00:00Patuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
00:03Ayon sa Philippine Statistics Authority,
00:05nagtala ng pagtaas na 5.4% ang Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas
00:11sa unang quarter ng taong 2025.
00:14Mas mataas ito kumpara sa naitalang GDP na 5.3%
00:18noong huling quarter ng nakalipas na taon.
00:21Sa datos ng PSA,
00:22kadilang sa mga sektor na may malaking kontribusyon sa pagtaas ng GDP sa first quarter
00:27ay ang Wholesale and Retail Trade.
00:29Repair of Motor Vehicles and Motorcycles na nagtala ng 6.4%.
00:34Financial and Insurance Activities na may 7.2%.
00:38At Manufacturing na nagtala ng 4.1%.
00:41Lahat ng malaking sektora ay nakapagtala rin sa paglago sa unang quarter ng 2025,
00:47kadilang ang sektor ng Agrikultura, Forestry and Fishing Industry at Services.
00:51Kaugnay nito, sinabi ng Department of Economy, Planning and Development o DEP-DEV
00:56na ang first quarter growth ay nagpwesto sa Pilipinas bilang ikalawa
01:00sa may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya
01:03sa mga kalapit na bansa sa Asia
01:05kung saan nalampasan na ang bansang Indonesia at Malaysia.