dito sa Southern Cebu,
09:17kagaya dito sa bayan ng Bulhoon, pero pag-ambo na lang ang naranasan sa mga sandaling ito.
09:22Pero patuloy na nakaantabay ang mga disaster rescue personnel,
09:26maging ang PNP at BFP sa anumang pwede pang mangyari ngayong gabi.
09:31Mel, maraming salamat sa iyo, Nico Sereno ng GMA Regional TV.
09:40Kuhan na po tayo ng update sa Bagyong Basyang.
09:43Makakasama natin si Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
09:48Amor, ano nang magiging lagay ng panahon sa Visayas at Mindanao ngayong weekend?
09:53Salamat, Vicky, mga kapuso. Matapos ilang beses mag-landfall ang Bagyong Basyang,
10:00humina po ito kaya unti-unti na rin mababawasan yung mga pagulan at malakas na hangin
10:05sa malaking bahagi ng Visayas at ng Mindanao.
10:08Sa Bayaba, Surigao del Sur, unang tumama ang Bagyong Basyang.
10:11Yan po ay 11.50pm kagabi.
10:13Sunod po itong nag-landfall.
10:15Dito yan sa Mayhag na Buhol, alas 11 ng umaga kanina.
10:18At sa Dawis Buhol naman, alas 4 po ng hapon kanina.
10:21Isa na lang po itong tropical depression, mga kapuso.
10:24May lakas ang hangin naabot sa 55 km per hour
10:27at yung bugso naman naabot sa 75 km per hour.
10:31Ang pagkilos po nito sa ngayon ay pa-west-southwest
10:34sa bilis na 15 km per hour.
10:37Ayon po sa pag-asa, posibleng unti-unting umangat
10:40yung pagkilos ng bagyo sa mga susunod na oras.
10:43At pwede rin magkaroon yan ng isa pang landfall.
10:45Dito yan sa may southern portion ng Cebu at sa Negros Oriental
10:49mula po yan ngayon hanggang bukas ng madaling araw.
10:52Sunod naman itong tutumbukin, itong southern portion ng Panay Island.
10:56Pero mga kapuso, nakikita rin po ng pag-asa
10:59na hihina pa lalo ang bagyong basyang
11:01at maaaring maging isang low-pressure area na lamang
11:04sa loob yan ng susunod na labing dalawang oras.
11:08Bukod kasi sa maraming beses sa pagtama sa lupa
11:10o yung multiple landfall po nito,
11:12ay nakakapagpahina rin sa bagyo
11:14yung malamig at tuyong hangin-amihan.
11:16Kung para kagabi, naibaba at nabawasan na rin yung wind signal.
11:20Nakataas po ngayon ang wind signal number one
11:22sa southern portion ng Occidental Mindoro,
11:24southern portion ng Oriental Mindoro,
11:26Romblon, northern portion ng Palawan,
11:28kasama po ang Cuyo Islands,
11:30Caliancillo Islands, Calamian Islands,
11:32at pati na rin ang southern portion ng Masbate.
11:36Nakataas din yan sa southern portion ng Eastern Samar,
11:39southern portion ng Samar,
11:40Gimaras, Iloilo, Capiz, Antique, Kaluya Islands,
11:44at pati na rin sa Aklana.
11:45Kasama rin po sa under signal number one,
11:48ang Biliran, Bukola, Cebu,
11:50Negros Occidental, Negros Oriental,
11:52Lete, southern Lete,
11:53at ganun din ang Siquijora.
11:55Sa Mindanao, kasama pa rin po sa wind signal number one,
11:58itong bahagi ng Dinagat Islands,
12:00Surigao del Norte, Agusan del Norte,
12:02Misamis Oriental, northern portion ng Misamis Occidental,
12:06Kamigin, at pati na rin ang northern portion
12:08ng Zamboanga del Norte.
12:10At dito po mararanasan pa rin ang pabugsong-bugsong hangin.
12:13Patuloy rin ang pag-iral ng Northeast Monsoon
12:15o yung Hanging-Amihan,
12:17sa malaking bahagi po yan ng Luzon.
12:19At ayon po sa pag-asa,
12:20posible rin magpaulan yung shear line
12:22at yung localized thunderstorms ngayong weekend.
12:26Basa sa datos ng Metro Weather,
12:27bukas ang umaga,
12:28may chance po ng ulan
12:30dito yan sa ilang bahagi ng Western Visayas,
12:32pati na rin dito sa May Mimaropa,
12:34Calabarzon, Bicol Region,
12:36at ilang bahagi po ng Aurora at ng Quezon.
12:38Pag-sapit ng hapon,
12:40mas marami ng lugar ang ulanin.
12:41Kabilang dyan,
12:42ang malaking bahagi ng Visayas,
12:44ganun din dito sa May Southern Luzon,
12:46Bicol Region,
12:47at ilang lugar dito sa Northern,
12:49and Central Luzon,
12:50lalong-lalo na sa May Cagayan
12:51at pati na rin sa Isabela and Aurora area.
12:54May mga pag-ulan din mararanasan sa Caraga,
12:57Northern Mindanao,
12:58at ganun din sa Davao Region.
13:00Linggo naman ng umaga,
13:01malaking bahagi po ng Luzon
13:03ang makakaranas sa mga pag-ulan.
13:05Ito po,
13:05kitang-kita sa mapa,
13:06concentrated yung mga pag-ulan,
13:08at may mga malalakas na buhos
13:09na pwede pong magpabaha
13:10o magdulot ng landslide.
13:13Linggo ng hapon,
13:14may mga kalat-kalat na ulang mararanasan
13:16sa iba pang panig ng ating bansa,
13:18kasama po ang Visayas at ng Mindanao.
13:21Dito naman sa Metro Manila,
13:22mataas din po ang chance ng ulan ngayong weekend.
13:25Naku, kaya po kung may lakad po kayo,
13:27magdala ng payong at mag-monitor ng advisories.
13:30Yan ang latest sa ating panahon.
13:32Ako po si Amor La Rosa
13:33para sa GMA Integrated News Weather Center.
13:36Maasahan anuman ang panahon.
13:39Narito ang update sa pagguho
13:41sa Cagayan de Oro City
13:43na ay kinasawi ng apat.
13:45Pinag-aaralan na ng mga otoridad
13:47kung ligtas pa bang tirahan ang lugar.
13:50Nakatutok live.
13:51Si James Paolo Yap
13:53ng GMA Regional TV.
13:55James?
13:59Mel, halos hindi pa rin makapaniwala
14:01ang mga kaanak sa sinapit
14:03ng apat nilang kamag-anak na nasawik
14:06sa landslide sa Cagayan de Oro City.
14:08Samantala, halos o mahigit
14:10dalawang libong individual
14:12ang inilika sa lungsod,
14:13bungsod na rin
14:14ng mga pagbaha
14:15na epekto ng bagyong basyang.
14:17Sa gitna ng malakas na ulan
14:22kagabi dahil sa bagyong basyang,
14:25gumuho ang lupa
14:26malapit sa bahay
14:27ng isang pamilya
14:28na ikinamatay
14:29ng apat na magkakaanak.
14:33Emosyonal na ikinuwento
14:35sa GMA Regional TV
14:37ng kaanak
14:38ng mga nasawi
14:39ang sinapit
14:40ng kanilang mga mahal nila
14:41sa buhay.
14:42Bago ang insidente,
14:47nakatsat pa raw
14:48ang babaeng biktima
14:50ng kanyang kapatid.
14:52Hindi raw niya inakala
14:53na yun na pala
14:54ang huli nilang pag-uusap.
14:56Una raw,
14:57pinalikas ang mga residente
14:59malapit sa baybayin.
15:00Pero nawala
15:01gin siya ba?
15:02Hindi ko makatuwa na sir.
15:04Mawala siya nga.
15:05Nagtsatsat pa biyamihan
15:06ng gabi eh.
15:08Grabe gin kasakit
15:09sa kuwa gin siya.
15:10Hamot lang yun.
15:11Wag gin kabutang
15:11sa kasakit sir.
15:13Pag atunan ako
15:14silang kwarto,
15:15pag atunan ako
15:16wala na sila,
15:17tabunan na sila
15:17giyutaw niya.
15:18Ang akong isa
15:19kamangod,
15:20tila na rin gagawa
15:21sigsipa-sipa.
15:23Muna siya o.
15:24Ako ang daig mayo,
15:26ako na yung
15:26kalot to mayo.
15:29Kwento ng kapitbahay
15:30ng mga biktima
15:31pasado alas 10.30 ng gabi
15:33nang marinig
15:34ang dagundong
15:35ng pagguho
15:35umano ng lupa
15:36sa naturang lugar
15:37na tumama
15:39sa bahay
15:39ng mga biktima.
15:40Akin yung managtia yun,
15:42natulog na sila
15:43ng panahon na.
15:44Kay gabi
15:45naman yun niya,
15:46kusog ang ulan,
15:47natulog na sila
15:48ng hitabuaw,
15:49maungwa na sila
15:49kahe balo.
15:50Ayon sa CDRRMD,
15:53pinag-aaralan pa nila
15:54kung ligtas
15:55ba bang tirhan
15:55ang lugar
15:56kung saan
15:57nakatayo
15:57ang bahay
15:58ng mga biktima.
15:59Inaasikaso na
16:00ang mga labi
16:00ng mga biktima
16:01nakatakdang
16:02magbigay
16:03ng tulong
16:03ang LGU
16:04sa mga naulila.
16:05Mel,
16:11ayon sa CDRRMD
16:13ay nagpapatuloy pa
16:14ang ginagawang
16:15risk assessment
16:15sa landslide area
16:17at pinag-aaralan pa daw
16:18ng LGU
16:19kung pababalikin pa
16:20ang mga residenteng
16:21nakatira
16:22malapit sa landslide area.
16:24Mel?
16:25Maraming salamat sa iyo,
16:26James Paolo Yap
16:27ng GMA Regional TV.
16:30Hindi nakaligtas
16:32sa baha
16:32pati ilang
16:33sementeryo,
16:34paaralan
16:34at palayan
16:35sa Agusan del Norte
16:36ang sinisisi
16:38barado umanong
16:39drainage.
16:40Nakatutok si
16:41John D. Esteban
16:42ng GMA Regional TV.
16:47Dahil sa malakas
16:48na buhos ng ulan,
16:49pinasok ng hanggang
16:5020 na baha
16:51ang Remedios
16:52T. Romualde
16:52Central Elementary School
16:54sa Barguay Poblasyon
16:55sa bayan
16:56ng Remedios
16:56T. Romualdez
16:57Agusan del Norte
16:59dahil sa Bagyong Basyang.
17:00Every time po
17:01na malakas
17:02ang ulan,
17:04medyo
17:04talagang ganyan
17:05talaga ang sitwasyon
17:06natin dito sa
17:07RTI Central.
17:08Bumabaha talaga
17:09ang lahat
17:09ng mga tubig
17:10papunta talaga dito.
17:12Hanggang
17:12tukod naman
17:13ang tubig
17:14sa Parintayon
17:15Elementary School.
17:16Kada
17:16puan dito,
17:18babay lang
17:19nga uwan,
17:20bubaha tayo dito.
17:21Pati ang
17:21sementeryo
17:22binaharin,
17:23apektado rin,
17:24pati mga palayan
17:24na hindi pa naaani.
17:26Isa sa mga
17:27tinuturong dahilan
17:27ng pagbaha
17:28ang mga
17:29baradong drainage,
17:30gaya ng drainage
17:31ng National
17:32Irrigation
17:33Administration.
17:34Sinusubukan pa namin
17:35makuha ang panig
17:36ng NIA.
17:37Ongoing na yung
17:38bidding, ma'am,
17:39sa project namin
17:40to recover
17:42sa mga
17:42drainages.
17:44Tapos,
17:44kinakausap ni Mayor
17:45yung NIA,
17:46yung agency
17:47ng NIA,
17:48para tulungan kami
17:49na ma-resolve
17:50yung issues
17:51sa mga drainages.
17:52Sa Davao City,
17:54mahigit
17:54apat na raan
17:55na pasahero
17:55ang nastranded
17:56sa Pantalan,
17:57patawin sa
17:57Samal Island,
17:58Davo del Norte,
17:59dahil sa suspension
18:00sa biyahe
18:00sa Sakyang Pandaga
18:01at Bunson
18:02ng Bagyong Basyang.
18:03Mula sa GMA Regional TV,
18:05Juan Mindanao,
18:06Jandi Esteban,
18:07Nakatuto,
18:0824 Horas.
Comments

Recommended