Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00This is Philippine Goal.
00:07Live from the GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:20Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:24Pinasupina o pinatawag na ang negosyante si Atong Ang at ang aktres na si Gretchen Barreto.
00:31Kaugnay sa mga reklamang may kinalaman sa mga missing sa Bungero.
00:35Inisyo yan sa kanila at 60 iba pa ng Justice Department para humarap sila sa preliminary investigation na sisimulan sa susunod na linggo.
00:43Pati ang whistleblower na si Dondon Patidongan at kapatid niyang si Ella Kim.
00:49Nakatutok si Salima Refran.
00:54Pinasasagot na ang negosyante si Atong Ang, aktres na si Gretchen Barreto at 60 iba pa sa mga reklamang multiple murder at kidnapping with serious illegal detention, kaugnay ng missing sa Bungeros.
01:06Isinisilbi na ang mga sabina sa kanila para sa simula ng preliminary investigation sa susunod na linggo, September 18.
01:14As much as possible, we would require their presence.
01:19Pero sabi ko nga, kung meron silang may bibigay na justification kung bakit sila nagpa-subscribe sa iba, maaaring i-consider na panel of prosecutors yun.
01:28Hindi naman yan basta-basta na kung gustuhin namin, ayaw namin mag-appear dyan, dito kami magpapasubscribe.
01:34Hindi pwedeng at the whim or caprice of the respondents.
01:37Definitely, you can expect an evidence-based investigation and an evidence-based decision from the panel of prosecutors.
01:46Wala po tayong kinikilingan dito, kundi yung katotohanan lang po at kustisya.
01:51Kaya we just hope that they use this avenue and this channel for their own personal quest for the truth.
01:59Wala naman po tayong ibang gusto dito kung hindi lumabas ang katotohanan.
02:02Pinasabi na rin si dating NCRPO Chief Jonel Estomo at labing walong mga polis.
02:09Bukod sa murder at kidnapping, nahaharap sila sa mga reklamong enforced disappearance,
02:14paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, direct bribery, corruption of public officials, obstruction of justice,
02:21at paglabag sa International Humanitarian Law.
02:24Para ito sa pitong insidente na nauwi sa pagkawala na mahigit tatlongpong sabungero mula 2021.
02:32Kasama rin sa pinakaharap sa mga reklamo, ang magkapatid na don-don at elakim patidongan na nakikipagtulungan sa investigasyon.
02:41If the route that they are looking at is for them to be discharged as state witnesses,
02:46they first have to be charged in this case.
02:48To be able to be discharged as a state witness, considering po na pasok sila sa eligibility at qualifications ng isang state witness.
02:56Kasama na po dyan na hindi dapat sila pwede maging most guilty sa kaso.
03:00Sabi ng kampo ni Ang, bukas sila sa pagkakataong sagutin ang mga akusasyong binabato ni Dondon Patidongan.
03:08Hamon nila kay Patidongan, lumabas mula sa likod ni Justice Secretary Remulia at patunayan sa pamamagitan ng ebidensya ang mga akusasyon nito.
03:17Si Barreto, sinabing maglalabas ng pahayag ang kanyang abugado.
03:22Si Estomo, sinabing handa siyang maghain ng kontra sa Laysay sa DOJ.
03:27Patuloy pa namin kinukuha ang panig ni Estomo, pero nauna na niyang itinanggi ang anumang kaugnayan sa pagkawala ng mga sabongero.
03:35Samantala, panibagong set na mga hinihinalang buto ng tao ang naiahon ng Philippine Coast Guard mula sa Taal Lake.
03:42Nasa PNP Crime Lab na mga ito para sa pagsusuri.
03:46Para sa GMA Integrated News, Salima, na Fran, nakatutok, 24 oras.
03:58Tinutulan ng ilang mambabata sa mungkahing gawing state witness, ang mag-asawang diskaya.
04:04May rekomendasyon kaugnay niyan sa Senado, pero hindi nilagdaan ni Sen. President Tito Soto.
04:10Ang paliwanag ng Justice Department sa kung pwede ba yan sa batas sa pagtutok ni Tina Panganiban Pere.
04:20Sa pagdinig ng House Infrastructure Committee kahapon, natanong ang contractor na si Pasifiko Curly Diskaya
04:27sa motibo niya sa pagdadawid sa ilang mambabatas at iba pang opisyal ng gobyerno sa mga umanoy-manumalyang flood control projects.
04:35Baka mamaya may nag-udyok sa iyo na papuntahin sa ganoon ang iyong affidavit
04:42para ikaw ay maingganyo at magkaroon ng rason na i-consider na state witness.
04:49Hindi po your honor. Ang dahilan po ng pag state witness mo ay dahil po sa natatakot po kami,
04:58nilulusog po kami araw-araw ng mga iba't ibang grupo po sa aming bahay.
05:02Ayon kay Senate President Tito Soto, si dating Senate Blue Ribbon Committee Chair Rodante Marcoleta
05:08sumulat kay Justice Secretary Jose Crispin Remulia para i-recommendang gawing state witness
05:14ang mag-asawang diskaya. Pero hindi pinirmahan ni Soto ang rekomendasyon.
05:19Ang unang sinabi ka agad sa akin ni Ping, eh, tell all ba yan?
05:24Mm-mm.
05:25Di ba? Kung tell all yan.
05:26Kasi dapat nga, oo, di ba? Buo.
05:28O, pag-usapan natin. Pero ano sinabi? Eh, puro congressman ang binanggit eh.
05:32Saka meron pang mga nagkay-question doon sa mga binanggit na mga pangalan na tao.
05:37So, paano mong kaya nga, eh, papayag ka agad? Di ba?
05:41So, hindi ko pinirmahan.
05:43Okay.
05:43Hindi ko pinirmahan. Sabi ko, hintayin ko na muna yung susunod mong hearing.
05:47Paiba-iba siya na sinabi eh.
05:48Anong matanggap ko po itong sworn statement na ito ay kaya gada kong nakipag-wagnayan sa ating Department of Justice.
05:55At doon po ay sinabihan ako ng ating kalihim, Boyeng Rimulya, na pakisabi mo kanila na huwag silang mabahala
06:08at nakahanda naman ang ating kagawaran kung sakasakaling sila ay mapatunayang hindi naman most guilty.
06:16Kasi po ang tuntunin sa ating state witness law or protection program,
06:23kailangan po ay mapatibayan natin na ang mga nag-a-apply ay hindi most guilty.
06:28Kahit mga kongresista, kontra.
06:30Napakalabo niyan.
06:49Isang requirement nga yan, should not be the most guilty.
06:53How can he claim that hindi siya most guilty when he is the central figure here, a major player?
07:01Tapos, malabo pa yung kanyang mga sinasabi.
07:03Yung mga opisyal ng DPWH sa Bulacan na si dating District Engineer Henry Alcantara
07:10at mga tauhan niyang sinadating Assistant District Engineer Bryce Hernandez at Engineer JP Mendoza,
07:17pwede kaya maging state witness?
07:19Yung po sa mga batang mga engineers, si Bryce Hernandez at si JP Mendoza,
07:23mga tauhan lang naman po sila ni District Engineer Henry Alcantara.
07:27Tingin ko po, pwede sila mag-qualify dahil sila po yung pwede maging least guilty.
07:32Kasi mga runners lang naman po ito.
07:34Malabo ho talaga yung D. Alcantara.
07:37Si D. Alcantara ho yung primary suspect dito po sa Bulacan corruption scandal.
07:44Sa ilalim ng Republic Act 6981 o ang Witness Protection, Security and Benefit Act,
07:50maaaring maging state witness ang isang taong kasama sa krimen,
07:54pero may mga requisitos para rito.
07:57Dapat ang krimen kung saan gagamitin ang kanyang testimonya ay isang grave felony.
08:02Dapat kailangan-kailangan ang kanyang testimonya sa kaso.
08:06Walang ibang direktang ebidensya para sa maayos na pagdinig sa kaso.
08:11Ang kanyang testimonya ay maaaring mapatunayan,
08:14hindi siya ang pinakagilty at hindi siya nahatulan sa anumang krimen,
08:19sangkot ang labis na kabuktutan.
08:21That is a discussion that's being held here in the Department of Justice.
08:24On the one hand, pwede po sila maging state witness kung hindi nga sila most guilty.
08:30At yung testimony nila is absolutely necessary for the case to stand in court.
08:35Kaso nga lang po, ang lumalabas po sa mga statements nila ay buhang kakonsyaba na nila from the very start.
08:41Yung mga contractor, pati yung mga ibang politicians at before po yan sa implementation ng project.
08:50Kaya kung sa ganun paraan ay magiging co-conspirator sila and in a co-conspiracy or in a conspiracy, the guilt of one is the guilt of all.
08:59Para sa GMA Integrated News, Tina Panganibad Perez, nakatutok 24 oras.
09:06Ililipat sa Pasay City Jail ang isinasangkot sa mga maanumalyang flood control project na si Bryce Hernandez.
09:14Yan po ay matapos ang tensyonadong debate ng mga senador kung saan siya dapat i-detain.
09:20Nakatutok live si Jamie Santos.
09:23Jamie.
09:23Vicky, naging mainit ang debate ng mga senador ngayong hapon kung dapat bang manatini si dating DPWH District Engineer Bryce Hernandez sa kustudiya ng PNP Custodial Center.
09:42Kung pwede po bang huwag nyo na ako ibalik sa Senate, Your Honor, kasi may mga involved pong senador dito.
09:53At hindi ko po alam ang magiging kapalaran ko pag binalik nyo ako dun.
10:00Bunsod ng apelang ito sa PNP Custodial Center muna dinitain ang kamera si dating Bulacan District Engineer na si Bryce Hernandez.
10:08Kasunod yan ang kanyang pagdawit kina Senador Jingoy Estrada at Joel Villanueva sa umano'y kickback sa mga flood control projects sa Bulacan.
10:16Bagay na mariinang itinanggi ng dalawang senador.
10:19Pero inalmahan ito ng mga miyembro ng bagong minorya.
10:23Kabilang si dating Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta.
10:26Dapat daw ibalik sa kustudiya ng Senado si Hernandez.
10:29We are not supposed to change the rule.
10:34I move Mr. President that he be back immediately to the custody of the Senate.
10:39Not only because this is the condition that you gave them, but more importantly in order to erase the perception that if he is here in the Senate, he is not safe.
10:49I will reject the idea that if he returns in the Senate, manganani bambuhay niya.
10:55It is as if that we are giving credence to his statement, which I believe is not true.
11:01Pero sabi ni Soto, hindi naman nawala sa kustudiyan ng Senado si Hernandez.
11:06Napagkasundoan nila ng Kamara na doon ito sa Camp Krami Dalhin at ang Senate Security ang magbabantay.
11:12Speaker Martin Romualdez called me.
11:14I asked the Speaker what he plans because we cannot allow that.
11:20I said he is under our custody and therefore he is in contempt in the Senate.
11:26Pag iniwan namin sa inyo, sabi ko, ibig sabihin niyan para namin pinawalan.
11:31What I did was I asked the Sergeant at Arms to bring Mr. Hernandez to the PNP Custodial Center and that is where he is now.
11:40Still under the care of the OSA.
11:42Pakiramdam na mga taga-minorya, tila ang Kamara na raw ang nasusunod sa usapin.
11:47Dahil dito, nagsuspindi ng sesyon dahil sa mainit na palitan ng opinion.
11:52Ngunit kahit sa pagbabalik ng sesyon, nagpatuloy ang debate.
11:56Ilang beses pang nasuspindi ang sesyon dahil sa tensyon.
12:02Sa huli, nagmosyon si Sen. Estrada na ilipat na si Hernandez sa Pasay City Jail,
12:07na agad namang sinangayuna ni Majority Leader Sen. Meek Zubiri.
12:11Walang tumutol kaya nagdesisyon si Sen. President Tito Soto na agad nang ilipat ng OSA si Engineer Bryce Hernandez sa Pasay City Jail.
12:20Matapos mailipat ang chairmanship ng Sen. Blue Ribbon Committee kay Sen. Panfilo Lacson,
12:25ipinagutos niya ang internal cleansing ng komite.
12:28Ito'y matapos maiugnay ang isang umano'y staff ng Blue Ribbon Committee na kinilala bilang si Ben Ramos
12:33na sangkot umano'y sa anomalya sa flood control projects.
12:36Ayon kay Lacson, kailangang masiguro ang kalinisan ng Blue Ribbon Committee
12:41dahil tungkulin itong imbistigahan ang maling gawain sa pamahalaan at panagutin ang mga tiwali.
12:47Lumabas ang pangalan ni Ben Ramos sa ipinakitang mga mensahe sa Infracom hearing
12:51na ayon kay Hernandez ay staff ni Estrada.
12:54Itinanggiya ni Estrada.
12:56Wala akong staff o consultant na Ben Ramos.
12:59No such person has ever been employed, much less authorized to use my name or act on my behalf.
13:05Sabi rin ni Estrada, mayroon daw Ben Ramos na staff ang Blue Ribbon Committee
13:09na dating girlfriend daw ng isa sa kanyang staff.
13:12Sa gitna naman ng aligasyon ng katiwalian laban sa kanya,
13:16sinagot din ni Estrada ang mga umuungkat sa kanyang nakaraan.
13:19Ako po'y nakipaglaban ng patas sa proseso ng batas at justisya
13:25at naghintay ng matagal na panahon sa pagdating ng hotwall sa mga kasong ito.
13:31Hindi po ako nawala, hindi po ako nagtago, hindi po ako tumakas
13:38o nagbintang ng mga taong walang kinalaman sa mga akusasyon laban sa akin.
13:42At great cost to my family, my freedom, and my political career,
13:50I have acquitted myself of the grave charge of plunder
13:55before the bar of justice and the legal system we are all sworn to uphold.
14:01Vicky, sinabi naman ngayong gabi ni Bicol Saro Partelis Representative
14:12at co-chair ng House Committee ng On Infrastructure Terry Redon
14:16na gravely concerned sila sa desisyong paglilipat kay Hernandez.
14:20Sa tingin ni Redon, mas magiging ligtas si Hernandez
14:23sa kustudiya ng Senado kesa sa Pasay City Jail.
14:26At yan ang latest mula rito sa Senado. Balik sa'yo Vicky.
14:29Maraming salamat sa'yo, Jamie Santos.
14:32Sinagi pang ilang menor ni edad sa Ormocleite,
14:36matapos umanong ibugaw sa dayuhan ng kanila mismong ina.
14:41Arestado ang suspect na pati pala,
14:44sariling kapatid ay inilalako online.
14:47Nakatutok si John Consulta.
14:57Napahagulgul na lang ang mabaing ito.
14:59Nang arestuin siya ng NBI Human Trafficking Division
15:02sa kanyang bahay sa Ormoc City.
15:05Ayon sa NBI, galing sa DOJ,
15:08ang impormasyon kaugnay sa pagkapasa
15:11ng malalaswang litrato at video ng suspect
15:14sa isang US national.
15:15Several child sexual abuse and exploitation materials
15:20are being uploaded sa isang Facebook account
15:23between an American national and a Pilipina based in Ormoc City.
15:30Taon na rin po binibilang yung ating pong first victim.
15:34Actually, umayaw na po siya kasi ano na po siya,
15:3715 years old na po siya ngayon,
15:39pero patuloy pa rin po siyang in-exploit
15:42ng kanyang nanay.
15:44Bukod sa kanyang anak na edad 7, 4 at 3,
15:48inilalako rin na ng suspect
15:49ang kanyang sariling kapatid
15:51na walong taong gulang lamang.
15:53Lahat sila sinagip at in-enover na sa DSWD.
15:58Sinampahan naman ang reklamang paglibag
15:59sa anti-online sexual abuse
16:01or exploitation of children ang babae.
16:04Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng suspect.
16:08Para sa GMA Integrated News,
16:10John Consulta, nakatutok, 24 horas.
16:14Bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan,
16:18pero may nakaambang pagtaas simula Oktubre.
16:21Alamin kumagkano sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
16:27Good news sa Meralco customers
16:29dahil bababa ng mahigit 18 centavos per kilowatt-hour
16:32ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Setiembre.
16:36Bumaba yung conversion rate sa dolyar
16:38na alam naman natin na siyang pinagmumulan
16:41ng operating expenses
16:45ka malaki po'n bahagi niya
16:47na i-dollar denominated dito sa mga power plants.
16:51Maging yung mga power supply agreements po natin
16:53ay nagkaroon din po ng pagbaba.
16:57Katumbas yan ang savings na 37 pesos
16:59para sa karaniwang bahay na kumukonsumo
17:01ng 200 kilowatt-hour kada buwan.
17:04Yun nga lang, may nakaambang pagtaas
17:06sa singil ng kuryente pagsapit ng Oktubre.
17:09Paliwanag ng Meralco,
17:10pinayagan ng Energy Regulatory Commission
17:12ang pansamantalang pag-extend ng kontrata
17:14sa pagitan ng Meralco at First Gas Santa Rita
17:17na magraresulta sa dagdag singil na 32 centavos
17:21per kilowatt-hour simula Oktubre
17:22hanggang Enero sa susunod na taon.
17:25Kung hindi sila makakuha ng kontra-extension
17:27ma-prepare sa sila na mag-reduce ng operations.
17:33Tapos kung mag-reduce daw sila ng operations
17:34dahil wala sa lang kontrata with Meralco
17:37hindi rin makakatakbo yung malampay ng natural gas.
17:41So kung mapatay yung malampay ng natural gas
17:44may hihirapan mag-supply ang First Gas Santa Rita
17:47at First Gas San Lorenzo
17:48dahil ito ay kumukuha ng fuel
17:51wala sa malampaya.
17:54Pero hindi naman daw kabuo ang 32 centavos
17:56ang dagdag singil na mararamdaman ng mga consumer.
18:00Also in October,
18:02meron din tayong inaasahan naman na pagbaba
18:03dahil sa completion of the
18:07recovery of deferred gas supply and purchase agreement charges.
18:13Magkaanuman ang taas singil,
18:15napabuntong hininga na lang si Lola Cathy.
18:17Lalo't sasabay pa raw ito sa Vermont's
18:19kung kailan lumalaki ang gastusin.
18:22Talagang magtitipid.
18:24Ano pong pwedeng pagtitipid po ang gagawin?
18:26Bawa, yung ilaw tapapatay na.
18:29Tapos yung ventilador hindi na masyado.
18:32Yung TV namin, mamaya papatayin ko na yan.
18:36Sabi naman ng Meralco,
18:37makatutulong sa pagbaba ng konsumo sa kuryente
18:40ang lumalamig na panahon.
18:42The bare months started with us having very adequate supply.
18:50The demand has tapered off compared to, of course, the summer months.
18:57So, ibig sabihin,
18:59yung konsumo ng pangkaraniwan at typical na customer ay bumaba din.
19:05Para sa GMA Integrated News,
19:07Bernadette Reyes,
19:08Nakatutok, 24 Oras.
19:12Good evening mga kapuso!
19:15The Beauty Empire cast ended August with a blast
19:18sa kanilang exciting performances sa isang mall sa Cebu.
19:21At muko dyan, may special surprise sa set ang cast
19:24para naman kay Opa star Choi Bongin.
19:27Silipin natin sa report ni Femarie Dumabok
19:30ng GMA Regional TV.
19:35Magkakasunod ang mabibigat na eksena at revelations
19:38sa GMA Prime series na Beauty Empire.
19:41Tulad ng pagkamatay ni Alex
19:43na ginagampana ni Opa star Choi Bongin.
19:47Definitely memorable ang kanyang Beauty Empire taping.
19:51One moment,
19:52intense at seryoso pa sa isang eksena si Bongin
19:55at ng co-actor niyang si Sid Lucero.
19:57Pero habang nakagapos ang Korean actor,
20:01sinarpresa siya ng cake at flowers
20:03ng Beauty Empire team.
20:05Naging emotional si Boomin sa cutie prank.
20:09Maraming memories daw na nabuo si Boomin
20:11na dadalhin niya sa Korea.
20:13Kaya naman,
20:14marami ang hooked sa revenge drama series collab ng GMA,
20:19View, and Creation Studios.
20:22Bagay na kitang kita sa pagbisita ng cast sa Cebu City.
20:26Umaalingangaw ang sigawan at palakpakan ng mga Cebuano.
20:29Nang makita si Nakapuso Primetime Princess,
20:33Barbie Forteza,
20:35Sam Concepcion,
20:37Chai Funashir,
20:38at Aaron Maniego.
20:41Si Barbie,
20:42mainihandang song performance.
20:44Sobrang saya.
20:50Good to be back here in Cebu.
20:51Lahat kami.
20:52We're all very happy for Chai.
20:54This is her homecoming.
20:56Nang harana at nagkipagduwit naman sa fans si Sam.
21:02Grabe.
21:03Ang saya.
21:05Ang saya ng mga tao.
21:06Ang wild nila dito.
21:07Thank you, Cebu.
21:08Grabe.
21:09Nakakilig na makita ko ang mga Cebuanos
21:12na sobrang nagpapakasaya dito.
21:14Actually, lingaw kayo nga.
21:15Nakadumdog sila nga.
21:16Nakadiriko.
21:17Bung nabukoy nga mga nakitaan nga.
21:19Nakahinomdog nga.
21:20Yes.
21:21Nakadiridyo ko.
21:23Mula sa JME Regional TV at JME Integrated News,
21:27Femery Dumabuk.
21:28Nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended