- 1 hour ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Huwebes Jan. 22 2026.
- Ika-2 at ika-3 impeachment complaint vs PBBM, 'di tinanggap sa Office of the Secretary General sa Kamara dahil wala si Sec-Gen Garafil
- P800 umento sa buwanang minimum wage para sa mga kasambahay sa NCR, epektibo simula Feb. 7, 2026
- Ilang karinderya at tindahan ng damit, nasunog; 2 fire volunteer, sugatan
- Ru
- Mga naka-blur na mugshot ni Revilla at 6 na kapwa-akusado, inilabas ng DILG
ssian vlogger, inaresto at kinasuhan dahil sa content niyang pagbabanta umanong magkakalat ng HIV sa bansa
- Cambodian police, kinakausap ng PNP bilang bahagi ng pagtugis kay Atong Ang
- Bagon ng caterpillar ride sa perya, nadiskaril; 3 sugatan
- Zaldy Co, nagtatago sa mamahaling komunidad sa Portugal, ayon sa DILG
- Sunog, muntk na sumiklab sa Senado
- Kauna-unahang nuclear powerplant sa bansa, posibleng mag-operate sa 2032 --PNRI
- Restaurant sa Italy, sinira ng storm surge
- Record-low na lamig ngayong amihan season, naitala sa Metro Manila at Baguio
- Taylor Swift, pinakabatang female artist na mapapabilang sa songwriters hall of fame
- Lalaki sa Nueva Ecija, basketball player na, announcer pa
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Ika-2 at ika-3 impeachment complaint vs PBBM, 'di tinanggap sa Office of the Secretary General sa Kamara dahil wala si Sec-Gen Garafil
- P800 umento sa buwanang minimum wage para sa mga kasambahay sa NCR, epektibo simula Feb. 7, 2026
- Ilang karinderya at tindahan ng damit, nasunog; 2 fire volunteer, sugatan
- Ru
- Mga naka-blur na mugshot ni Revilla at 6 na kapwa-akusado, inilabas ng DILG
ssian vlogger, inaresto at kinasuhan dahil sa content niyang pagbabanta umanong magkakalat ng HIV sa bansa
- Cambodian police, kinakausap ng PNP bilang bahagi ng pagtugis kay Atong Ang
- Bagon ng caterpillar ride sa perya, nadiskaril; 3 sugatan
- Zaldy Co, nagtatago sa mamahaling komunidad sa Portugal, ayon sa DILG
- Sunog, muntk na sumiklab sa Senado
- Kauna-unahang nuclear powerplant sa bansa, posibleng mag-operate sa 2032 --PNRI
- Restaurant sa Italy, sinira ng storm surge
- Record-low na lamig ngayong amihan season, naitala sa Metro Manila at Baguio
- Taylor Swift, pinakabatang female artist na mapapabilang sa songwriters hall of fame
- Lalaki sa Nueva Ecija, basketball player na, announcer pa
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Nag-aaralan ang iba't ibang legal na hakbang na pwedeng gawin kasama na ang pagdulog sa Cortes Suprema.
00:37Saksi, si Tina Panganiban Teres.
00:42Ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:46Ihahain sana ng grupong bagong alyansang makabayan at mga kaalyado nito.
00:51Pero na magtungo sila sa Office of the Secretary General, tumanggi ang Executive Director ng tanggapan na tanggapin ang reklamo.
01:00Dahil nasa abroad si House Secretary General Celoy Garafil.
01:04Ayon sa kanya, wala siyang authority to receive the complaint.
01:08Nag-iwan kami ng kopya doon sa opisina.
01:12Under the rules, it is enough that we submit to your office.
01:15At we expect that on Monday, this will be transmitted to the office of the Speaker.
01:20Hindi binanggit sa konstitusyon yung word na Secretary General.
01:25Ang house lang ang naglagay ng Secretary General, sinunod naman namin ang nakalagay doon Office of the Secretary General.
01:32Ang grounds ng reklamo, betrayal of public trust, kognay sa umunoy-maanumalyang flood control projects.
01:39Kasama sa mga ginawa raw ng Pangulo na ka-impeach-impeach ay ang paglalatag ng sistema raw ng korupsyon sa pamamagitan ng allocables,
01:49pag-abuso sa kapangyarihan sa pag-amit ng unprogrammed appropriations,
01:53at personal na pagkakasangkot sa budget insertions at kickbacks.
01:58Kasama sa mga ebidensya ng grupo ang cabral files, affidavit ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
02:06na nagdetalya ng bilong-bilong pisong kickback o mano sa mga senador at opisyal sa ehekutibo
02:12at transcript ng Senate Blue Ribbon Committee Hearing.
02:17Ang nag-endorso ng reklamo ay sina Act Teachers Partialist Representative Antonio Tino,
02:22Kabataan Partialist Representative Renee Coe, at Gabriela Women's Party Representative Sara Elago.
02:29Nagtungo rin ang grupo sa office of the speaker, pero walang tao roon dahil naka-reses ang kongreso.
02:36Ang panawagan natin sa kanya ay tanggapin ito, tiyakin na matanggap ito, at tiyakin na maisama sa order of business.
02:48More than one impeachment complaint, sabay na i-re-refer sa Justice Committee para matiyak na kasama ang lahat ng ito sa iisang impeachment proceeding lamang.
03:00Handa naman daw silang bumalik sa lunes kung kailangan.
03:04Ang maletang ito na puno ng mga dokumento, kalakip sana ng ikatlong impeachment complaint,
03:10na biguring maihain, ng grupo naman ang ilang dating opisyal ng gobyerno.
03:15Lahat sila nakasuot ng pitch ribbon.
03:18This is the same color of ribbon that we wore during the successful impeachment of then Comedic Chairman Andres Bautista Jr.
03:28Pitch ito eh, impeach.
03:30Nag-iwan kami, pero hindi nilang tinanggap.
03:33We attempted.
03:35Sa hindi pagtanggap nila, it is not only a violation of the rules, but of course of the Constitution.
03:39There is no discretion given to the Secretary General to reject, screen, delay, or block such filings.
03:50Ang binanggit na grounds ng ikatlong reklamo ay culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, at other high crimes.
04:01Hindi pinangalanan kung sinong mga incumbent na kongresista ang nag-endorso ng reklamo dahil hindi naman daw ito tinanggap.
04:08Pinag-aaralan ng grupo ang iba't ibang legal options kasama ang pagdulog sa Korte Suprema.
04:15Why would we burden ourselves to go back here on Monday and be part of the moro-moro na alam naman namin yung scam impeachment ni Jesus ang iti-take up nila?
04:26Ang tinutukoy ay ang impeachment complaint laban sa Pangulo na inihain itong lunes,
04:31na kung tatanggapin ang Justice Committee ay magbabawal na sa ibang impeachment complaint laban sa Pangulo sa loob ng isang taon.
04:40The rules speak of file before the Secretary General, it refers to the office of the Secretary General, not to the person herself.
04:46Kasi pwede yung gawing excuse yan eh. Kung ayaw niya magpapal, hindi siya sisipot sa upilihan niya.
04:53Di ba? Pwede ba yan? Hindi naman siguro pwede yan.
04:55Sinisika pa namin kunan ang pahayag si Secretary General Garafil na tatanggap ng award sa Taiwan bukas kaya wala kanina.
05:04Sabi ng Malacanang, handa ang Pangulo sa reklabo.
05:07Ang malakas po ang loob ng ating Pangulo na wala po siyang nalabag na anumang batas at hindi po siya gumawa ng anumang impeachable offense.
05:16Sabi ng Palacio, kagabi ay nanatili at inobserbahan ang Pangulo sa isang pribadong ospital sa Quezon City.
05:23The President spent the night under medical observation as a precautionary measure after experiencing discomfort.
05:32His doctors advised rest and monitoring and his condition remains stable.
05:38Balik Malacanang na siya kaninang umaga.
05:41Dakong alas 4 ng hapon, nang ilabas ni Palas Press Officer Claire Castro ang video kung saan kinumusta niya ang Pangulo.
05:49I'm fine. I'm feeling very different from the way I was feeling before.
05:54I'm not naayos na yung problem.
05:56What happened was I apparently, and I now have diverticulitis.
06:00It's a common complaint amongst apparently people who are heavily stressed and people who are, I have to admit, growing old.
06:09Ang diverticulitis ay pamamaga ng bahagi ng large intestines na nagdudulot ng matinding pananakit ng tiyan.
06:16Ayon sa website ng Mayo Clinic, isang non-profit academic medical center sa Amerika, maaari itong magdulot ng dayarya at pagdumi ng dugo.
06:27Pinaghihinay-hinay rao ng doktorang Pangulo.
06:30Pero tila imposible ito ayon sa kanya sa dami rao ng kanyang trabaho.
06:35Pero kansilado na rin ang nakataktang pagpunta niya sa labas ng Metro Manila bukas.
06:40So sir, anong mensahe niya doon sa mga taong nais na kayo mawala sa pwesto?
06:45Huwag kayo muna masyadong ma-excited dahil it's not a life-threatening condition.
06:51The rumors of my death are highly exaggerated.
06:54Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panginiban Perez, ang inyong saksi.
06:59Good news po para sa mga kasambahay sa Metro Manila.
07:04Simula po February 7, efektibo na ang inaprubahang 800 pisong umento sa buwan ng minimum wage.
07:11Ang paalala po ng dole, may karampatang parusa kung hindi po susunod sa minimum wage ang employer.
07:18Saksi si Von Aquino.
07:19Mula 7,000 pesos na buwan ng minimum wage ng mga kasambahay sa NCR,
07:28simula February 7, 2026, magiging 7,800 pesos na ito.
07:33Ito'y matapos aprobahan ng NCR Wage Board ang 800 pesos na umento.
07:38Ayon sa dole NCR, ikinonsidera nila sa desisyon ng inflation rate at iba pang gastusin ng mga kasambahay.
07:45Wala namang petitions for wage increase but we opted to review the minimum wage ng ating mga kasambahay.
07:56Nung inanalyze namin ang data, kung ang nagiging sa 7,000 na yun yung current minimum,
08:03nakikita po namin na less than 300 lamang yung take-home pay ng ating mga kasambahay dito sa NCR.
08:11Pero kung ang kasambahay na itago natin sa pangalang Marie ang tatanungin,
08:15kulang pa ang 800 pesos na umento.
08:18Siya nga raw na 10,000 pesos kada buwan ng sweldo.
08:21Hirap na pagkasyahin dahil tatlong anak ang kanyang pinag-aaral.
08:25Hindi rin daw binabayaran ng kanyang amo ang kanyang mga social benefits tulad ng SSS at PhilHealth.
08:30Ang hiling sana, magkaroon. Hindi ko po kayang sabihin pero sana po meron para rin sa assurance ko na nagtatrabaho para sa kanila.
08:41Ang kasambahay naman na si Mary mapili, 8,000 pesos ang buwan ng sahod, na sapat naman daw dahil siya ay single pa.
08:48Saan yung usual na pupunta?
08:50Sa ano po, family ko po.
08:52Ano pa padala ko?
08:54Opo, hindi naman po. Siguro magtitira ako mga 1,500, gano'n.
08:58Ano po?
08:59Opo.
09:00Ang kanyang employer, handa naman daw taasan ang kanyang sweldo sakaling ipag-utos ng gobyerno.
09:05I do it pag kaya ko. Tinataasan ko talaga. After all, kunti lang naman.
09:16Life is difficult now. Yung 8,000, di nga nila kayang i-manage yun sa pamilya nila.
09:22Ang Dole NCR magsasagawa ng information drive kaugnay sa bagong minimum wage na mga kasambahay.
09:27Paalala nila sa mga employer.
09:30Mag-comply po sa bagong minimum wage.
09:33Kung talagang hindi nagbabayad, may sanction po or penalty laban dito sa ating mga employers na hindi sumusunod sa minimum wage order.
09:44Para sa GMA Integrated News, Bon Aquino ang inyong saksi.
09:48Nasunog ang ilang karinderya at tindahan ng damit sa isang commercial area sa Monumento, Kalaokan, kanina hapon.
09:57Tumagal na halos isang oras ang sunog na umabol sa ikalawang alarma.
10:01Isang fire volunteer nasugatan sa kamay habang isa pa ang nahirapan namang huminga.
10:06Inaalam pa kung ano ang sanhinang sunog.
10:08Kinasuhan ng DILG at posibleng ma-deport pa ang isang Russian vlogger na nagbantaan mo nung magkakalat ng HIV para sa content.
10:21Sa isang mensahe, sinabi ng vlogger na wala naman talaga siyang HIV at inakala niyang magiging meme lang ang kanyang video.
10:28Saksi, si Ian Cruz.
10:30Marami ang nabahala sa viral video ng Russian vlogger na ito kung saan nagbanta siyang magkakalat-umano sa Pilipinas ng Human Immuno Deficiency Virus o HIV.
10:48Dahil dito, inaresto at kinasuhan ng DILG ang vlogger na si Nikita Shekhov.
10:53Nakikita niyo naman na hindi lang, siyasabi niya ang pagkakalat niya ang kanyang sakit na HIV, minumura pa ang lahat ng Pilipino.
11:05Ayan ang nakakapikong.
11:06Isinailalim sa HIV test si Shekhov.
11:09Negative po siya sa HIV, negative po sa lahat ng STD. In other words, nagpapasikat lang ginagamit ng mga Pilipino.
11:18Sinampahan din siya ng deportation case ng Bureau of Immigration.
11:22Kung magkaroon po siya ng local case, aantayin po natin na matapos at magkaroon ng resolusyon yung local case na yun.
11:30Kung siya po ay hatulan ng Korte ng pagkakakulong, we would have to wait po until ma-serve niya yung sentensya dito sa Pilipinas before po natin ma-implement yung deportation.
11:41Hindi nagbigay ng pahayag si Shekhov sa press con.
11:44Pero sa isang naunang pahayag, sinabi niyang hindi niya intensyong gumawa ng negatibong content para sa iba.
11:50Ginawa lang daw niya ang video dahil sa sinasabi raw ng ilang Pilipino sa kanya.
11:55Akala niya magiging meme ito at mag-aattract lang ng atensyon.
12:00Gaya ng magiging reaksyon daw sa ganitong klaseng content kung ginawa ito sa Russia at Amerika.
12:07Pero hindi ganun ang naging pagtingin ng mga Pilipino.
12:10Nire-respeta raw niya ang kultura ng mga Pinoy.
12:14Wala rin daw siyang HIV at wala rin daw siyang intensyong ikalat ito.
12:19Bukod kay Shekhov, naaresto rin ang Estonian vlogger na si Sim Rosipu.
12:25Matapos ang mga reklamo ng offensive remarks at harassment dahil sa pagkuhamano niya ng video sa mga Pilipino nang walang pahintulot.
12:33Ininiklara rin siyang persona ng grata sa Dumaguete City, Negros Oriental.
12:39The guys, they look so monkey sometimes. Like so monkey face.
12:43Pumiigot po siya sa Dumaguete at iasabi niya at nagbablan siya.
12:48Iasabi niya ng lahat ng Pilipino nang pahintuloy.
12:52Plano ng BI na ipadeport ang Estonian vlogger na overstaying na umano ng ilang linggo sa Pilipinas.
12:58Dadalhin ng vloggers sa korte at maharap sa Paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at Paglabag sa Anti-Cyber Crime Law.
13:08I'm very sad. If somebody was offended, I'm very sorry about this. Maybe my understanding of this situation was wrong.
13:16Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
13:23Nakatakdang basa ng sakdal si dating Sen. Bong Revila bukas.
13:26Para sa kaso malversation, kaugnay sa umano yung ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
13:32Kanina, inilabas ng DALG ang mga mugshot ng dating senador at ng anim na kapwa-akusado niya.
13:39Saksi, si Marie Zumali.
13:45Nakadilaw si na dating senador Bong Revila at anim na iba pang-akusado sa flood control scam
13:50sa nakablur na mugshot nila na ipinakita sa media.
13:53Sila yung mga nakapiit ngayon sa New Quezon City Jail.
13:56I hope that clears everything na ando-doon siya.
14:00I'd like to repeat, walang special treatment.
14:04Kung iniisip nyo na lakatidral ang bahay nila, kung ang titira niya ngayon, hindi po.
14:10He is a regular inmate in Payatas City Jail.
14:13Just to be clear.
14:14Pagpatak ng alauna ng hapo na simulan ng oras ng DALG ay isa-isang nagsidatingan ng mga kaanak ni Revila,
14:20kabilang ang kanyang may bahay na si Kavita 2nd District Representative Lani Mercado
14:24at anak na si Najiana at Aguimat Bartalist Representative Brian Revila.
14:30May nagdala rin ng pagkain na pinapayagan ang patakaran ng BJMP.
14:33Hindi lang pwedeng magluto sa loob.
14:36Sinagad nila ang oras ng DALAW at bago mag-alas 5 ay nagsilabasa na ang mga bisita.
14:41Kung yung moral lang po ni Senator,
14:43Makikita siya yung sa tomorrow.
14:45Nasa-sendigan ko sa tomorrow.
14:46Kumusta po kayo?
14:47Okay naman po.
14:49Ayon sa DILG, may inila ang kwarto sa detention facility kung saan maaari raw nilang makapulong ang kanilang mga abugado.
14:55Bawal din ang gadget maliban sa pakikipag-usap daw sa abugado.
14:58That is the only time na makagamit siya ng gadget para sa mga abugado.
15:03But otherwise, ang privileges ng Senator ay pareho sa privilege ng shoplifter.
15:10Pare-pareho lang.
15:11Inulit niya ang paliwanag ng BJMP kung bakit nasa tigitigis ang selda muna ngayon,
15:16si Narevilla at si nadating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Bryce Hernandez,
15:21dating DPWH Bulacan First District Engineers JP Mendoza at RJ Dumasi,
15:26at dating Finance Section Chief at Accountant Juanito Mendoza.
15:30Dahil mandatory sa BJMP, kung bagong inmate ka, may 7-day quarantine para tignan kung may infectious disease na sakatuan mo.
15:41So after the 7 days, they will be incorporated into the general population.
15:47Nang tanungin kung nasasaktan ba siya sa sitwasyon?
15:50Of course.
15:51Sino-sino dito may kaibigan na nakulong nila?
15:54It pains me to see a friend go to jail.
15:58But my commitment to country goes beyond any friendship in this country.
16:03Unayin ko muna ang bansa kahit na ito mangyari.
16:05Hindi man masabi kung nakapag-adjust na ba si Rebilla sa piitan,
16:09tiyak naman po masa ito sa medical test ng dalihin sa New Quezon City Jail.
16:13Wala rin alam ang kalihim na medical condition ni Rebilla,
16:16maliban sa katarata na ipina-opera na raw nito noon.
16:19Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang Inyo.
16:23Saksi!
16:23Sinabi po ngayon ni DILG Secretary John Vic Remulia na nakikipag-ungnayan ng PNP sa Cambodian Police
16:33bilang bahagi ng pagtugis kay Atong Ang.
16:36Ay kay Remulia, kung nakalabas man ang Pilipinas,
16:39posibleng hindi dumaan sa mga paliparan si Ang.
16:42At sa halip, posibleng dumaan siya sa backdoor exit at nasa Southeast Asia lang,
16:47gaya ng hinala ng dati niyang tauhan at whistleblower na si Dondon Patidongan.
16:51May mga negosyo raw si Ang sa Kambodya at tinitingnan din kung maaling nasa Thailand si Ang.
17:01Inibisagan ngayon ang pagkadiskaril na isang ride sa isang perya sa Bulacan.
17:05Tatlo ang nasugatan sa insidente.
17:07Saksi si Dano Tim Kungco.
17:09Ito ang aktual na pag-rescue sa mga nasugatan matapos madiskaril ang isang bagon ng caterpillar ride sa perya sa Santa Maria, Bulacan.
17:26Tatlo ang nasugatan at dinala sa ospital kabilang ang isang lalaking apat na taong gulang.
17:31Base sa imbisigasyon ng Santa Maria Police, nakasakay sa isang bagon ng caterpillar ang bata at isang babaeng 30 anyos.
17:38According po sa ating operator, nung mismong caterpillar, papabagal na po siya.
17:45Bigla pong bumilis.
17:47Tapos bigla po siyang naliskaril sa kanyang linya at saka po siya kumbaga natilapon.
17:55Yung isang biktima natin ay nakatayo lang at natamaan nga siya nung bumagsak na bagon.
18:00Tumilapon ang babae at ang bata.
18:02At ang nadiskaril na bagon, tumama sa lalaking 47 anyos na nakatayo lang sa gilid.
18:08Nakalabas na kanina ng ospital ang bata pati ang 47 anyos na lalaki.
18:14Ang babaeng nasugatan, nasa ospital pa habang hinihintay ang resulta ng CT scan sa kanya.
18:19Makailang beses sinubukang hinga ng pahayag ng GMA Integrated News ang operator at may ari ng perya pero tumanggi silang magbigay ng anumang pahayag.
18:28Ngayong hapon, binalika namin ang perya pero wala raw doon ang may ari.
18:32Ayon sa polisya, nagkaaregluhan na ang may ari ng perya at mga sugatan matapos mga ako na may ari na sasagutin ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot.
18:41Ganun pa man ipinasara muna ng LGU ang perya habang iniimbisigahan ang kaligtasan ng mga atraksyon nito.
18:47Nag-inspeksyon kanina ang Santa Maria DRRMO, Business Permits and Licensing Office, BFP at polisya.
18:55Ayon sa Santa Maria Police, hindi tulad ng ibang ride ng automated, manual ang pagpapatakbo sa caterpillar.
19:00Pero hindi raw sila masagot ng operator sa tanong kung bakit biglang bumilis ang takbo ng ride kung sila ang may control sa bilis ng takbo nito.
19:08Yun din po yung pinaliwanag niya sa amin na pabagal na ho ang bagon at bigla na lang siyang bumilis.
19:15Kaya ganun na na-discarrill.
19:16Manual ho yun eh. Sila ho ang nagdidiktak kung gano'n ho yun kabilis o gano'n yun kabagal.
19:21Yun din po yung pilit namin tinatanong sa ating operator kasi ang operator po natin ay sila ho ang nagmamanage talaga ng bilis.
19:31Baka may kapabayaan talaga ang mismong operator dito.
19:35Para sa GMA Integrated News, ako si Dan at Ingko ang kongin yong saksi.
19:40Itinanggi na abogado ni dating Congressman Zaldi Ko na autorisado ang mga napabalitang paramdam umano ni Ko na naisang makipag-dialogo sa gobyerno.
19:50Ayon sa DALG, nagtatago umano si Ko sa isang mamahaling komunidad sa Portugal.
19:56Saksi si Joseph Moro.
20:01Yes, you know the exact community where he stays.
20:04Nila pwede gumasok parang Forbes Park.
20:06Ito kay rao ng DILG kung saan komunidad sa Portugal na nanatili ang wanted na si dating Congressman Zaldi Ko.
20:14Sinabi ito ni Interior Secretary John Victor Mulya sa isang press conference kanina.
20:18Pero hindi rin siya lumalabas. Ando doon yung operatives natin.
20:21Hindi ko makain sa labas eh.
20:22He's a poor man with a lot of money.
20:25Sa lahat ng pera niya, wala siya pabibili ng talayan.
20:28Naan na nang sinabi ng DILG na may paramdam na si Ko na gusto niya makipag-dialogo sa gobyerno.
20:34Ang malakan niya bukas naman kung gusto makapag-negursasyon ni Ko.
20:38Pero ipinauubaya ito ng palasyo sa ombudsman.
20:41Ang sabi naman din po, even before na ombudsman na ang lahat ng proteksyon na kailangan niya ay ibibigay.
20:47At kung ito po ay makakatulong para mahalaman natin ang katotohanan,
20:51ang gobyerno po ang pamahalaan ay open po para malaman kung ano ang kanya sasabihin.
20:56Yung kay Zaldi, third damn information, kaibigan ng kaibigan.
21:00So it's actually, it's ang valinance on the maritest level.
21:05No comment naman si ombudsman Jesus Crispin Rimulia na ang tanongin namin siya tungkol dito.
21:11Ayon sa abogado ni dating congressman Zaldi,
21:14kung meron daw mga feelers galing sa kanyang kliyente, ay hindi daw ito otorizado.
21:19Sabi ni Atty. Ruy Rondain sa pagkakaalam niya siya lamang ang otorizado magsalita para kay Ko
21:24at wala pa siyang anumang ipinarating na ganito.
21:27Isasiko sa mga akusado sa mga kasang graph at conversation,
21:30kaugnay sa 289 million peso go sa flood control project sa Nauan Oriental, Mindoro.
21:37Bukod sa mga kasas sa Sandigan Bayan, may reklamo rin plunder sa DOJ na inihain ng NBI laban kay Ko.
21:44Umuusa din sa DOJ ang mga reklamo laban kay Sen. Jenggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva
21:49kaugnay sa anomalya sa flood control projects.
21:52Ayon sa DOJ, ipatatawag na nila si Estrada na inaasahan maghahain ng kanyang counter affidavit.
21:58Si Estrada ay naharap sa plunder complaint sa DOJ.
22:01Si Villanueva naman naharap sa ilang reklamo kabilang ang paglabag
22:05sa Antigraft and Corrupt Practices Act, Malversation of Public Funds at iba pa.
22:10Nakapaghahain na siya ng counter affidavit sa ibang complaint
22:13at humingi naman ng extension hanggang January 26 sa isa pa.
22:17Ayon sa DOJ, sa labing apat na reklamong hawak nila, may tatlong malapit ng isang pa sa korte.
22:23We have three more cases ngayon na ghost projects din which we are expecting to be filed.
22:31I'm hoping that it will be finished within the week.
22:34I'm expecting it to be on my table by the end of the week.
22:38And then by next week, there will be filings as against officials of the DPWH in the 1st District of Bulacan.
