00:00Samatala, aprobado ni Pangulong Bongbong Marcos ang five-year validity ng mga bagong bilingsasakyan sa ilang kondisyon.
00:07Ginagawa na ang mga panuntunan o patakaran kaugnay niyan.
00:11Balitang hatid ni Dano Tingcunco.
00:16Sa kasalukuyan, tatlong taon valid ang rehistro sa isang bagong bilingsasakyan dahil ipinagpapalagay na maayos ang kondisyon.
00:25Pero sabi ng Department of Transportation, dahil marami nang may limang taong warranty at limang taong alaga sa maintenance ng kasa,
00:33iminungkahin nito sa Pangulo na gawing limang taon na rin ang validity ng rehistro ng mga bagong bili.
00:37For the convenience, itong mga motor vehicle owners, itong motorcycle owners, at para may iwasan na rin po natin,
00:46hindi lang po yung habang pila, pero again, yung mga parang fixers, corruption, kasi dyan nagsisimula po lahat siya.
00:53Inaprubahan ng Pangulo ang five-year validity ng mga bagong bilingsasakyan sa ilang kondisyon.
00:58Sabi ng ating Pangulo is to ensure the roadworthiness ng ating mga itong bahosakyan.
01:05Kaya kami naman po sa DOT, maglalabas kami po ng department order within the week.
01:11Sa ganun, we can ensure not only the roadworthiness, pero yung patakaran at panuntunan how to do it.
01:18Binabalangkas na ang panuntunan para dyan na inaasahang makakapigil sa katiwalian at makakabawa sa pasanin ng mga nagpaparehistro.
01:28Paglilinaw ng LTO, ang hinihintay nilang patakaran ay mapapakinabangan lang na mga bibili matapos ito maging efektibo.
01:36Yun lang pong mga brand new na paglabas po nitong ating five years, yung pong magsisimula doon na mga lalabas na mga brand new na sasakyan.
01:45Ibig sabihin, kung nabili mo na ang sasakyan bago ipatupad ang bagong patakaran, magpaparenew ka ng rehistro matapos ang tatlong taon at required dyan ang smoke emission testing.
01:56Sa mga sasakyan namang bibili, kung efektibo na ang limang taong validity ng rehistro, pinag-aaralan pa kung kailan itatakda ang roadworthiness check.
02:05Yun ang fina-finalize namin, on the fourth or the fifth year, para ma-check na.
02:11Pabor na pabor kami doon sa mga bagong. Sana madami naman yung kagaya namin yung lumang modelo.
02:16Kahit three years ulit, huwag lang yung one year para makatipid naman kami.
02:20At saka ang dami kasi pag pumila ka ngayon, hindi agad nakukuha, babalik ka na naman.
02:25Sana masama yung mga lumang modelo na kahit three years, maaramdaman din po namin yung kaginawaan din yung pagpaparehistro.
02:34Kasi yearly, mahirap talaga magparehistro, pabalik-balik ka. O misan, di kaya na isang araw.
02:40Dano Tingkungko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments