00:00Umaasa mga negosyante na makatutulong ang chairship ng Pilipinas sa ASEAN para maabot ang target na paglago ng bansa.
00:07May report si Denise Osorio.
00:11Nakikita rin ng business sector ang chairship ng bansa bilang pagkakataon para mas mapalakas ang tourism, trade at investments at may pakita na open for business ang ating bansa.
00:23Ito matapos bigyang diin ni Department of Economy Planning and Development Secretary Arsenio Balisacan na kumpiansa ang Department Budget Coordination Committee sa growth target na 5-6% para sa 2026.
00:36Sangayon naman dito ang Philippine Chamber of Commerce and Industry sa paggamit ng ASEAN chairship bilang panghatak o gamiting rally point ang mga ASEAN-related events para tumaas ang high-value visitors
00:48at magbukas ng mas maraming deals para sa negosyo kasabay ng mas maayos na pagpapatupad ng mga reporma ng economic team.
00:56This ASEAN Tourism Summit can be a jumpstart to put more eyeballs into our tourism.
01:04Kung gaano kaganda ang Pilipinas, we drastically needed to go back to pre-pandemic levels, almost 2 million tourists.
01:11That's at least 2 billion dollars of direct inflow into our economic system.
01:16Kasabay nito, binigyang diin ng Federation Philippine Industries na habang mahalaga ang pag-angat ng services at tourism,
01:23dapat sabay na pinapatibay ang industry, lalo na ang construction, mining at utilities,
01:29dahil kritikal ang mga ito sa job creation, infrastructure at energy stability.
01:34Paalala ni FBI Chairperson Elizabeth Lee sa isang pahayag,
01:38kailangang palawigin ang pinanggagalingan ng paglago ng bansa.
01:41Importante na bilisan ang infra-programs, palakasin ang manufacturing sa innovation at export diversification,
01:50at siguraduhin ang stable at affordable power habang inaalign ang mga reforma sa ASEAN.
01:57Inuugnay ng mga negosyante ang tagumpay ng ASEAN chairship sa kakayanang Pilipinas na maghatid ng matibay na implementasyon.
02:03Anila, kailangan ng mas malinaw na safeguard sa public projects, mas tuloy-tuloy na infra-rollout,
02:11at mas matibay na koordinasyon sa private sector para sa transparency at accountability.
02:16Ito rin ay para sa mas malakas na investor confidence at mas mataas na pagpasok ng turista, trade, at bagong oportunidad sa mga reyon ng bansa.
02:25We are actually optimistic for 2026. The policies that have pushed, especially after this economic team announced big, bold reforms, we want to see the actual implementation.
02:36Tiwala ang mga negosyante sa kasalukuyang lideratura, lalo na't dahil ibinunyag nito ang mga umanong anomalya sa mga partikular na infrastructure projects.
02:45Gaten pa ng PCCI, ang pagiging launchpad ng Pilipinas sa ASEAN 2026 chairship ay posible pa na magpatibay ng ekonomiya ng bansa.
02:54Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments