Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Martes Feb. 3, 2026.


- Lumubog na MV Trisha Kerstin 3, natunton na ng PCG


- 4 na suspek sa pagpatay sa pulis na itinapon sa septic tank, arestado; 7 kabilang ang gunman, tinutugis


- Pagpatay sa Mag-inang Mollenido, isinalaysay ng DILG


- Panukalang 'no work, no pay' para sa mga mambabatas, inihain sa Kamara


- "Sufficiency in substance" ng unang impeachment complaint vs. PBBM, tinalakay ng House Committee on Justice


- Pre-trial ng mga kaso nina Sarah Discaya at 9 na iba, ipinagpaliban sa Feb. 27


- Reklamong qualified theft, muling inihain ni Michelle Dee laban kay alias Totoy


- Pagbandera ng mukha nI DOT Secretary Christina Garcia-Frasco sa ilang Tourism materials, pinuna sa Senado


- Sen. Marcoleta at Sen. Pangilinan, nagkainitan sa plenaryo sa gitna ng isyu ng pambabatikos ng China sa ilang opisyal ng Pilipinas


- 'Never say die,' pinuri ng netizens dahil sa napapanahong tema at kuwento


- 3 lalaki, sugatan matapos pagtulungan umanong bugbugin ng 13 lalaki


- Bagyong Basyang, posibleng mag-landfall sa CARAGA sa Huwebes


- Mga asong nag-a la hotdog, paruparo, bumbero at iba pa, rumampa sa parada sa Bolivia


