00:00Mga Kapuso, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind, signal number one sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao,
00:09dakil sa Bagyong Basyang, ang latest iakatid ni Amor La Rosa ng JME Integrated News Weather Center.
00:16Amor, saan saan na araan at posibleng mag-landfall itong bagyo?
00:23Salamat Emil, mga Kapuso, halos kapapasok pa lang ng Pebrero pero sumalubong agad ang Bagyong Basyang.
00:30Na posibleng mag-landfall sa mga susunod na araw.
00:33Huling nakita ang sentro ng Bagyong Basyang, salayong 655 kilometers silangan ng hinatuan, Surigao del Sur.
00:40Taglay po ang lakas ng hangi nga abot sa 55 kilometers per hour.
00:43Yung pabugso naman na abot sa 70 kilometers per hour.
00:46Kumikiros po yan pakalura na sa bilis na 15 kilometers per hour.
00:51Ayon po sa pag-asa, posibleng mag-landfall itong Bagyong Basyang sa silangang bahagi ng Mindanao,
00:56bukas ng gabi o dikya naman po ay sa biyernes ng madaling araw.
01:00Sunod naman itong tatawirin itong northeastern portion ng Mindanao, central at western Visayas.
01:06Hanggang sa makarating dito sa Sulusi, sabado po yan ng umaga.
01:10At sabado ng hapon o gabi, e posibleng dumaan naman itong Bagyong Basyang dito sa northern portion ng Palawan.
01:16Pero mga kapuso, pwede pang magbago ang paghilos ng bagyo, kaya patuloy pong mag-monitor.
01:22Sa ngayon pa lang, nakataas na po ang wind signal number one sa southern portion ng eastern Samar,
01:28southern portion ng Samar, southern Lete, pati na rin sa central and southern portions ng Lete.
01:34At ito naman po, nakataas din ang wind signal number one sa ilang bahagi po ng Mindanao,
01:37kasama ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur,
01:43ganoon din po dito sa Maykamigina, eastern portion ng Misamis Oriental,
01:48at ganoon din sa northern portion ng Davao Oriental.
01:51Mga kapuso, pwede po na medyo maayos pa ang panahon sa mga oras na ito sa ilang lugar na nabanggit,
01:57pero may lead time pa kasi na 36 hours bago po aktual na maranasan yung lakas na hangin na daladala nitong Bagyong Basyang.
02:05Kaya gamitin po natin yung pagkakataon para makapaghanda.
02:07Bukod sa pabugsubugsong hangin, e magiging maulan din po, lalong-lalo na dito po sa ating satellite image,
02:13umaabot na po ito po mga kaulapan.
02:15Makikita po natin dito yan sa bahagi ng Visayas at ng Mindanao.
02:19Yan po yung mga kaulapang dala ng bagyo.
02:22Kasabay ng epekto ng Bagyong Basyang ay yung patuloy rin pag-ira nitong malamig at tuyo na hangin-amihan o yung northeast monsoon.
02:29Base po sa datos ng Metro Weather, umaga pa lang bukas may mga pag-ulan na sa May Summer and Later Provinces,
02:36Cebu, Bukol, pati na rin po dito sa may bahagi ng Negros Island Region at ilang bahagi ng Panay Island.
02:42Makakaranas din ang mga pag-ulan ang Karaga Region at pati na rin po ang Davao, ganun din ang Northern Mindanao.
02:49Hapon hanggang gabi bukas, halos buong Visayas at Mindanao na po ang mabababad sa mga malalakas sa mga pag-ulan.
02:55Matitindi at halos tuloy-tuloy po yung mga pag-ulang mararanasan, lalong-lalo na sa Karaga, Davao Region,
03:01at pati na rin sa Northern Mindanao at ilang bahagi ng barn.
03:05Diyan po nakatapat yung kulay-pula at kulay-pink, intense to torrential po yan.
03:09Malaki ang banta ng baha o landslide kaya maging handa po ang mga residente.
03:14Sa natitirang bahagi ng ating bansa na hindi pa direktang apektado po nung Bagyong Basya,
03:18makakaranas pa rin ng mga kalat-kalat at mga panandaliang pag-ulan.
03:22Ganyan din po ang inaasahan dito sa Mepcho Manila kaya maging handa pa rin sa tsyansa ng mga bigla ang pag-ulan.
03:30Yan ang latest sa ating panahon.
03:31Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.
03:35Maasahan anuman ang panahon.
Comments