Skip to playerSkip to main content
  • 7 hours ago
Aksyon Laban sa Kahirapan | Mga programa, panukalang batas, at adbokasiya para sa kapakanan ng senior citizens sa Pilipinas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At sa pagpapatuloy po ng Action Laban sa Kahirapan Season 2 ng National Anti-Poverty Commission,
00:05makakasama po natin tuwing Martes, Puebes at Vierna sa Rise and Shine, Pilipinas,
00:10ang iba't ibang kinatawan po ng mga ahensya at lokal na pamahalaan
00:13upang pag-usapan ng mga interventions ng gobyerno sa pagpuksa sa kahirapan.
00:25Sa Season 2 ng Action Laban sa Kahirapan,
00:27tututukan pa rin po natin ang convergence o yung pagsasama-sama ng mga programa at stakeholders
00:32sa patuloy na pagpapaunlad ng mga komunidad at pamayanan.
00:37Makakakwentuhan po natin ngayon dito sa ating programa,
00:40Chairperson, Congressman Milagros Aquino Magsaysay mula sa House Committee on Senior Citizens at United Senior Citizens Party List
00:47upang talakayin po kung ano mga isinusulong na programa at panukalang batas na tumutugon sa pangailangan po ng mga nakatatanda.
00:55Kong Mila, magandang umaga po sa inyo. Welcome po sa Action Laban sa Kahirapan.
01:00Magandang umaga.
01:02Magandang umaga po. Alright.
01:03Ma'am, bilang kinatawan po ng mga senior citizens sa Kongreso,
01:07ano po ang inyong mga isinusulong na programa at panukalang batas na tumutugon sa pangailangan po ng mga nakatatanda?
01:12Unang-una, yung Universal Social Pension.
01:17Para lahat na ng mga nakatatanda ay tatanggap na ng buwan ng pension pag ito'y naisabatat.
01:25Ito ay pangkalahatan na at wala nang pili-pili, wala nang listalista.
01:30Tapos na 60 years old, pataas, mayaman, mahirap, may pension na tinatanggap gaya ng SSSJS, ISP, BOW,
01:39at kung ano pang pension, ay qualified na tumanggap buwan-buwan ng pension pag ito'y naisabatat na.
01:49Ano na po ang estado po ngayon itong Universal Social Pension po ito?
01:54Alin?
01:54Ano na po ang status po nito? Ano na po ang timeline po ating nakikita po, ma'am, for this?
02:00Aprobado na sa Committee of Senior Citizens na akong chairman.
02:05Nandun na sa appropriation at madali na lang na ma-approve ito sa Kongreso dahil na-approve na noong 19th Kongres.
02:14Actually, aprobado na noong 19th Kongres, hindi nag-eleksyonan sa Senado.
02:19So ngayon, wala naman na akong nakikitang problema sa Senado dahil 3 o 4 na mambabatas na Senador
02:29ang nag-file nitong bill na ito.
02:34Well, bahagi rin po ng paglutas po ng kahirapan po dito sa ating bansa,
02:39ang pagpapatupad rin po nitong National Anti-Poverty Commission na matiyak na ang limang batayang karapatan po
02:44na mga mahirap sa pagkain, ganoon rin po sa trabaho, tirahan at kalusugan.
02:50Ano naman po yung mga pangunayang isyo pa pong kinakaharap ng senior citizens o ng mga nakatatanda?
02:55Ukol po dito at paano po ito malulutosan po, ma'am?
02:58Well, meron din yung ano, meron din kami panukalan na i-a-aprobahan na rin at na-aprobahan na rin sa Senado
03:09ay sa Kongreso noong 19th Kongres, hindi lang din inaksyonan, sa Senado ay yung employment opportunity
03:17na yung mga capable pa na bumalik sa trabaho ng mga senior citizen na mga retired na
03:24at gusto pa nilang bumalik sa trabaho.
03:27Pag na-aprobahan na ito, pwede na silang bumalik ulit na magtrabaho sa gobyerno
03:33at sa kasi privado dahil nagbigay kami ng tax incentive na 25% sa privado
03:41na tatanggap ng mga nakatatanda.
03:43Hmm, okay. Pero nakikita ko rin mama no, yung parang mga ilang mga lolo at lola
03:48may mga job opportunities na rin sa kanila especially sa tourism industry, mga nagiging tour guide.
03:56Yes, nagiging tour guide. At marami rin mga establishment na tumatanggap na rin
04:024 hours lang, 4 hours a day at mga greeters lang sa mga malls, yan on, mga greeters lang sila.
04:12Kaya, kaya, yun ay maganda na rin oportunidad para makapaghanap buhay ang mga nakatatanda.
04:22At marami na rin livelihood na binibigay ng gobyerno, kagaya ng Dole, ng DSWD,
04:29para sa ganon ay may mapagkakitaan ang mga nakatatanda.
04:34At yun talagang aking sinusulong, yung may mapagkakitaan sila, yung livelihood,
04:39para hindi lang sila aasa sa ayuda.
04:43Kasi gusto ko, yung ang mga nakatatanda ay may dignidad at may sekuridad.
04:51Kaya, sinusulong ko din itong livelihood program para sa kanila.
04:56Alright, so while we wait for the passage ng itong mga panungkalang batas na inyong isinusulong,
05:02syempre mga karaniwan rin pong issue ng mga nakatatanda,
05:07ay yung pong kanilang mga gamot.
05:08Kasi habang nagkakaedade, may mga sakit na rin pong nararamdaman.
05:13Paano po natin sila natutulungan para itong mga pangailangan nila sa mga gamot,
05:18mga maintenance, ay hindi naman po ganon kabigat sa kanila mga bulsa?
05:21Well, itong mga gamot, meron na rin yung yakap program ng PhilHealth.
05:32Actually, ito yung konsulta na programa ng ating First Lady,
05:37Lisa Raneta Marcos, na konsulta noon na libre check-up at libre laboratories.
05:44Pero ito, pinalawak ng PhilHealth at naging yakap program.
05:50Kay First Lady pa rin ito, yakap program, kasama na ang 20,000 a year worth of namot
05:59na libre na ipibigay ng mga yakap providers or yakap clinics.
06:04Makita naman sa website ng PhilHealth, yung mga yakap clinic,
06:10doon sila magparegister para doon na sila magpa-check-up, magpa-laboratories
06:15at libre gamot for 20,000 a year.
06:19Ito ay ano, sa PhilHealth.
06:23Importante kasi na magparegister sila kung saan sila malapit
06:27para doon na sila regular na ma-check-up, ma-laboratories
06:32at saka yun nga, yung 20,000 worth na gamot.
06:35At ano, yung kasi dahil sa Mandanas ruling,
06:42na-transfer na sa local government ang pagbili ng gamot.
06:47So pwede rin silang humingi sa mga, sa doon sa City Hall o Municipal
06:53at magbibigay naman ng gamot ang mga mayors at kag-governors
06:58kasi yung kondo niyang gamot ay napunta na sa kanina.
07:03Alright. Well, bahagi po ng pag-governor.
07:05Meron din tayong, ano, meron din, meron din programa
07:10ng ating mahal pangulo, Bongbong Marcos,
07:14yung Zero Balance.
07:15Apo.
07:16Na pag ikaw pumasok sa hospital,
07:18pero sa DOH, sa ngayon po, DOH hospital lang.
07:23Ang Zero Balance.
07:25Na kung ikaw'y pumasok, maski anong gawin sa'yo,
07:28operahan o lahat na, pati gamot, libre.
07:32Lalabas ka sa hospital na walang babayaran ni isang kusin.
07:36Alright. Mga panguling katanungan na lamang po,
07:39Kung Mila, bahagi po ng paglutas sa kahirapan
07:41ng konsepto po ng convergence
07:43o yung pagsasama-sama at pagtutulungan po
07:46ng iba't ibang sektor,
07:47kabilang po ang gobyeno at mga basic sectors.
07:50Anong-ano pong mga initiatives ang mayroon tayo
07:52na-involve po itong convergence,
07:55yung pagtutulung-tulungan po ng iba't ibang mga sektor
07:57para po sa ikabubuti ng ating po mga nakatanda?
08:01Lahat naman ako, lahat naman,
08:03sa batas at saka ina-action lang po din
08:06na ang mga nakatanda
08:10ay wala na silang alalahanin sa buhay
08:13dahil sa batas na inihahain namin
08:15ay lahat na ng kanilang pangangailangan
08:20ay bibigay ng gobyerno.
08:22At marami naman po tayong programa
08:25na makakatulong din sa kanila
08:28gaya ng yung IH,
08:31yung IH, malaking tulong yan din
08:33sa mga nangangailangan ng pinansyal.
08:37O at kayong maif,
08:39malaking ayaw na rin doon,
08:41yung medical assistant sa DOH,
08:43malaking tulong yan
08:44sa mga nagkakasakit,
08:47sa mga na-o-hospital.
08:49Kasi makakatulong ito
08:51sa pagbayad ng kanilang mga hospital deals,
08:54yung maif.
08:55Yung IH naman para sa kanilang pinansyal
08:58na pangangailangan
08:59kung wala silang pambililang pagkain
09:01o pagpalibing
09:04o medical din,
09:07ay malaking tulong itong IH.
09:11At marami naman tayong ginagawa
09:16para matulungan talaga
09:18ang mga nakatanda.
09:20Well, maraming salamat po
09:21sa pagbabahagi po ng mga initiatives po ninyo
09:23para po sa ating mga senior citizens.
09:26Thank you very much po
09:27kung mila magsaysay
09:28sa pagsama po sa amin dito sa aming program.
09:30Salamat po, ma'am.
09:31Maraming maraming salamat din
09:33sa oportunidad.
09:34Thank you very much.
09:35Thank you po.
09:35At sa ating mga tagapanood,
09:37maraming salamat po
09:38sa inyong pagsuporta
09:39sa ating programa.
09:40At abangan po ninyo ulit
09:41ang ating susunod na talakayan
09:43at sabay-sabay po tayong umaksyon
09:45laban sa kahirapan.
Comments

Recommended