00:00Dito naman sa Pangasinan, patay ang isang binatilyo sa Pusurubyo,
00:03matapos makuryente habang nanonood ng basketball.
00:07Ayon sa pamilya ng binatilyo, nakaupo siya malapit sa poste ng basketball hoop
00:11at nanonood ng liga ng Barangay Talugtog.
00:15Bigna na lamang daw na kuryente ang biktima ng mapahawak sa poste.
00:19Kalaunan, napagalaman ng mga naroon na may nabalatang kable at nakadikit sa poste.
00:26Tanong ng pamilya ng biktima, bakit may live wire doon?
00:29Sabi ng pamunuan ng sangguniang kabataan na nagpaliga,
00:33nasuri nila lahat ng kable sa lugar bago sinimulan ang basketball games.
00:37Posible raw na bago ang natuklap na bahagi ng kable ng kuryente na naging sanhinang insidente.
00:43Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang chairman ng barangay.
00:47Matapos ang nangyaring ininspeksyon ng mga kable ng kuryente sa mismong basketball court,
00:52nagpaabot ng pakikiramay ang konseho ng barangay sa naulilang pamilya.
00:56Magbibigay rin daw sila ng tulong pinansyal.
Comments