00:00The 2028 elections are calling you. Ready ka na bang bumoto?
00:04Pero wait lang, register voter ka na ba?
00:07Kung hindi pa, this is your sign para magparehistro.
00:10Alam niyo ba, noong November 10, muling binuksan ng Commission on Elections o COMELEC
00:15ang voter registration para sa 2028 national and local elections.
00:20Ayon sa Republic Act No. 8189 o the Voters Registration Act of 1996,
00:25ang kwalifikadong votante ay dapat nakarehistro sa permanenteng listahan ng mga votante sa presinto ng lungsod o munisipalidad
00:33kung saan siya naninirahan upang makaboto sa anumang eleksyon.
00:37Saan naman pwedeng magparehistro?
00:39Ayon sa COMELEC, maaaring magparehistro sa Office of the Election Officer o OEO,
00:45satellite registration sites, mall registration sites, register anywhere program o RAP,
00:51at special register anywhere program o SRAP.
00:54Sa ilalim ng RAP, maaaring mag-apply ng voter registration o transfer of registration
00:59ang mga votante sa mga itinalagang registration sites kahit wala ito sa kanilang lugar ng permanenteng tirahan.
01:07Samantala, sa SRAP, nagpapadala ang COMELEC ng special registration teams sa iba't ibang lugar
01:12upang gawing mas madali at mas madaling ma-access ang pagparehistro ng votante.
01:17Take note, tatakbo ang registration period from November 10, 2026 hanggang July 30, 2027.
01:24Ito ay tuwing Tuesday hanggang Friday, 8am hanggang 6pm.
01:28Tuwing Sabado at holidays naman, pwedeng magparehistro from 8am hanggang 5 ng hapon.
01:34Now, sino-sino naman ang pwedeng magparehistro?
01:37Ayon pa rin sa COMELEC, qualified kang magparehistro kung ikaw ay Filipino citizen na hindi pa registered voter,
01:44at least 18 years old sa araw o bago sumapit ang araw ng 2028 national and local elections,
01:51residente ng Pilipinas nang hindi bababa sa isang taon,
01:54residente ng lugar kung saang presinto na is bumoto nang hindi bababa sa 6 na buwan bago ang eleksyon at
02:01hindi disqualified ng batas.
02:03Sino naman ang hindi pwedeng magparehistro?
02:05Kapag ikaw ay nahatulan ng final judgment at sinintensyahan ng pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon,
02:12maliban na lang kung naibalik na ang karapatan mong bumoto sa pamamagitan ng plenary pardon o amnesty.
02:18Mga taong nahatulan sa mga krimeng may kinalaman sa kawalan ng katapatan sa pamahalaan,
02:23gaya ng rebellion, sedition, paglabag sa firearms law at mga krimen laban sa national security.
02:30Mga taong idineklarang insane o incompetent ng kinauukulang otoridad,
02:35paliban kung naibalik na ang kanilang legal capacity.
02:39Para naman sa mga disqualified dahil sa unang dalawang kategory,
02:43automatic na maibabalik ang inyong karapatang bumoto limang taon matapos pagsigbihan ng sentensya.
02:49Kung pasok sa qualifications,
02:51Next question, ano naman ang mga requirements?
02:54Para mapatunayan na iyong pagkakakilaglan,
02:57magdala ng kahit isang valid ID mula sa listahang ito.
03:00National ID, Senior Citizen ID, Postal ID, Student ID o Library Card na pirmado ng School Authority,
03:08PWD ID, LTO Driver's License o Student Permit,
03:12NBI Clearance, Philippine Passport, SSS, GSIS o UMID,
03:17IBP ID, PRC License, NCIP Certificate of Confirmation para sa mga miyembro ng Indigenous Cultural Communities o Indigenous Peoples,
03:27iba pang valid government-issued IDs na tinatanggap ng COMELEC at Electronic Philippine Identification o Phil ID na maa-access
03:35sa eGovPH app.
03:37Pero hindi lahat ng ID ay accepted, ah?
03:40Ayon sa COMELEC, hindi tinatanggap na proof of identity or residency
03:44ang Barangay Residency Certificate, Community Tax Certificate o Sedula,
03:49Police Clearance at Company ID.
03:52Paano naman kung wala kang valid ID?
03:54Don't panic!
03:55May alternative na paraan para mapatunayan ang inyong identity.
03:59Pwedeng kilalanin o tukuyin under oath ng isang registered voter ang isang aplikante
04:04o kaya naman ng isa sa kamag-anak niyang hanggang 4th civil degree of consanguinity or affinity.
04:10Pero may limit, hanggang tatlong applicants lang ang pwedeng kilalanin ng isang registered voter under oath.
04:17Kapag hindi pa rin napatunayan ang iyong identity sa mga pinapayagang paraan,
04:21hindi tatanggapin ng iyong application form.
04:24Okay, qualified ka na at kompleto na ang requirements.
04:27What's next?
04:28Narito naman ang step-by-step process ng voter registration.
04:32Una, sasailalim kayo sa interview kung saan aalamin ang inyong personal information
04:37at kung nakapagparehistro na kayo bilang botante sa ibang lugar.
04:41Dito rin matutukoy kung anong uri ng application ang inyong kailangang iproseso.
04:46Kailangang ihanda at ipakita ang inyong valid ID at iba pang kinakailangang requirements.
04:52Next step, pumunta sa designated fill-out area at sagutan ng tama,
04:56malinis at maayos ang inyong application form.
05:00Kung nag-download naman kayo ng form online,
05:02maaari na itong sagutan bago pumunta sa Comelec office.
05:05Para sa third at fourth step,
05:08i-check kung tama at kompleto ang mga impormasyong inilagay ninyo sa application form.
05:12Dito rin itatala ang inyong application number at precinct number kung saan kayo nakatakdang bumoto.
05:19Next step, ang pagkuhan ng inyong biometrics,
05:22kabilang ang letrato, digital signature, at fingerprints.
05:26At sa huling step, kinakailangan ninyong maglagay ng thumb mark sa inyong application form
05:31at kunin ang inyong acknowledge receipt o stub
05:33bilang patunay na natapos ninyo ang proseso ng pagpaparehistro.
05:38Para sa iba pang updates tungkol sa voter registration,
05:40bisitahin ang official website ng Comelec.
05:42Sa 2028 elections, make sure na handa ang lahat.
05:46Dahil bago ang boto, dapat magparehistro.