00:00Dahil sa mga peligro sa social media, isinusulong ng isang senador ang pagbawal sa paggamit ng social media ng mga edad 18 pababa.
00:12Suportado ng DICT at Council for the Welfare of Children ng Naturang Panukala, nakatutok si Ivan Mayrina.
00:24Tulad ng maraming kabataang Pilipino, babad din ang panganay na anak ni Mark Bumanlag sa mga gadget.
00:30Sa edad na pito, nakikita nitong nilalaman ng feed sa Facebook account ng ina at mahilig din ito sa mga games kung saan may mga iba siyang nakakasalamuha online.
00:38Pero bilang isang IT professional, alam ni Mark ang mga peligro online kaya nililimitahan niya at binabantayan niya aktividad ng anak online.
00:46Hindi natin alam sa panahon niyo yun, yung mga child predator talagang sinasadya na makainteract yung mga bata through games, through social media,
00:55through even different platforms na pang bata, akala natin sila lang purely yun ando doon.
01:01Pero yun pala, may nakakahalo na palang nananamantala sa kanila.
01:04Ang mga ganitong peligro sa social media ang naislabana ni Sen. Panfilo Lacson sa panukala magtakda ng regulasyon sa paggamit ng mga minority edad ng social media.
01:13Base raw kasi sa datos ang Council for the Welfare of Children, 6 sa bawat 10 batang edad 10 hanggang 17, active user ng social media
01:21na nagiging sanhin ng mental health problems at maaring mabiktima ng online sexual exploitation.
01:28Kaya ang isinusulong ng kanyang panukala, pagbawalan ng mga kabataang Pilipino, edad 18 pa baba, na makagamit ng social media.
01:36Kahalintulad ng Ipinasang Batas sa Bansang Australia na nagtakda ng edad 16 na taon para makagamit ang social media.
01:42Sa ilalim nito, ang mga social media platforms ang gagawa ng paraan para matukoy ang edad ng mga nagbubukas ang account
01:48at magpapatupad ng regular na audit para matanggal ang mga account na hindi pasok sa age requirement.
01:54Ang Department of Information and Communications Technology ang pangonahing ayensya magpapatupad nito.
01:59Titayaking sumusulod ng mga social media platforms at may kapangirihan magpataw ng parusa
02:04kabilang ang pagtanggal at pag-deactivate ng mga account.
02:08Suportado ng DICT ang panukala.
02:10Pero base sa karanasan sa nagtapatuloy na laban kontra sa sabot sa aring cybercrimes sa social media,
02:15sa implementasyon nito, nagkakaroon ng problema.
02:17Yung implementation, yun yung mas problematic mo dyan, yung implementation ng batas.
02:22How do you make these social media platforms comply?
02:25Because we don't, first and foremost, the jurisdiction is not within the Philippines.
02:29The alternative is to ban them, to make them comply.
02:33Suportado rin ang Council for the Welfare of Children ang panukala.
02:37Pero sa halip na tuluyang ipagbawal, ay baka pwedeng limitahan lang
02:40dahil hindi rin naman matatawaran ang papel ng social media sa edukasyon ng mga kabataan.
02:45I think it's a matter of balancing. Maganda po yung bill.
02:48But yun nga, we have to balance it with the right to participate in information ng mga bata.
02:53Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
02:59Sampai Winona.
03:03.
Comments