00:00United in Prayer, Healing Our Land.
00:03Yan ang tema ng pagitipong dinaluhan ng ilang opisyal ng gobyerno,
00:06pati religious at business leaders.
00:09Panauwing pandangal si na Sen. Alan Peter Cayetano at Riso Ontiveros
00:14sa 51st National Prayer Breakfast.
00:17Mensahe ni Cayetano,
00:18nahaharap sa maraming pagsubok ang ating bansa,
00:21kaya mahalaga ang sama-samang pagdarasal kahit magkakaiba ang paniniwala.
00:26Binigyang diin naman ni Ontiveros ang kahulugan ng unity,
00:30na nakikita raw sa malasakit ng mga Pilipino sa isa't isa,
00:33lalo na sa mga panahon ng krisis at sakuna.
00:37Nagpadala naman ng video message si na Sen. President Sherwin Gatchalian at Sen. Bongo.
00:43Naroon din si dating Supreme Court Chief Justice Raynato Puno
00:46na sinabing dapat ipanalangin na magkaroon tayo ng mga leaders sa gobyerno
00:51na mahuhusay at may integridad at business leaders na may malasakit sa mahihirap.
00:57Ipagdasal din daw ang mga Pilipino na huwag mawala ng pag-asa
01:00at pananalig sa Diyos.
01:02Bukod kay Puno, dumalo rin si na Supreme Court Associate Justice Joseph Lopez
01:07at petayad Sandigan Bayan Associate Justice Raul Victorino.