00:00Malaking ginhawang dala ng bagong executive order na inilabas ng US noong November 14,
00:09kung saan tinanggal ang 19% reciprocal tariff sa karamihan ng agricultural exports ng Pilipinas.
00:16Kabilang sa mga exempted products ang coconut oil, coconut water,
00:21desiccated coconuts o kinayog na nyog,
00:23pinya, manga, mangosteen, bayabas, saging na fresh at processed,
00:30iba pang dried fruits at fruit juices, tuna fillet,
00:34confectionary goods tulad ng asukal at rice wafer products.
00:39Hindi na rin papatawan ng taripa ang kape, tsaa, kokwa, spices, avokado, oranges, kamatis,
00:47beef o karne ng baka at ilang fertilizer.
00:50Ayon sa DTI at sa Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs,
00:56higit 1 billion US dollars na agricultural exports noong 2024 ang pasok sa exemption,
01:03kung saan mahigit 60% ay coconut at coconut derivatives.
01:08Sa kabuuan, kasamang industrial products,
01:10umaabot sa 46% ng total US imports mula sa Pilipinas,
01:15ang ngayon ang tariff-free na.
01:16The exempted agricultural products amount to over 1 billion dollars,
01:23or 1.03 billion dollars.
01:26So it's a very significant export number.
01:32Ayon pa kay OSA PIA Secretary Frederick Goh,
01:35malaking tulong ito sa ating farmers,
01:37MSMEs,
01:38at exporters dahil napapanatili ang pagiging competitive ng mga produktong Pilipino sa US market.
01:44Dagdag naman ni Department of Trade and Industry Secretary Cristina Roque,
01:49matagal na itong hinihingi ng Pilipinas mula pa noong Hulyo,
01:53at nagpapakita ito ng matibay na trade partnership ng dalawang bansa.
01:57I think definitely this will be a boost to agricultural exports, right?
02:03But I don't think the effects of this are also instant.
02:07I think agriculture by its very nature also needs more gestation,
02:13more planning, more logistical play.
02:16So it's not an instant effect.
02:19But it's still good news.
02:20Mananatiling aktibo ang pamahalaan sa pakikipag-usap sa US
02:25para masiguro ang iba pang sektor gaya ng garments,
02:28travel accessories, at furniture,
02:31habang pinapalakas din ang produksyon sa tulong ng Department of Agriculture.
02:35Iginitirinigo na maging ang semiconductors,
02:38na isa rin sa pinakamalaking exports ng Pilipinas,
02:41ay patuloy pa rin ang isinasagawang negosasyon.
02:45Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.