00:00Patay ang isang rider habang labing dalawang sugatan sa iba't ibang disgrasya sa isang motorcycle challenge sa Mindanao.
00:07Kabilang sa nasaktan ang ilang minor de edad na nanonood lamang sa paligsakan na nilahukan ng humigit kumulang salibong tao.
00:16Nakatutok si Mariz Umali.
00:21Sa kuha na CCTV, marahang binabagtas na tricycle ang kalsadang ito.
00:26Nambiglang salpukin sa likod ng humaharurot na motorsiklo sa Digos, Davao del Sur, Pasado las 3 ng hapon itong February 1.
00:34Sa lakas ng impact, napaangat ang tricycle at ang bumanggang rider sumemplang.
00:39Isa lang yan sa magkakasunod na aksidenteng nangyari sa gitna ng Boss Ironman Motorcycle Endurance Challenge na inaimbestigahan ngayon ng Land Transportation Office.
00:48Sa talakag Bukidnon Crossing, nakuna ng rider na ito na may daladala pang mga bulaklak na bumagsak na sa kalsada matapos daw banggain ng rider.
00:57Ang lalaki, nagtamo ng bali sa kanang paa.
01:00Iba't ibang litrato at mga video pa ang nakalap ng LTO ng mga aksidente kabilang sa Compostela Davao de Oro.
01:06Kapiton Maguindanao del Norte, Kawit Kauswagan Lanao del Norte, Kapatagan Lanao del Sur, Kabakan North Cotabato, Kibawe Bukidnon, dito sa Pikong Lanao del Sur o mailalim pang motorsiklo sa ilalim ng bus.
01:21Ayos sa LTO, nasa humigit kumulang isang liburawang lumahok sa Boss Ironman Motorcycle Endurance Challenge na ginanap nitong January 31 hanggang February 1 sa Mindanao.
01:31Dito, bawat rider na kasali ay babagtasin ang kabuoang 1,288 na kilometrong ruta mula General Santos City at pabalik muli sa parehong syudad.
01:41Kasama sa ruta ang mga bahagi ng Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soxargen at BARMM.
01:48Pero sa kasamaang palad ayon sa LTO, labindalawang sugatan kabilang ang tatlong menor de edad na nanood lang.
01:55Sabi rin ng LTO, may isang rider na kalahok na namatay sa aksidente sa Kibawe Bukidnon.
02:00Base sa pauna ang imbestigasyon ng LTO, nangyari ang sari-saring aksidente dahil...
02:06Sandamakmak na traffic violation ang ginawa.
02:09Merong mga karamihan puro reckless, tumawid sa mga traffic lights.
02:15Araw-gabi yun na may mga nakuha kaming mga video na tumatawid lang sila dere-derecho.
02:21Tsaka yung mga double lane na umu-overtake sila sa double yellow lane, marami pong mga ganon silang ginawa.
02:30Sa kuhang ito, walang pakundangang nilalabag ng mga motorcycle rider ang stoplight kahit na malinaw na pula na.
02:37Yung nakikita ko po ma'am is yung nakikipaghabulan na hindi naman po ma'am karera.
02:44Nandun naman po ma'am yung mga marshal nag-guide sa kanila.
02:46Pero dinidisregard po ma'am yung mga instruction o yung kumpas ng mga marshal na mag-slowdown.
02:53Sabi ng LTO, wala raw koordinasyon sa kanilang organizers.
02:56Pinatatawag na ng LTO ang mga organizer ng Boss Ironman Motorcycle Challenge at pinahaharap sa hearing sa darating na biyernes.
03:06Nag-issue na rin sila ng show cause orders sa ilang mga lumahok para magpaliwanag sa kinasangkot ang aksidente.
03:11Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa DOTR at Kongreso para maimbestigahan ang insidente.
03:17What will happen?
03:19May mga legal procedures po kami na tinitingnan kung papaano namin sila mapapaharap.
03:33Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng BMW Owner Society of Safe Riders o BOSS na siyang nag-organisa ng event.
03:41Pero sa isang post sa Facebook, sinabi ng BOSS na bago ang event, pinaalalahanan ng lahat ng kalahok na sumunod sa lahat ng mga alituntunin at bigyang prioridad ang kanilang kaligtasan at kaligtasan ng publiko.
03:53Noong 2024, may dalawa na rin namatay sa Boss Ironman Challenge.
03:57Hindi po ito dapat ginagawa kasi ang laking ho ng perwisyo, ang daming namamatay, kawawa yung mga kababayan natin na nabibiktima.
04:07Tsaka wala pong excuse sa road safety.
04:12E ito pong ginagawa, lantara na po na hindi po nirirespeto ang batas trapiko natin.
04:21Para sa GMA Integrated News, Maris Umali Nakatutok, 24 Horas.
04:27Outro
Comments