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
07:29Non-existent.
09:59We're right back.
10:59Anukala, hindi naman daw mag-a-apply yung no work, no pay kung ang dahilan ng pag-aabsent ay valid naman
11:04o merong makatwirang dahilan gaya ng pagkakaroon ng sakit ng isang mamabatas.
11:09Pero dapat ito po ay merong patunay mula sa isang licensed physician,
11:13meron pong official travel abroad o kaya sa ibang lugar,
11:16basta ito po ay otorizado rin ng Senado o kaya ng Kamara
11:19at meron na po talaga nakaschedule na leave of absence na dapat ay aprobado rin.
11:24Tinanong namin ng mga kapuso kung paboro sila rito.
11:27Sila pumapasok pa petik-petik lang tapos kami,
11:32yung mga mahihirap, nagtrabaho ng maayos, kinukulangan ang sahod.
11:37Kung palabsent kayo, di wala ka sahod. Diba tama yun sir? No work, no pay.
11:41Parehas ang laban. Ang mga palabsent, hindi talaga dapat naman ang kulang.
11:47Kung hindi niya kaya, ano yung tungkulin niya? Gawin.
11:52Tinanong din namin ang mga kapuso online kung pabor sila sa panukala.
12:00Sang-ayon ang karamihan sa kanila, tulad ng isa na nagsabing ang pinapasweldo sa mga mambabatas ay hard-earn money.
12:07Kaya dapat paghirapan nila ito.
12:09Sabi pa ng isa, kung yung mga nasa laylayan nga, ganyan ang ipinatutupad, dapat sa kanila rin.
12:16Komento naman at isa, sana pumasa ang panukala hanggang sa presidente.
12:21Kailangan din daw na bukod sa hindi sila mababayaran.
12:24Magkaroon din ang parusa kung laging kaugalian na ang pag-absent.
12:29Sabot ng isa pa, ang ordinaryong manggagawang araw.
12:32Kapag hindi nakapasok ng tatlong araw, nang walang pahingulot, a wall agad.
12:37Ayon sa po-author ni Marcos sa panukala na sinabotas,
12:40Rep. Toby Tianko, na-inspire kung ano siyang mag-refund ng isa pang bill,
12:45kahit mga mambabatas ang tatamaan.
12:47Natuwa ako dun sa no-work, no-pay bill kasi it shows na gusto na natin mag-reforma dito sa House.
12:55Noong 17th Congress, noong 2016, may final na akong bill, no,
13:01ipagbawal na yung numero 8 plaka.
13:04Since mukhang seryoso naman ng reforma dito,
13:09i-re-refile ko at sana naman umusad yun para wala ng 8 plaka.
13:14Pabor din si Sen. J.B. Ejercito sa panukala.
13:17May ninuluto na umanong ganito sa Senado.
13:20Nabanggit pa nga niya sa Sen. Bato de la Rosa na Oktubre pa huling pumasok.
13:25Hindi na nagpakita sa Senado si de la Rosa muna ng mabalitaang may areswarang kumano
13:29na in-issue sa kanya ang International Criminal Court o ICC.
13:33Si Sen. Bato, kung tinano natin yan,
13:37ang proposal nga eh, suspend na muna yung sanaries niya.
13:40Ang hindi siya pumapasok.
13:41So, hindi na natin kung okay sa kanya.
13:45Proposal ni Sen. Bato de la Rosa nga.
13:46Para sa GMA Integrated News, ako ko si J.P. Sorian.
13:50Ang inyong saksi.
13:51Pagbabotohan bukas na House Committee on Justice kung sufficient in substance
13:57ang unang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
14:02Saksi, si Tina Pangalitan Perez.
14:04Paano nga ba dapat sukatin kung ang impeachment complaint ay sufficient in substance?
14:13Sa ilalim ng Section 5 ng Rules on Impeachment.
14:16Sufficient in substance ang isang impeachment complaint kung may recital of facts
14:21o malinaw na salaysay na mga pangyayari at aligasyon na hindi paratang lang,
14:27kundi pasok at tugma sa mga ground for impeachment.
14:30Sufficiency in substance is not about whether allegations are loudly made,
14:40repeatedly asserted, passionately believed, or politically resonant.
14:47It is about whether the complaints allege ultimate facts, not mere conclusions,
14:56whether they show a personal, culpable act or omission by the impeachable official,
15:03and whether those acts, as pleaded, amount to culpable violation of the Constitution,
15:11treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust,
15:21as the Constitution strictly enumerates.
15:26Pinaigting din ng Kumite ang sukatan matapos manalo sa botohan na dapat authentic
15:31ang mga dokumentong kalakip ng complaint.
15:33Tatlo ang grounds for impeachment ng de Jesus complaint, betrayal of public trust,
15:40culpable violation of the Constitution, at graft and corruption.
15:44Isa sa mga puna, puro news article daw ang basehan sa aligasyong kinidnap
15:49at binigay sa ibang bansa si dating Pangulong Tuterte.
15:53The first offense, most of the annexes are news articles.
16:00It might be insufficient for evidence to be based on mere news articles only.
16:11Honorable ni Sai, the question is very specific.