22:46Ayon sa Director General ng Bureau of Corrections,
22:48inihandaan na nilang posibleng kulungan ng mga masisintensyahan sa flood control cases.
22:54Ang kulungan na tinutukoy niya ang tinawag na supermax o high security prison sa Occidental Mindoro.
23:00Ongoing kasi yung Mindoro kasi designated na supermax.
23:07So doon ilalagay lahat yung mga serious heinous crime offenders.
23:10First, this quarter, matatapos na just in case na kailanganin na maglagay ng facility para doon sa mga involved sa flood control.
23:22Para sa GMA Integrated News, ako sa Joseph Morong, ang inyong saksi.
23:25Munti ka ng magkasunog sa Senado.
23:29Base sa inisyal na investigasyon, pumutok ang isang power bank habang nakacharge sa Bills and Index Bureau.
23:35Huling nagkasunog sa Senado noong November 30.
23:38Dahil sa pumutok na electric kettle matapos itong maiwanang nakasaksak.
23:42Community journalist na si Frenchy May Cumpiu,
23:45kinatulang guilty sa kasong terror financing ng Tacloban Regional Trial Court.
23:50Ganito rin ang hatol sa isa pa niyang kapo akusado at dating karoommate na si Marielle Domechil.
23:56Sinintensyahan ng dalawa ng hanggang labing walong taong pagkakakulong.
24:00Pinawalang sala naman sila sa kasong possession of firearms and illegal possession of explosives.
24:05Inalmahan na kanila mga pamilya at abogado ang hatol ng korte.
24:09Plano nilang i-appela ang desisyon ng trial court.
24:11Taong 2020 na maaresto si Nakumpiu at Bomechil sa isang police raid sa Tacloban.
24:17Para sa GMA Integrated News, ako si Vona Quinong, inyong Saksi.
24:22Target ng gobyerno na sa 2032 may nuclear power plant na ang Pilipinas.
24:27Pero may mga hamon pa rin gaya ng kung saan ito ipatatayo at kung saan itatapon ang nuclear waste.
24:33Saksi si Mav Gonzalez.
24:35Sa pagdinig ng Senate Committee on Science and Technology,
24:41sinabi ni DOST Philippine Nuclear Research Institute Director Dr. Carlo Arcilia
24:46na sa 2032 posibleng mag-operate ang kauna-unahang nuclear power plant sa Pilipinas.
24:51Pero problema raw ngayon na mapapayag ang mga taong magtayo nito sa lugar nila.
24:56Ayon kay Arcilia, kung gusto natin ang mabilis na mapapatakbong nuclear power plant,
25:00pwedeng lisensyahan at i-activate ang bataan nuclear power plant.
25:05Kasabay raw nito itinayo ang tatlo pang nuclear power plant sa Slovenia, Brazil at South Korea.
25:10At apat na pung taon ang tumatakbo ang tatlong yun.
25:13Pero political daw ang problema kaya hindi mapatakbo ang BNPP.
25:17Sa ngayon, ang kadalasang problema raw ay tinututulan ito ng LGU.
25:21Sabi niya Arcilia, dapat magkaroon ng kasiguruhan na kung may maaprobahan,
25:27ay protektado ito sa pabago-bagong isip ng mga nakaupong politiko.
25:3180 taon daw kasi ang lifespan ng isang nuclear power plant.
25:34A nuclear power plant is designed to last for 80 years.
25:41And in 80 years, how many changes in local governments can happen?
25:44Pumasok yung bagong mayor, ayaw ko na yan o wala ng lisensya, paano yung?
25:48Ayon kay Department of Energy Director for Patrick Aquino,
25:52meron pang pagkakataon na iniipit ng LGU ang business permit.
25:56Requirement kasi sa lisensya ang Environmental Compliance Certificate
25:59mula sa DENR Environmental Management Bureau
26:02at dapat magkaroon ng public consultation.
26:05Hamon din daw sa Pilipinas mamili ng lugar kung saan ito ilalagay
26:09dahil marami tayong vulkan at fault lines.
26:12You cannot build a nuclear plant close on active volcano.
26:14Which means, hindi ka talaga pwede magpagawa ng nuclear plant sa Batangas
26:18kasi because of that.
26:20Doon din sa Albay because of Mayon.
26:23Iyon pa lang, hindi ka makakapag-first base.
26:26And second, you cannot be on top of an active fault.
26:32Kaya nga maganda yung Palawan kasi wala doon ng vulkan, walang fault.
26:35Pero for the fact, hindi po totoo ng Bataan Nuclear Plant
26:39ay may active volcano yung Mount Natib.
26:41Patay na po yung volcano yan.
26:42We just had brand new studies.
26:44Kailangan din daw magpasa ng batas ukol sa nuclear waste disposal.
26:48May phone-in question si Senator Wynne.
26:50Who will determine the location of the disposal of the waste?
26:53And what are the, I guess, ano po yung mga rules regarding waste disposal?
26:59The general principles of nuclear waste disposal is called geologic disposal
27:03because nuclear waste will last for 10,000 years.
27:07So you isolate it from human activity for 10,000 years.
27:10How do you do that?
27:11Several ways.
27:12One, you have a repository that's at least 500 meters deep.
27:16Our geothermal drilling already reaches 3 kilometers.
27:20If you ask me, and that's my expertise in nuclear.
27:24Hindi naman daw ganoong kalaki ang espasyong kakailanganin para sa disposal.
27:28Smaller than my thumbnail, one is worth 3 tons of coal.
27:34Yung fuel po ng BNPP, kakasya sa isang malaking jeep.
27:39That will last for 18 months.
27:42In contrast, kung coal plant po yan for 18 months,
27:46ang kailangan mong coal, 50,000 barko na 50,000 tons.
27:50Sa ngayon, may mga nagpahayag na ng interes sa gobyerno, pero wala pang nag-a-apply talaga ng lisensya.
27:56Nasa dalawa hanggang limang taon daw ang proseso ng paglisensya at pagpapatayo nito.
28:01Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
28:05Nabasag ang mga salamin at natangay ang mga upuan at lamesa ng pasuki ng daluyong ang isang kainan sa Italy.
28:19Bonsot po yan ang pananalasan ng Cyclone Harry sa Sicily.
28:23Nagdeklara na ng red alert sa ilang bahagi ng Sicily na pinaka-apektado ng bagyo.
28:28Magit isang libang rescuer naman ang dineploy.
28:31Nanalasan rin ng bagyo sa dalaw pang rehyon sa Italy.
28:35Muli na sila yan ang frost o andap sa bahagi ng Atok Benguet kaninang umaga.
28:42At halos mamuti na po ang mga pananim.
28:45Tagus sa buto ang lamig pati na dito sa Metro Manila.
28:49Kanina, naitala ang pinakamababang temperatura sa NCR para sa kasalukuyang amihan season.
28:5619.6 degrees Celsius po yan sa Science Garden sa Quezon City.
29:00At mas malamig pa sa Tanay Rizal na nagtala ng 17.2 degrees Celsius.
29:07At sa Baguio City na nagtala naman ng 11 degrees Celsius.
29:12Yan na po ang pinakamalamig na inabot sa City of Pines ngayong amihan season.
29:18Ayon sa pag-asa, posibeng tumawid hanggang Pebrero ang efekto ng amihan.
29:22At may posibilidad pa itong lumakas kaya asahan din ang mas malamig pang panahon sa mga susunod na linggo.
29:27Isa na naman po ang makasaysayang tagumpay ang nakabit ni international pop superstar Taylor Swift.
29:41Siya po ang pinakabatang babaeng mapapabilang sa Songwriters Hall of Fame sa edad na 36.
29:48Si Stevie Wonder ang may hawak ng record ng pinakabatang songwriter na kinilala ng institusyon noong 33 taong gulang siya.
29:56Nakatakdang igawad kay Taylor ang pagkilala sa Hunyo.
30:07Ibang klase po ang multitasking ng isang lalaki sa Pantabangan, Nueva Ecija.
30:12Habang naglalaro kasi sa isang exhibition game sa basketball,
30:16nagpakitang gilas ang lalaki hindi na bilang isa sa mga player,
30:19kundi pati na rin sa pagiging announcer.
30:22Sir, mikropono ang hawak sa isang kamay at bola naman minsan sa isa pang kamay.
30:32Sinubukan pa nga mag-shoot ng bola gamit lang ang isang kamay?
30:36Kinailiwan ito na maraming netizen at katunayan meron na itong halos 3 million views sa TikTok.
30:42Salamat po sa inyong pagsaksi.
30:48Ako po si Pia Arcangel para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
30:54Mula po sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.
30:59Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging...
31:03Saksi!
31:09Mga kapuso, maging una sa Saksi.
31:12Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments