Skip to playerSkip to main content
Nakaabang na ang marami kung paanong mailulusot sa administrasyong Marcos ang batas na hinihingi ng konstitusyon para tuluyang maipagbawal ang mga political dynasty. 38 taon na 'yang 'di maipasa-pasa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakaabang na ang marami kung paano may lulusot sa Administrasyong Marcos
00:05ang batas na hinihingi ng konstitusyon para tuluyan maipagbawal ang mga political dynasty.
00:1238 taon na iyang hindi maipasapasa.
00:16Kung bakit at kung anong naging epekto niyan sa bansa, particular sa kahirapan,
00:21himayin sa special report na tinutukan ni Tina Panganiban Perez.
00:26Dahil anak ng isang dating Pangulo,
00:33may bigat ang deklarasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa Anti-Political Dynasty Bill bilang prioridad na maisa batas.
00:41Sa kanya nga ang pinakahuling Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALIN,
00:47may idineklara siyang sampung kaanak sa gobyerno,
00:50kabilang ang kapatid na si Senadora Aimee Marcos at pinsang si dating Speaker Martin Romualdez.
00:57Bago siya naging Pangulo,
00:59nagsabi si Marcos na hindi siya tutol sa mga political dynasty.
01:03Pero ngayon, sabi ng palasyo,
01:06nagbago na raw ang kanyang pananaw.
01:08Nagbabago ang political landscape.
01:10Maraming umang abuso.
01:11Nais ng Pangulo na ipabatid sa taong bayan na kayo ay may choice.
01:15Choice na naaayon sa merito,
01:16hindi lamang dahil pare-pareho ng apelido.
01:18Pareho sila kung tutuusin ni Vice President Sara Duterte,
01:22na isa ring anak ng dating Pangulo.
01:26Na meron namang anim na kamag-anak sa gobyerno,
01:29batay sa huli niyang SALIN at sa resulta ng huling eleksyon.
01:34Mula sa mga angkang politikal,
01:36ang dalawang pinakamataas na leader sa bansa.
01:40Gayong may probisyon ng konstitusyon na nagbabawal sa mga political dynasty.
01:45Binanggit kasi sa probisyon na kailangang tukuyin ng isang batas
01:51ang depenisyon ng political dynasty,
01:53bagay na 38 taon ang hindi inaakda ng Kongreso.
01:58Bigo ang lahat ng panukala kaugnay niyan
02:01mula sa unang naihain sa 8th Congress,
02:04kahit nga dineklara ni dating Pangulong Noy Noy Aquino noong 2015
02:08na kailangan ng maipasa ang isang anti-dynasty bill.
02:13Wala rin na ipasang ganito ang kanyang administrasyon,
02:17kahit sa mga sumunod na Kongreso.
02:19Ang bilang ng mga panukala, paunti ng paunti.
02:24Sabi nga ng mga eksperto noon pa,
02:27paano papasa ang anti-dynasty bill
02:29kung makasasama ito sa interes mismo
02:32ng mga politikal na pamilya.
02:34Ang pag-define nitong pagbabawal na ito
02:39ay iniwan ng konstitusyon sa Kongreso,
02:43sa Kamara at sa Senado.
02:45At mag-aapat na dekada na,
02:48dahil ang Kongreso natin ay pinupugaran
02:52ng mga miyembro ng political dynasty,
02:55ay hindi nila itinasay ito.
02:57That has been the story of the anti-political dynasty bill
03:01for the longest time.
03:0222 membro nito ay nasa Senado.
03:06Apat na pares ng senador ang magkapatid.
03:09At sampu ang may kamag-anak sa Kamara.
03:12Habang sa Kamara,
03:14dalawang daan at labindalawa
03:16o mahigit apat sa bawat limang kongresista
03:19ang mula sa political dynasties
03:21ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism.
03:26Kabilang ang mismong House Speaker
03:27na may labing apat na kaanak sa gobyerno.
03:30Pero nitong Nobyembre,
03:32ay idineklara na niya sa mga kasama
03:35na isusulong ang anti-dynasty bill
03:38bago pa ihain ang versyon niya
03:40ng panukala kahapon.
03:42Alam ko pong maraming magtataas ng kilay.
03:45Sa totoo lang po,
03:47marami po akong pamilya na nasa pwesto.
03:50Pero bakit nga ba dapat wakasan
03:53ang mga political dynasty?
03:55Sa pag-aaral ng Ateneo de Manila University
03:58School of Government noong 2022,
04:01lumabas na may kaugnayan sa kahirapan
04:03ang mga political dynasty.
04:06Sabi nito,
04:07sa ilang probinsya,
04:09ay may mga negosyong nakikipagtulungan
04:11sa mga dynasty
04:12para palawigin pa
04:13ang di pagkakapantay-pantay
04:15sa politika at yaman.
04:17Sa ngayon,
04:18di nabababa sa isang dosena
04:20ang nakahaing anti-dynasty bill
04:22sa Kabara
04:23na sisimulang talakayin sa Enero.
04:26And there are two schools of thought.
04:28Democracy essentially about
04:29having to choose as many candidates as possible.
04:32That's one thing that we also need
04:34to balance out
04:35with attempt to regulate
04:38what's accepted and what is not.
04:41So it really needs a thorough deliberation
04:43from the House members.
04:44May mga pangamba
04:46na baka propaganda lang ito
04:48upang ilihis ang atensyon
04:50sa flood control controversies.
04:53Pero ako po
04:54ay optimistic
04:55na seryoso ang Pangulo.
04:58It must be passed
04:59before the election process begins
05:01for the 2028 national election.
05:06Suportado rin ng ilang senador
05:07ang anti-dynasty bill.
05:09Pero kung hindi pa rin ilulusot
05:11ng mga mababatas,
05:12may isa pang paraan.
05:14Sana, may pasan ng kongreso.
05:17Pero kung hindi,
05:18mayroong judicial legislation
05:20na kung tawagin.
05:22The other track,
05:24siguro pag-aralan ng Supreme Court.
05:27Kasi mayroong,
05:29if I'm not mistaken,
05:30around 10 petitions
05:32before the Supreme Court
05:34to declare
05:38political dynasties
05:41as contrary to the Constitution.
05:43Now, we have a very rare opportunity
05:46in which
05:47the flood control scandal
05:50has resulted
05:51in the weakening
05:52of the political dynasties.
05:55And the administration
05:57is politically wounded
05:59and the only way
06:00for this administration
06:03to regain
06:04at least
06:05some level of trust
06:07from the public
06:08is for them
06:09to push
06:10for
06:10an effective
06:12package
06:14of political
06:15and governance
06:16reform
06:17to address
06:18corruption.
06:19And one of the
06:21main component
06:22of this reform
06:23package
06:24is the passage
06:25of the
06:25Anti-Political
06:26Dynasty Bill.
06:28Para sa GMA Integrated News,
06:31Tina Panganiban Perez,
06:33Nakatutok,
06:3424 oras.
06:38For more information,
Be the first to comment
Add your comment

Recommended