16:15Whether or not you are aware of a case of kidnapping filed against the impeachable official.
16:21Sinita rin ang basehan ng aligasyon na drug addict daw ang Pangulo,
16:40kaya epektado ang kapasidad na mamuno.
16:43This ground presupposes that because PBBM is an addict or an alleged addict,
16:51he is unfit to be president.
16:53However, unfitness per se is not a ground for impeachment.
17:00Ganon din ang aligasyong hindi binito ng Pangulo
17:02ang Unprogrammed Appropriation sa budget noong 2023 hanggang 2026.
17:08At kumikbak din daw ito sa mga budget insertion at ghost flood control project
17:14na ang basehan ay mga video na pino sa Facebook ni dating Congressman Zaldico.
17:19Video exposes abroad wherein we in the later part will have to hear this particular person has to be present.
17:31Otherwise it's a piece of paper and a piece of video that is not allowed to be introduced in any proceeding.
17:38Inusisa rin ang basehan ng aligasyong binoo ng Pangulo
17:42ang Independent Commission on Infrastructure para protektahan ang mga kaalyado niya.
17:47Ipinagpabukas ng House Committee on Justice ang botohan
17:50sa sufficiency in substance ng DeJesus impeachment complaint
17:54para raw mabidyan ang pagkakataon ng mga kongresistang pag-aralan ng issue.
17:59Ipinagpabukas din ang pagtalakay sa sufficiency in substance
18:02ng pangalawang reklamo, ang Masa et al impeachment complaint
18:06at bukas din inaasahang pagbobotohan nito.
18:09Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
18:18Ineurong po sa February 27 ang pre-trial para sa mga kasong kinakaharap ni Sarah Descaya
18:23at siyem na iba pa dahil sa maanumalya umanong flood control project sa Dapo Occidental.
18:29Saksi, si Joseph Moro.
18:31Kanina dapat ang pre-trial sa RTC Branch 27 sa Labo Lapu City
18:39ng mga kaso labang kinasara Descaya,
18:42Executive Officer ng St. Timothy Construction na si Maria Roma Rimando
18:45at walong opisyal ng DPWH.
18:48Kaugnaya ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act
18:51at Malversation of Public Funds dahil sa maanumalya umanong 96.5 milyon pesos
18:57na flood control project sa Dabao Occidental.
19:00Pero ipinagpaliban ang pre-trial sa February 27.
19:03Sa pagdinig kanina, pansamantalang pinagdigyan ng Korte
19:06ang hiling ng kampo ng mga akusado na via videoconferencing na lamang
19:11ang kanilang pagdalo sa mga susunod na pagdinig
19:13dahil daw sa kanilang siguridad.
19:15Inutusan din ang Korte ang prosekusyon na tapusin ang paglalagay ng markings
19:20sa mga dokumento magsisilbing ebidensya.
19:23Sinubukan ng GMA Integrated News na kunin ang pahayag ng kampo ng mga akusado
19:27pero tumanggi sila.
19:29Hindi rin nagbigay ng kalagdagang detalye ang Visayas Ombudsman.
19:33For your attention na nagfocus mo sa kanyang corruption cases
19:38but in difference to our central office,
19:41we were given orders to let them give
19:47kanabit ang mga press releases.
19:50So, I'm sorry, I cannot say anything about the case.
19:56Di rin ginaman ang petition for bail na inihain ang mga akusado
19:59pagkatapos ng pre-trial.
20:01Ang walong luxury vehicle si Nazara Descaya at asawang si Pacifico
20:05ipasusubasta ng Bureau of Customs sa February 11.
20:09Isa rito ang Rolls Royce na sumikat dahil sa payong nito.
20:12Inaalok na ito ngayon sa P29 million pesos.
20:16Pinili ng BOC na isubasta pa rin ito kahit pwede na itong i-direct offer.
20:21Mas less questions.
20:22We are trying to avoid actions that would cast doubt.
20:26Ang mga sasakyan ng mga Descaya,
20:28bahagi ng apat na bilyong pisong halaga ng mga ari-arian
20:31na hinahabol ng Technical Working Group na binuo
20:34ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
20:37Bahagi yan ang P24.7 billion pesos na asesori-arian
20:42ng 140 individual at 300 korporasyon na sangkot sa flood control scandal.
20:50Kaya hiniling na ng Anti-Money Laundering Council o AMLC na ifreeze.
20:54Pinag-usapan na ng TWG kung anong mangyayari sa paghabol
20:58kung sakaling buwagin ang ICI.
21:01Pero sa ngayon tuloyan niya ang trabaho.
21:03Each individual agencies na mag-disengage or for example naman halimbawa
21:09mag-sisist to exist that the TWG's work would still continue
21:16because we discussed amongst ourselves na what we do here would also be valuable
21:22for other agencies like the Sandigan Bayan, the Ombudsman.
21:27I think it was designed to exist outside the ICI.
21:30Sabi ng Justice Department, maaari pa rin ituloy ang forfeiture
21:34o pagbawi sa mga ari-arian kahit wala na ang ICI.
21:38Ang position kanina, what was agreed upon is that the work never ends
