Skip to playerSkip to main content
Gumugulong na sa Senado ang pagtalakay sa panukalang ipagbawal ang mga political dynasty o magkakaanak sa puwesto.


Nagawa na ito sa SK at sa Bangsamoro Parliament, pero kaya bang ipagbawal sa Kamara at Senado kung karamihan pala sa kanila ay galing sa political dynasties.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Gumugulong na sa Senado ang pagtalakay sa paano ka lang ipagbawal ang mga political dynasty o magkakaanak sa pwesto.
00:09Nagawa na ito sa SK at sa Bangsa Moro Parliament, pero kaya bang ipagbawal sa Kamara at Senado kaya?
00:17Kung karamihan pala sa kanila ay galing sa political dynasties.
00:23Yan mismo ang laman ng live ng pagtutok ni Ian Cruz.
00:25Ian!
00:30Yes, Mel, ipinagpatuloy nga ng Senado yung pagdinig doon sa mga bills na may kinalaman sa anti-political dynasty.
00:37Maraming magagandang sugestyon ang lumabas sa pagdinig, Mel, pero inaasahang mahaba pa ang proseso.
00:47Sa hearing ng isang kumite kaugnay ng mga political dynasty, inilatag ng isang grupo mula sa Ateneo de Manila University,
00:53ang lawak ng political dynasty sa kasalupuyang kongreso.
00:57Sinimplihan namin ang tala nila at lumalabas na sa Kamara mula sa political dynasty ang mahigit tatlo sa bawat apat na kongresista,
01:07mahigit apat sa bawat limang district congressmen,
01:11at mahigit kalahati ng mga party list representatives.
01:14Sa Senado naman mula sa political dynasty,
01:17ang mahigit lima sa bawat anim na senador.
01:20Pero may epekto ba talaga ang mga dinastiya sa mga tao?
01:25Masasabi po ba ninyo, Dr. Melay, na may papel na ginampanan ang political dynasties sa issue ng korupsyon?
01:37Halimbawa dito sa pinakamainit ngayon na flood control scam.
01:41Oo, sabi ng Anti-Dynasty Network dahil kung magkakaanak ang nasa pwesto,
01:46walang magsisitahan halimbawa sa mga proyekto.
01:49It's really the system that allows for the removal of checks and balances.
01:56When you have your congressperson related to your mayor,
02:02all the approvals,
02:04and of course instead of what we really see are substandard projects
02:11because of the removal of that checks and balances.
02:16Pinag-uusapan niyan lalot prioridad na ng Administrasyon na Malikhaang Batas
02:21na magpapatupad sa probisyon ng kositusyon na nagbabawal sa political dynasty.
02:27Nang tanungin ang isa sa mga sumulat ng kositusyon,
02:30inamin niyang may pagkakamali na iniasa nila sa mga mababatas
02:33ang pagsasabi kung anong degree na magkakaanak
02:37ang dapat ituring na political dynasty.
02:40Frankly, we trusted that Congress would define it according to the need of the time.
02:48That there is, like today, we need four degrees.
02:54That maybe after 20 or 25 years, after we have matured as a democracy,
03:00maybe we need only two degrees.
03:03That's why we left it that way for the future Congresses to determine.
03:10E anong mga posisyon ang dapat pagbawalan na may magkakaanak?
03:14Bungkahi ng isa pang sumulat ng kositusyon,
03:16dapat mula barangay hanggang munisipal to congressional seat,
03:20pero debatable paan niya kung national position kabila ng Senado.
03:24The premise of excluding them is that the power of political dynasties
03:32is diffused when the election is on the national level.
03:36Paalala ng isang senador na ipagbawal ang pagdakbo sa sangguniang kabataan
03:40ng may mga kaanak hanggang second degree ng consanguinity at affinity
03:45sa anumang national position o barangay o local position
03:49kung nasa parehong lugar sila.
03:51Kaya kinumusta niya ang COMELEX sa pagpapatupad nito.
03:54Naging mahirap po ba ang pag-implement?
03:57Malaking pagbabago po ba yung nakita ho natin sa mga nag-apply?
04:01Ayon sa COMELEX, hindi mahirap dahil malinaw ang batas.
04:04Napakaliwanag po doon sino ang tatanggalin ni COMELEX,
04:08sino hindi papayagang tumakbo.
04:10Very clear.
04:10Bukod aniya sa SK,
04:12meron na ring pagbabawalan sa political dynasty sa Bangsamoro
04:15na masusubukan sa kanilang eleksyon.
04:17Pinanunom pa ng COMELEX ang mga kandidato na wala silang kaanak.
04:22Sa kanila po kasi, meron sila na 40 o 40 na miyembro ng political parties
04:28out of the 80 na members ng parliament.
04:30Ang sabi nila, kung ito ay isang political party,
04:34dapat yung mga nominist nila na 40 ay hindi related by second degree
04:39sa bawat isa.
04:40Otherwise, tatanggalin, i-disqualify.
04:43So at least po, may attempt sa kanila na magkaroon
04:46at naipasa na po yun.
04:50Well, matapos nga ang pagdinig dito sa Senado,
04:53ay inaasang magkakaroon naman
04:54ng limang consultative meeting nationwide
04:57ang kumite niya Senadora Risa Ontiveros
05:00para nga talakayan ang anti-political dynasty bill.
05:04Balik sa iyo, Mel.
05:05Maraming salamat sa iyo, Ian Cruz.
05:06Maraming salamat sa iyo, Ian Cruz.
Comments

Recommended