21:41despite the ICI being dissolved if that even happens.
21:45Sabi dati ni ICI Special Advisor Retired General Rodolfo Azurin
21:49nasa Pangulo na kung ipatutuloy pa niya ang trabaho ng ICI.
21:54Pero sabi ngayon ng Malacanang, depende na raw yan sa ICI.
21:58Kasi independent commission sila.
22:00So ang magiging desisyon nila, doon lang po ang Pangulo.
22:03Sa mga original na commissioner ng ICI ay tanging si ICI Chairman Retired Justice
22:08Andres Reyes Jr. na lamang ang natitira.
22:11Wala pang pumalit sa mga nagbiti na commissioner.
22:14Sabi ng Malacanang nasa ICI kung gusto pa nila ng mga bagong commissioner.
22:19Independent body po kasi ang ICI.
22:21So ayaw po makialam ng Pangulo kung ano po ang magiging desisyon nila.
22:24Kung ang desisyon po nila ay gusto nila na magkaroon ng panibagong miyembro,
22:28sabihin naman po nila sa Pangulo.
22:30Hiniingan pa namin ang pahayag si Reyes at ang ICI.
22:34Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
22:39Isa sa ilalim sa preliminary investigation ng Makati Prosecutor's Office
22:43ang panibagong reklamang qualified theft na inihay ni Michelle D.
22:47Laban kay Alias Totoy.
22:49Saksi, si John Consulta.
22:51Nitong biyernes, muling inihain ng beauty queen at aktres na si Michelle D.
22:59Sa Makati Prosecutor's Office,
23:01ang reklamang qualified theft laban kay Alias Totoy,
23:04ang dating driver at personal assistant ng kaibigang si Rian Ramos.
23:07Ang allegation po na kinuha niya po yung ampaw na naglalaman po ng 10 items,
23:16na valuable items ni Michelle D. without her knowledge and consent.
23:20Paliwanag ng abogado ni Michelle, kailangan i-re-file ang reklamo para masunod ang tamang proseso.
23:26Na-dismiss kasi ang naunong reklamo ni D.
23:29Dahil hindi na raw maaaring ma-inquest si Alias Totoy noon dahil mahabang panahon na ang lumipas mula nung mangyari ang umuripang hinakaw noong Desyembre.
23:37Ayon daw sa Prosecutor, kailangan na raw dumaan ang reklamo sa preliminary investigation.
23:43Naging issue lang po doon sa resolution ng Office of the City Prosecutor noong January 19, inquest investigation,
23:50is whether or not subject po ba for inquest yung kaso.
23:55Kaya sinabi po nila na dalhin sa regular preliminary investigation at doon po natin investigahan
24:01at saka po nila a-aksyonan ang merits ng kaso whether or not there's a reasonable certainty of conviction to indict Mr. *** for qualified theft na i-final po ni Ms. Michelle D.
24:16Kalakit ng reklamo ang litrato ng umunitinuhan ni Alias Totoy nang walang pahintulot ang ampaw na may lamang mga valuables daw ni D.
24:24Sampu daw ang laman ng ampaw at siyam dito isinuri na ni Alias Totoy.
24:29Pero may isa pang nawawala na nauna na niyang sinabi na wala raw ito sa kanya.
24:34Kanina kasamang NBI, binalikan ni Alias Totoy ang Makati Police Station kung saan siya dinala patapos ireklamo doon ni D.
24:42Aligasyon niya, sinaktan umunit siya ng mga polis habang nakaditine mula January 19 hanggang sa mapalayan noong January 22.
24:50Ipinakita ni Alias Totoy kung saan siya idinaan at ang kwarto na pinangyarihan ng umunoy pananakit.
24:56Nangako si Makati Chief of Police, Police Colonel Pedro Alagano, ng full transparency at cooperation sa investigating team.
25:03Binigyan din ng Makati Police ang NBI ng kopya ng CCTV habang andun si Alias Totoy.
25:09Para sa GMA Integrated News, ako si John Consulta, ang inyong saksi.
25:15Binusisi po sa Senado kung bakit ang mukha ni Tourism Secretary Cristina Garcia Frasco ang lagi raw nakapronta sa mga tourism campaign imbes na ang magagandang tanawin ng Pilipinas.
25:29Gaya na lang daw ng pagkakalagay ng mukha ni Frasco sa front page na isang magazine, pati na sa tarpaulin sa Boracay Airport at ang larawan niya sa Lake Cebu sa South Cotabato.
25:39Ang depensa ng kalihim, hindi nila kinomisyon ang pagkakalagay niya sa magazine na nag-cover sa Philippine Pavilion sa Osaka, Japan.
25:48At hindi rin daw niya iniutos na maglagay ng welcome tarpaulin na may mukha niya sa Boracay Airport habang ginagawa lamang daw niya ang kanyang trabaho sa Lake Cebu.
25:58Kaya meron siyang larawan doon.
26:00I have tried to be as present as possible in our destinations and for our stakeholders.
26:09That is the extent of the duty that I have exercised and nothing more.
26:15Perhaps if it is the pleasure of the Senator that I no longer visit our destinations or that there be no coverage of the same, we can take that into serious consideration.
26:25Of course, ma'am, you can visit. Why not? What I'm saying is, yun po nakakalata yung mga tao na parang pinupromote yung Saudi Muford.
26:37Nagkainitan sa plenario si na Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Kiko Pangilinan sa gitna po ng isyo ng pambabatikos ng Embahada ng China sa ilang opisyal ng Pilipinas.
26:47Saksi, si Ian Cruz.
26:48Pagkainitan sa mga pahayag ng Embahada ng China laban sa ating mga opisyal at istitusyon,
26:57ang Resolution 256 ni Sen. Kiko Pangilinan.
27:01Pero ang isas ay giniit ni Sen. Rodante Marcoleta sa kanyang interpellation.
27:06Kailangan tukoy ng Pilipinas ang hangganan ng ating teritoryo.
27:10Ito ay niya ang dapat inuuna ni Commodore J. Tariela na isumite sa International Hydrographic Organization.
27:16Kesa sasabihin natin, gagawa ng limbawa ng karikatsyur.
27:21Para sa ganun, alam na natin, maiguguhit na natin,
27:26hindi lamang tayo lang ang nakakaalam ng ating West Philippine Sea,
27:30pati po doon sa S-23. Ito po yung International Hydrographic Organization.
27:38Paalala ni Pangilinan, dinepensahan na ng Defense Department at sa natahang lakas ang binanggit noon ni Tariela.
27:45Eh hindi ba dapat susugan natin at suportahan natin at we rally behind our armed forces,
27:51our Department of National Defense, rather than kautao, not kautao,
27:56but rather than give China the benefit of the doubt as regards their motivations in attacking one of our men in uniform.
28:07Suportado si Pangilinan ang kasama sa mayorya na si Sen. Riza Ontiveros.
28:12Sinabi ni Sen. President Tito Soto, maaaring ma-epekto na sa national security ang balitaktakan ni Napangilinan at Marcoleta,
28:20kaya sinuspindi ang sesyon ng presiding officer na si Sen. President Pro Tempore Ping Lakson.
28:26Madalas pasok sa Foreign Relations Committee ang ganitong mga issue,
28:30pero hindi na yan hahawakan ni Senadora Aimee Marcos,
28:33ang chairperson nito mula August 2022.
28:36Hinirang na bagong chairperson nito si Sen. Erwin Tulfo.
28:40Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
28:51Simula pa lang, bumuhas na ang papuri online sa Kapuso Action Drama Series na Never Say That.
28:58At sa mga nakapanood sa unang episode, napapanahon ang tema at ang kwento ng seri.
29:03Sa ininaos na watch party nito kagabi, kasamang nanood ang mga bidang sina Jillian Ward at David Licauco.
29:11Si Jillian ay gumaganap bilang vlogger habang investigative journalist ang karakter ni David.
29:18Ayon sa cast, patikin pa lang ang mga maaaksyong eksena na napanood na.
29:23Naghampasan ng silya saka nagsuntupan ang ilang lalaki sa isang food festival sa Kalinog, Iloilo.
29:35Alpo sa pulisya, pare-parehong lasing ang mga sangkot.
29:39Pirang tulungan umanong bugbugin ng labing tatlong lalaki ang tatlong lalaking biktima.
29:43Paalis raw ang mga biktima ng banggain umunan sila ng mga suspect sa kahinapol hanggang sa humantong sa komosyon.
29:51Nagtamon ang mga sugat sa katawan ang tatlong biktima na posibleng napagtripan lang daw ayon sa pulisya.
29:58Nukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspect na sasampahan ng kaukulang reklamo.
30:06Apektado na ng trough o buntot ng bagyong basang ang ilang bahagi ng bansa.
30:10Huli na mataan ang bagyo sa layong 1,010 kilometers sila nga ng northeastern Mindanao.
30:15At basa sa forecast track ng pag-asa, posibleng itong mag-landfall sa Karaga sa Webes ng hapon.
30:21At bukod sa bagyo, naka-apekto pa rin sa bansa ang amihan at localized thunderstorms.
30:27Basa sa datos ng Metro Weather, posibleng pagulan bukas sa ilang bahagi ng Cagayan, Isabela,
30:32ilang bahagi ng Cordillera, Aurora, Quezon, Palawan, northern Mindanao at Karaga.
30:37Hindi rin inaalis ang tsansa ng pagulan sa Metro Manila.
30:41Nakataas naman ang gale warning sa northern seaboard ng northern Luzon.
30:45Mga asong nag-ala hotdog o di kaya'y nagbihis paru-paro?
30:56Meron po niyan sa Bolivia kung saan da-anda ang fur babies ang rumampa kasama ang kanilang fur parents.
31:03Pasabog ang mga suot na costume kabilang na ang may pakpak.
31:07Na katulad po ng paru-paro, meron ding nurse, bumbero, aba, meron din isang hotdog stand.
31:20May ilan din nagbihis bilang mga sikat na karakter.
31:24Ang makulay at buhay na buhay na parada, bahagi ng kanilang tradisyon bago mag-Semana Santa.
31:30Salamat po sa inyong pagsaksi.
31:36Ako po si Pia Arcangel para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
31:42Mula po sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.
31:47Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging Saksi!
31:51Mga kapuso, maging una sa Saksi!
31:57Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended